MANILA, Philippines — HINDI maikakaila na maraming mga senior citizens ang umaasa sa pagdating ng kanilang buwanang pension mula sa Social Security System o SSS.
Mabilis ang pagdating ng iyong SSS pension kung rehistrado na sa Disbursement Account Enrollment Module o DAEM ang account mo. Ibig sabihin, tumatanggap ka ng pension sa pamamagitan ng mga ATMs o disbursement account na sakop ng mga PESONet banks.
Una nang pinalawig ng SSS hanggang Setyembre 30 ang deadline para sa mga pensioners na lumipat sa mga PESONet banks para sa kanilang tinatanggap na pension.
Ngunit hindi maikakaila na hanggang sa ngayon, may mga tumatanggap pa rin ng pension sa pamamagitan ng tseke.
Ads
Dahil dito, naglabas ngayon ang SSS ng mahalagang anunsyo para sa mga SSS pensioners na tumatanggap ng benepisyo sa pamamagitan ng tseke.
Ayon sa SSS, dahil sa hindi inaasahang kakulangan sa supply ng pension checks na naging dahilan ng pagka-antala ng pagpapadala nito sa mga pensiyonado, ang buwanang pension para sa buwan ng Hulyo at Agosto 2021 ay matatangap sa loob ng dalawang linggo ng Agosto.
Ibig sabihin matatanggap ito ng mga pensioners simula Agosto 1 hanggang 15.
Ads
Sponsored Links
Pinasiguro naman ng SSS na pinoproseso na ang pagbili ng supply ng pension checks at nakipag-uganayan na rin ang SSS sa Philippine Postal Corporation o PPC para mabilis ang pagpapadala nito sa 13, 393 na mga apektadong pensioners sa buong bansa.
Ang schedule ng pagpapadala sa PPC at pagtanggap ng mga tseke ng mga pensionado ay base sa sumusunod:
Sa mga nasa Metro Manila, matatanggap ang tseke sa loob ng limang working days o mula Agosto 2-6, 2021.
Sa mga taga Luzon, ang tseke naman ay matatanggap sa loob ng pitong working days o mula Agosto 2 hanggang 10, 2021.
Para naman sa mga taga Visayas at Mindanao ang kanilang tseke ay matatanggap sa loob ng 10 working days o simula Agosto 2 hanggang 13, 2021.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment