MANILA, Philippines —TUMAAS ng 13.6% sa unang tatlong buwan nitong taon ang online funeral benefit claims sa Social Security System o SSS.
Ayon sa SSS, umabot sa 11, 088 online transactions para sa funeral benefit claim ang naitala mula Enero hanggang Marso. Mas mataas ito sa 9, 762 transactions na naiulat noong Hulyo hanggang Disyembre 2020.
Naitala ang nasabing pagtaas kasabay ng pakikipaglaban ng Pilipinas kontra Covid-19 pandemic.
Ngunit nilinaw ng SSS na ang pagtaas ay dahil sa mandatory online transactions at checkless disbursement na ipinatupad simula noong 2020.
"In line with our campaign ExpreSSS—fast, simple, and easy transactions with SSS—we committed to expanding our online services with the inclusion of funeral benefit applications last July 2020, as part of the available e-services under the My.SSS portal," ang naging pahayag ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio.
Sa ilalim ng mas pinalapad na online services, maaari nang matanggap ng mga claimants ang kanilng benipisyo sa pamamagitan ng checkless disbursement sa pamamagitan ng kanilang unified multipurpose identification (UMID) cards.
Ads
Ngunit ano nga ba ang SSS Funeral Benefit? Magkano at Sino ang dapat makakuha nito?
Ang SSS Funeral Benefit at cash benefit na ibinibigay ng SSS sa sinomang nagbayad ng burian expenses ng namatay na miyembro.
Ano ang mga kondisyon para makakuha ng SSS Funeral Benefit?
- Para sa mga self-employed, non working spouse o OFW members - dapat nakapag-bayad ng hindi bababa sa isang buwang contribution ang namatay na SSS member upang makatanggap ng funeral benefit ang beneficiaries nito.
- Para naman sa mga employed members at nahiwalay o tumigil na sa kanilang pagtatrabaho - ang namatay na miyembro ay dapat na naireport para sa coverage ng kanyang employer, kahit walang contribution na nabayaran, upang makatanggap ng funeral benefit ang mga beneficiaries nito.
- Voluntary member na dating covered ng SSS bilang employed, self employed o OFW at nakapag-bayad ng kahit isang buwan contribution.
- Employee-member na sakop ng compulsory coverage ngunit hindi naireport para sa coverage ng kanyang employer
Ads
Sponsored Links
Magkano ang makukuha sa SSS Funeral Claim?
Simula Setyembre 1, 2020, ang SSS ay nagbibigay ng funeral grant na P20,000 sa sinomang nagbayad o gumatos sa burial expenses o pagpapalibing sa namatay na miyembro o pensioner.
Ngunit ang funeral benefit ay maaaring umabot ng P40,000 bilang maximum depende sa contribution na naibayad ng miyembro at sa average monthly salary credit nito.
Ano ang proseso sa pag-file ng Funeral Benefit Claim?
Ang application para sa funeral benefit ay maaaring i-file sa alinmang SSS branch o representative office. Maari din itong gawing online!
Ano ang mga requirements na dapat dalhin sa filing ng Funeral Benefits sa SSS?
- Claim for Funeral Benefit (SSS Form BPN-103)
- Filer's Affidavit (Sinumpaang Sanaysay)
- Death certificate na-certified ng Local Civil Registrar
- Official Receipt ng bayad mula sa funeral parlor
- Affidavit of funeral expenses
- Photo of filer at valid IDs
- Iba pang mga supporting documents na maaaring hilingin kung kinakailangan sa pag-proseso ng claim.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment