Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, September 29, 2020

10 Small and Beautiful Houses With a Living Area of 100 SQM and Below!





Believe it or not, living in a small house comes with a lot of benefits or advantages! So in this post, we will talk about that while presenting these 10 small and beautiful houses with a living area of 100 SQM and below.

Ads


House Design No. 1

For a small family of three to four members, this house plan is good enough! Having two bedrooms and two bathrooms in a 76 sqm total living area is not bad! With this small footprint, the required effort in cleaning and maintaining is lesser. This has been a huge perk for every family that loves spending their time outdoors, doing things they love. The estimated construction budget for this one is $25,000.




House Design No. 2

Small homes have small rooms. Then you may ask, what are the benefits of this? Well, this gives each room, as well as the entire house, a feeling of coziness and intimacy! Our house number 2 has two bedrooms and one bathroom designed to meet the needs of a small family. It has a total living area of 87 square meters while the construction budget is $31,000.







Ads

House Design No. 3

This one is a modern style contemporary house with two bedrooms and one bathroom in a living area of 85 square meters with an estimated construction budget of $31,000. We all know already that smaller homes are less expensive to live in and less expensive to build. This one is a small but beautiful house with a glazed front facade which means, small can be modern too!




House Design No. 4

Small and stylish bungalow house with three bedrooms and two bathrooms. This one has the biggest living area in this video in a total living area of 100 square meters while the construction budget is $34,000. Always remember that smaller homes are often more energy efficient because they have less space to heat and cool, which means they have a lower ecological footprint.







Sponsored Links


House Design No. 5

A small house with a traditional design but the glazed windows makes this one looks modern. A house with a 52 square meter living area and composed of two bedrooms and a shared bathroom. The estimated construction budget of this one is $18,000. In buying or building a house, smaller tends to be more affordable.





House Design No. 6

A small blue house with three bedrooms and two bathrooms. It has a total living area of 88 sqm while the construction budget is $31,000. Building small can not only save you an enormous amount of money, but it could make the difference between you being able to build your dream house or not.



House Design No. 7

A small L-shaped and boxy house design. It is composed of three bedrooms and two bathrooms in a 90 sqm total living area. The construction budget of this one is $31,000. Small houses can have a powerful effect on people. By allowing yourself to live small, you can shed the burdens of excess possessions and mountains of debt, and trade it all for a calm sense of freedom.




House Design No. 8

A small boxy house with a terrace. This one is good enough for a small family looking for a small house to live in. It has two bedrooms and one bathroom in a total living area of 65 sqm. A small house means a small construction budget and with this one, you need at least $21,000.




House Design No. 9

Who says a small house cannot accommodate three bedrooms? Well, this one can! Our small house design number  9 is composed of three bedrooms and two bathrooms. This one has a total living area of 88 sqm while the estimated construction budget is $28,000.




House Design No. 10

Small, beautiful, and stylish! This one is also a good choice for families with small members since it is composed of two bedrooms and one bathroom while the living area is 67 square meters. The estimated construction budget for this one is $21,000.




©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, September 25, 2020

Contact Tracing Training Program, Inaalok na ng TESDA!



TULOY-tuloy ang hiring ng gobyerno ng mga contact tracing dahil sa tumataas pa rin ng kaso ng coronavirus o Covid-19 sa Pilipinas. Una nang itinakda ng gobyerno noong September 23 ang deadline sa pagsusumite ng application sa mga nagnanais maging contact tracers ngunit dahil hindi pa rin umano naabot ang target na 50,000 contact tracers, tuloy-tuloy ang pagtanggap ng gobyerno ng application para maging contact tracers at wala na itong deadline.

Good News para sa mga nagnanais maging contact tracers dahil pinaplano ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na i-offer ang kanilang contact tracing training program sa iba pang rehiyon, simula sa Calabarzon!

Una nang inilunsad ng TESDA ang contact tracing training program nito sa National Capital Region o NCR.

"[It is] intended for the whole country... Maybe in a week or two, there will be a training in Region 4A (Calabarzon)," ang naging pahayag ni TESDA Director General Isidro Lapeña.




Ads


Bukas ang Contact Tracing Training Program sa lahat na mga highschool graduate na edad 21 hanggang 59-anyos at ginagawa online.

Paliwanag ng TESDA na libre ang contact tracing training program upang matulungan ang gobyerno sa manpower na kailangan nito sa pag-identify ng mga na-close contacts ng mga Covid-19 patients.

Tatlong modules umano ang dapat makuha ng isang trainee at kayang matapos ang training sa loob ng limang araw.


“Isa 'yung contact tracing training para sa protektahan ang ating sarili, at dahil nga po napakataas ng pangangailangan ng ating bansa lalong-lalo na po for contact tracing, we are expecting, according to [contact tracing czar] Mayor [Benjamin] Magalong, 150,000 or more para maserbisyuhan ang lahat,” ang naging pahayag ni TESDA Deputy Director General Aniceto Bertiz III.

'Yung learning modality 80 percent, online. 'Yung 20 percent, assessment. Puwede na nilang itake-up sa website natin 'yung Contact Tracing Training Program Level 2,” dagdag pa ni Bertiz III.

Kasama sa matutunan ng mga estudyante sa training na ito ay ang tamang pamamaraan sa pag-alis, pag-dispose at pag-sanitize ng kanilang mga personal protective equipment.
Sakaing makapasa, maa-ari nang i-presenta ng isang estudyante ang certificate nito mula sa TESDA sa DOH at DOLE kung saan merong memorandum of agreement ang ahensiya.


Ads


Sponsored Links


Basahin: Hiring ng 50,000 Contact Tracers, Sinimulan na ng Gobyerno; Qualified Ka Ba?

Nasa P5 bilyon ang inilaang pondo para sa hiring ng libo-libong contact tracers sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2).

Sa ngayon, may 85,000 contact tracers na ang pamahalaan, pero kailangan pa ng dagdag na 50,000 para maabot ang target na 135,000 o isang contact tracer kada 800 Pilipino.
 
Sa mga taga-Metro Manila na interesadong maging contact tracer, pumunta lang sa contacttracing.ncr.dilg.gov.ph, at i-click ang "apply now" at ipasok ang mga personal information.

  • Requirements sa pagiging contact tracer:
  • Letter of intent
  • Personal data sheet
  • NBI clearance
  • Drug test result
Prioridad sa programa ang mga graduate ng allied medical courses at criminology ngunit ikokonsidera ang iba pang aplikantent college graduate.

Salary grade 9 o P18,784 ang sahod ng mga contact tracer na iha-hire sa ilalim ng contract of service basis at tatagal hanggang Disyembre.

Sa mga taga-probinsiya, maaaring mag-sumite ng application sa DILG Provicial Offices o City Field Office nationwide o sa DILG  websites.


©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, September 23, 2020

P10 Billion Tirang Pondo ng DSWD Para sa SAP, Natuklasan ng Senado!





Marami ang nakatanggap ng P5,000 hanggang sa P8,000 na tulong mula sa Social Amelioration Program o SAP ng Department of Social Welfare and Development o DSWD. Ngunit kung marami ang natulungan, marami din ang naghihintay na makakataggap pa ng tulong.

Ngunit alam niyo ba na may natitira pang P10 billion na pondo ang DSWD na inilaan sa second tranche ng SAP? Yan ang natuklasan ng Senado sa kanilang isinagawang hearing ukol sa proposed budget ng DSWD para sa taong 2021.

Sa online hearing ng Senado para sa 2021 budget ng DSWD, ipinunto ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na may nasa P10 billion pang pondo ang DSWD na hindi nila nagamit sa second tranche ng SAP distribution.

"The budget allocated in Bayanihan 1 was for 2 tranches for 18 million families? Now you mentioned that the 2nd number of SAP you reduced to 14 million families," pahayag ni Recto bilang sagot sa proposed budget ng DSWD.



Ads


Habang ipini-presenta ang proposal para sa 2021 bugdet, sinabi ng DSWD na P83.1 billion mula sa P94.5 billion na pondo para sa SAP ang kanilang naipamahagi.

Natuklasan din sa nasabing Senate inquiry na mula 18 million, naging 14 million na lamang ang bilang ng pamilyang nakatanggap ng second trance ng SAP.

Paliwanag naman ni DSWD Secretary Rolando Bautista P14 million lamang na pamilya ang nasa listahan ayon na rin sa impormasyong ibinigay ng local government unit o LGU para sa second tranche ng SAP.


"We would have wanted to give the full 18 million during the 2nd tranche. But the LGUs have just submitted some 14 million and I would like to mention that out of the 8.5 million [beneficiaries] waitlisted, which they are supposed to submit, they have only submitted 5.1 million beneficiaries," ang naging paliwanag ni DSWD Undersecretary Danilo Pamonag bilang sagot sa tanong ni Recto.

Dagdag pa nito na may mga beneficiaries na matatawag na "double compensation" dahilan upang alisin ang mga ito sa listahan.

Ngunit sinabi ni Recto na maraming pamilya ang nangangailangan ng ikalawang bahagi ng SAP dahil marami ang nawalan ng trabaho.

"It's a shortfall and based on the appropriations so merong 4 million nakatanggap isang SAP lang. May 4 million na hindi nakatanggap ng second tranche, and you know the SAP 2 is even more important kasi yung SAP 1 nawalan ka na ng trabaho. 'Yung SAP 2 continuing din yan walang trabaho at lumaki 'yung unemployment diba? And poverty incidence is on the rise I suppose," dagdag na pahayag ni Recto.


Ads

Sponsored Links


Ikinagulat naman ni Senator Nancy Binay ang rebelasyon ni Bautista ukol sa hindi nagamit na P10 billion na pondo para sa SAP.

Sinabi ni Binay na hindi niya maintindihan kung bakit hindi naipamigay ng DSWD ang napakalaking halaga ng pera.

“Hindi ko maintindihan na bakit nagkaroon ng savings na P10 billion. ‘Di ba? Parang kulang na kulang. In fact, ‘yung mga jeepney drivers natin na na-displace hanggang ngayon nagrereklamo na wala pa silang natatanggap,” 

“I’m just bothered na there’s that big amount na dapat nakatulong na, lalung-lalo na nung kasagsagan ng lockdown,” ang naging pahayag ni Binay.


Saan Ngayon Mapupunta ang Pondo?

Ayon sa DSWD, maghihintay sila sa kautusan ng Department of Budget and Management o DBM kung ibabalik ang pondo sa National Treasury. Sinabi pa ng ahensiya na maari ding gamitin ang pondo para sa mga livelihood programs na aaprobahan ng Office of the President.

Ngunit inihayag nina Recto, Binay maging ni finance committee chairperson Imee Marcos na dapat gagamitin bilang cash aid ang nasabing pondo dahil maraming mahihirap na pamilya ang hindi nakatanggap ng kanilang share ngayong panahon ng pandemya.

©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, September 22, 2020

5 Easy Steps on How to Pay Your Pag-IBIG Loan Online!




Dahil sa internet, mas naging madali ang buhay lalo na ngayong panahon ng pandemya dahil sa coronavirus kung saan, hindi advisable ang lumabas kung hindi naman talaga kailangan o importante.

At dahil din sa internet, maraming bagay na ang nagagawa online kabilang na rito ang pag-order ng pagkain, pag-grocery, pag-shopping, maging sa pagbayad ng mga utility bills.
Siyempre, hindi din pahuhuli ang mga government agencies gaya ng Pag-IBIG Fund kung online ang pag-uusapan. Ito'y dahil maari na ring mag-apply ng loan at magbayad ng loan online!

Sa post na ito, pag-uusapan natin kung paano mag-bayad ng loan online sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG! 




Ads


Uri ng Pag-IBIG Loan na maaring bayaran online
  • Housing Loan
  • Multi-Purpose Loan
  • Calamity Loan
Narito ang limang simpleng steps kung paano mag-bayad ng mga loan sa Pag-IBIG sa online. Maliban sa pagbabayad ng loan, alam mo ba na maari ka ring mag-bayad ng iyong mandatory contribution o regular savings online at voluntary savings sa Pag-IBIG? Yes, pwedeng-pwede na po yan sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG!


Ads

Sponsored Links



STEP 1

Pumili lamang sa tatlong uri ng loan kung alin ang iyong babayaran.

Kung housing loan ang babayaran, i-enter lamang ang Housing Account Number.
Pag-IBIG MID Number naman ang hinihingi kung ikaw ay magbabayad ng Multi-Purpose o Calamity Loan.

Sa pamamagitan ng Housing Account Number o Pag-IBIG MID Number, malalaman ng Pag-IBIG ang account name ng borrower na automatic na lalabas sa 'Borrower's Name'.

Huwag kalimutang pumili at i-check ang member category — local o overseas.

Ilagay lamang ang halaga ng amortization at automatic din na ika-calculate ng Pag-IBIG website ang magiging convenience fee o service charge na 1.75% sa halagang iyong ibabayad.

Ilagay lamang ang iyong mobile number o email address para sa payment confirmation.

I-enter ang captcha code. Basahin at i-check ang 'I Agree with the Terms and Condition'.

I-click lamang ang "Next".




STEP 2

Makikita mo dito ang summary ng mga impormasyong iyong ibinigay sa STEP 1. I review lamang ito at kung tama, i-click ang proceed.

Kung may nais ka namang baguhin, i-click lamang ang "Back" at babalik ito sa STEP — 1.


STEP 3

Maaari mong bayaran ang iyong Pag-IBIG loan sa pamamagitan ng Credit o Debit Card.

I-enter lamang ang pangalan, card number, expiration nito at CVV.

Makikita mo rin dito ang total ammount na babayaran mo.

I-click lamang ang proceed.



STEP 4

Hihingan ka ng Pag-IBIG ng OTP o One-time-password na i-sesend sa iyong mobile number.

 I-enter lamang ito at i-click ang 'Submit'.




STEP 5

I-check ang iyong email. Agad na magpapadala ng resibo ang PayMaya bilang partner ng Pag-IBIG Fund sa kanilang Online Payment.

Sa resibo na ito, makikita mo ang iyong transaction number, petsa kung kailan ka nagbayad, payment method, at total amount na iyong ibinayad!


©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, September 21, 2020

SSS Pension Computation: Magkano ang Matatanggap Mo Sa'yong Pag-Retiro?





Matagal-tagal ka na ring nagtatrabaho, ngunit may ideya kaba kung magkano ang pension mo mula sa Social Security System o SSS kung ikaw ay magre-retiro. Isa ang pension mo sa SSS sa mga maari mong pagkukunan ng panggastos sakaling magre-retiro kana.

Laging tandaan na ang halaga ng pension mo ay naka-depende sa ibinayad mong contribution, bilang ng active years mo bilang SSS member at bilang ng mga dependents mo na minor kung mayroon pa sa panahon ng iyong pag-retiro.

Taong 2017 nang inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P1,000 na increase sa SSS pension ng mga retirees, hindi man kalakihan pero malaking bagay na!


Ads


Cash payment na ibibigay ang SSS pension na iyong matatanggap sa panahong hindi kana makakapag-trabaho dahil sa katandaan.

May dalawang paraan upang ma-qualify para sa retirement benefits.
  • Ikaw ay SSS member at nasa edad 60-anyos, hindi na nagtatrabaho o tumigil sa pagiging self-employed, nakapag-bayad ng hindi bababa sa 120 mothly contribution bago pa man ang semester ng iyong retirement.

  • Ikaw ay SSS member na nasa edad 65-anyos, may-trabaho o wala, at nakapag-bayad ng hindi bababa sa 120 monthly SSS contributions bago pa man ang semester ng iyong retirement.

Ads

Sponsored Links



May tatlong formulas na ginagamit upang ma-compute ang SSS pension, saan man sa tatlo ang magbibigay ng highest amount, yon ang magiging final pension mo.

1. PHP 300 + 20% of average monthly salary credit (AMSC) + 2% of AMSC for each credited year of service (CYS) in excess of ten years + PHP 1,000

2. 40% of the average AMSC + PHP 1,000

3. PHP 1,200 if CYS is somewhere between 10-20 years; PHP 2,400 if CYS is 20 years or more + PHP 1,000

Ngayon, doon tayo mag-focus sa first SSS pension formula, dahil ang formula na ito ang magbibigay sa iyo ng highest possible amount ng pension.

Halimbawa:

Ang senior citizen na si Anna ay kumikita ng P30,000 at nakapag-contribute sa SSS sa loob ng 40 taon. Ayon sa contribution table ng SSS na naging epektibo noong Abril 2019, ang kanyang AMSC ay P20,000.

Ito ang magiging SSS pension computation ni Anna.

Monthly Pension (MP) = PHP 300 + (20% of AMSC) + [2% of AMSC x 30 years (40 years – 10)] + PHP 1,000

MP = PHP 300 + (0.20 x 20,000) + (0.02 x 20,000 x 30) + PHP 1,000

MP = PHP 300 + PHP 4,000 + PHP 12,000 + PHP 1,000

Monthly SSS Pension = PHP 17,300


Ngayon kung hindi kaya ng powers mo ang formula na nasa itaas, mas madaling i-calculate ang SSS pension mo sa pamamagitan ng Online SSS Pension Calculator.

Mas madali at mas mabilis itong paraan sa pag-calculate ng iyong SSS pension. Makikita ang SSS Retirement Benefit Estimator sa website mismo g SSS na sss.gov.ph.


Kailangan lamang na i-enter ang iyong birthdate, buwan at taon na nagsimula kang maghulog sa SSS o kung kailangan ka naging miyembo at ang kasalukuyang buwanang sahod.

Ibigay lamang ang hinihinging captcha code at i-click ang ‘Compute’ button. 


Ipapakita ng SSS calculator ang dalawang sets ng monthly pension:

Isa para sa iyong pag-retiro sa edad na 60-anyos at isa naman kung ikaw ay magre-retiro sa edad na 65-anyos. Makikitang mas mataas ang SSS pension kung pipiliin mong mag-retiro sa edad na P65.



Paano mo matatanggap ang iyong SSS Pension?

Kung ikaw ay magreretiro at kukuha na ng pension, ire-require ka ng SSS na mag-bukas ng single savings account at isumite ang kopya g iyong passbook, ATM card, initial deposit slip, bank statement o Visa Cash Card enrollment form. 

Babayaran ka ng SSS ng iyong pension sa pamamagitan ng iyong designed bank.

Maaari mong matanggap ang iyong SSS pension sa mga sumusunod na paraan:
  • Lifetime Monthly Pension. Magsisimula ang iyong monthly pension pagkatapos mong mag-apply para sa iyong retirement benefit. Kung ikaw ay 60-anyos at nagnanais na mag-trabahong muli, sususpendihin ang iyong monthly payment hanggang sasapit ka ng 65-anyos.

  • Lump Sum Payment. Maari mong piliin na tanggapin ang unang 18 buwan ng iyong pension sa discounted rate na idi-determina ng SSS. Magpapatuloy ang iyong monthly pension sa ika-19 na buwan at sa mga susunod na buwan.

©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, September 19, 2020

3 Easy Steps on How to Check Your SSS Contribution Online!





Maraming rason kung bakit kailangang i-check regularly ang inyong SSS contribution. Kung ikaw ay isang empleyado, kailangang i-check mo ang iyong contribution upang malaman kung aktuwal na nire-remit ng iyong employer ang tamang amount ng iyong contribution.

Kung self-employed ka naman o voluntary member, namomonitor mo ang iyong SSS contribution at agad mong malalaman kung may nakaligtaan kang bayad para agad mo itong maitama.

Importante ding alam mo ang takbo ng iyong contribution para ma-qualify ka para sa SSS loan o mga benipisyo nito. Halimbawa na lang sa SSS loan kung saan kailangan ang hindi bababa sa 36 posted monthly contribution sa loob ng hindi bababa sa 12 buwan.

Ads


Para naman maka-avail ng sickness o maternity benefits, nire-require ng SSS ang hindi bababa sa tatlong buwang contribution sa loob ng 12 buwan bago pa man ang semester ng pagkakasakit o panganganak.

Sa panahon ngayon, napakadali na ang pag-check ng SSS contribution dahil hindi mo na kailangang pumunta pa sa SSS branch o makipag-ugnayan sa inyong HR department dahil magagawa mo ito, anytime, anywhere basta't may internet connection ka.


Ads

Sponsored Links



Sa ngayon, maaari mo nang ma-view ang iyong SSS contribution online sa pamamagitan ng website ng Social Security System o SSS sa simpleng apat na steps lamang!

STEP — 1

Bisitahin lamang ang SSS website — sss.gov.ph at i-check ang "I am not a Robot" saka i click ang "Submit".

Sa kanang bahagi, makikita mo ang "PORTAL" kung saan sa ilalim nito, makikita mo ang tatlong option na "Member, Employer, Small Business Wage Subsidy Program."

Piliin at i-click lamang ang "Member".


Basahin ang 5 Simple Steps para Makapag-register sa SSS Online kung ikaw ay wala pang account sa SSS Online.

STEP 2 

Lalabas ang "Member Log-In" at i-enter lamang ang iyong My.SSS account’s user ID at password. 


Kung nakalimutan mo ang iyong user ID o password, i-click lamang ang “Forgot User ID or Password?” sa ilalim ng Submit button. 

Dadalhin ka nito sa panibagong page kung saan kinakailangan mong i-enter ang inyong SS Number o 12 digit na Common Reference Number (CRN) na makikita sa iyong SSS o UMID ID.

I click lamang ang submit at i-check ang iyong email para sa instruction mula sa SSS sa pag-reset ng iyong My.SSS account login details.


STEP 3

I-click lamang ang "INQUIRY" at nasa ilalim nito ang limang option na kinabibilangan ng mga sumusunod:
  • Benefits
  • Contribution
  • Eligibility
  • Loans Info
  • Sickness/Maternity
I-click lamang ang "Contribution" at makikita mo na ang iyong kabuuang contribution!

Dito mo makikita ang mga buwan na walang posted contribution na posibleng nawalan ka ng trabaho o hindi pa na-remit ng employer mo ang iyong contributions.

Sa ilalim nito makikita mo ang iyong total number of SSS contribution at kabuuang amount na iyong naibayad.







©2020 THOUGHTSKOTO