Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, September 25, 2020

Contact Tracing Training Program, Inaalok na ng TESDA!



TULOY-tuloy ang hiring ng gobyerno ng mga contact tracing dahil sa tumataas pa rin ng kaso ng coronavirus o Covid-19 sa Pilipinas. Una nang itinakda ng gobyerno noong September 23 ang deadline sa pagsusumite ng application sa mga nagnanais maging contact tracers ngunit dahil hindi pa rin umano naabot ang target na 50,000 contact tracers, tuloy-tuloy ang pagtanggap ng gobyerno ng application para maging contact tracers at wala na itong deadline.

Good News para sa mga nagnanais maging contact tracers dahil pinaplano ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na i-offer ang kanilang contact tracing training program sa iba pang rehiyon, simula sa Calabarzon!

Una nang inilunsad ng TESDA ang contact tracing training program nito sa National Capital Region o NCR.

"[It is] intended for the whole country... Maybe in a week or two, there will be a training in Region 4A (Calabarzon)," ang naging pahayag ni TESDA Director General Isidro Lapeña.




Ads


Bukas ang Contact Tracing Training Program sa lahat na mga highschool graduate na edad 21 hanggang 59-anyos at ginagawa online.

Paliwanag ng TESDA na libre ang contact tracing training program upang matulungan ang gobyerno sa manpower na kailangan nito sa pag-identify ng mga na-close contacts ng mga Covid-19 patients.

Tatlong modules umano ang dapat makuha ng isang trainee at kayang matapos ang training sa loob ng limang araw.


“Isa 'yung contact tracing training para sa protektahan ang ating sarili, at dahil nga po napakataas ng pangangailangan ng ating bansa lalong-lalo na po for contact tracing, we are expecting, according to [contact tracing czar] Mayor [Benjamin] Magalong, 150,000 or more para maserbisyuhan ang lahat,” ang naging pahayag ni TESDA Deputy Director General Aniceto Bertiz III.

'Yung learning modality 80 percent, online. 'Yung 20 percent, assessment. Puwede na nilang itake-up sa website natin 'yung Contact Tracing Training Program Level 2,” dagdag pa ni Bertiz III.

Kasama sa matutunan ng mga estudyante sa training na ito ay ang tamang pamamaraan sa pag-alis, pag-dispose at pag-sanitize ng kanilang mga personal protective equipment.
Sakaing makapasa, maa-ari nang i-presenta ng isang estudyante ang certificate nito mula sa TESDA sa DOH at DOLE kung saan merong memorandum of agreement ang ahensiya.


Ads


Sponsored Links


Basahin: Hiring ng 50,000 Contact Tracers, Sinimulan na ng Gobyerno; Qualified Ka Ba?

Nasa P5 bilyon ang inilaang pondo para sa hiring ng libo-libong contact tracers sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2).

Sa ngayon, may 85,000 contact tracers na ang pamahalaan, pero kailangan pa ng dagdag na 50,000 para maabot ang target na 135,000 o isang contact tracer kada 800 Pilipino.
 
Sa mga taga-Metro Manila na interesadong maging contact tracer, pumunta lang sa contacttracing.ncr.dilg.gov.ph, at i-click ang "apply now" at ipasok ang mga personal information.

  • Requirements sa pagiging contact tracer:
  • Letter of intent
  • Personal data sheet
  • NBI clearance
  • Drug test result
Prioridad sa programa ang mga graduate ng allied medical courses at criminology ngunit ikokonsidera ang iba pang aplikantent college graduate.

Salary grade 9 o P18,784 ang sahod ng mga contact tracer na iha-hire sa ilalim ng contract of service basis at tatagal hanggang Disyembre.

Sa mga taga-probinsiya, maaaring mag-sumite ng application sa DILG Provicial Offices o City Field Office nationwide o sa DILG  websites.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: