MANILA, Philippines — KINUMPERMA ng gobyerno ng Pilipinas na nasa 1 million doses ng bakuna laban sa coronavirus disease o Covid-19 ang darating sa bansa sa darating na Pebrero.
Ang nasabing mga bakuna ay mula sa Astrazenica, Pfizer mula sa COVAX facility, at Sinovac.
Dahil dito, posible umanong mas maagang masimulan ang pamamakuna sa bansa.
Kung naghahanda ka sa pagpapabakuna, narito ang 10 mga bagay na iminumungkahi ng mga health experts na dapat nating gawin at hindi dapat gawin.
Ads
1. Magpa-bakuna kung schedule mo na.
Kung sa ibang bansa, may registration na ginagawa sa mga state o local health department para sa mga nagpapabakuna laban sa Covid-19, malaki ang posibilidad na ganito din ang mangyayari sa Pilipinas.
Una nang inihayag ng gobyerno na mauuna sa bakuna ang mga medical frontliners na susundan ng mga men-in-uniform o mga pulis at sundalo; mga vulnerable individuals, at mga indigents o mga residenteng walang kakayahang bumili ng bakuna.
2. Bago mag-duda, mag-research muna.
Huwag hayaang maapektuhan ng mga maling impormasyon ang desisyon mong magpabakuna. Hindi maikakailang may mga maling impormasyon na kumakalat sa social media ukol sa Covid-19 vaccine.
Kung may pagdududa sa bakuna, mag-research at magbasa mula sa mga pinagkakatiwalaang source gaya na lamang ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na isa sa maraming trusted organizations na may science-based facts ukol sa virus at sa mga available na bakuna.
Ads
3. Magpabakuna kahit nag-positibo na ng Covid-19.
Ayon sa CDC, malaki ang posibilidad ng re-infection sa Covid-19 dahilan kung bakit importanteng mabakunahan ang lahat laban sa nabanggit na sakit, kabilang na ang mga unang nag-positibo at gumaling sa virus.
Ngunit ayon sa CDC, para sa mga nabigyan ng monoclonal antibodies o convalescent plasma nang magkasakit ng Covid-19, kailangan mong maghintay ng 90 araw bago magpabakuna. Importante din na magpa-suri sa doktor bago magpa-schedule sa Covid-19 vaccine.
4. Huwag magpabakuna kung kasalukuyan kang may Covid-19 o na-expose sa Covid-19 positive.
Kung nag-positibo ka sa Covid-19 o na-expose sa taong may Covid-19, huwag kang pumunta sa vaccination site para magpabakuna hanggang sa hindi pa nawawala ang iyong sakit o kung hindi pa natatapos ang iyong isolation period.
Ito ang inihayag ni Dr. Michael Ison, professor sa division of infectious diseases and organ transplantation sa Northwestern University's Feinberg School of Medicine.
"Quite simply, you don't want to get people who are waiting in line sick. You don't want to get the health care staff sick," ang naging pahayag ni Ison.
Sponsored Links
5. Magpabakuna kahit na mayroon ka pang mga sintomas ng Covid-19 buwan na ang lumipas.
Dumarami ang bilang ng mga taong nagiging coronavirus "long-haulers" o mga taong patuloy na nakakaranas ng fatigue, brain fog, pananakit ng katawan at ulo, at iba pa, ilang buwan matapos napatay na ang virus sa kanilang sistema.
Ayon kay vaccine scientist Dr. Peter Hotez, professor at dean sa National School of Tropical Medicine sa Baylor College of Medicine sa Houston, hindi dapat maging rason ang mga nararanasang Covid-19 reactions para hindi magpabakuna.
"We think long-haul symptoms are not due to active virus infection, but to prolonged inflammatory responses to the virus," ang naging pahayag ni Hotez.
6. Huwag magpaturok ng ibang bakuna sa loob ng 14 na araw matapos magpabakuna sa Covid-19
Ayon sa CDC, maghintay ng hindi bababa sa 14 na araw bago o pagkatapos magpaturok ng isa pang bakuna, kabilang na rito ang bakuna sa flu o shingles, upang makakuha ng bakuna sa Covid-19.
Ngunit kung aksidenteng nabakunahan ka sa loob ng dalawang linggo, importanteng ma-kompleto mo ang Covid-19 series ayon sa schedule nito.
7. Ipaalam sa mga vaccine staff ang iyong mga allergies at nakaraang allergic reactions.
Bihira ngunit may mga taong nakakaranas ng moderate-to-severe allergic reactions matapos nabigyan ng Moderna at Pfizer mRNA vaccines Dahil dito, siguruhing masabi sa mga vaccine staff o sa mga nurses sa vaccination site ang iyong mga nakaraang allergic reactions.
8. Huwag magmaneho agad.
Ayon sa CDC, requirement sa lahat na nakatanggap ng coronavirus vaccine na maghintay ng 15 minuto bago mag-maneho. Kung mayroon namang severe allergic reaction ang isang tao, kinakailangan nitong maghintay ng hanggang sa 30 minuto bago magmaneho. Ito'y dahil posible umano ang adverse reaction gaya na lamang pagkahilo o mas malala pa habang nagmamaneho.
Kabilang sa mga common reactions ng bakuna ay ang pananakit at pamamaga ng injection site. May mga pagkakataon din umano at madalas nangyayari sa second Covid-19 shots kun saan nakakaranas ang mga nabakunahan ng Covid-like signs kagaya na lamang ng lagnat, labis na pagkapagod, pananakit ng ulo at panginginig.
9. Magpabakuna sa pangalawang shot ng Covid-19 vaccine inerekomendang time frame.
Ayon kay vaccine scientist Dr. Peter Hotez, professor at dean sa National School of Tropical Medicine sa Baylor College of Medicine sa Houston, importante ang ikalawang bakuna para sa siguradong proteksiyon.
"In looking at the Phase 1, Phase 2 data, what I saw with a single dose is some people had high levels of virus-neutralizing antibody, others were nonresponders,"
"So the major reason for the second dose is to get everybody to respond. If you just get a single dose, you don't really know where you stand."
Ayon sa CDC ang Pfizer-BioNTech doses ay dapat ibigay sa pagitan ng 21 araw habang ang pangalawang dose ng Moderna ay dapat ibigay 28 araw pagaktapos ng unang dose.
Ngunit kun problema umano ang pagpa-schedule para sa ikalawang dose, maaaring maghintay ng ilang araw pagkatapos ng due date o mas mahaba pa.
10. Panatilihin ang pagsusuot ng facemask at social distancing pagkatapos magpabakuna.
Ayon sa CDC, importante pa rin ang pagsusuot ng facemask at social distancing pagkatapos ng first at second dose ng Covid-19 vaccine.
Ito'y dahil ang first dose ay hindi nakakakapag-bigay ng sapat na immune response upang maproteksiyunan ang nabakunahan at mga taong nasa paligid nito. Ang ikalawang dose ng bakuna ang inaasahang magbibigay ng 95% protection sa loob ng isa hanggang dalawang linggo mula ng ibinigay ito, depende sa uri ng bakuna.
Sakabila nito, sinabi ng CDC na kahit fully vaccinated na ang isang tao, maaari pa rinitong maging carrier sang coronavirus.
"We ... don't yet know whether getting a COVID-19 vaccine will prevent you from spreading the virus that causes COVID-19 to other people," pahayag ng CDC.
Dagdag pa ng CDC upang maproteksiyunan ang iba, panatilihin ang pagsusuot ng facemask at social distancing, iwasan ang mga matataong lugar at ugaliin ang paghuhugas ng kamay.
©2020 THOUGHTSKOTO