MANILA, Philippines — MANDATORY na simula Setyembre 1, 2021 ang online filing ng Maternity Benefit Reimbursement Applications o MBRA para sa mga employers at Maternity Benefit Applications naman para sa mga babaeng miyembro ng Social Security System o SSS.
Ayon sa SSS, hindi na tatanggapin simula Setyembre 1 ang submission ng MBA at MBRAs sa pamamagitan ng dropbox o over-the-counter o OTC.
Ina-anyayahan din ang mga employers at miyembro na i-rehistro ang kanilang bank account sa pamamagitan Disbursement Account Enrollment Module sa kanilang My.SSS account.
Ads
Sakop ng online filing para sa Maternity Benefit Application sa SSS mga miyembrong babaeng nasa sumusunod na kategorya:
- Self-employed o SE
- Voluntary Members o VMs
- Overseas Filipino Workers o OFWs
- Non-Working Spouses o NWS
- Mga miyembrong natigil na sa pagtatrabaho
Samantala, narito naman ang mga kailangan para sa online application
- Rehistradong My.SSS account sa SSS website
- Disbursement account na naka-enroll sa Disbursement Account Enrollment Module o DAEM sa My.SSS portal ng SSS website.
Ads
Sa mga buntis at malapit nang manganak, narito ang simpleng guide na maaring sundan, para sa online filing ng maternity benefit sa SSS.
Sponsored Links
Tandaan na ang maternity benefit ay para lamang sa mga babaeng miyembro ng SSS. Para maka-claim ito, kinakailangan na matugunan niya ang sumusunod na mga qualifying conditions:
1. Nakapaghulog ng hindi kukulangin sa tatlong (3) buwang kontribusyon sa loob ng 12 -buwan bago ang semester ng panganganak o pagkakunan. Gayundin, under EMLL upang umayon ay ikokonsidera po ang mga contributions na naisagawa ang pagbabayad prior sa semester of contingency.
2. Nakapag-bigay ng kaukulang notipikasyon ng pagbubuntis sa kanyang employer, kung siya ay nagtatrabaho, o direkta sa SSS, kung siya naman ay Self-employed, Voluntary, o Member Separated from employment.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment