JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank  and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Sponsored Links



Friday, July 31, 2020

'Be Better Not Bitter': Mga Payo ni Doc sa mga Na-bash at Nainsulto

Sa gitna ng lockdown bunsod ng pandemya, bukod sa kawalan ng trabaho at iba pang kakulangan ay nagiging suliranin din ng maraming Pilipino ang pagkakaroon ng mental health problems dahil sa mga hindi kaaya-ayang nararanasan nila online; kabilang na ang pagkakaroon ng bashers.

Ngunit ano nga ba ang mga dapat nating gawin para maiwasan ang pagkadismaya at iba pang negatibong emosyon dala ng pagkakaroon ng haters online?

Ads


Sa kanyang recent blog, ibinahagi ng popular doctor na si Doc Willie Ong kung ano-ano ang mga dapat gawin ng mga na-bash at nainsulto sa social media. 

"Marami akong nababasa ngayon na mga taong nanghihina ang loob, nade-depress, dahil dito sa pandemic. They admit hindi nila alam gagawin sa buhay nila para maging better tayo at hindi bitter," pagbabahagi ng eksperto.

Aniya, may tatlo siyang plano para sa mga mayroong hindi magagandang karanasan online.

"Sa experience ko, kung anuman ginagawa mo, kahit gaano kahirap, kailangan ituloy mo lang. May batikos, may bashers, o wala, ituloy mo ang ginagawa mo. Pagtiyagaan mo ang ginagawa mo at tiis lang kung ano ang mga naririnig mo. Tuloy, tiyaga, tiis. Kahit hindi ka suportado ng kapatid mo, ng best friend mo," wika ng doktor.

Ads

Sponsored Links
"Second, try n'yo naman--puwede ninyong gawin itong ginagawa ko--positive content. Walang inaaway, walang minumura, walang sinisira, pero marami naman nanonood. Ilabas n'yo lang. Magaling kayong kumanta, may information kayo, may knowledge kayo. May isang follower ako, gumawa siya ng tips sa motorsiklo, sa bisikleta. Napakaganda, very useful, libre, nakakatulong sa iba. And no. 3, huwag mo na asahan na matutuwa ang tao, pupurihin ka ng tao. Gawin mo iyon dahil iyon ang misyon mo. Magbibigay tayo ng health tips, ng payo, magbibigay tayo ng payo. Kung may reward, bahala na ang Diyos sa atin," pagpapatuloy niya.


Base sa personal niyang karanasan, maraming beses din daw nakaranas ng pang-iinsulto o hindi magagandang kumento ang doktor. Una na riyan noong bago pa lamang siya sa larangang ito.

"Maraming nang-iinsulto na medyo tumatatak sa utak ko kung talagang tama ba o mali. Una, 27 years ago. Bagong doctor ako noon. Ang sabi sa akin, 'Huwag kang gaanong tumulong sa mahihirap. Malulugi ka riyan. Kapag puro mahihirap ang titingnan mo, malulugi ka riyan. Inisip ko, kasi galing sa mataas na tao, naisip ko, malulugi ka talaga lalo na sa pera. Iyong mga katrabaho ko mayaman na. Tama naman ang sinabi niya, pero may iba rin namang reward ang pagtulong sa mahihirap," wika ni Ong.

"Noong 1998, nagsasalita ako sa mga convention, maraming nagsasabi sa akin na, 'Mali iyang style mo, Willie Ong, dapat may script ka, maporma, maayos, memorized, with actions.' E ayoko ng ganoon, gusto ko ganito na parang nag-uusap para maka-connect sa tao. Noong 2004, ang reklamo ng marami ang bagal ko magsalita. Iyon ang gusto nila, e ako hindi ganoon, 'tsaka tutulong ka. Kailangan dahan-dahan para ma-absorb ng tao. Hindi ko pa rin sinunod iyon. Noong 2006, nagkaroon ang ng TV show, ang reklamo sa akin wala nanonood sa show.

Ngunit sa huli, isa pa rin daw ang pinakamahalaga sa lahat: ang magpatuloy gaano man kahirap ang lahat, gaano man karami ang manghusga.

©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, July 16, 2020

ATTENTION, COMMUTERS: Mga Dapat Tandaan Para Maging Ligtas ang Pagbiyahe sa Panahon ng COVID-19

Unti-unti nang binubuksan sa mga commuter ang iba't ibang uri ng public transportation katulad ng jeep, bus, at mga tren. Gayunman, sa gitna ng dumarami pang kaso ng COVID-19, wala pa rin rason para maging kampante sa kasalukuyang panahon.

Ano-ano nga ba ang mga dapat tandaan upang maging ligtas ang pagbiyahe sa panahong ito ng pandemya?

Ads

Sa pamamagitan ng informative video na "Paano Maging Ligtas ang Biyahe Laban sa COVID-19?" sa narasyon ni GMA reporter Jun Veneracion, inisa-isa ang mga dapat tandaan ng mga nagsibalik na sa trabaho o may mahalagang pakay sa paglabas ng bahay at paggamit ng mga pampublikong transportasyon.


"Sa paglipat ng Metro Manila sa General Community Quarantine of GCQ, dalawang milyong Pinoy ang itinatayang gagamit ng pampublikong transportasyon. Pero sa pagbabalik-trabaho simula noong Hunyo, kalahati lang sa regular na dami ng pasahero, at 14% naman sa mga tren ang puwedeng isakay para maipatupad ang physical distancing. Kung dati, nasa 350,000 ang naisasakay ng MRT kada araw, ngayong may COVID-19, 45,000 na lang," saad ng mamamahayag.
Ads


Sponsored Links

"Ayon sa research na ginawa ng United Kingdom noong 2008, anim na beses o six times na mas mataas ang tsansa na magkaroon ng acute respiratory illness ang madalas sumakay ng bus o tren. Kung noon pa man may ganito nang banta ng sakit habang bumibiyahe, hindi hamak na mas malaki ang panganib ngayong panahon ng pandemya,"  pagpapatuloy niya.

Dahil dito, kailangan talagang tiyakin na mas matindi pang pag-iingat ang gagawin ng mga makikipagsapalaran na sa pagbabiyahe sakay ng mga pampublikong transportasyon.


Physical Distancing
Sa espesyal na ulat, sinabi ni Veneracion na una sa mga dapat gawin sa gitna ng delikadong panahon na ito ay ang pagsunod sa tamang physical distancing na six feet mula sa kanyang mga kapwa commuter. Mainam din daw kung pipiliin ang sasakyan kung saan maaaring makadistansya nang husto.

Pagsusuot ng Mask
Makatutulong din daw ang pagsusuot ng mask na nagbibigay ng proteksiyon hindi lamang sa may suot nito kung hindi pati na rin sa mga makakasabay niyang pasahero, kung magkataon man na positibo siya sa kinatatakutang sakit.


Umiwas sa mga Kulob na Lugar
Dapat din iwasan ang mga lugar na hindi maganda ang bentilasyon. Ang mga lugar na kulog at siksikan ay mas pamumugaran umano ng kontaminasyon, kaya naman mas itinuturing na ligtas ang mga espasyo sa labas o open air.

Iwasang Humawak sa Pampublikong Kagamitan
Makatutulong din daw kung hanggang maaari ay hindi hahawak sa mga pampublikong kagamitan, kagaya na lamang ng mga hawakan sa escalator at hagdan. Magiging mainam din kung agad maghuhugas ng kamay pag-uwi sa bahay.


Monday, July 13, 2020

ALAMIN: Mga Dapat Gawin at Tandaan ng mga Nagmamay-ari ng Motorsiklo at mga Angkas Nito

Sa gitna ng ipinatutupad na community quarantine laban sa COVID-19, apektado ng lockdown restrictions ang mga nagmamay-ari ng motorsiklo at ang mga umaangkas sa mga ito ngayong limitado lamang ang masasakyan. 

Bagama't maaari namang gamiting ang nasabing sasakyan, may mga bagay pa rin na kailangang sundin ang mga mamamayan. Ano-ano nga ba ang mga dapat tandaan para makaiwas sa huli at iba pang aberya?


Ads

Kahit maaari na muling umalis nang magkaangkas sa isang motorsiklo ang mag-asawa, may mga kailangan pa rin tandaan ang mga nagmamaneho ng nasabing sasakyan at ang kanilang mga backride.

"Papayagan na natin 'yong backriding sa mga couple at 'yong prototype model na sinumbmit ni [Bohol] Gov. Arthur Yap, approved na yan ng NTF [National Task Force] at ito 'yong prototype na gagamitin natin,” saad ni Interior Secretary Eduardo Año, vice chairman ngInter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID), sa isang panayam sa Teleradyo.
Ads

Sponsored Links

Sa nasabing modelo, maaaring magsakay ng pasahero sa likuran ng motorcycle drivers dahil may mga divider at handle sa pagitan ng nagmamaneho at ng back ride nito. Sa pamamagitan umano nito, maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19 dahil hindi halos magkakadikit ang dalawang taong nasa motorsiklo.


“May barrier between rider and passenger pagkatapos may handle sa side nung barrier at the same time kailangan mag wear ng mask at nakahelmet yung rider at passenger,” pagpapaliwanag ng opisyal.

Samantala, paglilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque, papayagan lamang ang back-riding kung makapagpapakita ng patunay ang isang married couple na nakatira sila sa iisang bubong. Kailangan din daw na sumunod sa minimum health standards ang mag-asawa; at mananatiling mandatory ang paggamit ng protective shields para maiwasan pa rin ang physical contact sa pagitan nilang dalawa.

“The couple must abide with minimum public health standards, such as wearing face masks and helmet, and follow the speed limits,” aniya.


'Mag-asawa Lang'
Upang maging malinaw din ang tungkol sa pagpayag ng gobryerno sa back riding, binigyang-diin ni Roque na mag-asawa lamang ang pinapayagan nila. Hindi raw kasi magiging madali kung titiyakin pa ng mga nagbabantay sa checkpoints na magkamag-anak o magkapamilya talaga ang dalawang taong magkaangkas.

“Sa ngayon po talaga, ang naparating sa akin ni Secretary An~o at Secretary Galvez, limitado po sa mga mag-asawa,” wika ng opisyal.

Ang mag-asawa ay maaaring magpakita ng identification cards at photocopy ng kanilang marriage contract sa mga awtoridad.

©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, July 08, 2020

May Laban Ka! Alamin Kung Ano ang Maaaring Ikaso sa Kabit ng Iyong Kabiyak

Sa mga palabas man sa telebisyon o sa tunay na buhay, nagiging masalimuot palagi ang istorya kapag may kalaguyo nang umeksena. Ilang tahanan na ang nawasak, ilang mga anak na ang naapektuhan at napariwara dahil sa problemang dala ng isang hindi kumpletong pamilya, at hindi maikakailang napakarami nang hindi magagandang naidulot sa iba pang mga taong apektado ng mga eskandalo at kaguluhang dala ng ipinagbabawal na relasyon.

Dahil dito, panahon na para maliwanagan ang mga biktima kung paano nila ilalaban ang kanilang karapatan nang wasto at naaayon sa isinasaad ng batas.

Ads

Ayon sa "Kapuso sa Batas" ng Unang Hirit na si Atty. Gaby Concepcion, mayroong pananagutan sa batas ang sinumang makipagtalik sa hindi nila asawa. Gayunman, kailangang tandaan na magkaiba ang kahaharapin ng lalaki at babae na nakagawa ng nasabing kasalanan.



"Una, kailangan natin i-clarify na sa ilalim ng batas natin, iba ang treatment sa mga lalaki at sa mga babae pagdating sa pakikipagtalik sa mga babae at lalaki na hindi nila asawa. So kapag sinabing adultery, ito ay pakikipagtalik ng isang babae sa isang lalaki na hindi niya asawa. Ngunit, ang lalaking nakipagtalik sa isang babae na hindi niya asawa, ay hindi guilty sa kahit anong krimen. Medyo unfair," ani Concepcion.

"Ang counterpart na krimen para sa mga married men ay concubinage. So ang adultery ay para sa mga babae lamang at ang concubinage ay para sa mga lalaki. At iba ang standards para rito," pagpapatuloy niya.
Ads

Sponsored Links

Bilang isang paglabag sa batas, ang mga babaeng makikipagtalik sa hindi nila asawa ay maaaring humarap sa hanggang 12 dekada ng pagkakakulong kung mapatutunayansa harapan ng korte ang pagiging guilty niya sa kaso ng adultery.

"Adultery, katulad nga ng mga sinabi natin, para sa mga kababaihan lang ito. Pinakamababa na ang two years, four months, and one day. And ang maximum would be 10 years and one day to 12 years na pagkakakulong kung sila ay mahahatulan na guilty. 


Samantala, paliwanag ng abogada, bago maging guilty ang isang lalaki sa concubinage, kailangang mapatunayan na 

"Kailangang mapatunayan na nakikisama at living together as husband and wife kasama ng kanyang mistress. Or kung hindi, dapat ay nakikipagtalik sila sa conjugal dwelling o sa bahay ng legal na husband and wife. Or nakikipagtalik sila under very dangerous circumstances, halimbawa, in public na nakikita ng kapitbahay," paliwanag ni Concepcion.

"So kung very discreet ang husband at patago niya na ibinabahay ang kanyang mistress, at binibisita lamang from time to time, or even under the cover of darkness, e maituturing na wala siyang krimen na ginagawa. So medyo unfair talaga," aniya.

©2020 THOUGHTSKOTO

Meralco, Humingi ng Paumanhin sa Posibilidad na May Mali sa Komputasyon ng Electric Bill

Dahil sa ipinatutupad na community quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, hindi nakapagbahay-bahay upang magbasa ng metro Manila Electric Company (Meralco) kung kaya nag-estimate na lamang ito base sa karaniwang konsumo ng isang consumer.

Ngunit ang tanong ng marami: sumobra ba ang electric company ng tantsa sa singil sa kuryente?
Ads

Sa pagdinig ng mismong Senate Committee on Energy kamakailan, mismong Meralco na ang nagsabi na posibleng may "overestimation" sa sinisingil sa kanilang customer.

Ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC), may 47,000 na reklamo na silang natanggap na may kinalaman sa sobrang singil o magulong bill distribution utilities at electric cooperatives sa buong bansa, kung kaya maglalabas na sila ng kautusan para i-refund ng Meralco at ng iba pang distribution utilities ang sobrang singil sa kuryente.
Ads

Sponsored Links
Idinetalye rin ni ERC Chairperson Agnes Devanadera ang ilan sa mga ipinangako ng presidente ng nasabing power distribution giant.

“May maganda namang nangyari at kinalabasan dahil mismong ang presidente ng Meralco, si Atty. Rey Espinosa, ang nagsabi kung ano ang kanilang mga gagawin at ang isa diyan ay sisiguraduhin nila na may mga corrective measures sila,” ani Devanadera.

“Ang commitment ng Meralco, hindi naman sila magpuputol hanggang September 30. So by that time, corrected na ‘yan at ire-refund nila ‘yung sobrang nabayad. Ngayon pa lang ay nagko-compute na sila. ‘Yun ang maganda roon,” pagpapatuloy niya. “Kahapon naman nag-commit na ang Meralco. Sinasabi nilang ire-refund. Ang sinabi ni Mr. Rey Espinosa ay magpupunta lang sa Meralco at bibigyan na ng refund."


Mga Reklamo

Kung titingnan ang mga hinaing ng customers, makikita na may mga kaso na nagsasaad ng mga reklamo tungkol sa pagkalito nila sa natanggap na bills mula sa ginawa nilang estimate.

“Totoo na may rules ang ERC na dapat ay estimate, pero sinabi rin ng ERC, sa aming advisory, na dapat nakasaad din alin doon ang estimate. Ang pinagbabatayan nga niyan ay ‘yung average ng past three months. Alam din naman natin na naroon na ‘yung tinatawag na load profile,” wika niya.

“Maski nasa opisina, mga bahay, ay may mga lugar na walang pumapasok dahil ipinagbabawal na nga so itong guidelines o advisory ay dapat tinalima nang husto ng distribution utilities kasama ang Meralco,” pagpapatuloy niya. “Nasasaad din naman na the moment na magkaroon na ng meter reading, dapat i-correct at saka sinabi rin naman ng ERC na huwag maniningil hanggang hindi lifted. Doon sa series of advisories na sinabi at ipinag-utos ng ERC na June 15 ang kauna-unahang date o petsa na puwedeng pagbayarin ang mga tao sa installment sa mga bills covering the ECQ [enhanced community quarantine] months – March, April and May."


ERC: Pinagtutuunan ng Pansin ang mga Hinaing

Samantala, tiniyak ni Devanadera na hindi naman napupunta sa wala ang pagpapahayag ng consumers ng kanilang mga saloobin dahil lahat ng ito ay natatanggap ng ERC at pinagtutuunan ng pansin.

“Katulad ng nabanggit n’yo kanina, ang naghain ng reklamo sa ERC ay 47,000 na. Itong mga reklamo na ito, ‘yong nag-text, marami ang e-mails tapos sa Facebook page ng ERC,” wika niya. “In other words, lahat ng mga reklamo, hindi kinakailangang nakasulat o pinadala sa amin o physically pumunta sa ERC, lahat ito na hinaing ng ating mga kababayan ay pinagtutuunan namin ng pansin."


OTHER NEWS:
©2020 THOUGHTSKOTO