The past few days marami ako nakachat na mga tao. Well, lagi naman yan, kasi I try to always reach out and somehow to keep in touch. Naks!
Pero ang nakakapagtaka, the same ang topic, iba ibang sitwasyon.
Baka lahat sila magbabasa nito pero hindi sila lahat blogger kaya it’s safe to say "your identity is safe with me, or you’re in good hands with Thoughtskoto," hehe parang Metrobank. Para akong naging Joe d Mango bigla sa mga nangyari. Haha!
Meron isang tao na ayaw ng magmahal matapos masaktan. Meron pang isa na totally shutted out love sa kanyang life. Meron ding isa na kuntento na nagiisa sa buhay. Meron din isa pa na takot magmahal at walang pang karanasan umibig, takot masaktan at nagtatanong kung natututunan ba ang pag-ibig.
“Natutunan ba ang love?” Tanong niya saken.
Love can be learned but it must also be felt, sabay sagot ko.
Meron pang isang tao na lihim na nagmamahal, meron ding isa na ayaw umamin na may napupusuan, meron din takot manligaw, meron pang iba na animo’y bubuyog pag nanligaw, at higit sa lahat meron naman na akala mo’y pusong bato, I’m talking about my brother here, 26 na siya, ay 28 na, I am not sure, pero wala pa rin girlfriend at hindi pa rin nakapanligaw hanggang ngayon. Hehe
“Magiging magaling kaya ako na gf or wife sa kanya kung sakaling kami?” tanong ng isa pa sa akin.
"Knowing leads to understanding, so the secret of a successful relationship is to talk honestly. To communicate to each other…"ang aking mala-lolong sagot sa kanya.
Naalala ko pa minsan sa buhay naming mag-asawa ni Mrs. Thoughtskoto. Two years pa lang kaming kasal, kaya marami pa kaming natututunan everyday sa bawat isa. Minsan nagtampo siya sa akin. Nag-usap kami. Sabi ko, “huwag mo naman akong tampuhan, kwekwang ko,” (kwekwang ang name niya kasi kung ano ano ang tawag lambing niya sa akin, merong Beavor, Honeybombom, Kwekwan, kwak kwak, hubzki, doodle, batute, etc, etc…ayan ha, NJ, yan na ang tag mo na names, lol!)
Sabi ko “ huwag mo naman akong tampuhan, kwekwang ko, kapag may nasabi or nagawa ako, wag ka bigla magtatampo. Sabihin mo sa akin ng maayos para mababago ko. “
“Eh, baka masaktan ka or magalit ka” sagot niya saken.
“Okay lang na masaktan ako, basta mas mabuti alam ko na ayaw mo yun or nasaktan ka nun para mababago ko. Mas nasasaktan kaya ako kapag di mo ako kinakausap at hindi rin ako mapalagay pag nagtatampo ka sa akin or nalulungkot ka. Pag pinapahirapan mo sarili mo, mas lalo kaya ako nahihirapan.” (naks,pero true yan, exact words, ask niyo pa si Mrs. Thoughtskoto. Hehe)
So we spend time together mag-usap sa ikakabuti ng aming pagsasama. The more we are open and we are talking, the better we understand each other. The more we feel closer, the more we feel in love to each other. May schedule kami na ako mag-aalaga ng baby, at ako tigas sa amin, short of Tigahugas, nyehaha. May schedule din ako ng computer, surfing at blogging while she does reading sa palm niya ng walang kamatayang Twilight Series. Hehe. Through that way, maayos ang aming pagsasama sabay ng morning at evening prayer at pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa gabi bago kami matulog.
Ang buhay ay parang life, haha. Pero ang payo ko sa mga in love at bato ang puso…
The easiest way to find love is to give love.
The quickest way to end love is to hold it tightly.
The best way to keep love is to give it wings and let it fly.
©2009 THOUGHTSKOTO