Kung hindi raw matatapos sa huling araw ng Abril ang pamamahagi ng unang bahagi ng Social Amelioration Subsidy, hindi masisimulan ang pamamahagi naman ikalawang trance nito sa unang linggo ng Mayo. Binalaan ng pananagutin ang lokal na officials na hindi makakasunod sa deadline pero ngayon pa lang, may mga mayors nang nagsasabing malabong magawa yan. Kagaya na lang sa balita sa Paranaque na napabalitang isang araw bago magtapos ang Abril, P200M pa lang ang naipamahaging pera sa P600M na ayuda nito.
Ngayong Huwebes na dapat ang deadline ng pamamahagi ng unang tranche ng cash assistance mula sa pamahalaan, pero humihirit ang ilang alkalde sa Metro Manila na i-extend ito hanggang Mayo 15.
Ngayong Huwebes na dapat ang deadline ng pamamahagi ng unang tranche ng cash assistance mula sa pamahalaan, pero humihirit ang ilang alkalde sa Metro Manila na i-extend ito hanggang Mayo 15.
Ads
Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang panlimang talumpati sa mensahe niya sa bansa pagkatapos dumalo sa meeting ng IATF: "Yung hindi pa nakatanggap, let us know by radio, magreklamo kayo sa mga radio stations ninyo dyan or doon sa mayors ninyo, barangay captains then the mayor. Magreport kayo dyan, using cellphone kung sino pang hindi nabigyan."
Ads
Sponsored Links
Pero hanggang ngayon marami ang hindi pa tapos sa pamamahagi nito. Ang hindi makakasunod sa deadline papanagutin daw ng DILG. Pero ang ibang mayor, kagaya ni Navotas Mayor Toby Tiangco, ngayon pa lang nagsasabing hindi nila kakayanin ang April 30 deadline.
Ayon naman sa spokeperson ng DILG na si Usec Jonathan Malaya sa interview sa Unang Balita, "Of course may accountability ang public officials, may MOA (memorandum of agreement) nga sila. But of course we will take this on a case to case basis kasi kailangan muna nating malaman kung ano ang dahilan ng pagkaantala. Baka naman beyond their control at pagganon, we have to give them due process. Pero pag may lumalabas na kapabayaan, hindi talaga nila inasikaso ng maayos, posible talaga silang maharap sa mga administratibo at kriminal na kaso."
Ang ibang qualified naman na pamilya na hindi nakasali sa listahan sa unang batch ay makakatanggap sa pangalawang batch.
Ayon pa kay DILG USec Malaya: "Yes po, may malaking announcement ang IATF sa Malacañang, at antabayanan po natin ito dahil nga po sa pangako ng Pangulo na 'yung mga left-out families, 'yung mga di naisama sa listahan ng DSWD ay matutulungan din ng pamahalaan especially na naextend ang ECQ... Hinahanapan na po ng pondo 'yan."
Samantala, sa pinakahuling ulat ng DSWD as of April 28, 2020, 8.8M pa lamang ang nabigyan sa unang batch, sa target nitong 18M na pamilya, pagkatapos ang halos isang buwang pamimigay ng ayuda.
Sa ulat naman ni Pangulong Duterte nitong April 27, 2020, nasa 6M pa lang ang nakakatanggap na mga low income households.
Image courtesy of GMA NewsSamantala nagpalabas ng mga numerong tatawagan ang DSWD para sa mga reklamo na may kinalaman sa SAP o Social Amelioration Program.
Narito ang pinaka-latest na datos mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Batay sa datos kahapon, ika-Abril 28, umaabot na sa PhP46 bilyon ang nailabas ng DSWD para sa mahigit 8.8 milyong pamilyang benepisyaryo ng SAP.
©2020 THOUGHTSKOTO