Maaring maisalba o sasagip ng iyong buhay o buhay ng iyong mahal sa
buhay sa pamamagitan ng mga tips na ito. Pakishare nito sa iyong asawa, mga
anak, at mga mahal sa buhay at kakilala. Ito ay 12 TIPS, napakahalagang tips at
pakishare po. Hindi naman seguro masamang mag-ingat tayo at matuto ng mga bagay
na ito.
1. Galing sa Tae-Kwon-Do: Ang siko ang pinakamalakas na
bahagi ng ating katawan. Kung saka-sakaling kinakailangan mong gamitin ito sa
mga nambabastos, o magnanakaw o sa masasamang tao na pinagtatangkaan ka,
gamitin mo ito.
2. Kapag ang magnanakaw ay nagsabing ibigay moa ng wallet mo
o bag mo, wag mo itong iabot sa kanya. WAG MONG IABOT. KUNG PWEDE, IHAGIS MO
MALAYO SA KANYA. Mas interesado sila sa wallet o pitaka o bag mo kaysa sayo
kaya mas pupuntahan niya ang wallet o bag. Pagkatapos tumakbo ka ng
pinakamabilis na takbo sa kabilang direksyon kung saan mo inihagis ang
wallet/purse.
3. Kung ikaw ay inilagay sa trunk o likod ng kotsesipain mo
ng sipain ang mga ilaw sa likuran at ilabas ang mga kamay sa butas at kumaway
ng kumaway at humingi ng saklolo. Hindi ka makikita ng driver pero lahat ng
sasakyan na nakasunod sa inyo at mga tao sa kalsada ay makikita ka. Marami ng
buhay ang nailigtas dahil dito.
4. Ang mga babaeng nagmamaneho minsan ay nagkukulong sa
kanilang sasakyan pagkatapos ng shopping, kumain o magtrabaho at uupo sa
sasakyan at gagawa ng listahan o magbibilang ng pera etc. WAG GAWIN ITO! Ang
masasamang tao ay maaring nakatingin lamang sayo sa malayo, papasok, uupo sa
tabi mo o sa likod ng sasakyan at tutukan ka ng kutsilyo o baril at sabihin
sayo kung saan ka pupunta.
PAGSAKAY MO NG IYONG KOTSE O SASAKYAN, ISARADO AT ILOCK ang
PINTUAN AT UMALIS.
5. Kung may tao sa sasakyan o kotse mo at tinutukan ka ng
baril o kutsilyo at sinasabing papatayin ka niya, wag huminto o wag hayaan,
paandarin mo ang sasakyan, magdrive ng mabilis at pagiwang-giwang o kung maari
ibangga ang sasakyan. Ang Air Bag ng iyong sasakyan ay makakaligtas sayo, ang
katabi mong masamang tao ay magtatamo ng pasa o mauuntog, kung sila ay nasa
likuran ng sasakyan, mas malala ang aabutin nila. Kapag bumangga ang sasakyan,
tumakbo ka ng mabilis. Mas mabuti na ito kaysa makita na lang ang iyong katawan
na malamig na sa kung saang liblib na lugar.
6. Ilang mga paalala kung kayo ay papunta sa inyong sasakyan
sa parking lot o parking garage.
A.) Maging aware. Maging mapagmasid, tingnan ang paligid, at
ang iyong sasakyan, sa bandang passenger side o sa likod o back seat.
B.) Kung may kaduda-dudang tao o may van o sasakyan sa tabi mo o driver’s side,
dumaan sa passenger side na pintuan ng sasakyan, pumasok at ilock ang sasakyan.
Karamihan sa mga nandudukot ng babae ay hinihila ang mga babae habang sila ay
papunta sa sasakyan nila at binubuksan ang pintuan ng driver’s side ng
sasakyan.
C.) Kung may lalaki na nag-iisa o kahit may kasama na nakatayo o nakaupo
malapit sa iyong sasakyan at walang ibang tao, mas mabuting bumalik ka sa work
o sa mall at magpasama sa guard sa parking lot. MAY KASABIHAN NA IT IS BETTER
TO BE SAFE THAN SORRY. At mas mabuti ng maging paranoid minsan kaysa malaman na
lang na malamig ka ng bangkay, di ba?
7. Laging gumamit ng elevator kaysa sa hagdan lalo na kapag
gabi at madilim. Laging tandaan ang magnanakaw o masasama ay natutuwa at sa
madilim naglulungga.
8. Kung ang masamang tao ay may hawak na baril at hindi ka
niya control, LAGING TUMAKBO!
Pwede ka niyang tamaan ng apat na beses sa isandaang beses
niya na pagbabaril at kahit pa, ito ay seguradong hindi sa ulo, puso o mga
vital na organ na maaring kumitil ng buhay.
TUMAKBO ka lang, at mas mabuti kung
tumatakbo ka na PAZIGZAG na pattern.
9. Para sa mga babae, minsan napakamaawain nila. STOP IT.
ITIGIL NIYO PO ITO! Maraming babae ang nagahasa o pinatay dahil dito. “Ted
Bundy, the serial killer, was a good-looking, well educated man, who ALWAYS
played on the sympathies of unsuspecting women. He walked with a cane, or a
limp, and often asked 'for help' into his vehicle or with his vehicle, which is
when he abducted his next victim.”
10. Another Safety Point: PALALABASIN KA NG BAHAY SA GABI.
May mga masasamang tao na may nakarecord na boses ng umiiyak
na bata, ialalagay sa harapan ng iyong bahay o sa pintuan at kung bubuksan mo
na o lalabasin mo na, saka ka dadakmain at ilalagay sa sasakyan.
11. WATER SCAM. Minsan ang mga masasamang tao ay paaandarin
ang iyong mga water taps o mga sprinklers at kung lalabas ka at nag-iisa ay
papasok sila sa bahay at ihohostage ka nila. Kailangan mas safe kung may kasama
at wag lumabas ng bahay sa gabi na nag-iisa.
12. Wag magpost sa Facebook or Twitter na nag-iisa ka, o
kung saan ka pupunta, maaring sinusundan ka ng masasamang tao na hoholdap sayo
o pag-interesan ang buhay mo.
Alam ko marami pang mga safety tips, lalo na sa mga babae.
Pwede po kayong magcomment kung ano pa sa palagay niyo ang mga dapat tandaan ng
mga Pinoy para maiwasan ang kapahamakan. Stay alert, keep safe, and look out
for your neighbors! Please share.
©2014 THOUGHTSKOTO