Matagal-tagal ka na ring nagtatrabaho, ngunit may ideya kaba kung magkano ang pension mo mula sa Social Security System o SSS kung ikaw ay magre-retiro. Isa ang pension mo sa SSS sa mga maari mong pagkukunan ng panggastos sakaling magre-retiro kana.
Laging tandaan na ang halaga ng pension mo ay naka-depende sa ibinayad mong contribution, bilang ng active years mo bilang SSS member at bilang ng mga dependents mo na minor kung mayroon pa sa panahon ng iyong pag-retiro.
Taong 2017 nang inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P1,000 na increase sa SSS pension ng mga retirees, hindi man kalakihan pero malaking bagay na!
Ads
Cash payment na ibibigay ang SSS pension na iyong matatanggap sa panahong hindi kana makakapag-trabaho dahil sa katandaan.
May dalawang paraan upang ma-qualify para sa retirement benefits.
- Ikaw ay SSS member at nasa edad 60-anyos, hindi na nagtatrabaho o tumigil sa pagiging self-employed, nakapag-bayad ng hindi bababa sa 120 mothly contribution bago pa man ang semester ng iyong retirement.
- Ikaw ay SSS member na nasa edad 65-anyos, may-trabaho o wala, at nakapag-bayad ng hindi bababa sa 120 monthly SSS contributions bago pa man ang semester ng iyong retirement.
Ads
Sponsored Links
May tatlong formulas na ginagamit upang ma-compute ang SSS pension, saan man sa tatlo ang magbibigay ng highest amount, yon ang magiging final pension mo.
1. PHP 300 + 20% of average monthly salary credit (AMSC) + 2% of AMSC for each credited year of service (CYS) in excess of ten years + PHP 1,000
2. 40% of the average AMSC + PHP 1,000
3. PHP 1,200 if CYS is somewhere between 10-20 years; PHP 2,400 if CYS is 20 years or more + PHP 1,000
Ngayon, doon tayo mag-focus sa first SSS pension formula, dahil ang formula na ito ang magbibigay sa iyo ng highest possible amount ng pension.
Halimbawa:
Ang senior citizen na si Anna ay kumikita ng P30,000 at nakapag-contribute sa SSS sa loob ng 40 taon. Ayon sa contribution table ng SSS na naging epektibo noong Abril 2019, ang kanyang AMSC ay P20,000.
Ito ang magiging SSS pension computation ni Anna.
Monthly Pension (MP) = PHP 300 + (20% of AMSC) + [2% of AMSC x 30 years (40 years – 10)] + PHP 1,000
MP = PHP 300 + (0.20 x 20,000) + (0.02 x 20,000 x 30) + PHP 1,000
MP = PHP 300 + PHP 4,000 + PHP 12,000 + PHP 1,000
Monthly SSS Pension = PHP 17,300
Ngayon kung hindi kaya ng powers mo ang formula na nasa itaas, mas madaling i-calculate ang SSS pension mo sa pamamagitan ng Online SSS Pension Calculator.
Mas madali at mas mabilis itong paraan sa pag-calculate ng iyong SSS pension. Makikita ang SSS Retirement Benefit Estimator sa website mismo g SSS na sss.gov.ph.
Kailangan lamang na i-enter ang iyong birthdate, buwan at taon na nagsimula kang maghulog sa SSS o kung kailangan ka naging miyembo at ang kasalukuyang buwanang sahod.
Ibigay lamang ang hinihinging captcha code at i-click ang ‘Compute’ button.
Ipapakita ng SSS calculator ang dalawang sets ng monthly pension:
Isa para sa iyong pag-retiro sa edad na 60-anyos at isa naman kung ikaw ay magre-retiro sa edad na 65-anyos. Makikitang mas mataas ang SSS pension kung pipiliin mong mag-retiro sa edad na P65.
Paano mo matatanggap ang iyong SSS Pension?
Kung ikaw ay magreretiro at kukuha na ng pension, ire-require ka ng SSS na mag-bukas ng single savings account at isumite ang kopya g iyong passbook, ATM card, initial deposit slip, bank statement o Visa Cash Card enrollment form.
Babayaran ka ng SSS ng iyong pension sa pamamagitan ng iyong designed bank.
Maaari mong matanggap ang iyong SSS pension sa mga sumusunod na paraan:
- Lifetime Monthly Pension. Magsisimula ang iyong monthly pension pagkatapos mong mag-apply para sa iyong retirement benefit. Kung ikaw ay 60-anyos at nagnanais na mag-trabahong muli, sususpendihin ang iyong monthly payment hanggang sasapit ka ng 65-anyos.
- Lump Sum Payment. Maari mong piliin na tanggapin ang unang 18 buwan ng iyong pension sa discounted rate na idi-determina ng SSS. Magpapatuloy ang iyong monthly pension sa ika-19 na buwan at sa mga susunod na buwan.
Basahin: Paalala ng DOH: 'Wag Pigiling Lumabas ng Ospital ang mga Pasyenteng 'Di Makakabayad ng Bill
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment