Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label Philippine ID. Show all posts
Showing posts with label Philippine ID. Show all posts

Friday, September 17, 2021

Bakit 'di dapat i-post sa social media ang Philippine ID na natanggap mo!






MANILA, Philippines — NASA 1.7 million na national identification o ID cards na sa buong bansa ang nai-deliver ng Philippine Statistics Authority o PSA.

Ayon kay PSA Assistant Secretary Rose Bautista ang pamimigay ng Philippine Identification System o PhilSys o PSN at ang delivery ng Philippine ID o Phil ID ang ikatlo at final step ng PhilSys registration.

Kasabay nito, hinihikayat ngayon ni Bautista ang publiko na nakatanggap na ng kanilang PhilID na iwasan ang pagpost ng picture nito sa social media.

Ads


“Ang ating ID is something na dapat itinatago at hindi po ini-expose sa fraud (Our national ID is something that should be secured and not exposed to fraud), pahayag ni Bautista.

“Please lang, huwag ninyo gawin ‘yan. Ang ating ID is something na dapat tinatago at hindi ine-expose kasi sa fraud,” she said in a Laging Handa public briefing.

“Huwag nila i-expose ang kanilang PhilSys ID para hindi ito maging pang-engganyo para doon sa mga gustong magpeke,” dagdag pa nito.

Nagbabala naman ang PSA sa mga nagpaplanong ma-meke ng PhilID na may mga personnel silang nakatutuk sa pagtukoy sa mga pekeng ID at posibleng masampahan ang mga gumagawa nito.


Ads

Sponsored Links



“Mayroon tayong karampatang penalties, charges. Mayroon fraud management division dito sa PhilSys registry office na will look into at magpa-file ng mga kaso para doon sa mga madi-discover namin na mayroon kaming basehan na ito ay mga pekeng ID na prinesent nila,” pahayag ni Bautista.

Maliban sa 1.7 million na Filipinos na nakatanggap na ng kanilang national IDs, nasa 42 million naman ang nakapag-online register habang 30 million naman ang nakuhaan na ng biometrics.

Nasa limang milyon Filipino na rin umano ang nakapag-bukas ng bank account gamit ang kanilang PhilSys.

Target ng PSA na marehistro ang hindi bababa sa 70 million Filipinos sa PhilSys bago matapos ang 2021 at 50 million na makuhaan ng biometrics bago matapos ang taon.


©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, June 11, 2021

Phil ID, tinatanggap na ng DFA bilang valid ID sa passport application






MANILA, Philippines — INANUNSYO na ng Department of Foreign Affairs o DFA na simula Hunyo 7, 2021, maaari nang gamitin sa pagkuha ng passport at iba pang consular service-related transactions ang Philippine Identification o PhilID card.

Ayon sa DFA, isang valid at government issued ID ang PhilID na maaaring i-presenta sa pagkuha ng passport at iba pang serbisyo sa DFA.
Maliban sa PhilID, maaari ding mag-presenta ng isa sa mga sumusunod bilang valid ID ang mga kukuha ng passport sa nabanggit na ahensiya.
  • Social Security System (SSS) / Government Service Insurance System (GSIS) Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card
  • Land Transportation Office (LTO) Driver’s License. Student Permit may be accepted if in card format
  • Professional Regulatory Commission (PRC) ID
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) / Integrated Department of Labor and Employment (iDOLE) card
  • Commission on Elections (COMELEC) Voter's ID or Voter's Certification from the Election Officer with Dry Seal
  • Philippine National Police (PNP) Firearms License
  • Senior Citizen ID
  • Airman License (issued August 2016 onwards)
  • Philippine Postal ID (issued November 2016 onwards)
  • School ID (if applicable)
  • Current Valid ePassport (For Renewal of ePassport)
  • For applicants based overseas, they may use their host government issued IDs showing their Philippine citizenship. (Example: Residence Card)

Ads


Samantala, nakatakda namang buksan ng Philippine Statistics Authority o PSA ang mall-based registration para sa Philippine Identification System o PhilSys.

Ayon sa PSA, partner na ng mga ito ang Robinsons Corporation para sa ikalawang bahagi ng PhilSys registration process sa mga malls.

Dahil dito, magbubukas ang PSA ng PhilSys registration centers sa Robinsons mall branches sa buong bansa.


Sinabi naman ni PSA Undersecretary Dennis Mapa na mapapalawak ng kanilang partnership ang rehistration kung saan mas maraming Filipino ang maaabot ng PhilSys.

"This is a big opportunity for our kababayans to have a valid proof of identity that they can use in their daily lives and later, to enroll them in banking services,” 

“We appreciate the efforts of Robinsons to partner with us. We want our registration to be a very good experience for our registrants, and malls are a convenient and safe place for it," pahayag ni Mapa.



Ads

Sponsored Links



Target ng gobyerno na ma-rehistro ang 50 hanggang 70 million Filipinos ngayong taon.

Saan ba maaaring gamitin ang Phil ID?

Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, ang PSA ay maaaring gamitin sa mga sumusunod:
  • Para sa government transactions, maaari itong gamitin sa pag-apply para sa social and welfare benefits gaya na lamang ng mga inaalok ng GSIS, SSS, PhilHealht, HDMF o Pag-IBIG Fund at iba pang government agencies.
  • Maaari din itong gamitin sa pag-a-apply ng passport at drive'rs license application, at tax-related transactions.
  • Maaari din itong i-presenta bilang proof of identity para sa pagpa-admit sa ospital o sa alinmang government hospital, health center at iba pang related institutions.
  • Para sa private transactions, ang Phil ID ay maaaring gamitin para sa bank transactions gaya ng pagbubukas ng account sa bangko.

©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, May 24, 2021

Paano Magpa-rehistro Online at ano ang mga Requirements para magkaroon ng Philippine ID





MANILA, Philippines — MAHIGIT sa 1 million na ang bilang ng mga taong nagpa-rehistro para sa Philippine Identification System o PhilSys sa pamamagitan ng online o digital registration.

Dahil dito, patuloy pa rin na hinihikayat ng gobyerno ang mga Pinoy na i-avail ang Philippine Identification o PhilID, ang national ID ng Pilipinas ang tatapos sa mabagal at magastos na proseso sa pagkuha ng mga kinakailangang dokumento para sa iba't-ibang transaksiyon, pribado man o pampubliko.

Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, mahigit isang milyon na ang nakapagtapos sa Step 1 ng PhilSys online registration, as of May 13 sa kabila ng technical problem na naranasan noong binuksan ito noong Abril 30.

Pinasisiguro naman ng PSA na patuloy ang kanilang pag-develop ng user-management strategies upang mapaganda ang website at ma-akomoda ang mas maraming registrant.

Ads


Layunin ng online step 1 registration process na mapalakas pa ang ugnayan ng publiko sa programa na hindi nako-kompromiso ang kaligtasan at safety protocols sa harap ng Covid-19 pandemic.

Una rito, nasa 34 million din na mga Pinoy ang nakatapos ng Step 1 process sa pamamagitan ng house-to-house registration.

Nitong buwan ng Mayo, sinimulan na rin ng PSA ang pagpapadala ng unang 956 PhilID cards sa pamamagitan ng Philippine Postal Corporation o PHLPost.

Ano ang proseso sa pagpa-rehistro online para sa Philippine National ID?
Ang Philippine Identification System o PhilSys ay identification platform ng national goverment para sa lahat na mga Filipino citizen kasama na ang mga resident aliens.

Ngayong 2021, target ng bansa na marehistro sa PhilSys ang 70 million Filipinos bago matapos ang taon.

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine ID System Law noong Agusto 2018 at sakop nito ang lahat na 108.1 million citizens.

Ads

May tatlong steps na dapat sundin ang sinomang aplikante para sa National ID

STEP 1 — Paano mag-sign up online?

Sa mga gustong magkaroon ng PhilID, mag-log on lamang sa 
https://register.philsys.gov.ph/ punan ang form at ibigay ang mga hinihinging impormasyon at i-sumite ang iyong application form. Kabilang sa mga impormasyong hihingin sa iyo ay ang mga sumusunod: Full name, gender, date at place of birth, blood type at address.

May mga optional information din na kokolektahin kagaya ng marital status, mobile number at email address.

Pumili ng appointment schedule para sa biometrics registration.

May confirmation na ipapadala sa naka-rehistrong mobile number at email address.

Siguruhing i-save ang kopya ng iyong Application Reference Number o ARN at ang iyong QR code na kailangang i-presenta sa registration center.

Tandaan, ihanda ang mga kinakailangang dokumento at dalhin sa araw ng appointment.



Sponsored Links



STEP 2 — Registration

Dito na kukunin ang biometric information ng isang aplikante para sa National ID. Kinabibilangan ito ng fingerprint, iris scan at photograph. Gagawin ito sa registration center sa araw ng inyong appointment.
Dito rin iba-validate sa mismong lugar ang mga iyong mga supporting documents.



STEP 3 —  Issuance ng PhilSys Number o PSN at PhilID.

Sakaling natapos mo na ang Step 1 & 2 sa application ng National ID, wala kanang dapat gawin kundi ang mag-hintay bilang bahagi ng Step 3.

Ito'y dahil mismong ang Philippine Postal Office o PHLPost ang magpapadala ng iyong PSN at PhilID sa mismong address na inilagay mo noong ikaw ay nagpa-rehistro.

Paalala ng Philippine Statistics Authority o PSA, iwasan ang pag-post sa social media ng inyong PhilID dahil makikita dito ang iyong personal information.

May bayad ba ang pagkuha ng PhilID?

Libre ang pag-apply ng PhilID ngunit may bayad na kung kukuha ka ng replacement dahil nawala o nasira mo ito.

Hindi naman pagbabayarin ng replacement fee ang mga holders ng “Certificate of Indigency” sa kondisyon na maipi-presenta nila ang kanilang certificate.

May validity ba ang PhilID?

Walang expiration ang PhilID na ibinibigay sa mga Filipino citizen nguit, isang taon naman ang validity ng PhilID na ibibigay sa mga resident aliens.

Non-transferable din ang PhilID na ibibigay sakaling ma-kompleto ng isang Filipino o resident alien ang proseso ng registration.

Replacement ba sa ibang government ID ang PhilID?

Hindi. Kinlaro ng PSA na hindi papalitan ng PhilID ang ibang IDs na may sari-sariling gamit gaya ng driver's license.

“The PhilID is a foundational ID which serves as a valid proof of identity which would help ease transactions with both government and private sector through easier validation and authentication of identity,” pahayag ng PSA.

Saan ang mga registration centers?

Hindi pa inanunsyo ng gobyerno ang mga registration centers. Ngunit ayon sa PSA, magse-set up sila ng mobile registration centers sa mga “strategic locations” sa iba't-ibang bahagi ng bansa.

“Currently, PSA is in coordination with LGUs, government agencies and the private sector to determine these locations. Further updates on the exact locations of registration centres will be released prior to the opening of PhilSys registration,” dagdag pa ng PSA.

Paano naman ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs? 

Magsasagawa ang gobyerno ng mass registration para sa national ID ng mga overseas Filipino workers o OFWs. Ayon sa National Economic and Development Authority o NEDA na bahagi ng multiphase registration program para sa national ID o Philippine Identification System o PhilSys ang mass listing ng mga Filipino workers na nasa abroad.

Una nang pinlano noong 2020 ang registration ng mga OFWs ngunit naantala dahil sa coronavirus disease o Covid-19.




©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, September 03, 2020

Pre-registration process ng National ID, sisimulan na sa Oktubre





Dalawang taon matapos naging batas, target ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na masimulan ang pre-registration process ng National ID System sa susunod na buwan bilang paghahanda sa mass registration.

Una ng sinimulan ng PSA ang door-to-door na pre-registration process para sa Philippine Identification System (PhilSys) noong Hulyo na may layuning mapa-ikli ang oras sa mga registration centers.

Sa ilalim ng sistema, kinukuha ang pangalan, edad at iba pang demographic information mula sa mga tahanan habang ang biometrics information naman gaya ng fingerprints, iris scans at front-facing photographs ay kukunin sa apointment date sa mga registration centers.


Ads


Ayon kay acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, simula Oktubre, sisimulan na ang house-to-house pre-registration.

Magkakaroon naman ng appointment systems sa pagpunta sa mga registration centers para sa biometrics. Ito'y upang masunod pa rin ang social distancing requirements at malimitahan ang bilang ng mga taong pipila sa mga registration centers.


Layunin ng National ID system na magkaroon ng valid na proof of identity ang lahat na mga citizens at resident aliens sa bansa sa pamamagitan ng pagkuha ng kani-kanilang mga basic personal information at biometric data.

Suporta umano ito sa layunin ng gobyerno na palakasin ang social protection at financial inclusions. Sa pamamagitan ng formal indentification, matutulungan ang mga low-income families na makapag-bukas ng account sa bangko. Magiging madali at simple din umano ang mga gagawing transaksiyon sa gobyerno.


Ads
Sponsored Links



Target ng PSA na marehistro ang nasa limang milyong household heads ngayong taon habang 40 million katao naman sa susunod na taon.
Posible din umano itong mapadali depende sa quarantine status ng isang lugar.

Una nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na madaliin ang implementasyon ng national ID system na makakatulong sa mabilis na distribution ng emergency cash transfer sa mga low-income at vulnerable household kasabay ng kinakaharap na pandemya.




©2020 THOUGHTSKOTO