Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Saturday, November 06, 2021

SSS may condonation sa mga 'di nakapag-bayad ng short term loan, housing loan at contribution





MANILA, Philippines — INILUNSAD ng Social Security System o SSS ang isang programa na makatutulong sa mga miyembro nito at employers na apektado ng Covid-19 pandemic. Layunin ng programa na mabayaran ang mga hindi nabayarang contibutions, deliquencies at mga loans na walang penalty.

Inilunsad ng SSS ang Pandemic Relief and Restructuring Programs o PRRP matapos na-obserbahang bumaba ang mga nagbayad simula noong 2020 dahil sa pandemya.

Ayon kay SSS President & CEO Aurora Ignacio, bumaba ng 8.8 percent ang member-housing loan payment collection mula Enero hanggang Disyembre 2020. Nasa P244.36 billion lamang umano ang na-kolekta noong 2020 na mas mababa sa P267.97 billion sa kaparehong period noong 2019.

Bago pa man umano ang 2020, nagkaroon na ng matatag na pagtaas sa koleksyon ng SSS.
Kinumperma din ni Ignacio na bumaba din ang bilang ng mga miyembrong nagbabayad ng kontribusyon simula Enero hanggang Disyembre 222 sa 8.3 percent o P16.8 million mula sa P17.64 million noong 2019.

Ads


May apat na programa sa ilalim ng PRRP. Dalawa sa mga ito ay para sa mga employer: 
  • Ang Social Security Contribution Penalty Condonation Program (PRRP2), kung saan maaaring bayaran ng mga kwalipikadong employers ang kanilang overdue na SS contribution na walang penalties. Maari itong bayaran ng buo o installment mula apat hanggang 24 buwan.

  • Ang Enhanced Installment Payment Program (PPRP3) kung saan pinapayagan ang mga kwalipikadong employers na bayaran ang kanilang past due SS at employers compensation contribution ng installment sa loob ng siyam hanggang 60 buwan.
Ang nasabing mga programa ay kapwa magsisimula ngayong Nobyembre 2021.

Upang maging kwalipikado sa nabanggit na mga programa, kailangang magpakita ng patunay ang isang employers na apektado ng Covid-19 pandemic ang negosyo nito.


Ads

Sponsored Links



Samantala, may dalawang programa din para sa mga individual members.
  • Ang Housing Loan Restructuring and Penalty Condonation Program (PRRP4) kung saan pinapayagan ang mga kwalipikadong SSS housing loan borrowers, successors-in- interest at legal heirs na bayaran ang outstanding principal, interest, insurance dues at legal expenses ng kanilang housing loan ng buo sa loob ng 90 araw o bayaran ito ng installments.

  • Ang Short Term Member Loan Penalty Condonation Program (PRRP5),  “all due and demandable arrears composed of outstanding principal and interest of a member- borrower’s past-due salary, calamity and/ or emergency loans as well as loans under the salary loan early renewal program and restructured loans under the Loan Restructuring Program will be consolidated”.
Magsisimula naman ang programa para sa mga PRRP4 borrowers sa Nobyembre 22 at magtatapos sa Pebrero 21, 2022.

“Mahalaga na ma-avail ng mga members ang program na ito, unang una para sa loan deliquencies natin. Definitely kung di natin ma avail at di natin ma-settle ang loan deliquencies na iyan, it will continue to incur penalities. So grab this opportunity,” pahayag ni SSS Spokesperson Fernan Nicolas.

Ayon sa SSS, may mahigit sa 700,000 deliquent employers na may P55 billion na payables.
“Twenty percent of this ay penalties to be condoned, so medyo malaki rin yun pero itong amount na ito it really depends if they are qualified,” pahayag ni SSS Senior Vice President Mario Sibucao.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: