Suporta sa anak o child support ang isa sa madalas nagpapalala sa away ng mga naghiwalay na na mag-asawa o dating magka-relasyon. Ito'y dahil hindi madali ang mga responsibilidad na naiwan sa isang magulang na solong nagpapalaki sa anak nito. Ano man ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa o dating magka-relasyon, isa lamang ang importante at hindi magbabago — ang mga anak ay dapat sinusuportahan ng kanilang mga magulang, legitimate o illegitimate man ang isang bata.
Ngunit madalas na tanong — magkano ba ang suportang dapat ibibigay ng isang magulang sa anak nito?
Ads
1. Ano ang legal na basehan ng Child Support?
Ayon sa Article 194 ng Family Code, ang Child Support ay sustentong kinakailangan ng isang bata para mabuhay — food, dwelling, clothing, medical expenses, education at transporation. Ngunit ito ay naaayon sa kapasidad ng kanyang pamilya.
Dahil nasa ilalim ng parental authority ang isang bata habang minor de edad ito, obligado ang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak na hindi pa tumuntung sa edad na 18-anyos.
Natatapos ang Child Support sa edad na 18-anyos ngunit kinakailangan pa ring suportahan ng mga magulang ang kanilang anak kahit higit 18-anyos na kung ito ay may kaugnayan sa kanyang pag-aaral.
2. Sino ang obligadong magbibigay ng Child Support?
Regular na financial support para sa pangangailangan ng isang bata ang child support. Itinuturing itong joint obligation ng ina at ama.
Madalas ibinibigay ito ng non-custodial parent o magulang na walang physical custody sa kanyang anak o wala sa poder nito ang kanyang anak.
Kung kapwa naman nagtatrabaho ang mga magulang, nararapat lamang na silang dalawa ang magbibigay ng suporta sa bata lalo na kung ang kostudiya ng bata ay nasa ibang tao, halimbawa kamag-anak.
Ads
Sponsored Links
3. Ano ang non-custodal parent vs. custodial parent?
Sa pangkalahatan, ang child support ay ibinibigay sa custodial parent ng non-custodial parent, ngunit maari din itong ibayad sa ibang tao, halimbawa kamag-anak o guardian na siyang may kostudiya o nagpapalaki sa bata.
Non-custodial parent — Magulang ngunit walang parental authority sa anak.
Custodial parent — Magulang na may parental authority, ibig sabihin may karapatan at responsibilidad na magpalaki sa anak.
Sa kaso ng mga ikinasal, kapwa may kostudiya sa bata ang mga magulang. Sakaling nanganak ang babaeng hindi kasal, siya ang may karapatan sa kostudiya ng anak ngunit maari naman mag-request ng custody ang ama sa korte.
4. Magkano ang Child Support na dapat ibigay ayon sa batas?
Walang fixed rate or percentage ang child support. Ang korte ang magde-desisyon kung magkano ang ibabayad ayon na rin sa pangangailangan ng bata at kapasidad ng magulang.
Ayon sa parameters na itinakda ng Article 201 ng Family Code, naka-proportion sa income ng nagbibigay na magulang ang child support at sa pangangailangan ng bata.
Halimbawa, hindi maaring hingan ng P10,000 a month na child support ang isang ama na kumikita lamang ng minimum wage dahil hindi niya ito kayang ibigay. Sa kabilang banda, hindi naman matatawag na sobra-sobra ng isang top executive ang demand na P10,000 bilang child support kung ito ay sumasahod ng P100,000 a month.
Kung ang pangangailangan ng bata kagaya ng pagkain, pananamit, gamot at iba pa ay hindi lalampas sa P10,000, walang rason upang humingi ng sobra sa nabanggit na halaga.
5. Paano mag-file ng claim para sa Child Support?
Una, kailangang mapatunayan ng custodial parent na ang non-custodial parent ay may relasyon sa bata. Kung may pagdududa, maaring isailalim ang mga ito sa DNA testing.
Kung napatunayan ang relasyon ng dalawa na mag-ama o mag-ina ang mga ito, maari nang humingi ng child support ang custodial parent. Sakaling tumanggi ang non-custodial parent, maari itong kasuhan para sa child support.
May kaakibat na gastos ang pagsasampa ng kaso, ngunit maraming paraan upang hindi makagastos ng malaki. Maaring makahingi ng tulong sa Public Attorney’s Office o Department of Social Welfare and Development.
5. May mga limitations pa ang pag-demand ng child support?
Laging tandaan na ang child support ay naaayon sa financial capacity ng pamilya. Kung ang magulang ay nasa middle class, hindi maaring i-demand ng isang magulang nai-enroll ang kanyang anak sa napaka-mahal na international schools na hindi nila kayang bayaran. Ito ay isang patas at pantay na pagsukat para sa suporta. "One cannot give what he does not have."
Basahin: OWWA, may tig-P10,000 na educational assistance sa mga anak ng mga OFWs na apektado ng COVID-19
6. Paano ang pagbabayad ng Child Support at sino ang karapat-dapat na tumanggap ng pera?
Sa usapin ng child support, madalas na nagbibigay ng allowance o child support ang non-custodial parent sa magulang na nag-aalaga o custodial parent.
Maaari ding alagaan ng non-custodial parent ang anak nito sa kanyang bahay maliban na lamang kung may "moral" reason na hindi ito posible.
7. Paano kung ayaw magbayad ng child support ang non-custodial parent?
Kung hindi magkasundo ang mga magulang, maaring mag-demand ng child support ang custodial parent. Sakaling nagmatigas naman ang non-custodial parent sa pagbabayad ng child support matapos natanggap ang hinihinging demand, maaring isampa sa korte ang kaso.
Ang kaso ay maaring i-file sa Regional Trial Courts na magsisilbi din na Family Courts para sa hearing ng kaso.
Kung sa una pa lang, nagkasundo na sa child support ang mga magulang, wala ng rason upang umabot pa sa korte ang kaso.
8. Ano ang legal liability ng mga magulang na hindi o nagmamatigas sa pagbibigay ng child support?
Kabilang sa mga batas na sumasakop sa child support ay ang Family Code at Anti-Violence Against Women and Their Children Act o Anti-VAWC Law.
Ngunit tanging ang Anti-VAWC Lamang ang naghahayag ng posibleng penalty para sa non-payment ng child support ngunit kung ito ay naghahayag ng "economic abuse"
Isinasaad ng batas na "depriving or threatening to deprive the woman or her children of financial support legally due her or her family, or deliberately providing the woman’s children insufficient financial support can constitute economic abuse" na maaring maparusahan ng hanggang sa anim na taong pagka-bilanggo.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment