Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, May 26, 2021

14 na Lugar sa Pilipinas, May Online Appointment Booking na sa Step 2 Registration ng Philippine ID





MANILA, Philippines — MAHIGIT na sa 10 million Filipinos ang naka-kompleto ng ikalawang bahagi para sa Philippine Identification System o PhilSys regitration.

Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, nasa 10, 092, 022 ang bilang ng mga registrants na nakatapos na ng biometric information as of May 21, 2021.

Sa Step 2 process, ginagawa ang validation ng mga supporting documents at kinukuha ang mga biometrics ng aplikante gaya ng iris at fingerprint scans, front-facing photograph sa local registration centers.

“We owe this milestone to the enthusiasm and support of our citizens to the PhilSys program and the hard work of the PSA Field Offices in making sure that registration operations roll out smoothly and safely in their respective provinces," ang naging pahayag ni PSA Philsys Registry Office's Deputy National Statistician, Assistant Secretary Rosalinda Bautista.

Dahil sa pandemya, paunti-unti at small scale basis na ginagawa ng PSA ang Step 2 registration.

"We assure everyone that all will have a chance to register, especially when we ramp up our operations by the latter half of the year,” dagdag pa ni Bautista.


Ads


Kaugnay nito, unti-unti nang nagbubukas ang online appointment booking para sa Step 2 registration sa 14 na bayan. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod;
  • Ilocos Sur - City of Candon
  • Ilocos Sur - City of Vigan
  • La Union - City of San Fernando
  • Pangasinan - Lingayen
  • Isabela - Echague
  • Nueva Ecija - Science City of Muñoz
  • Camarines Sur - City of Naga
  • Masbate - City of Masbate
  • Antique - San Jose
  • Capiz - City of Roxas
  • Bohol - Jagna
  • Cebu - Bantayan
  • Negros Oriental - City of Dumaguete
  • Leyte - City of Baybay 
Sa mga nakatira sa nasabing mga municipalities, simula Mayo 24, maaari nang magbook ng inyong appointment para sa Step 2 registration. 
Maglog-in lamang gamit ang inyong email address o mobile number na ginamit noong kayo ay nag-Step 1 registration. 


Ads

Sponsored Links



Para naman sa iba pang mga lugar, abangan lamang ang anunsyo sa pagbubukas ng online appointment booking sa mga susunod na linggo.

Kasunod ng Step 2 ang Step 3 kung saan ibibigay na ng Philippine Identification o Phil ID card na may PhilSys Number.

Ang nasabing Phil ID ay naglalaman ng lahat na mga record na nakolekta at na-encode mula Step 1 hanggang Step 2.

As of May 15, mahigit sa 100,000 na ang PhilID cards na naipadala sa pamamagitan ng Philippine Postal Corporation ang official partner ng PSA.

Agosto 2018 nang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11055 o Philippine Identification System Act, na may layuning magkaroon ng iisang national ID para sa lahat na mga Filipino at resident aliens.

Magiging valid proof of identity ang national ID na may layuning gawing simple ang public at private transactions, pagpapatala sa mga eskwelahan at pagbukas ng bank accounts.

Sa pamamagitan nito, magiging mabilis din umano ang pamimigay ng government services dahil iisang ID lamang ang kinakailangan i-presenta sa mga transaksiyon.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: