MANILA, Philippines — HINDI pa nagagamit ang nasa P18 billion na pondo para sa Covid-19 response ng Pilipinas sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2. Ang masaklap, nakatakdang mag-expire ang nabanggit na pondo sa katapusan ng buwan. Ito ang kinumperma ng palasyo ng Malacañang.
Ayon kay Malacañang Spokesman Harry Roque, umaabot sa P123.2 billion o 87.01% ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 ang nagamit.
"Tama po na mayroon pa tayong P18.4 billion or 13 percent na hindi pa nao-obligate," pahayag ni Roque sa isang press briefing. Hindi naman nito nilinaw kung bakit hindi nagamit ang natitirang pondo.
Una rito, isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda ang "special session" habang naka-recess ang Kongreso upang mapalawig ang validity ng Bayanihan 2.
Babala nito na kung matatapos na ang legislative funding sa Hunyo 30, matatapos na rin ang budget para sa Covid-19 contact tracers na kinuha sa ilalim ng Bayanihan 2.
Ayon naman kay Roque na tatanungin niya si Pangulong Rodrigo Duterte kung magpapatawag ito ng special session o hindi.
"We respect po the wisdom of Congress dahil sila naman po talaga ang nagbibigay ng polisiya" saad ni Roque.
Ads
Sponsored Links
Una rito, nag-recess na ang Kongreso noong Hunyo 5 at babalik ang session sa Hulyo 26 kasabay ng ika-anim na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.
Sa Senado naman, hindi umano prioridad ang pagpasa ng Bayanihan 3.
Ayon kay Senate President Vicente "Tito" Sotto III na nais nilang unahin ang pagtalakay sa extention ng Bayanihan 2.
Sa ngayon, pending pa sa committee level ang kanilang bersiyon ng panukalang batas na may layuning palawigin ang validity ng Bayanihan 2. Tatalakayin umano nila ito sa pagbabalik ng session sa Hulyo 26.
MANILA, Philippines — SA mga expatriate workers na nagtatrabaho sa Saudi Arabia at na-stranded o hindi naka-uwi sa kani-kanilang mga bansa dahil sa coronavirus disease o Covid-19, ipina-aalam ngayon ng Saudi Arabia na pinalawig hanggang Hulyo 31 ang visa ng mga expatriate workers na stranded sa nabanggit na bansa.
Ayon sa Saudi Press Agency o SPA, automatic na ire-renew ng Saudi Arabia ang validity ng mga residence permits o Iqama, exit and re-entry visas ng mga expats na na-stranded sa nabanggit na bansa hanggang Hulyo 31 ngayong taon.
Sinabi pa ng SPA na sinimulan na ng General Directorate of Passports ang pag-renew ng nabanggit na mga visa na libre o walang anumang babayaran ang sinomang visa holders.
Ads
Ngunit nilinaw ng ahensiya na para lamang sa mga expatriates mula sa 20 bansa ang nabanggit na residence visa extentions. Pebrero 2 nitong taon nang maglabas ng anunsyo ang Saudi Arabia kung saan pansamantalang ipinagbawal nito ang pagpasok ng mga citizens o mga tao mula sa 20 mga bansa dahil sa tumataas na kaso ng Covid-19.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod;
UAE
Germany
USA
UK
South Africa
France
Egypt
Lebanon
India
Pakistan
Argentina
Brazil
Indonesia
Ireland
Italy
Japan
Portugal
Sweden
Swiss Confederation
Turkey
Hindi naman kasali sa listahan ang Pilipinas.
Maliban dito, extended din hanggang Hulyo 31 ang validity ng mga visit visas ng mga bisita mula sa nabanggit na mga bansa na na-stranded sa Saudi Arabia.
Ads
The General Directorate of Passports begins to extend the validity of Iqama for expatriates who are outside the Kingdom and extend the validity of visit, exit and re-entry visas electronically without fees or charges until 31/7/2021 in the countries from which entry is suspended. pic.twitter.com/gmpjDpWbkC
MANILA, Philippines — PARA mahikayat ang mga economic frontliners o mga manggagawang nasa ilalim ng A4 category na magpabakuna kontra coronavirus disease o Covid-19, may inaalok ngayon ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga naka-kompleto na ng kanilang bakuna.
Ayon sa DOLE sa pamamagitan ng Bureau of Workers with Special Concerns o BWSC ang nasabing programa, kung saan mamimigay sila ng libreng bisiklita sa mga nabakunahan na ng dalawang dose o naka-kompleto na ng kanilang Covid-19 vaccination.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na noong nakaraang taon pa inilunsad ang programang Free Bisikleta o FreeBis at ngayong taon, muli umano nilang inilunsad ang BakSikleta, upang mahikayat ang mga tao lalo na ang mga manggagawa na magpabakuna.
Ads
Sinabi ni Bello na hindi lamang bisiklita ang matatanggap ng mga manggagawa ngunit may kasama pa itong cellphone na may P5,000 na halaga ng load.
“Magstart itong incentives na ito sa July 1 para maengganyo ang ating mga workers na magpabakuna na,” sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
“Those workers under the A4 category, who have fully received the vaccines will be given a free bicycle, which the beneficiary can use to start his/her business. It also comes with a cellphone with PHP5,000 worth of load. That is your reward if you show us that you already received two doses of the vaccine starting July 1,” pahayag ni Bello.
“Pero, its not for him, hindi para sa kanya kasi ang programa na yan para sa mga informal sector. Ang mangyayari dyan kung ikaw ay worker, nabakunahan ka na, punta ka sa amin, you will tell us kung kanino namin ibibigay sa mga informal workers, let’s say meron kang kamag-anak na nagtitinda sa palengke, yun ang magiging benepisyaryo,” paliwanag niya.
Malaking tulong na umano ito sa mga nagnanais magsimula ng kanilang negosyo.
Ads
Sponsored Links
Sinabi ni Bello na initial na 2,000 bicycles ang ipamimigay kung saan 1,000 dito ay ipamamahagi sa National Capital Region o NCR habang ang dagdag na 1,000 ay ipapadala sa kanilang mga regional offices sa buong bansa.
Sa mga gustong makibahagi sa programa, maaaring makipag-ugnayan lamang sa DOLE Hotline na 1349 o sa social media account ng BWSC.
Ngayong buwan ng Hunyo sinimulan na ng gobyerno ang pamamakuna sa mga nasa A4 priority list.
Layunin ng FreeBis project ng DOLE na maibsan ang epekto ng pandemya sa pangkabuhayan ng mga manggagawa.
Ang mga ipamimigay na bisiklita ay may kasamang helmet, raincoat, water bottle, thermal bag habang ang android mobile phone ay may kasamang P5,000 na loan sa electronic payment application.
MANILA, Philippines — DAGDAG na 219 registration centers sa 21 probinsiya sa buong Pilipinas ang binuksan ng Philippine Statistics Authority o PSA para sa step 2 registration para sa Philippine Identification System o PhilSys.
Ayon sa PSA, “As of June 12, 2021, a total of 235 registration centers are open to serve Filipinos nationwide.”
Una rito, 16 na online registration centers ang binuksan sa 13 probinsiya noong Mayo 24.
“We are glad to announce the opening of online appointment booking for these additional registration centers to accommodate more Filipinos who want to register to PhilSys,” ang naging pahayag ni Assistant Secretary Rosalinda P. Bautista, Deputy National Statistician ng PhilSys Registry Office ng PSA.
Sinabi ni Bautista sa mga susunod na linggo, target ng PSA na madagdagan pa ang mga lugar para sa online appointment booking.
Narito ang listahan ng mga probinsiya, syudad at mga bayan na bukas na para sa online booking appointment as of June 12, 2021:
Region I
Ilocos Sur
City of Candon
City of Vigan
La Union
Agoo
Bauang
Rosario
San Juan
Santo Tomas
City of San Fernando
Pangasinan
Asingan
Balungao
Bautista
Bayambang
Binalonan
Binmaley
Bolinao
Bugallon
Calasiao
City of Alaminos
City of Dagupan
City of San Carlos
City of Urdaneta
Infanta
Labrador
Laoac
Malasiqui
Manaoag
Mangaldan
Mangatarem
Natividad
Pozorrubio
Rosales
San Fabian
San Jacinto
San Manuel
San Nicolas
Santa Barbara
Santa Maria
Sison
Tayug
Umingan
Urbiztondo
Lingayen
Region II
Isabela
Alicia
Cabagan
City of Cauayan
City of Ilagan
Ramon
Roxas
San Mariano
San Mateo
Tumauini
Echague
Region III
Bataan
Bagac
Dinalupihan
Hermosa
Limay
Mariveles
Orani
Orion
Pilar
Samal
Nueva Ecija
Aliaga
Cabiao
Bongabon
City of Cabanatuan
City of Gapan
Cuyapo
General Tinio
Guimba
Jaen
Laur
Llanera
Lupao
Rizal
San Antonio
San Isidro
San Jose City
Santa Rosa
Santo Domingo
Zaragoza
Science City of Muñoz
Pampanga
Apalit
Arayat
Bacolor
Candaba
Floridablanca
Guagua
Lubao
Macabebe
Magalang
Masantol
Mexico
Minalin
Porac
San Luis
San Simon
Santa Ana
Santa Rita
Santo Tomas
Sasmuan
Tarlac
Anao
Bamban
Camiling
Capas
Concepcion
Gerona
La Paz
Mayantoc
Moncada
Paniqui
Pura
Ramos
San Clemente
San Jose
San Manuel
Santa Ignacia
Victoria
Zambales
Cabangan
Candelaria
Castillejos
Iba
Masinloc
Palauig
San Antonio
San Felipe
San Marcelino
San Narciso
Santa Cruz
Region IV-A
Candelaria
Dolores
Guinayangan
Gumaca
Mauban
Sariaya
Tayabas
Region V
Albay
Bacacay
Camalig
City of Legazpi
City of Ligao
City of Tabaco
Guinobatan
Pio Duran
Polangui
Rapu-Rapu
Tiwi
Camarines Sur
Baao
Balatan
Bato
Bombon
Buhi
Bula
Cabusao
Camaligan
Caramoan
City of Iriga
Garchitorena
Goa
Lagonoy
Libmanan
Lupi
Magarao
Milaor
Minalabac
Nabua
Ocampo
Pamplona
Pasacao
Pili
Presentacion
Ragay
Sagñay
San Fernando
San Jose
Sipocot
Siruma
Tigaon
Tinambac
City of Naga
Masbate
City of Masbate
Region IV
Antique
San Jose
Capiz
City of Roxas
Iloilo
Pavia
Negros Occidental
Enrique B. Magalona
Region VII
Bohol
Anda
Batuan
Guindulman
Talibon
Tubigon
Ubay
Jagna
Cebu
Argao
Asturias
Balamban
Borbon
Carmen
Catmon
City of Bogo
City of Carcar
City of Cebu
City of Lapu-Lapu
City of Mandaue
City of Naga
City of Talisay
City of Toledo
Compostela
Consolacion
Cordova
Danao
Dumanjug
Liloan
Madridejos
Minglanilla
San Fernando
San Remigio
Sante Fe
Sibonga
Sogod
Tabogon
Tuburan
Bantayan
Negros Oriental
Guihulngan
Bais
Tanjay
Bayawan
City of Dumaguete
Region VIII
Leyte
City of Baybay
Ang mga online registrant sa nabanggit na mga lugar ay maaaring nang bumisita sa register.philsys.gov.ph upang magpa-rehistro at mag-book ng appointment schedules para sa kanilang Step 2 Registration.
Sa pamamagitan ng pagbook sa PhilSys registration site, maaari nang i-schedule ng mga residente mula sa nabanggit na mga lugar ang kanilang pagbisita sa napiling registration center para sa Step 2 Registration na kinabibilangan ng pagkuha ng biometric information at validation ng demographic data.
Bahagi ng istratehiya ng PSA ang online booking upang masiguro na maging kontrolado ang bilang ng mga registrant na bibisita sa mga registration center basi na rin sa pag-sunod sa health at safety standard ng Department of Health and Inter-Agency Task Force.
Ina-anyayahan naman ang mga registrants na sundin ang kanilang napiling schedule upang maiwasan ang problema sa registration.
Target ng PSA na marehistro ang 50 hanggang 70 million Filipinos bago matapos ang taon at karamihan sa adult population sa kalagitnaan ng 2022.
Paglilinaw pa ng PSA na libre ang registration sa PhilSys at libre din ang delivery ng Phil ID sa mga successful registrants.
MANILA, Philippines — LUMAGDA na sa isang Memorandum of Agreement o MOA ang Land Transportation Office o LTO at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa partnership ng dalawang ahensiya sa pagpapalakas ng kaalaman ng mga drivers sa buong bansa.
Napapaloob sa nabanggit na MOA ang iisang standard sa mga driving schools at hindi magastos na training courses sa mga drivers upang mapataas pa ang kanilang competency sa pagmamaneho.
"We have partnered with TESDA because we want to tap their expertise to ensure the quality of driver’s training being given by driving schools, the LTO and TESDA," ang naging pahayag ni LTO Assistant Secretary Edgar C. Galvante.
Ads
Sinabi pa ng LTO chief na dahil dito, mag-aalok ng TESDA ng mas marami at libreng driving courses sa publiko.
"Sa partnership na ito, mas marami na ang ma-ooffer ng gobyerno na libreng driving courses para sa mga interesadong mag-avail ng driver’s training. Ito po ang sagot ng ating mga pamahalaan sa hiling ng publiko para sa dekalidad at murang training program para sa mga drivers," dagdag pa ni Galvante.
Ayon naman kay TESDA Director General Isidro Lapeña na bibigyan ng kapangyarihan ng nabanggit na MOA ang TESDA at mga training centers nito na mag-alok ng Theoretical Driving Course at Practical Driving Course na kahalintulad ng mga kinukuha sa mga LTO Driver’s Education Centers.
Nilinaw nito na katumbas din ng inaalok na theoretical at practical driving course ng LTO ang TESDA Driving National Certificates courses.
"Sa ating data from PSA, isa sa mga pangangailangan sa labor market ay mga qualified drivers. As we transition to the new normal, kailangan ng mga drivers, ito ang constant na pangangailangan ng mga industries. And, we have regional offices who can reach out to those in need of the training. Libre po ito,' pahayag ni Secretary Lapeña.
Ads
Sponsored Links
Sa pamamagitan umano ng libreng theoretical at practical driving courses na iaalok ng TESDA, magkakaroon ng National Certification o NC ang mga makakatapos sa kursong driving na maaaring i-presenta sa LTO sa pagkuha ng driver's license.
“Sa partnership na ito, mas marami na ang ma-o-offer ng gobyerno na libreng driving courses para sa mga interesadong mag-avail ng driver’s training. Ito po ang sagot ng ating mga pamahalaan sa hiling ng publiko para sa dekalidad at murang training program para sa mga drivers.”
Sa pamamagitan din ng nabanggit na MOA, magkakaroon ng mas maraming option ang publiko sa pag-apply ng drive's license na hindi na magbabayad pa para sa practical at theoretical driving courses sa mga private driving schools o institutions.
Matatandaan na sa ilalim ng Memorandum Circular 2019-2176 na ipinatupad ng LTO, requirement na sa mga kukuha ng drive's license na sumailalim sa 15-hour na theoritical driving course sa ilalim ng certified instructor.
Ang nasabing kurso ay hinati sa tatlo at sakop nito ang lahat, mula sa traffic regulations hanggang sa LTO mandated special laws.
MANILA, Philippines — INANUNSYO na ng Department of Foreign Affairs o DFA na simula Hunyo 7, 2021, maaari nang gamitin sa pagkuha ng passport at iba pang consular service-related transactions ang Philippine Identification o PhilID card.
Ayon sa DFA, isang valid at government issued ID ang PhilID na maaaring i-presenta sa pagkuha ng passport at iba pang serbisyo sa DFA.
Maliban sa PhilID, maaari ding mag-presenta ng isa sa mga sumusunod bilang valid ID ang mga kukuha ng passport sa nabanggit na ahensiya.
Social Security System (SSS) / Government Service Insurance System (GSIS) Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card
Land Transportation Office (LTO) Driver’s License. Student Permit may be accepted if in card format
Professional Regulatory Commission (PRC) ID
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) / Integrated Department of Labor and Employment (iDOLE) card
Commission on Elections (COMELEC) Voter's ID or Voter's Certification from the Election Officer with Dry Seal
Philippine National Police (PNP) Firearms License
Senior Citizen ID
Airman License (issued August 2016 onwards)
Philippine Postal ID (issued November 2016 onwards)
School ID (if applicable)
Current Valid ePassport (For Renewal of ePassport)
For applicants based overseas, they may use their host government issued IDs showing their Philippine citizenship. (Example: Residence Card)
Samantala, nakatakda namang buksan ng Philippine Statistics Authority o PSA ang mall-based registration para sa Philippine Identification System o PhilSys.
Ayon sa PSA, partner na ng mga ito ang Robinsons Corporation para sa ikalawang bahagi ng PhilSys registration process sa mga malls.
Dahil dito, magbubukas ang PSA ng PhilSys registration centers sa Robinsons mall branches sa buong bansa.
Sinabi naman ni PSA Undersecretary Dennis Mapa na mapapalawak ng kanilang partnership ang rehistration kung saan mas maraming Filipino ang maaabot ng PhilSys.
"This is a big opportunity for our kababayans to have a valid proof of identity that they can use in their daily lives and later, to enroll them in banking services,”
“We appreciate the efforts of Robinsons to partner with us. We want our registration to be a very good experience for our registrants, and malls are a convenient and safe place for it," pahayag ni Mapa.
Ads
Sponsored Links
Target ng gobyerno na ma-rehistro ang 50 hanggang 70 million Filipinos ngayong taon.
Saan ba maaaring gamitin ang Phil ID?
Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, ang PSA ay maaaring gamitin sa mga sumusunod:
Para sa government transactions, maaari itong gamitin sa pag-apply para sa social and welfare benefits gaya na lamang ng mga inaalok ng GSIS, SSS, PhilHealht, HDMF o Pag-IBIG Fund at iba pang government agencies.
Maaari din itong gamitin sa pag-a-apply ng passport at drive'rs license application, at tax-related transactions.
Maaari din itong i-presenta bilang proof of identity para sa pagpa-admit sa ospital o sa alinmang government hospital, health center at iba pang related institutions.
Para sa private transactions, ang Phil ID ay maaaring gamitin para sa bank transactions gaya ng pagbubukas ng account sa bangko.
SA buong Pilipinas, mahigit sa 2.5 million na ang bilang ng mga pensioners ng Social Security System o SSS. Marami sa mga ito ang nai-enjoy sa kanilang buwanang pension matapos ang ilang taong pagtatrabaho. Ngunit maraming mga pensioners din ang nahihirapan at napipilitang magsanla ng kanilang mga ATM cards sa mga private lending companies para sa pang araw-araw na gastusin gaya ng medical needs.
Sa nabanggit na sitwasyon, masasabing hindi nai-enjoy ng mga pensioners ang kanilang hard-earned savings sa SSS dahil nakatali na ang kanilang pension sa mga lending entity at tumatagal ng ilang taon bago pa man mabayaran ang kanilang mga utang.
Sa mga pensioners ng SSS, alam niyo na ba ang tungkol sa Pension Loan Program o PLP ng ahensiya? Taong 2018 sinimulan ng SSS ang pag-aalok ng PLP na may layuning matulungan ang mga retiree pensioners sa kanilang agarang pangangailangang-pinansyal kung saan makakahiram ang mga ito sa mas mababang interes.
Sagot din ito ng SSS sa panawagan ng mga senior citizen sa bansa na tapusin na ang gawaing pagsasanla ng ATM cards bilang collateral para sa mga short-term loans.
Sino naman ang hindi kwalipikado sa Pension Loan Program?
Hindi naman kwalipikado sa Pension Loan Program ang mga retiree-pensioners sa ilalim ng Portability Law o mga retiree na hindi umabot sa required number of years na itinakda ng batas ngunit maaari pa ring maka-avail ng ibang retirement benefits
Hindi rin pasok sa Pension Loan Program ang mga nasa pangangalaga o kostudiya ng isang guardian.
Ads
Sponsored Links
Magkano ang loanable amount sa Pension Loan Program?
Ang loanable amount ng retiree pensioner ay base sa basic monthly pension o BMP nito, maliban pa sa P1,000 bilang additional benefit.
Sa ngayon ang maximum loanable amount ay P200,000 na may interest rate na 10% per annum.
Paano mag-file o mag-apply para sa Pension Loan Program?
Dahil mandatory na ang registration sa lahat na mga SSS members at pensioners, kailangan din ng mga itong magpa-rehistro at magkaroon ng account sa My.SSS Portal upang makapag-file para sa Pension Loan Program o PLP online sakaling maging available na rin ang PESONet Payment Facility para sa pension loans.
Maaari bang mag-file online ng Pension Loan Program?
Sa ngayon, renewal pa lamang ng pension loan ang maaaring gawin online. Kailangan din ng isang retiree ng current at aktibong mobile number at isa sa mga sumusunod:
Valid SSS UMID-ATM enabled ID card
Valid Union Bank of the Philippines Quick Card na may savings account number na naka-rehistro sa SSS
Valid Pension Savings Account Number na naka-rehistro sa SSS sakaling maging available na ang PESONet Payment Facility
Para makapag-apply, kailangan ng retiree-pensioner na mag-log in sa kanyang My.SSS account at i-click lamang ang “Pension Loan Application” sa ilalim ng E-Services tab. Kailangan din na sumang-ayon ng retiree-pensioner sa mga terms and condition ng programa upang maipagpatuloy nito ang application. May mga iba pang importanteng impormasyon na kailangan punan at i-click lamang ang “Proceed.” Ang isang retiree-pensioner ay makakatanggap ng email confirmation ng kanyang pension loan application.
Ina-anyayahan din ang retiree-pensioner na i-download at i-print out ag PDF copy ng Disclosure Statement.
Ilang araw ang proseso para matanggap ang loan proceeds?
Ang loan proceeds ay ibibigay sa pamamagitan ng e-disbursement process at ihuhulog sa naka-enroll na savings account ng retiree-pensioner.
Sa mga first-time applicants at retiree-pensioners na gustong mag-apply over-the-counter sa mga SSS branches, dapat lamang sundin ang Branch Number Coding Scheme na ipinapatupad ng SSS o mag-schedule ng appointment online sa pamamagitan ng My.SSS Member Portal.
Before building your dream home, one of the most important steps is knowing what kind of house design you are going to build. Naturally, this step depends on the skill of your architect. But if you want to look and do some research and considerations, here are eight beautiful house plans created by Sun Designs.
House Design No. 1 — This particular design model is considered to be small, simple, and modern. If you like a small house that has just about everything you need such as a lovely terrace, living room and enough space in general, then this house is worth considering. This hipped-roof house is designed to have three bedrooms and two bathrooms. The total usable area is 115 SQM while the estimated construction budget is $38,000.
Ads
House Design No. 2 — The tone and materials being used in this house make it appear bright and clean. The porch, high ceilings, and a beautiful lawn are additional charms. This house is quite modern, stands out and is full of life. Our house number three is a gable roof house that is consists of three bedrooms, two bathrooms with parking space for two cars. The usable area is 115 SQM while the estimated construction budget is $41,000.
House Design No. 3 — This house can be considered a perfect dream home for a big family. Decorated in a modern style and would be a popular choice. This modern and boxy house plan has three bedrooms, two bathrooms, and parking space for two cars. The usable area is 115 SQM while the estimated construction budget is $40,000.
Ads
Sponsored Links
House Design No. 4 — This is a home that would appeal to any family. It is daring and bold but it is a warm house plan that is easily accessible. It is a comfortable home that was carefully decorated. One-story home in a nordic style with three bedrooms and two bathrooms. The usable area is 206 square meters including the roof deck while the estimated construction budget is $60,000.
House Design No. 5 — Another house plan in nordic style with three bedrooms and two bathrooms. A modern house which is resembling a state of art. It is stylish, elegant, and minimalist. All the ingredients for a perfect modern home. The usable area of this house is 137 square meters while the estimated construction budget is $51,000.
House Design No. 6 — The design is simple with enough stability including a strong and elevated cement base. The windows are large almost resembling mirrors and provide amazing light and beautiful views. This half-story house plan with a hipped roof has three bedrooms and two bathrooms. The usable area is 113.5 square meters while the basement parking is 42 square meters. The estimated construction budget is $54,000.
House Design No. 7 —Now, this is a house plan that cannot be overlooked or ever considered boring. This home has multi-dimensional layers and uses a variety of materials and surfaces achieving a spectacular finish. A half-story house with a hipped roof. It has three bedrooms and three bathrooms. The total usable area is 157 square meters while the estimated construction budget is $58,000.
House Design No. 8 — Being uplifted this house plan created enough parking space for all family members. This house plan can be considered as different but with fresh designs. The highlight is the glazed facade and wonderful terrace. This one has two bedrooms and two bathrooms in a 125 square meters usable area including the parking while the budget is estimated at $41,000.
(Watch: 5 Modern House Design That Will Prove Boxy is Beautiful)