Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, June 25, 2010

Babalik ka rin

Ayun, sinisikap kong maging normal ang buhay after almost one month na medyo naging abnormal ito.



1. Vacation, umalis ako sa kompanyang tinatrabahuan ko ng maayos, pero maraming dahilan kung bakit. Sabihin na lang natin na hindi sila naging matino! hahaha.



2. Nagulat sa sobrang init sa Pinas, at maging sa kahit saang bahagi ng mundo ayun sa mga balita.



3. Maraming papeles ang inayos at inaayos para sa magandang kinabukasan.



4. Bumalik ulit sa Gitnang Silangan sapagkat di mapapalagpas ang oportunidad sa bagong offer sa trabaho.



5. Naghahanda para sa pagbubukas ng nomination ng PEBA 2010 sa July 2010.



6. Naghahanap ng magandang bahay at maipwesto ang PC at laptop para sa tuloy tuloy na Facebook at blogging. hehe



7. Walang upuan sa trabaho ko ngayon. Maghapon akong naglalakad sa laboratory at nakatayo na naglalaro ng mga chemical, kasama ang mga kinakatakutang theory at analysis sa Quantitative Chemistry nung 3rd year sa high school at maging sa college. Ang laki ng pinagkaiba, kung parang bossing ako dati, matindi rin ang mga bossing dito ngayon, pero pakialam ko sa kanila basta ginagawa ko ng maayos ang trabaho at milyones ang sahod ko! haha (yan ang sinasabi nilang mukhang pera?)lols!



8. Ang hirap pala ng mahiwalay sa asawa at anak. Nararanasan ko ngayon ang naranasan ng mga OFW na malayo sa pamilya. Nakakalungkot, nakakaiyak, nakakawala sa katinuan pero kelangan tiisin para sa kanilang kinabukasan at maaya-ayang pamumuhay. Hoping makasunod na rin ang mag-ina ko sa madaling panahon. Hays. Namimiss ko na ang mga luto ni Mrs. Thoughtskoto!



Reporting, Mr. Thoughtskoto, back to work, back to blogging!



©2010 THOUGHTSKOTO