Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, March 31, 2020

Listahan ng Sektor na Makakatanggap ng P5000 to P8000 - Ito ang Gagawin!

Magkakaroon ng tulong pinansyal o subsidies ang mga target beneficiaries na mahihirap o kasama sa informal sektor dahil sa Enhanced Community Quarantine o lockdown dahil sa epekto ng COVID-19. Nagkakaroon ng profiling ang DSWD at mamimigay ng ID or Social Amelioration Card or ID. Panoorin ang videos at basahin ang mga listahan sa ibaba. 
Narito ang proseso kung paano ang gagawin. Sundan din ang sinabi ng Spokesperson ng DSWD sa video below.


Ads

Panoorin ang interview at explanation kay DSWD Spokesperson, Director Irene Dumlao hinggil sa pamimigay ng Amelioration Package o P5000 to P8000 na assistance sa mga kababayan na apektado ng Enhanced Community Quarantine.Ads


Sponsored Links

Ang halagang ibibigay ay depende sa regional minimum wage. (Halimbawa sa Metro Manila P8K at sa CAR, CARAGA, ARMM, Bicol P5K) Nasa ibaba ang listahan ng minimum wage bawat region at kung magkano ang matatanggap.
Ang mga kwalipikado sa Social Ameliorization program na ito ay ang mga sumusunod
✓Senior Citizen
✓PWD's
✓Pregnant woman/Lactating Woman
✓Solo Parent
✓OFW (distress at repatriated)
✓Indigent Indigenous people
✓Homeless people
✓Farmers
✓Fisherfolks
✓Self-employed
✓Informal Settlers
✓at Lahat ng mga Pilipinong
NO WORK NO PAY workers kagaya ng mga sumusunod;
(kontrakwal worker, subcontractor worker, driver, namamasada ng pedicab, trike, jeep, bus, Angkas, Grab, etc, kasambahay, construction worker, craft maker o nasa bahay na nagtratrabaho pero wala ng masuplayan ng produkto, labandera, manikurista, sari-sari store owner, tindera sa palengke, carenderia, fruit or vegetable vendor, RTW, mga dishwashers, helpers sa carinderia, pahinante, mga magsasaka, mangingisda, at mga katulong magsasaka at mangingisda, mga no work-no pay, at mga stranded na workers, at iba pa)
Tingnan at basahin ang mga covered dito



Kung ikaw ay kasali sa sector ng mga nabanggit, narito ang mga ihahandang pagkakilanlan o ID's or supporting documents bilang requirements. 



Humingi kayo sa barangay o sa DSWD ng form na ito para magawan kayo ng ID kung kasama kayo sa sektor na posibleng makakatanggap.


The Department of Social Welfare and Development (DSWD) will provide social amelioration measures amounting to P5,000 to P8,000 for two months to families belonging to vulnerable sectors who have been affected by the community quarantine amid the COVID-19 crisis as mandated by Republic Act (RA) 11469 or the “Bayanihan to Heal as One Act.”

The Emergency Subsidy Program includes the DSWD’s provision of food and non-food items (FNFI) and financial assistance through the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) as well as those provided by other agencies, provided that the benefits received by each household does not exceed the prescribed threshold per region.


The P5,000 to P8,000 worth of social amelioration programs is based on the maximum subsidy per region determined from the region’s minimum wage levels as these are close approximations to the amount needed to buy basic food, medicine, and hygiene essentials. It will be given to an eligible family in cash and in-kind by various national government agencies.

©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, March 30, 2020

NAMIMIGAY ang DOLE ng P3,000 to P5,370 sa 10 na Araw na Serbisyo Mo, Alamin!

Ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers Program Barangay Ko, Bahay Ko (TUPAD #BKBK) Disinfecting/Sanitation Project that aims to “cushion/mitigate the impacts of the #COVID19 to the livelihoods/business and worker sector. Para ito sa mga hindi nagtratrabaho sa kumpanya, pero mga may kabuhayan na nawalan ng kita dahil sa lockdown, enhanced community quarantine laban sa #COVID19
Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers Program #Barangay Ko, Bahay Ko (TUPAD #BKBK) Disinfecting/Sanitation Project that aims to “cushion/mitigate the impacts of the #COVID19 to the livelihoods/business and worker sector
Panoorin ang video ng panayam kay Sec Silvestre Bello hinggil sa program ng DOLE na TUPAD.
Ads

Ang TUPAD ay para sa mga Manggagawang nasa Informal na Sektor na nawalan o naapektuhan ang kabuhayan sanhi ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine. Ang benepisyo na ito ay sahod na katumbas ng 10 na araw ng regional minimum wage kapalit ng pagtratrabaho; halimbawa, pag-didisinfect at paglilinis ng tahanan at kapaligiran. 
Ads
Sponsored Links



Tanong: Ano ang TUPAD #BKBK?
Sagot: Ito ay isang SAFETY NET PROGRAM ng DOLE para sa mga manggagawang nasa impormal na sektor at nawalan ng trabaho o naapektuhan ang trabaho o kabuhayan sanhi ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine laban sa COVID-19

Tanong: Sino ang Kwalipikadong Benepisyaryo (KB)?

Sagot: 
1. Underemployed

2. Self Employed na nawalan ng trabaho o naapektuhan ang trabaho o kabuhayan sanhi ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine laban sa COVID-19

3. Mga nawalan ng trabaho o naapektuhan ang trabaho o kabuhayan sanhi ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine laban sa COVID-19

Tanong: Sino ang HINDI kwalipikadong benepisyaryo?

Sagot: 

1. Ang mga nakapag-avail ng P5,000 cash assistance mula sa DOLE CAMP.

2. Ang mga nakatanggap ng CASH Assistance mula sa AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation ng DSWD.
3. Mga magsasakang nakatanggap ng cash assistance mula sa DA.
4. Mga nakatanggap ng benepisyaryo ng kabuuang P8,000 pataas mula sa pinagsamang assistance ng LGU at DOLE. (Depende pa rin sa LGU kung may ibinibigay ito na assistance)
5. Empleyado ng gobyerno o opisyal ng lokal na pamahalaan. 
Alamin ang hinggil sa CAMP na program dito.


Tanong: Ano ang mga requirements na dapat ibigay ng LGU sa DOLE?

Sagot: Dalhin o ipasa ang mga sumusunod:
1. Letter of Intent
2. TUPAD Work Program
(Enhanced OSEC-FMS Form, No.3, Annex B)
3. Summary of List of Beneficiaries
(Enhanced OSEC-FMS Form, No.4, Annex A)

Tanong:  Ano ang pangunahing gawain o trabaho ng kwalipikadong benepisyaryo?

Sagot: Sila ay magdi-disinfect at maglilinis ng mga kani-kanilang mga tahanan at kapaligiran

Tanong: Ilang araw ang pagtratrabaho?

Sagot: Sila ay magtra-trabaho kahit apat(4) na oras lamang sa isang (1) araw, sa loob ng sampung (10) araw.

Tanong: Ano naman ang kanilang matatanggap mula sa DOLE?

Sagot: Sila ay pasasahuran depende sa daily minimum wage ng isang rehiyon o lugar kada araw.

Tanong: Bukod sa sahod, ano ang maaring ibigay sa kanila?

Sagot: Makakatanggap sila ng Flyer o Brochure tungkol sa Kaligtasan at Kalusugan sa Paggawa. Ito ay manggagaling sa DOLE na ipapamahagi ng LGU at Barangay. Makakatanggap din sila ng cleaning o disinfectant solution na mangagaling sa LGU.



PAANO BA MAG-AVAIL NITONG TUPAD #BKBK PROGRAM


Sagot:

Ang LGU o Barangay ay magsasagawa ng pagtatala o profiling sa posibleng kwalipikadong benepisyaryo ng TUPAD #BKBK. Ang interesadong  manggagawa ay maaring kusang  magpalista o magpaprofile sa kanilang barangay o lokal na gobyerno.

Matapos magprofiling, ang LGU o Barangay ay magpapasa ng mga requirements sa email address na ibibigay sa inyong DOLE Regional Office. Tingnan sa ibaba o sa FB page o website ng DOLE.





Kung maayos ang mga dokumento at form at requirements ay iapproved ng DOLE ang mga application



Image may contain: one or more people and text
Image may contain: one or more people and text
Image may contain: one or more people and text
Image may contain: one or more people and text
Para sa inyong mga katanungan, maaaring magpadala ng personal message sa Facebook Page ng DOLE. Mayroon silang action officers na sasagot sa inyong mga katanungan mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Maaari ring tumawag sa kanilang DOLE Hotline 1349 na bukas mula Lunes hanggang Linggo. Ang kanilang Hotline Service Action Officers ay handang tumugon sa inyong mga katanungan 24/7.

Para sa mga LGU o barangay na magpapasa ng TUPAD #BKBK requirements, narito ang contact numbers at email addresses ng mga DOLE Regional Offices:







©2020 THOUGHTSKOTO

P5000 Tulong ng DOLE sa mga Worker sa Formal Sector na Nawalan ng Kita o Trabaho

Para sa formal sector workers, ipinatutupad ng Department of Labor and Employment - DOLE ang CAMP o COVID-19 Adjustment Measures Program.
Ang CAMP ay tulong pinansiyal para sa mga manggagawa sa pormal na sektor. Ano ang CAMP at paano ka makakakuha ang P5,000 na suporta o tulong financial dito. Alamin sa post na ito.



Ads


Ads

Panoorin ang video na ito habang inexplain ng DOLE ang patakaran sa CAMP

Paalala sa ating mga employers sa pribadong sektor na nagsagawa ng FWAs / Temporary Closure sa Metro Manila / NCR:
1) PLEASE EMAIL:

Para ma-avail ang 5k financial assistance sa pamamagitan ng DOLE-CAMP at alinsunod sa pinapatupad na Enhanced Community Quarantine, muli po naming pinapaalala na ang aming opisina ay tatanggap lamang ng inyong CAMP applications sa E-MAIL. Ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Prioridad po namin ang inyong kaligtasan at kalusugan.


2) KARAGDAGANG REQUIREMENT**
Bukod po sa DOLE Establishment Report on COVID-19 (idownload po dito) at Company Payroll, mangyari po lamang na ipadala din sa pamamagitan ng E-MAIL ang mga sumusunod na impormasyon upang mapabilis ang disbursement / money remittance ng 5k assistance sa mga affected workers ng inyong opisina:


đź“ŚPayroll Account Numbers of Affected Workers

đź“ŚCompany Payroll's Bank name (pls. specify branch or address)


**PAALALA: Sa mga nakapag-submit na before ng CAMP applications na hindi pa kasama ang mga karagdagang requirement na nabanggit ay maaaring mag e-mail ulit o di kaya'y sundan lang po ang inyong huling e-mail sa DOLE at ilakip po dito ang nabanggit na karagdagang requirement.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa!

Narito ang mga email addresses kung saan po ipapadala ang email. 


COVID-19 ADJUSTMENT MEASURES PROGRAM
PHP 5,000.00
SAFETY NET PROGRAM ng DOLE sa mga manggagawa sa pormal na sektor na naapektuhan ng pagpapatupad ng Flexible Work Arrangements o temporary closure ng kanilang pinagtatrabahuhan dahil sa COVID-19 pandemic
halaga ng tulong pinansyal na matatanggap ng bawat apektadong manggagawa anuman ang status of employment (mapa-permanent,
probationary, o contractual)
AFFECTED ESTABLISHMENTS
maaaring mag-apply ang mga employers sa kinauukulang DOLE Regional/Provincial/Field Office para sa kanilang mga empleyadong naapektuhan ang trabaho ng COVID-19 pandemic
NOTE: Ang large establishments ay lubos na hinihikayat na ipagpatuloy ang pagbibigay ng buong
sahod ng kanilang mga empleyado habang sumasailalim sa enhanced community quarantine
ONLINE SUBMISSION
ESTABLISHMENT REPORT
ON THE COVID-19 and COMPANY PAYROLL
at
ipadala lamang sa e-mail ng kinauukulang
DOLE RO/PO/FO ang kumpletong
requirements upang ma-evaluate at ma-approve sa loob ng three (3) working days
natatanging dokumentong kailangang
i-submit ng affected establishment
NATIONWIDE COVERAGE
ang CAMP ay mapapakinabangan ng lahat ng
apektadong manggagawa sa buong bansa ang CAMP
21 MARCH 2020
araw ng effectivity kung kailan maaaring tumanggap ang DOLE RO/PO/FOs ng mga aplikasyon
BANK TRANSFER o
MONEY REMITTANCE
ang paraan ng pagpapadala ng tulong pinansyal
sa mga aprubadong beneficiaries.

MGA TANONG at SAGOT HINGGIL SA CAMP


Makakatanggap ba ng Php 5,000 mula sa Department of Labor and Employment - DOLE ang mga new at probationary hires? Kung hindi ko pa nauubos ang aking leave credits, maaari pa rin ba akong mag-avail ng CAMP?

Alamin ang sagot sa ilang Frequently Asked Questions tungkol sa CAMP o COVID-19 Adjustment Measures Program. Tag your friends, mga katrabaho, at ang HR ng kumpanya niyo.

Tanong: Ang Probationary at New Hires ba ay entitled o kasali sa makakabenepisyo sa CAMP?

Sagot: Oo. Covered ang mga manggagawang nasa pribadong sector, mapaPERMANENT, PROBATIONARY o CONTRACTUAL.

Tanong: Kung hindi ko pa nauubos ang aking LEAVE CREDITS, maari pa rin ba akong mag-avail ng CAMP?

Sagot: Oo. Entitled ka pa din sa CAMP dahil sa iyong INCOME REDUCTION

Tanong: Kung nakatanggap na ako ng ADVANCED 13th Month Pay, entitled pa ba ako sa CAMP?

Sagot: Oo. Ang pagbibigay ng Advanced 13th Month Pay ng kumpanya sa panahon ng Enhanced Community Quarantine ay hindi kapalit ng nawalang Income.

Tanong: Kapag tumatanggap pa rin ng buong sahod ang naka-WORK from HOME na empleyado, entitled pa din ba siya ng CAMP?

Sagot: HINDI. Ang entitled sa CAMP ay ang mga empleyadong may income reduction o loss


Tanong: Kapag walang payroll na maibigay ang kumpanya, maari bang PAYSLIP ang isubmit kasama na ang Accomplished Establishment Report Form?

Sagot: Oo. Maaring PAYSLIP ang isubmit kung walang payroll.

Tanong: May limit ba ang maaring mag-apply sa CAMP sa bawat kumpanya?

Sagot: WALA. Ang lahat ng eligible workers sa kumpanya ay maaring iapply ng employer.


Tanong: Paano kung AYAW MAG-APPLY ng Employer sa DOLE CAMP?

Sagot: Maaring ibigay ang detalye ng kumpanya sa DOLE para ito ay macontact ng mga Regional/Field/Provincial Offices at mahikayat na magsubmit ng application


Tanong: Saan dederecho ang tulong pinansyal, sa BANK ACCOUNT ba ng empleyado o sa employer?

Sagot: Ito ay dederecho sa account ng manggagawa o empleyadong naiapply sa CAMP



Tanong: Ang mga large establishments ba ay hindi covered ng CAMP?

Sagot: Covered pa din ang mga manggagawang apektado sa large establishments ngunit mas priority ang mga nasa MSMEs o maliliit na kumpanya.


Tanong: Paano at saan mag-apply ang mga kumpanya kung ito ay may mga branch offices?

Sagot: Maaring iapply ng branch office ang lahat ng naapektuhang manggagawa na nasa payroll nito sa kinauukulang DOLE REGIONAL/FIELD/PROVINCIAL OFFICE na nakakasakop nito.


Tanong: Covered ba ang JOBSTART beneficiaries na nawalan ng INCOME dahil sa temporary closures ng employers?

Sagot: Oo. Covered ang mga Jobstart beneficiaries na nasa internship phase na dahil sa kanilang income reduction at kasama sila sa company payroll.




Ikakaltas ba sa sweldo ng empleyado ang Php 5,000.00 CAMP financial assistance mula sa Department of Labor and Employment - DOLE? Paano kung walang payroll/bank account ang manggagawa? Totoo bang ubos na ang pondo ng CAMP?
Karagdagang Frequently Asked Questions na sumasagot sa inyong mga katanungan tungkol sa CAMP o COVID-19 Adjustment Measures Program.

Important documents, including the Establishment Report Form on COVID-19, are available for download through this link: https://bitly/DOLECAMPGuidelines2020

Tanong: Covered ba ang mga construction workers na nawalan ng income dahil sa temporary closure?


Sagot: Oo. Oo kung ang worker ay actively employed o may ongoing contract sa employer bago ipinatupad ang Enhance Community Quarantine.


Tanong: Tutuo po bang ubos na ang pondo ng CAMP?

Sagot: Hindi. Mayroong sapat na pondo ang pmahalaan para dito.


Tanong: Ikakaltas ba sa sweldo ng empleyado ang Php 5000 na CAMP financial assistance?

Sagot: Hindi. Ito ay tulong pinansyal ng gobyerno at hindi dapat ikaltas sa sahod ng empleyado.



Image may contain: text

Image may contain: text Image may contain: text
Image may contain: text

Image may contain: text

Image may contain: text
Image may contain: possible text that says 'DEPARTMENT OF LABOR AND MPLOYMENT CMP Sa Establishment Report Form, kailangang ilagay kung ang sahod ng empleyado ay daily o monthly. Paano kung weekly ang salary? Maaaring ilagay ang weekly sa form kung ang arrangement ng pasahod ay weekly. MOREFAQs FREQUENTLYASKEDQUESTIONS QUESTIONS'



Narito ang Implementing Guidelines galing sa DOLE.









©2020 THOUGHTSKOTO