MANILA, Philippines — PANGARAP ng bawat pamilya ang magkaroon ng sariling bahay ngunit dahil sa hirap ng buhay, tila mailap pa rin para sa karamihan ang nasabing pangarap.
Ngunit alam mo ba na may mga murang bahay at lupa na maaaring mabili o mahulugan sa Pag-IBIG Fund? Ito yong mga tinatawag na Properties for Sale o Acquired Assets ng ahensiya na maaaring mabili sa murang halaga.
Tinatawag itong foreclosed properties o mga ari-arian gaya ng bahay at lupa o lote, na hinatak ng Pag-IBIG Fund matapos hindi nabayaran ng unang may-ari.
Ads
Itinuturing na attractive sa mga home buyers ang mga foreclosed properties ng Pag-IBIG Fund dahil sa mas murang selling prices nito. Maliban sa mura, mas mababa din ang downpayment rates kung ihahambing sa mga new developments. Dahil dito, aasahan na rin na mas mababa ang monthy repayment rates o buwanang bayad sa ahensiya.
Sa mga magtatanong, ano nga ba ang proseso sa pagbili ng acquired properties ng Pag-IBIG Fund? Narito ang pitong simpleng steps na maaaring sundan at pag-aralan!
STEP ONE
Tingnan ang listahan ng mga acquired asset sa website www.pagibigfund.gov.ph (Properties for Sale/Properties under Negotiated Sale or Public Auctions) o bumisita sa pinakamalapit na Pag-IBIG Fund Housing Hub.
STEP TWO
Puntahan at inspeksyunin ang lokasyon ng bibilhing acquired asset.
Ads
STEP THREE
Magparehistro at sagutan ang Purchase Offer Form, isumite at ihulog ito sa Drop Box, kalakip ang mga sumusunod:
1. Purchase Offer
2. Kopya ng valid ID’s ng offeror at ng authorize representative kung kinakailangan
3. Kung sakaling ang offeror ay hindi makakapunta sa oras ng paghuhulog ng kanyang Purchase Offer form, siya ay maaaring magtalaga ng kanyang representante na may dalang authorization letter/Special Power of Attorney (SPA).
Ang authorization letter ay limitado lamang sa paghuhulog ng Purchase Offer Form.
4. Dokumento na nagpapatunay ng pinagkakakitaan kung ang napiling paraan ng pagbabayad ay Long-Term Installment (LTI).
Paraan ng pagbabayad :
A. Kung Cash na babayaran:
- Diskwento: 30%
- Magbayad ng paunang 5% ng kabuuang halaga kasabay ng pagbayad ng reservation fee.
- Ang kabuuang halaga ay dapat na bayaran sa loob ng tatlumpong (30) araw mula sa araw ng pagpirma ng Deed of Conditional Sale.
B. Kung Short-Term Installment na babayaran:
- Diskwento 20%
- Magbayad ng paunang 5% ng kabuuang halaga kasabay ng pagbayad ng reservation fee.
- Ang kabuuang halaga ay dapat na bayaran sa loob ng isang (1) taon na may kaakibat na interest na 6.375%.
C. Kung kukuha sa pamamagitan ng programang pabahay ng Pag-IBIG o Long-Term Installment (LTI)
- Diskwento 10%
- Isumite ang kumpletong dokumento sa loob ng Tatlumpong (30) araw simula ng pagbayad ng reservation fee kasama ang P2,000.00 processing fee, advance 1 year insurance premiums at documentary stamp tax.
"Ang pagbubukas ng mga naisumiting Purchase Offer ay base sa nakatakdang oras at araw na nakalathala sa website ng Pag-IBIG Fund. Ang mga nanalo na buyer ay mailalathala sa aming website www.pagibigfund.gov.ph at makakatanggap ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng text message."
Sponsored Links
STEP FOUR
Ang nanalong offeror o buyer ay magbabayad ng P1,000.00 Reservation Fee (non transferrable/non refundable) sa loob ng limang (5) araw simula sa pagtanggap ng Notice of Award.
STEP FIVE
Pagtanggap ng Notice of Conditional Approval of Sale.
STEP SIX
Pagtanggap ng Notice of Conditional Approval of Sale. Pirmahan at isumite ang Deed of Conditional Sale at ibang dokumento na nagpapatunay ng Loan sa Pag-IBIG Fund.
STEP SEVEN
Simulan ang pagbabayad ng buwanang hulog pagkaraan ng tatlumpong (30) araw mula sa araw ng pagpirma ng Deed of Conditional Sale.
©2020 THOUGHTSKOTO