Ang post na ito ay payong kapatid, payong kaibigan, payo bilang isang blogero, payo bilang isang KABLOGS.
Denelete or nakaunpublished na ang post mo na "Mukhang Pera" na nagdulot ng pangit na karanasan sa atin. Gusto ko bilang matanda sau, oo inaamin ko, matanda ako sau ng three eight and one fourth na matutunan mo ang mga simpleng aral na ito sa mundo ng blogging.
1. Ang mga bullet messages sa Cbox ay nagpapahiwatig na ang bumibisita sau ay maaring nagmamadali, hindi makapagbasa ng post or simply walang interest sa blog mo o ayaw makipagkaibigan sau, maliban na lang kung kilala mo na ang tao na yun. Magcomment ka sa comment page or comment box, nakakatulong ka pa sa blog owner, nakikita ka sa Google Search Engine, nakakadagdag ng pogi points sa profile views at higit sa lahat nababasa ang mensahe mo kaya pag may nagkagusto ng comment mo, napupunta sa blog mo at nagbabasa ng mga gawa mo.
Bakit nga ba masarap ang naka-base or nakauna sa pagcocomment ng post ng ibang blogero? Kasi unang-una nababasa ang comment mo ng lahat ng magcocomment dito at higit sa lahat naeexpose ka sa madlang blogero kaya traffic increases also.
2. Wag kang magsalita ng mga masasagwa or nasty comments sa comment/post mo. Maaring bastos ang ating ugali or pag-iisip pero I am honestly, easily offended ng mga mura or pagmumurang salita, or beyond decency na mga lengguwahe. Katunayan, kapag may nababasa ako na post na nagmumura nasasaktan ako. Namimili ako ng mga binabasa or bloghop at nililink sa sidebar ko. Wholesome is always awesome sabi nga nila. Para sa akin, ang gumagamit ng mga swear or foul words, mga bastos at nakikita or nababasa sa mga vulgar na pahayagan at magazine ay isang indikasyon na mahina ang vocabulary at discipline ng isang tao. At kapag dumating ang panahon na at lost of words, yun lang ang lalabas sa bibig.
3. Gawin mo na lahat. Alipustahin mo ang blog ko, magpatumbling-tumbling at split ka, pero wag kang mandamay ng pamilya or manira ng reputasyon. Hindi ko alam kong anong magagawa ko kapag pamilya ko ang dinamay mo. Katunayan kaya ako nagmumukhang pera at nagkakandahirap-hirap dito sa Saudi dahil sa pamilya ko. Kaya ako nagtitiis dahil sa pamilya ko. So, sa ngalan ng pamilya, utang na loob, please kapuso, wag mong idamay ang mga walang malay lalo na sa blog or sa comment or kahit saan sa internet.
4. Huwag mong gawing katatawanan or bastusin ang 12 milyon katao na sandigan ng pamilya, kinabukasan at ng bayan mo. Ang OFW ay tatlong letra lamang pero may malalim na kahulugan. Kung isa kang ex-OFW, alam mo yan, kung wala kang relative na OFW, dapat kang makiramdam.
Inaamin ko hindi perpekto ang mga OFW. May mga taong nagiging infidel or nangangaliwa, may mga taong nagiging gahaman, sakim at nagiging mukhang pera. May mga OFW na parang mga alamang ang ugali, kapag ikaw ay naging successful or naging maayos sa trabaho, naghahalo ang balat sa tinalupan sa inggit, paninira at tsismis at kulang na lang ipako ka sa krus. May mga OFW na hindi masaya kapag nagiging matagumpay ka. May mga OFW na hindi nalulungkot kapag nagkamali or nagfail ka. May mga OFW na nangingiti kapag nag-iisa kapag na-badluck ka.
Pero iilan lang sila. Sa limang taon kong pamumuhay at paghihirap sa mainit na disyertong ito, sari-saring kwento at karanasan ang aking narinig at nakita. Ang OFW para sa akin ay mga taong may pangarap sa buhay. Ang pangarap para sa sarili at kinabukasan ng pamilya na siyang nagtutulak para magtiis, that's where they draw strength to fight the terrible loneliness, and carry on even the most menial tasks at hand.
5. Ang pagbloblog ay hindi kahit kelan man sinusukat kung gaano ka na katagal sa lansangan. 2005 pa ako nagsimula, pero marami pang akong natututunan at gustong matutunan, para pa rin akong Grade 6 kung magblog. Gusto kong magblog dati para magsilbing inspirasyon ng aking mga mahal sa buhay at kaibigan, pero natalo ako ni The Pope ng Palipasan at ni Bhing ng Gumamela sa Paraiso sa KABLOGS AWARD ng most Inspiring Blog. {hehe, sorry kanya-kanya pala tayong diskarte dito sa mundong ilalim, kaya di pala ako natalo, naungusan sa ganda ng mga post} Mga blog na halos wala pang isang taon pero magagaling at nakaka-antig ng damdamin. Kaya wag tayong magmayabang na matagal na tayong nagbloblog, tuloy lang tayo sa pagbibigay sigla at pagsilbing inspiration sa ating mga kababayan, nakakalibang, nakakapagbigay-alam, at nakakapagpadami ng kaibigan.
Iilan lang yan sa mga lessons na dapat nating matutunan, Arvin de la Pena. I wonder if one day, magcocomment ka rin sa comment box ko. Yung matino ah. Yung ayun sa post ko, yung related sa entry ko na toh.
Walang halong biro, sumulat ka ng maayos, matino, magaling, na walang inaapakang tao at walang sinasaktang damdamin, lalo kang sisikat.
©2009 THOUGHTSKOTO