Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, September 04, 2020

Look: Manila Bay, Magiging White Sand Na!






SINIMULAN na ng Department of Environment and Natural Resources ang paglalagay ng powdery-white sand sa baywalk ng Manila Bay! Layunin nito na madala sa Kamaynilaan ang tinatawag na Boracay experience.

“Kung hindi man sila makapunta ng Boracay, Bohol, Palawan, or Cebu. Itong mga kababayan sa Maynila, ilalapit natin sa kanila ang white sand dito sa baywalk area,” pahayag ni Environment Undersecretary Benny Antiporda.

Ngunit nilinaw ng opisyal na synthetic lamang ang buhangin dahil bawal sa batas ang pagbibyahe ng natural na white sand mula sa mga coastal areas ng bansa.

“The sand that came to Manila is not actually sand. It came from dolomite boulders that was crushed and turned into sand from Cebu. Kasi bawal 'yung sand na ibiyahe na galing sa mga coastal natin,” pahayag ng opisyal.



Ads


“The sand that came to Manila is not actually sand. It came from dolomite boulders that was crushed and turned into sand from Cebu. Kasi bawal 'yung sand na ibiyahe na galing sa mga coastal natin,” pahayag ng opisyal.
Dahil dito, hindi tatagal, magiging white sand na ang Manila Bay kung saan makikita ang iconic sunset sa Pilipinas.

Gagamitan umano ng "geo textile" ang proyekto upang hindi anurin ng tubig-dagat ang puting buhangin at ikinokonsidera din ang paglalagay ng breakwater upang maprotektahan ito.


Una nang inalis ang mga basura sa lugar bago sinimulan ang paglalagay ng buhahin.

“I don’t think na pababayaan nitong experts natin na mangyari iyong mga ganiyang bagay na magsasayang lang ng pera ng ating bayan,”
Ang nasabing mga buhangin ay galing umanong Cebu mula sa mga pininong dolomite boulders na hindi nakakasira ng karagatan.





Ads

Sponsored Links



Isang ektarya ng baywalk ang tatabunan ng puting buhangin at aabot sa isang metro ang kapal nito.

Ayon sa ahensiya nasa P394 million ang pondo para sa "beach nourishment" ng Manila Bay at umaasa ang DENR na matatapos ang proyekto sa Setyembre 19 kasabay ng International Coastal Cleanup Day.









Sa kabila ng kaliwa't kanang pambabatikos ng iba't-ibang environmental groups, nilinaw ng DENR na para din sa publiko ang proyekto lalo na sa mga taong hindi makapunta ng Boracay o iba pang tourist destination dahil sa coronavirus pandemic.

“Gagawin white sand itong, dito sa may bay walk area, para makita ng tao na kapag puti ang kulay ng isang bagay, kailangan pangalagaan mo ito at ‘wag mo dumihan,”

Enero 27, 2019 nang sinimulan ang rehabilitation sa Manila Bay ayon na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Excited kana bang makitang white sand ang Manila Bay? Anong masasabi mo sa proyektong ito?



©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: