MANILA, Philippines — KINUMPERMA ngayon ng Land Transportation Office o LTO na magsisimula na sa Oktubre ang pamamahagi ng ahensiya ng mga driver's license na may 10 taong validity.
Ngunit nilinaw ng LTO na hindi ito para sa lahat ngunit para lamang sa mga motoristang walang anumang traffic violation o walang nagawang paglabag sa batas-trapiko sa loob ng limang taong period ng kanilang driver's license.
Ibibigay ang nasabing driver's license sa motoristang magre-renew ng kanilang lisensiya simula sa buwan ng Oktubre ngayong taon.
Hindi naman kasama sa makakatanggap nito ang mga student drivers licensee dahil nakasaad sa batas na ang 10 years validity ng driver's license ay para lamang sa driver na nagkaroon ng lisensiya na may 5-year validity.
Ads
Nilinaw naman ni LTO Chief Edgar Galvante na ang 10-year validity ay hindi automatic na ibibigay sa isang driver dahil titingnan nilang mabuti kung malinis ang record para mabigyan ito ng driver's license na valid sa loob ng 10 taon.
“Not all license holders are entitled to this privilege. For those who have clean records, you may enjoy not coming back for renewal not only for five years, but ten years. That is if you are not delinquent,” pahayag ni Galvante.
Ang 10 year validity ng driver's license ay base sa inaprobahang Republic Act 10930 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.
Pinasiguro naman ni Galvante na license card at hindi papel ang makukuha ng isang motorista sakaling mag-aapply at mabibigyan ito ng nabanggit na driver's license.
Ads
Sponsored Links
Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation's Address o SONA na pabor ito sa pagpapalawig ng validity ng driver's license hanggang 10 taon “if there is no traffic violation.”
Ngunit importante umanong sumailalim sa medical assessment kada limang taon ang may hawak nito upang masiguro na maganda pa ang paningin at pandinig nito.
“Ten years is too long. I like it, it’s good, but we should [have an] assessment in five years. You should go there for a medical makeover, tingnan lang kung kaya pa (see if you’re still capable of driving),” dagdag ng pangulo.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment