Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Monday, August 17, 2020

ALAMIN: Bagong Strain ng Coronavirus na Nakita sa Bansa, Mas Nakahahawa Nga Ba?

Isang bagong strain ng coronavirus ang nakita kamakailan sa Pilipinas at pinaniniwalaang mas nakahahawa ito kaysa sa unang klase ng virus na nakapasok sa bansa. 

Ads

Ayon sa unang SARS-CoV-2 bulletin na inilabas kamakailan ng Philippine Genome Center (PGC), ang presensya ng D614G o ng “G” variant--na itinuturing na “globally dominant form of SARS-CoV-2”--ay nakita kamakailan sa isang small sample ng positive cases mula sa Quezon City.

“Together with the observation that G614 is now the dominant viral state, the authors claim that the said mutation can increase the viral rate of transmission,” saad ng PGC.
Ads

Sponsored Links


Wika ng infectious diseases expert na si Dr. Edsel Salvana, ang pagtaas ng bilang ng apektado ng virus noong nakaraang Hulyo ay maaaring bunsod na rin kahit papaano ng G variant; bagama't hindi pa ito namamataan sa anumang sample na nasa bansa.

“The D614G mutation makes the virus more infectious....It can spread faster and overwhelm our healthcare system if we don't double our control efforts and so it can lead to a higher number of overall deaths,” aniya.

Naobserbahan din kamakailan ng mga researcher sa Scripps Research, United States na ang G variant ang dahilan ng "increased number of spikes that characterize SARS-CoV-2".

Gayunman, masyado pa raw maaga para sabihin na mas madaling nakahahawa ang bagong strain na ito.

“However, there is still no definitive evidence showing that carriers of the G614 variant are actually more transmissible… and the mutation does not appear to substantially affect clinical outcomes as well,” paliwanag ng grupo ng eksperto. “Nevertheless, considering the presently wide geographic spread of G614, continuous monitoring of the said mutation… must be done in order to better understand the evolutionary trajectory of SARS-CoV-2 to inform containment, diagnostic, and therapeutic strategies."

Sunday, August 16, 2020

GOOD NEWS! Free Annual Medical Checkup Act, Aprubado na sa Kamara

Sa gitna ng patuloy na paglala ng pandemya sa loob at labas ng bansa, inaprubahan sa House Committee on Health ang isang panukalang batas na may kinalaman sa kalusugan: ang substitute House Bill 4093 na naglalayong bigyan ng libreng taunang medical checkup ang mga Pilipino.

Ads

Sa isang virtual hearing na ginanap kamakailan, inaprubahan na ng komite ang ang Free Annual Medical Checkup Act na iniakda ni Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor.

"The recently-passed Universal Health Care Law highlights the importance of primary healthcare in promoting the health and wellness of the Filipino people," saad ni Defensor tungkol sa kanyang isinusulong na panukala, ayon sa ulat ng GMA News. "One of the aspects of primary healthcare is preventive care under which medical checkups fall and includes physical examinations and diagnostic tests."
Ads

Sponsored Links


Sa unang version ng nasabing panukala, iminungkahi ang free annual medical checkup ang diagnostic and laboratory tests para sa complete blood count, urinalysis, stool analysis, chest x-ray, at kumpletong physical exam.

Gayunman, pagkatapos ng deliberasyon ng technical working group, napagdesisyunan na limitahan lamang ang libreng checkup sa pagsusuri sa blood sugar at total cholesterol level. Ani Defensor, puwede pa naman itong mas palawakin pa sa kalaunan--depende sa kapasidad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). 

Paliwanag niya, "We look at the expense of these two tests per person to be covered to be less than P500 which can be expanded depending on the capability of the agency in the future," paliwanag niya.


Ayon sa mambabatas, naniniwala siya na malaki ang maitutulong ng ganitong klase ng pagsusuri sa kalusugan para mabawasan ang mga pumapanaw sa sakit, gayundin ang gastos sa pagpapagamot sapagkat sa una pa lang ay maaagapan na ang pagkakaroon ng karamdaman.

"In the long run, our small initial investment in giving free annual testing for blood sugar and cholesterol levels would mean less expenses for the government in the future," dagdag pa niya.

Pagkatapos aprubahan, dadalhin sa plenaryo ang panukala para muling talakayin at aprubahan. Inaasahan na maaprubahan din ang katulad na bersiyon nito sa Senado, bago ganap na maging batas.

Monday, August 10, 2020

SOLUSYON SA WAKAS? DFA, Positibo sa Alok ng Russia na Mag-supply ng Coronavirus Vaccines sa Pilipinas

Matapos ianunsyo ang kanilang "safe" at "effective" antidote, inialok ng Russia sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine nito--at positibo naman ang tugon ng nahuli sa mungkahing ito. 

Ads



Sa isang press briefing kamakailan, sinabi ni Russian Ambassador Igor Khovaev na layunin nilang magsagawa ng clinical trials at magtayo ng vaccine production hub sa Pilipinas kung aaprubahan ito ng gobyerno.

"We are ready to combine our efforts, we are ready to make the necessary investments with our Filipino partners and we are ready to share our technologies simply because we want to build a robust partnership between our two nations," ani Khovaev.

Pagpapatuloy niya, hindi sila nangangako, kung 'di nagbibigay ng mungkahi base sa kung ano ang alam nila at kung ano na ang kanilang nagawa. 

Ads

Sponsored Links
Wika ng opisyal, sa kasalukuyan ay maganda ang itinatakbo ng series of trials na isinasagawa ng grupo ng volunteers sa Russia.

"We don't make promises. We make suggestions based on what we already know and what we have done," aniya. "We already have the vaccine so all necessary bureaucratic procedures in order to get an official administrative approval might be completed until mid-August. The vaccine is effective and safe."

Positibo naman ang tugon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing proposal.

“The DFA conveys its appreciation for Russia’s willingness to assist the Philippines in its fight against COVID-19, as well as its offer to supply the SARS-COV-2 vaccine developed by N.F. Gamaleya of the Ministry of Health of the Russian Federation,” saad nito sa isang statement.

Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa bakuna na idine-develop ngayon ng Russia:
©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, August 08, 2020

'Para sa SSS, PhilHealth, atbp': Mga Paraan Upang Mapalitan ang Nawala o Nasirang Lisensya, Government IDs

Madalas isama sa bilang ng requirements ang lisensya at iba pang government identification (ID) cards katulad ng Social Security System (SSS) ID at Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) card kung kaya dapat lamang na ingatan ito ng mga nagmamay-ari nito. Gayunman, paano kung sa kabila ng labis na pag-iingat ay mawala pa rin ito o hindi kaya ay masira?

Alamin kung ano-ano ang mga hakbang na dapat gawin upang makakuha muli ng mga ito matapos mawala o masira.

Ads

Driver’s Licenses Replacement
Para mga nangangailangan ng kapalit ng kanilang nasira o nawalang lisensya (Student Permit, Professional Driver’s License, Non-Professional Driver’s License, o Conductor License), kailangan nilang magtungo sa Land Transportation Office dala ang kanilang Application for Driver’s License, Proof of Identity, at Affidavit of Loss.

Una, kailangan nilang pumunta sa Customer Service Counter para makakuha ng checklist of requirements at ng Driver’s License Application Form. Dito rin nila kukunin ang kanilang numero at hihintayin na matawag ito.

Kapag natawag na ang kanilang numero, maaari na silang pumunta sa evaluator counter upang ipasa ang mga dokumentong kailangan. Kasunod nito ay ang pagtungo nila sa Photo Taking/Signature Area. Pagkatapos nito ay kailangan nilang pumunta sa cashier upang magbaya at makuha ang kanilang Official Receipt.

Panghuli, kailangan nilang dumiretso sa  Releasing Counter at iprisinta ang Official Receipt na hawak nila at kuhanin ang kanilang Card Type License. 
Ads

Sponsored Links

SSS ID Replacement
Sa SSS ID naman, kailangan ang apat na kopya ng SSS Form E-6, Affidavit of Loss, dalawang Valid ID’s, SSS Form R-6, at P200 para sa replacement fee.

Una, kailangang sagutan ang Application for Social Security ID E-6 form. Pagkatapos nito, maaari nang kumuha ng transaction number at hintayin na mag-flash ito sa screen kasama ang numero ng counter na dapat puntahan.

Sa nasabing counter ipiprisinta ang mga dokumentong kailangang ipasa. Kasunod nito ay ang pagpunta sa payment window para bayaran ang replacement fee.

Pagkatapos magbayad, magpakuha ng litrato sa ID capture room; kung saan iva-validate din ng opisyal ng ahensya ang ang mga impormasyong ibinigay mo. 

Pagkalipas ng dalawa hanggang tatlong buwan, ipadadala ang iyong SSS ID sa address na inilagay mo.

PhilHealth Card Replacement
Para naman sa mga nawalan o nasira ang PhilHealth Card, kailangang pumunta sa kanilang PhilHealth Regional Office dala ang isang valid ID.

Kailangan lamang niyang mag-request ng replacement sa PhilHealth officer na naroroon upang ma-process ang iyong application. MAghintay lamang ng 15 to 30 minutes para makuha ang inyong PhillHealth Card

Thursday, August 06, 2020

SOLUSYON SA COVID? Avigan Tablets Mula sa Japan Dumating na sa Pilipinas

Bilang bahagi ng emergency grant aid nito sa mga bansang malaki ang problemang kinahaharap ngayon bunsod ng pandemya, nagpadala ang Japan ng Avigan tablets para sa 100 COVID-19 patients sa Pilipinas.
Ads

Ayon statement mula sa  Japanese Embassy sa Manila, nakarating na sa Department of Health (DOH) ang Japan-made anti-flu drug na Avigan; kamakailan lamang ay nakapukaw ng interes ng maraming bansa dahil sa potensyal nito na pumigil ng viral replication, kahit pa ang bisa nito kontra sa COVID-19 ay kasalukuyan pang tinitingnan.

“The Government of Japan delivered Avigan tablets for 100 patients to the Philippine Department of Health on August 6, 2020 as part of its emergency grant aid to countries severely affected by COVID-19,” saad ng embahada.
 
Ads

Sponsored Links
“Japan-made anti-flu drug Avigan has drawn interest from many countries for its potential to prevent viral replication, even as its effectiveness against the novel coronavirus is yet to be established," pagpapatuloy nito.

Avigan: Clinical Research

Bilang tugon sa mga request ng mula sa international community, nakipag-ugnayan ang Japan sa iba't ibang bansa--kabilang na ang Pilipinas--upang mas mapalawak pa ang pananaliksik nito na may kinalaman sa paggamit ng Avigan bilang lunas sa mga nakahahawang sakit.
“In response to the requests received from the international community, Japan has formed close cooperation with several countries, including the Philippines, to expand clinical research on Avigan as treatment for this infectious disease,” saad ng statement.

“Each recipient government has acknowledged of Avigan’s proper usage and prescription in view of its known adverse side effects,” dagdag pa nito.

Umaasa raw ang Japan na makatutulong ang pakikipag-isa nito sa Pilipinas sa layuning makatuklas ng paraan upang mapahinto na ang COVID-19 pandemic.

“Japan hopes that this ongoing cooperation with the Philippines would further contribute to the advancement of clinical research to contain the COVID-19 pandemic,” wika nito.