Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, November 03, 2020

Kailangan ng Emergency Loan Dahil sa Bagyo o Iba pang Kalamidad? Narito ang 5 Maari Mong Mautangan




Maraming dahilan kung bakit nangungutang ang isang tao. Madalas ito'y dahil kailangang-kailangan niya ng pera bilang pangtustos sa mga pangangailangan nito at ng kanyang pamilya, lalo na kung biktima ito ng kalamidad gaya na lamang ng nagdaang bagyo o iba pang sakuna sa buhay.

Ngunit sa panahon ngayong may pandemya, saan pa nga ba maaaring mangutang kung ikaw ay labis na nangangailangan?

Ayon sa isang financial adviser na si Aneth Ng-Lim sa write up nitong nailathala sa Abs-cbn news, marami pa rin ang pwedeng pagpilian na mahihiraman ng pera. Ngunit pinayuhan ni Lim ang mga nagpa-planong mangutang na timbangin munang mabuti kung ano ang pinka-madaling bayaran para hindi ito pagsisihan sa huli.


Ads


Samantala, narito ang lima na maaaring makatulog sa iyo kung ikaw ay nangangailangan ng emergency loan ngayong panahon.

1. Salary Loan

Kung ikaw ay isang empleyado, option mo ang salary loan kung ito ay inaalok sa inyong kompanya. Dito sa Pilipinas, maraming employer ang nagbibigay ng salary loan sa kani-kanilang mga empleyado. 

Madalas, mas mababa ang interes kung ikukumpara sa pag-utang mula sa mga credit cards o bangko.

Hindi mo rin kailangan ng napakaraming dokumento sa salary loan dahil ang application nito ay maaring i-proseso ng Human Resource Department ng kompanya ninyo. Madali mo ring matatanggap ang loan at madali mo ring mabayaran dahil karamihan, salary deduction ang pagbabayad nito.


2. GSIS, SSS at Pag-IBIG Loan

Napakaraming loan benefit mula sa GSIS, SSS at Pag-IBIG ang maaring pagpilian. 

May consolidated at emergency loan ang GSIS habang ang SSS at Pag-IBIG naman ay may ina-alok na Salary Loan at Calamity Loan sa kanilang mga miyembro.

Bilang miyembro ng nasabing mga institusyon, karapatan mong humiram ng pera sa mga ito lalo na kung maayos ang monthly contribution mo. Ngunit bago pa man mag-apply ng loan sa nasabing mga institution, i-check muna ang kanilang mga interest at payment terms para hindi ka mahirapan sa pagbabayad.


Ads

Sponsored Links



3. Mga Kaibigan at Kamag-Anak

Kung gipit sa pera, maaaring subukan ang panghihiram sa mga kaibigan o kamag-anak. Maghanda ng maayos at totoong paliwanag kung bakit kailangan mangutang. Magkasundo sa interes kung kinakailangan at pag-usapan kung kailan mo mababayaran.

Sa lahat na utang siguruhin ang pagbabayad lalo na sa mga kaibigan at kamag-anak. Hindi maikakaila na maraming relasyon ang nasisira dahil sa mga utang na hindi nabayaran.


4. Bangko at Credit Card

Maraming bangko ang nag-aalok ng personal loan na makakatulong sa panahon ng kagipitan. Kung may credit card ka, maaari ka ring mag-apply ng cash loan sa iyong credit card companies sa pamamagitan ng pag-withdraw mula sa iyong credit card, maliban pa sa cash advance facility nito.

Ngunit doble ingat sa panghihiram sa bangko o credit card dahil mataas ang interes nito at kung hindi mo mababayaran sa takdang panahon, maaaring malubog ka sa interes ng utang mo.

Kung uutang sa bangko o credit card, siguruhing may pambayad ka dahil may mga late charges fee ito, penalties, maliban pa sa interest.


5. Online Credit at Loan Applications

Maraming loan application at online credit na maaaring ma-avail online. Sa ganitong mga online loan application maaaring makahiram ng pera mula P10,000 pataas. Napaka-simple din ng paraan sa pag-apply ngunit mag-ingat sa mga ganitong uri ng loan dahil madalas napakataas ng interes ng mga ito. Marami sa mga ito ang humihingi ng “privacy waivers” at access sa social media account mo. Kapag di ka nakabayad, posibleng hihiyain ka online.

Sa pangungutang ugaliin ang pagbabayad, maging sa mga government financial institution, bangko o sa mga kakilala mo. Kung maganda ang iyong credit history o record sa mga kakilala mo o sa bangko, hindi magdadalawang isip ang mga itong pahiramin ka ng pera sa panahong nangangailangan ka.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: