Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label SSS Benefits. Show all posts
Showing posts with label SSS Benefits. Show all posts

Wednesday, June 09, 2021

Alamin ang mga importanteng bagay ukol sa Pension Loan Program ng SSS



SA buong Pilipinas, mahigit sa 2.5 million na ang bilang ng mga pensioners ng Social Security System o SSS. Marami sa mga ito ang nai-enjoy sa kanilang buwanang pension matapos ang ilang taong pagtatrabaho. Ngunit maraming mga pensioners din ang nahihirapan at napipilitang magsanla ng kanilang mga ATM cards sa mga private lending companies para sa pang araw-araw na gastusin gaya ng medical needs.

Sa nabanggit na sitwasyon, masasabing hindi nai-enjoy ng mga pensioners ang kanilang hard-earned savings sa SSS dahil nakatali na ang kanilang pension sa mga lending entity at tumatagal ng ilang taon bago pa man mabayaran ang kanilang mga utang.


Ano ang Pension Loan Program?

Sa mga pensioners ng SSS, alam niyo na ba ang tungkol sa Pension Loan Program o PLP ng ahensiya? Taong 2018 sinimulan ng SSS ang pag-aalok ng PLP na may layuning matulungan ang mga retiree pensioners sa kanilang agarang pangangailangang-pinansyal kung saan makakahiram ang mga ito sa mas mababang interes.

Sagot din ito ng SSS sa panawagan ng mga senior citizen sa bansa na tapusin na ang gawaing pagsasanla ng ATM cards bilang collateral para sa mga short-term loans.


Ads


Sino ang kwalipikado sa Pension Loan Program?

Upang maging kwalipikado para makapangutang sa Pension Loan Program, dapat ma-meet ng mga SSS retiree-pensioner ang mga sumusunod na kondisyon:
  • Nasa edad 85-anyos old or below bago matapos ang loan term
  • Dapat walang outstanding loan balance o benefit overpayment sa SSS mula sa monthly pension
  • Walang kasalukuyang advance pension sa ilalim ng SSS Calamity Package
  • Dapat tumatanggap na ng regular monthly pension ng hindi bababa sa isang buwan
  • Dapat din na "active" ang status ng pension.

Sino naman ang hindi kwalipikado sa Pension Loan Program?
  • Hindi naman kwalipikado sa  Pension Loan Program ang mga retiree-pensioners sa ilalim ng Portability Law o mga retiree na hindi umabot sa required number of years na itinakda ng batas ngunit maaari pa ring maka-avail ng ibang retirement benefits
  • Hindi rin pasok sa Pension Loan Program ang mga nasa pangangalaga o kostudiya ng isang guardian.

Ads

Sponsored Links



Magkano ang loanable amount sa Pension Loan Program?

Ang loanable amount ng retiree pensioner ay base sa basic monthly pension o BMP nito, maliban pa sa P1,000 bilang additional benefit.
Sa ngayon ang maximum loanable amount ay P200,000 na may interest rate na 10% per annum.

Paano mag-file o mag-apply para sa Pension Loan Program?

Dahil mandatory na ang registration sa lahat na mga SSS members at pensioners, kailangan din ng mga itong magpa-rehistro at magkaroon ng account sa My.SSS Portal upang makapag-file para sa Pension Loan Program o PLP online sakaling maging available na rin ang PESONet Payment Facility para sa pension loans.


Maaari bang mag-file online ng Pension Loan Program?

Sa ngayon, renewal pa lamang ng pension loan ang maaaring gawin online. Kailangan din ng isang retiree ng current at aktibong mobile number at isa sa mga sumusunod:
  • Valid SSS UMID-ATM enabled ID card
  • Valid Union Bank of the Philippines Quick Card na may savings account number na naka-rehistro sa SSS
  • Valid Pension Savings Account Number na naka-rehistro sa SSS sakaling maging available na ang PESONet Payment Facility
Para makapag-apply, kailangan ng retiree-pensioner na mag-log in sa kanyang My.SSS account at i-click lamang ang  “Pension Loan Application” sa ilalim ng E-Services tab. Kailangan din na sumang-ayon ng retiree-pensioner sa mga terms and condition ng programa upang maipagpatuloy nito ang application. May mga iba pang importanteng impormasyon na kailangan punan at i-click lamang ang “Proceed.” Ang isang retiree-pensioner ay makakatanggap ng email confirmation ng kanyang pension loan application.

Ina-anyayahan din ang retiree-pensioner na i-download at i-print out ag PDF copy ng Disclosure Statement.


Ilang araw ang proseso para matanggap ang loan proceeds?

Ang loan proceeds ay ibibigay sa pamamagitan ng e-disbursement process at ihuhulog sa naka-enroll na savings account ng retiree-pensioner.

Sa mga first-time applicants at retiree-pensioners na gustong mag-apply over-the-counter sa mga SSS branches, dapat lamang sundin ang Branch Number Coding Scheme na ipinapatupad ng SSS o mag-schedule ng appointment online sa pamamagitan ng My.SSS Member Portal.


©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, May 27, 2021

Pres. Duterte, Pinirmahan na ang Batas na Pipigil sa SSS Contribution Hike




MANILA, Philippines — INAPROBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay kapangyarihan sa Chief Executive ng bansa na ipagpaliban ang pagtaas ng kontribusyon sa Social Security System o SSS sa panahon ng state of calamity dahil sa Coronavirus disease o Covid-19 pandemic.

Ito'y base sa inilabas na dokumento ng Malacañang noong Huwebes, May 27.

Sa dokumento, inaprobahan ng pangulo ang Republic Act 11548 na nagbibigay kapangyarihan sa Pangulo ng Pilipinas sa rekomendasyon ng Social Security Commission na suspendihin ang 1 porsyentong pagtaas sa contribution rate at monthly salary credits ng SSS.


Ads


Naka-saad sa batas na epektibo ito habang nasa ilalim ng state of calamity ang bansa. Matatandaan na ideneklara ni Pangulong Duterte ang state of calamity sa bansa sa pamamagitan ng Proclamation 929 noong nakaraang taon at pinalawig hanggang Setyembre ngayong taon sa pamamagitan ng Proclamation 1021.

Una nang inihayag ng SSS na naayon sa batas ang pagtataas ng monthly contribution rate sa 13% simula ngayong taon. Dahil dito, tataas P70 pesos ang monthly contribution ng mga miyembro.

Ayon kay SSS Chairman and Finance Secretary Carlos Dominguez na sa pamamagitan ng rate increase, masisiguro ang long-term viability ng pension fund, mapapalapad ang coverage at benepisyo para sa mga miyembro at kanilang mga benepisyaryo sa ilalim ng Social Security Act of 2018

"Any drop in collections may lead to cash flow and liquidity issues. This could endanger the SSS’ ability to provide its members and their beneficiaries with benefits and loan privileges," pahayag ni Dominggo.


Ads

Sponsored Links



Ayon naman sa ibang mambabatas, hindi napapanahon ang rate hike dahil sa Covid-19 pandemic kung saan maraming mga negosyo ang nahihirapang kumita at milyon-milyon ang nawalan ng trabaho.

Hiling na lamang nito sa SSS na pagbutihin pa ang kanilang collection scheme upang mapataas ang pension fund.


©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, March 06, 2021

SSS, May Paalala sa mga Miyembro Ngayong Panahon ng Pandemya




MANILA, Philippins — SA kabila ng pandemya, ipina-alala ngayon ng Social Security System o SSS sa mga miyembro ang kahalagahan ng patuloy na pagbabayad ng buwanang kontribusyon para sa patuloy din na mga benipisyo at prebelihiyo.

Dahil dito, hinihikayat ni SSS President at CEO Aurora C. Ignacio ang mga miyembro na boluntaryong nagbabayad ng kanilang kontribusyon at yaong mga nawalan ng trabaho na ipatuloy pa rin ang kanilang membership sa SSS. Ito'y dahil malaking tulong umano ang mabibigay ng SSS sa panahon ng pangangailangan.

Paliwanag ni Ignacio, makakatanggap ng social security benefits ang mga miyembrong regular na nagbabayad lalo na yaong pasado sa mga qualifying conditions na itinakda.



Ads


“Regularly-paying members are entitled to these social security benefits provided that they meet the specific qualifying conditions set for each benefit eligibility. It is also essential that the member is updated in paying his contributions to apply for such benefits or loans,” ang pahayag ni Ignacio.

Sa pagtantya ng SSS, nasa tatlong milyong miyembro ang huminto sa pagbabayad ng kanilang kontribusyon noong nakaraang taon dahil sa pansamantala o permanenteng pagkawala ng kanilang trabaho dahil sa mga nag-sarang negosyo.

“We do not want these members to lose the privilege of availing other benefits from SSS as a result of this situation. We have to convince them to come back, this time as voluntary paying members,” ang dagdag na pahayag ni Ignacio.


Ads

Sponsored Links



Simula Enero 2021, obligado na ang mga may trabahong miyembro ng SSS na magbayad ng 13% ng kanilang monthly salary credit o isang porsyentong pagtaas mula sa 12% noong nakaraang taon. Sa mga kumikita ng P3,000 hanggang P25,000 kada buwan, maghahati ang empleyado at employer nito sa kontribusyon na 4.5% at 8.5%.


©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, March 03, 2021

ALAMIN: Iba't-ibang Serbisyo ng SSS Online na Mapapakinabangan ng Miyembro





MANILA, Philippines — DINAGDAGAN pa ng Social Security System o SSS ang mga serbisyo nito sa kanilang online services portfolio bilang hakbang upang mas mapadali at pamabilis ang bawat transaksiyon ng miyembro at mga employer na hindi na kinakailangan pang pumunta sa alinmang branches ng SSS.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio layunin nito na mailapit sa mga miyembro, pensioners, sakop na mga employers at publiko ang kanilang mga serbisyo sa gitna ng mga restrictions dala ng coronavirus disease o Covid-19.

“For the past years, we have been gradually shifting our stakeholders’ way of transacting with us from face-to-face to online. The pandemic motivated us further to fast track our digital transformation initiatives, not only to provide our stakeholders with faster, more convenient, and more efficient means of transacting with us but also to ensure their safety,” ang naging pahayag ni Ignacio.


Ads


Sa ngayon kabilang sa serbisyo ng My.SSS Portal ay ang mga sumusunod:
  • Online applications ng Calamity Loan, Pension Loan, Retirement Benefits, Unemployment Benefit at Funeral Claims
  • Submission of Requests for Member Data Change for simple corrections for members
  • Submission of Sickness Benefit Reimbursement Application for employers
  • Pagkuha ng Real-Time Processing of Loans Payment Reference Number (RTPL-PRN)
  • Benefit Re-disbursement Module
  • Uploading ng proof of account, na dating kilala bilang Bank of Enrollment Module

Kaugnay nito, mas pinahusay din ng SSS ang online SSS number application nito at binigyan din ng access ang mga miyembro sa Remittance Transfer Company/Cash Payout Outlet (RTC/CPO) Reference Number Inquiry.


Maliban sa bago at mas pinagandang mga online services, may access na rin ang mga SSS members sa iba pang mga virtual services gaya ng mga sumusunod:
  • Viewing ng contribution at loan records
  • Mag-inquire sa status ng benefit claims
  • Mag-inquire para sa eligibility para sa benefit programs at iba.
Maliban sa My.SSS Portal, ang mga nabanggit ay maaari ring ma-access sa pamamagitan ng mga sumusunod:
  • SSS Mobile App
  • Text SSS
  • Self Service Express Terminals

Ads

Sponsored Links



Anu-ano pa ang mga serbisyong hati ng My.SSS Portal?

Sa pamamagitan ng My.SSS online, ang isang miyembro ay may access sa mga sumusunod:
  • Pag-view sa membership information nito
  • Listahan ng mga PRN payments nito
  • Mga address ng SSS branches sa buong bansa
  • Mag-file ng Salary Loans
  • Mag-submit ng Maternity Notifications para sa mga self-employed, voluntary and OFW members
  • Kumuha ng PRN para sa contributions
  • Mag-update ng contact information sa pamamagitan ng My.SSS Portal at SSS Mobile App.

Alam mo ba na sa paggamit mo ng My.SSS Portal, maaari mo ring magawa ang mga sumusunod:
  • Mag-set ng appointmet sa isang SSS branch
  • Mag-send ng request para sa SSS records
  • Mag-enroll ng Personal Equity and Savings Option (PESO) Fund o Flexi-fund
  • Gumamit ng simulated retirement calculator
  • Makita ang detalye ng iyong Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card o SSS ID
  • Baguhin ang password ng iyong My.SSS account
  • Gamit naman ang SSS Mobile App, maaaring mag-bayad ng contribution gamit ang PayMaya at Bank of the Philippine Island.

Sa mga employers naman, maaari nilang magawa ang mga sumusunod:
  • Ma-view ang kanilang contribution at loan records
  • Status ng bayad at benefit reimbursement claims
  • Ma-update ang kanilang contact information sa pamamagitan ng My.SSS Portal at SSS Mobile App.
  • Ma-view ang kanilang SSS information
  • Mag-submit ng Employment Reports (R-1A), Loan Collection Lists (ML2), Contribution Collection Lists (R3)
  • Mag-submit ng sickness notification at maternity notifications
  • Mag-generate ng PRN
  • Mag-certify ng loans at claims para sa kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng My.SSS portal.

Tuesday, February 23, 2021

12 Bagay Na Posibleng Rason Kung Bakit 'Di Mo Pa Natatanggap Ang Iyong SSS Loan o Benepisyo!




MANILA, Philippines — DAHIL sa hirap ng buhay, marami sa atin ang nag-file ng loan o iba pang benepisyo sa Social Security System o SSS upang may pangtustos sa mga pangangailangan.

May mga nag-file ng sickness benefits, maternity benefits maging ng mga death claims pero ang problema, hanggang sa ngayon, hindi pa rin natatanggap ang benepisyo. Isa ka ba sa mga nag-file ngunit naghihintay pa rin hanggang sa ngayon.

Sa inilabas na abiso ng SSS sa kanilang official Facebook Page na Philippine Social Security System o SSS, nakasaad na posibleng may mali sa disbursement account na inilagay ng isang miyembro.


Ads


Ayon sa SSS, narito ang mga "Most Common Reasons" kung bakit nababasura ang disbursement account sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) na madalas naging dahilan kung bakit hindi mo pa rin natatanggap hanggang sa ngayon ang pinakahihintay mong benipisyo.
  • Closed account — ito yong mga account na deactivated o terminated na.
  • Dormant account — ito yong account na walang financial activity sa mahabang panahon maliban na lamang sa posting ng interest
  • Frozen account — wala ka nang transaction na magagawa sa account na ito kaya hindi dapat gamitin bilang disbursement account.
  • Joint account — bank account mo at ng ibang tao, maaaring asawa, business partner, o kamag-anak. 
  • No existing account — Naglagay ka ng account number na hindi nag-i-exist, maaaring gawa-gawa lang ang account number.
  • Prepaid account o cash card account — mas kilala din ito sa tawag na payroll account, madalas ATM account na inisyu ng kompanya para sa sahod ng isang empleyado.
  • Time deposit settlement account
  • Dollar/foreign currency account - bank account sa ibang currency
  • Account name na iba sa pangalan ng miyembro/employer o payee name sa SSS.
  • Restricted account — halimbawa, special savings account, payroll account.
  • Account na nasa non-PESO Net participating bank o financial institutions
  • Typographical error - May mali sa pag-encode mo ng account number o pangalan.

Ads

Sponsored Links



Kung nakapag-enroll ka ng mga account na napabilang sa taas, maaari mong baguhin o i-update ang iyong disbursement account sa paamagitan ng Benefit Re-Disbursement Module sa iyong My.SSS account sa SSS website.

Paalala naman sa mga benefit payment sa pamamagitan ng MLhuillier na mababalik sa SSS ang pera kung hindi ito maki-claim sa loob ng 30-araw.


Para walang magiging problema sa pagtanggap ng benefit payment, siguruhing aktibo, nasa single savings account at siguruhin din na nasa PESONet participating bank ito at walang anumang restrictions ang inyong account.

Kung pipilin ninyo namang tanggapin ang pera sa pamamagitan ng cash payout outlet, gaya ng MLhuillier o e-wallets gaya ng PayMaya, siguruhing updated ang iyong mobile number na na-rehistro sa SSS upang agad na matanggap ang Claim Reference Number na ipapadala sa pamamagitan ng text.


©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, February 18, 2021

Paano Mag-Apply ng SSS Number Online at Paano Mag-Upload ng mga Supporting Documents?




MANILA, Philippines — KUNG may trabaho na o may kakayahan nang maghulog ng contribution, mas mabuting magpa-miyembro na sa Social Security System o SSS. Mas maaga, mas maganda dahil sa iba't-ibang benipisyong maibibigay nito sa iyo, bilang miyembro maging sa iyong mga benipisyaryo.

Sa ngayon, dahil sa pandemya dala ng Coronavirus disease o Covid-19, mas pinadali at pinabilis ng SSS ang proseso para sa application ng SS Number.

Para ito sa mga indibidual na mag-aapply ng SS number sa unang pagkakataon. Pag may SS number na, mas maging madali na ang pag-gawa ng My.SSS Online Account.

Sa pamamagitan nito, mas magiging madali para sa isang miyembro na i-check ang kanyang contribution, makapag-apply ng loan at ibang benipisyo bukod sa ibang pa serbisyo na hatid nito sa mga SSS members na hindi umaalis sa kanilang bahay.


Ads


Paano Makakuha ng SS Number Online?

1. Pumunta lamang sa website ng SSS na www.sss.gov.ph at i-click ang button panel na "No SS Number Yet? SS Number Online Application Apply Now!"


2. Click "here" upang maipagpatuloy ang proseso.

3. Basahin ang step-by-step guide, pagkatapos i-click ang "Start."
4. I-encode ang lahat na hinihinging impormasyon bilang bahagi ng Phase 1 Registration Process. I-tick ang box sa tabi ng "I'm not a robot" at i click ang "Submit."

5. Ang aplikante ay makakatanggap ng email na may link na magda-direct sa Phase 2 ng Registration Process.

Laging tandaan na may limang araw lamang ang aplikante para kompletuhin ang application process bago mag-expire ang link.

Sakaling hindi ito magawa ng aplikante sa loob ng limang araw, babalik na naman ito sa unang proseso ng application.


Ads

Sponsored Links


6. Tapusin ang Phase 2 ng registration process sa pamamagitan ng pag-encode ng lahat na mga impormasyong hinihingi.

Siguruhing mailagay ang tamang address at contact information maging ang iyong preffered User ID para sa iyong My.SSS account at UMID ATM details (optional).

I-review ang mga inilagay na detalye bago i-click ang "Proceed"
Maaaring isulat sa isang papel ang mga impormasyong importante  upang hindi makalimutan.

7. Hihilingin sa aplikante na pumili at mag-upload ng isang supporting document para sa tagging ng SS number nito sa "Application Thru the Web - With Submitted Documents."
8. Pumili ng uri ng supporting documents na ia-upload, hanapin at i-upload ang file na hinihingi at i-click ang "Submit".

Siguruhing mababasa o readable colored images o nasa PDF form ang file na ia-upload na may maximum file size na 2MB only.
9. Kung pilipiin naman ng aplikante na ipagpatuloy ang registration na walang ina-upload na documentary requirement, may lalabas na notification box na nagpapa-alam sa miyembro na maaaring magawa nito ang pag-submit ng mga dokumento sa pamamagtan ng My.SSS account.

Makikita ito sa Online Member Data Change Request — Simple Correction na maaaring magawa kung may SS number na ang isang miyembro.

I-click lamang ang "Yes" pagkatapos i-click ang "Submit."
10. Sa prosesong ito, maaari nang i-print o i-download ng aplikante ang E-1/E-6, Transaction Number Slip at SS Number Slip.
11. Makakatanggap ng dalawang email ang aplikante: Isa dito ang nagkukumperma ng kanyang SS Number Online Application habang ang isa naman ay naglalaman ng kanyang password set-up ng kanyang My.SSS Account, na kailangang i-activate ng miyembro.

Laging tandaan na ang accout activation at dapat gawin sa loob lamang ng limang araw dahil pagkatapos nito, mag-e-expire ang link at babalik na naman sa regular My.SSS registration ang miyembro sa pamamagitan ng Member Portal sa SSS website.
12. Pagkatapos ma-click ang link, i-lalagay ng miyembro ang huling 6-digits ng kanyang CRN/SS Number.

I-click ang "Submit."
13. Ilalagay ng miyembro ang nais nitong password at iko-confirm bago i-click ang "Submit."

Dahil online na ang proseso, maaaring magawa ng sinoman ang pag-apply ng SS Number, kahit saan, kahit kailan sa basta't mayroon itong internet.

©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, February 08, 2021

Tripleng Halaga ng SSS Unemployment Benefit Para sa mga Nawalan ng Trabaho, Isinusulong!



MANILA, Philippines — UPANG matulungan ang isang miyembro ng Social Security System o SSS matapos itong mawalan ng trabaho, isang mambabatas ang nagsusulong ngayon na gawing triple ang halaga ng unemployment benefit na makukuha ng isang laid-off worker mula sa ahensiya.

Sa House Bill 8594 na inihain ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, iminumungkahi nito ang pagbibigay ng one-time insurance claim sa mga displaced workers na nagkakahalaga ng 50 porsyento ng kanilang monthly salary para sa maximum na anim na buwan.


Sakaling maging ganap na batas, maaaring makatanggap ng P45,000 na unemployment benefit ang isang SSS member na may buwanang sahod na P15,000. Sa ngayon, nasa P15,000 lamang ang matatanggap nito.

“Our bill seeks to give more meaning to social security and to the mandate of the 1987 Constitution for the State to afford full protection to labor.”

“We have to guarantee households income security and safeguard them against distress when breadwinners lose their jobs through no fault of their own.” ang bahagi ng pahayag ni Pimentel.


Ads


Aamyendahan din ng nabanggit na panukalang batas ang Social Security Act of 2018, kung saan ang kasalukuyang claim ay 50 porsyento ng monthly salary ngunit maximum lamang nito ay dalawang buwan.

Sa ilalim ng panukalang batas, narito ang mga criteria;
  • Ang SSS member ay hindi dapat lumagpas sa 60-anyos sa panahon ng na-terminate ito sa trabaho; hindi lagpas sa 50, kung ito ay underground o surface mineworker; at hindi lagpas sa 55, kung ito ay racehorse jockey.
  • Ang miyembro ay dapat nakapag-bayad ng hindi bababa sa 36 monthly contributions, 12 buwan nito ay dapat naihulog sa nakaraang 18-buwan ago ang involuntary separation nito o pagkatanggal sa trabaho.
  • One-time payment ang benipisyo at maaaring i-file ang claim sa loob ng isang taon mula sa petsa ng separation.

Ads

Sponsored Links


Narito naman ang mga documentary requirements na dapat i-presenta:
  • Orignal at photocoply ng anumang valid ID cards o dokumento
  • Certificate of termination mula sa Department of Labor and Employment o DOLE
Sa ilalim ng panukalang batas, maaaring makuha ng isang miyembro ang unemployment benefit nito sa mga sumusunod;
  • SSS UMID Card bilang ATM
  • UBP Quick Card Account
Napag-alaman na sa ngayon, napakaraming Filipino ang nawalan ng trabaho, hindi lamang sa bansa ngunit maging ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs bilang epekto ng Covid-19 pandemic.

Sa ilalim ng Social Security Act of 2018, maaaring maka-avail ng unemployment benefit ang mga natanggal sa trabaho na kinabibilangan ng mga kasambahay at overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho dahil sa “retrenchment or downsizing, closure or cessation of operation, installation of labor-saving devices, or redundancy,” at iba pang kadahilanan na maaring idetermina ng SSS o ng DOLE.


©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, February 02, 2021

SSS Advisory: Proof of Ownership, Requirement na sa DAEM!




MANILA, Philippines — KINUMPERMA ngayon ng Social Security System o SSS na requirements na sa mga employers at miyembro nito ang pag-submit ng proof of ownership sa kanilang mga inenrol na disbursements accounts. 

Ayon sa SSS, dagdag ito na security measure upang masiguro na mapupunta sa rightful payees o sa tamang tao ang SSS proceeds mula sa mga inaplayang loan o benipisyo.

Maliban sa dagdag seguridad, layunin din umano nito na maproteksiyunan ang mga employers at miyembro mula sa mga mapanlinlang na pag-enroll ng mga bank details at hindi otorisadong pag-file ng benipisyo o loan applications.




Ads


Dahil dito, nire-require na ng SSS ang lahat na mga employers at members na mag-upload ng proof of ownership ng kani-kanilang mga bank o e-wallet account sa Disbursement Account Enrollment Module o DAEM sa mismong website ng SSS.

Sinimulan umano ng SSS ang pagpapatupad ng nabanggit na requirements noong Disyembre 14, 2020 sa mga employers habang Disyembre 21, 2020 naman sa mga members.


ALAMIN: Mga Importanteng Reminders Mula sa SSS Upang 'Di Ma-delay ang Pagtanggap ng Pension o Loan!
Ads

Sponsored Links



Dahil sa bagong requirements, kinakailangan na ng mga miyembro at employers na mag-upload ng mga sumusunod na dokumento kung saan makikita ang kompletong account name at account number upang mapatunayan ng pag-aari o ownership sa nasabing mga account:
  • Passbook
  • ATM Card
  • Validated Deposit Slip
  • Bank Cerftificate/Statement Issued not earlier than 2019
  • Screenshots o mobile app account, kung gumagamit ng e-wallet kagaya na lamang ng PayMaya



Sakaling ma-upload, ipapaalam ng SSS sa mga employers at member-claimants sa pamamagitan ng email kung na-verified at na-aprobahan na ng SSS ang inapload na proof of account.

Samantala, may mga exempted naman sa pagpasa ng proof of ownership. Ito'y yaong mga member-claimants na may sumusunod na disbursement account na naka-enroll sa DAEM:

  • UMID card enrolled ATM
  • Bank account migrated from the Sickness and Maternity Benefits Payment thru the Bank o SMBPB Module at yaong mga ownership na una nang na-verify
  • UnionBank Quick Card
  •  DB Cash Padala thru MLhuiller




©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, January 04, 2021

Pagtaas ng SSS, PhilHealth Contribution, Pinasususpindi





MANILA, Philippines — KALIWA'T kanan ngayon ang panawagan ng iba't-ibang grupo na huwag munang ituloy ang pagtaas ng kontribusyon ng Social Security System o SSS.

Una nang inihayag ng SSS na ipapatupad simula Enero 2021 ang contribution hike.

Kaugnay nito nanawagan si Senator Richard Gordon sa SSS na mag-sumite ng proposal sa Senado kung paano masuspindi ang implementasyon ng 2021 contribution increase na hindi nalalagay sa panganib ang buhay ng pension fund.


Ads


Ayon kay Gordon, kailangan man at naaayon sa batas ang pagtataas ng SSS contribution ngayong 2021 ngunit hindi umano ito naaangkop sa ngayon lalo na't maraming mga negosyo ang nalugi dahil sa pandemya.

“While there is a need and the law mandates an increase in SSS contributions in 2021, we see that this is untimely, especially at a time when businesses are down,” 

“When RA 11199 was enacted, our lawmakers did not have an inkling that a pandemic would occur and greatly affect our economy,” ang naging pahayag ni Sen. Richard Gordon.

“It’s only halfway through the year and this is already higher than the 2021 budget of PHP4.5 trillion. We need to balance the interest of the people who are greatly affected by the pandemic, as well and the interest to protect the funds of the SSS),” dagdag ni Gordon.

Ngunit inako din ng senador na mahirap pigilan ang 2021 contribution hike ng SSS dahil mangangailangan ito ng bagong batas dahil napapaloob sa RA 11199 o Social Security Act of 2018 ang pagtataas ng kontribusyon.

Ads


Sponsored Links



Sa ilalim umano ng batas, wala din umanong probisyon na nagbibigay kapangyarihan sa SSS na pigilan ang increase.

“We will discuss this at the committee and if necessary, we will craft a new law to make it easy for the people to get through the pandemic while continuing to pay their SSS contributions,” pagtatapos ni Gordon.

Samantala, maliban kay Gordon, nanawagan din sa gobyerno ang Gabriela Women’s partylist at ang Federation of Free Workers (FFW) na suspendihin ang implementasyon ng contribution hike ng SSS at ng PhilHealth na kapwa magsisimula ngayong Enero.


Ayon sa nabanggit na labor at partylish organization, hindi pa naka-ahon sa epekto ng pandemya dahil sa Covid-19 ang mga manggagawa at hindi umano ito napapanahon.

Dahil dito, nanawagan si House Assistant Minority Leader Rep. Arlene Brosas kay Pangulong Duterte na suspendihin ang contribution hike ng PhilHealth at SSS.

“The President can order the suspension of the hikes in the same way that overseas workers were spared from the collection of PhilHealth premium even without amendments to the Universal Healthcare (UHC) Law,” 

“We cannot just insist on the implementation of the law when corruption still mars the agency and when the majority of our workers are still struggling to make ends meet amid the pandemic and crisis,” ang naging pahayag ni Brosas.

Kinikwestiyon din nito ang SSS kung bakit tila ipinapasa sa ng SSS mga manggagawa ang mga subsidiyang kanilang ibinibigay sa kanilang mga miyembro.


©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, December 29, 2020

Simula Dec. 2020: SSS, May Dagdag Requirements sa mga kukuha ng Loan o Benipisyo!






MANILA, Philippines — Bilang miyembro ng Social Security System o SSS, malaki ang posibilidad na nakatanggap kayo ng email mula sa ahensiya nitong buwan ng Disyembre ukol sa SSS Disbursement Account Enrollment Module o DAEM.

Napapaloob sa nasabing email ang dagdag na requirement na hinihingi ngayon ng SSS sa mga miyembro nitong mag-a-apply ng loan o benipisyo mula sa pension fund.

Ayon sa SSS, layunin nitong mapangalagaan ang mga miyembro laban sa "unauthorized access" sa kani-kanilang mga My.SSS accounts.

Ads


Para masiguro na mapupunta sa totoong miyembro ang loan o benipisyo, minabuti ng SSS na magdagdag ng security measures upang maiwasan ang hindi tamang paglalagay ng bank details at hindi otorisadong pag-file ng benipisyo o loan applications.

Ang nasabing pagbabago ay ipinatupad na ng SSS simula Disyembre 21 kung saan ang mga miyembro ay kinakailangan nang mag-sumite ng proof of ownership ng bank o e-wallet account na naka-enroll sa kanilang Disbursement Account Enrollment Module o DAEM sa SSS Website.



Dahil dito, nire-request ng SSS ang mga miyembrong mag-log in sa kani-kanilang mga My.SSS Account sa SSS Website at i-submit o i-upload ang alinman sa mga sumusunod bilang proof of account sa pamamagitan ng DAEM. Siguruhing makikita dito ang iyong kompletong pangalan at account number o mobile number para sa verification o approval ng inyong disbursement account.

  • Passbook
  • ATM Card
  • Validated Initial Deposit Slip
  • Bank Certificate o Bank Statement (issued not later than 2019)
  • Screenshot ng mobile app account para sa e-wallet

Ads

Sponsored Links


Dagdag pa ng SSS na ipapa-alam sa miyembro sa pamamagitan ng email kung na-verified o na-aprobahan ng SSS ang inyong proof of account.

Nilinaw ng ahensiya na sa mga verified at approved accounts lamang nila ihuhulog ang loan o benefit proceeds inapply ng miyembro sa ahensiya.



©2020 THOUGHTSKOTO