Sa gitna ng lockdown bunsod ng pandemya, bukod sa kawalan ng trabaho at iba pang kakulangan ay nagiging suliranin din ng maraming Pilipino ang pagkakaroon ng mental health problems dahil sa mga hindi kaaya-ayang nararanasan nila online; kabilang na ang pagkakaroon ng bashers.
Ngunit ano nga ba ang mga dapat nating gawin para maiwasan ang pagkadismaya at iba pang negatibong emosyon dala ng pagkakaroon ng haters online?
Ads
Sa kanyang recent blog, ibinahagi ng popular doctor na si Doc Willie Ong kung ano-ano ang mga dapat gawin ng mga na-bash at nainsulto sa social media.
"Marami akong nababasa ngayon na mga taong nanghihina ang loob, nade-depress, dahil dito sa pandemic. They admit hindi nila alam gagawin sa buhay nila para maging better tayo at hindi bitter," pagbabahagi ng eksperto.
Aniya, may tatlo siyang plano para sa mga mayroong hindi magagandang karanasan online.
"Sa experience ko, kung anuman ginagawa mo, kahit gaano kahirap, kailangan ituloy mo lang. May batikos, may bashers, o wala, ituloy mo ang ginagawa mo. Pagtiyagaan mo ang ginagawa mo at tiis lang kung ano ang mga naririnig mo. Tuloy, tiyaga, tiis. Kahit hindi ka suportado ng kapatid mo, ng best friend mo," wika ng doktor.
Ads
Sponsored Links
"Second, try n'yo naman--puwede ninyong gawin itong ginagawa ko--positive content. Walang inaaway, walang minumura, walang sinisira, pero marami naman nanonood. Ilabas n'yo lang. Magaling kayong kumanta, may information kayo, may knowledge kayo. May isang follower ako, gumawa siya ng tips sa motorsiklo, sa bisikleta. Napakaganda, very useful, libre, nakakatulong sa iba. And no. 3, huwag mo na asahan na matutuwa ang tao, pupurihin ka ng tao. Gawin mo iyon dahil iyon ang misyon mo. Magbibigay tayo ng health tips, ng payo, magbibigay tayo ng payo. Kung may reward, bahala na ang Diyos sa atin," pagpapatuloy niya.
Base sa personal niyang karanasan, maraming beses din daw nakaranas ng pang-iinsulto o hindi magagandang kumento ang doktor. Una na riyan noong bago pa lamang siya sa larangang ito.
"Maraming nang-iinsulto na medyo tumatatak sa utak ko kung talagang tama ba o mali. Una, 27 years ago. Bagong doctor ako noon. Ang sabi sa akin, 'Huwag kang gaanong tumulong sa mahihirap. Malulugi ka riyan. Kapag puro mahihirap ang titingnan mo, malulugi ka riyan. Inisip ko, kasi galing sa mataas na tao, naisip ko, malulugi ka talaga lalo na sa pera. Iyong mga katrabaho ko mayaman na. Tama naman ang sinabi niya, pero may iba rin namang reward ang pagtulong sa mahihirap," wika ni Ong.
"Noong 1998, nagsasalita ako sa mga convention, maraming nagsasabi sa akin na, 'Mali iyang style mo, Willie Ong, dapat may script ka, maporma, maayos, memorized, with actions.' E ayoko ng ganoon, gusto ko ganito na parang nag-uusap para maka-connect sa tao. Noong 2004, ang reklamo ng marami ang bagal ko magsalita. Iyon ang gusto nila, e ako hindi ganoon, 'tsaka tutulong ka. Kailangan dahan-dahan para ma-absorb ng tao. Hindi ko pa rin sinunod iyon. Noong 2006, nagkaroon ang ng TV show, ang reklamo sa akin wala nanonood sa show.
Ngunit sa huli, isa pa rin daw ang pinakamahalaga sa lahat: ang magpatuloy gaano man kahirap ang lahat, gaano man karami ang manghusga.
READ MORE:
©2020 THOUGHTSKOTO