Kahit limitado, may biyahe na ang mga eroplano sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas o domestic flights at meron na ring mga international flights sa kabila ng coronavirus disease o Covid-19 pandemic.
Sa ngayon tanging mga essential travels o importanteng biyahe pa rin ang pinapayagan sa bansa at ipinagbabawal pa rin ang non-essential o leisure travels.
Kabilang sa mga pinapayagang makabiyahe ay ang mga stranded individuals, repatriated overseas Filipino workers at mga taong nagtatrabaho sa authorized sectors.
Ads
Kung isa ka sa mga bibyahe ngayong may panahon nga pandemya, dapat alam mo ang mga dokumento o requirements na dapat dalhin upang hindi ma-offload sa eroplano.
Ayon sa Cebu Pacific at Philippine Airlines, may mga pasahero na silang hindi pinahintulutang sumakay ng eroplano dahil sa kakulangan ng mga dokumento na hinihingi ng mga local governments bilang hakbang laban sa Covid-19.
Sinabi naman ni PAL Spokesperson Cielo Villalune, kailangang mag-presenta ng medical certificate at travel pass ang mga pasaherong na-stranded dahil sa lockdown.
Ads
Narito ang ilang dokumentong kinakailangan para sa essential travel:
Locally Stranded Individual (LSI)
- Identification card (ID)
- Travel Authority / Pass mula sa Joint Task Force COVID Shield (JTF-CV) ng Philippine National Police o PNP
Mga requirement sa pagkuha ng Travel Authority o Travel Pass:
- Medical Certificate from DOH-accredited hospital o City or Municipal Health Office
- Barangay Certification na nagpapatunay na walang Covid-19 symptoms sa loob ng 14 na araw ang pasahero bago ang biyahe nito.
Business Traveler (Authorized Person Outside Residence)
- Company ID o
- Anumang official document mula sa kompanya na nagpapaliwanag sa rason ng biyahe nito
Overseas Filipino Worker (OFW)
- Travel Authority / Pass
- Negative RT-PCR result
- Quarantine Certification mula sa DOJ-Bureau of Quarantine
- Proof of Residence
- Valid Passport
Sponsored Links
Mariin naman pina-alalahanan ng mga airlines ang mga pasahero na alamin sa local government unit o LGU na pinagmulan at pupuntahan kung mayroong mga dagdag na requirements o pagbabago.
- Leisure travelers
- Persons below 21 years old
- Persons 60 years old and above
- Pregnant women
Maaring i-check sa mga link sa ibaba ang dagdag na impormasyon ukol sa mga requirements na kinakailangan para sa inyong flights.
Cebu Pacific (Travel Documents Requirement's Tab)
Para sa mga pasahero ng Philippine Airlines o PAL, maaaring i-access ang PAL Passenger Profile and Health Declaration (PPHD) online form sa pamamagitan ng link https://bit.ly/PALDomPPHD
Maaring magpa-rehistro, tatlong araw bago ang biyahe at i-save ang confirmation email na may QR Code na kailangang i-presenta sa pag-check-in kasama na ang iba pang health and travel documents.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment