Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Martes na 12 milyon lamang na mga households mula sa original na 18 milyon na beneficiaries ng social amelioration program o SAP ng gobyerno ang makakatanggap muli ng tulong pinansyal sa buwan ng Mayo. May naidagdag naman na panibagong 5Million na makakatanggap na mga pamilya na mga mahihirap at hindi pa nabigyan noong unang trance na ayuda ng gobyerno.
Ads
Ayon pa kay DSWD spokesperson Irene Dumlao na ayun sa direktiba galing sa Malacañang, 12 milyon na mga households sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) mula pa noong May 1 ang makakatanggap ng cash at 5 milyon pa na nakawaitlist noong unang trance ang maisasamang mabibigyan ng ayuda.
“Those under GCQ (general community quarantine) may be considered, subject to validation,” ayun pa kay Dumlao
Panoorin ang pahayag at explanation ng Secretary ng DSWD kung sino ang makakatanggap muli ng SAP sa pangalawang trance at anong mga proseso at mga validation ang ginagawa ng DSWD para sa pangalawang bugso ng ayuda o Social Amelioration Program.
Nandito rin ang mga katanungan at kasagutan para sa iba pang may kinalaman sa SAP
Ayun kay Presidential Spokesperson Harry Roque layunin ng gobyerno na mas mapabilis ang pamamahagi ng ayuda sa pangalawang bugso at maiwasan ang mga katiwaliang nangyari sa unang pamamahagi kung saan maraming opisyales ang kinasuhan.
Bagama't unti-unti nang nagsisimula muli ang operasyon ng iba't ibang mga kumpanya, hindi maiiwasan na mayroon pa ring mga empleyado na hindi makapasok at piliin na lamang manatili sa bahay.
Ngunit ang hiling ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga nagmamay-ari at namamalakad ng kumpanya, intindihin muna ang mga hindi pa rin makababalik para gampanan ang kani-kanilang tungkulin.
Ads
Sa isang meeting, hiniling ni Labor Undersecretary Ana Dione na bigyan ng konsiderasyon ang mga manggagawa at empleyado na hindi pa makakabalik sa trabaho, lalo na at nariyan pa rin ang problema sa transportasyon na limitado pa rin hanggang ngayon.
“Please take care of the workers because we’re in a difficult situation. Wala po sanang mga disciplinary action na kaagad-agad gagawin," aniya. "Take a look at it on a case-to-case basis. Overall, ang gusto lang natin ay umandar (ang ekonomiya), (but) at the same time, tingnan ang kapakanan ng manggagawa. Ibalanse po natin.
Bagama't hindi nakalilimutan ng ahensya na kailangan ng mga kumpanya ang mga empleyado nila para magsimula ang kani-kanilang operasyon, umaasa raw ito na magiging mas mabait ang mga employer sa pagkakataong ito.
Ads
Sponsored Links
The House Committee on Labor and Employment approves the draft Committee Report on HB 309, which proposes a 35-hour work week scheme as an alternative work arrangement for employees in the private sector
Samantala, kamakailan ay inaprubahan naman ng House Committee on Labor and Employment ang isang committee report sa proposal na naglalayong bawasan ang weekly work schedule ng mga empleyado sa pribadong sektor.
Sa ilalim ng House Bill No. 309 na ipinanukala ni Albay Rep. Joey Salceda, ang mga namamasukan sa pribadong kumpanya ay magkakaroon na lamang ng hindi lalampas sa 35 oras ng trabaho kada lingggo bilang kanilang alternative work arrangement.
“This traffic, because of our population density, will be with us. It’s better if we make them (workers) more productive with a 35-hour workweek rather than trying to force them to do an 8-hour a day work week, then lose much of it to traffic,” ani Salceda. “Nakita ko kasi sa pag-aaral sa abroad, mas malaki by four per annum ang GDP (gross domestic product) arising from productivity if you adopt a shorter workweek."
UPDATE: Ayun sa balita, ang mga gumagamit ng motorsiklo na hindi nakarehistro o nakapangalan sa kanila ay kailangang may dalang proof o katibayan na kayo ay authorized na gamitin ito dahil pinapatupad na ng Land Transportation Office ang Republic Act 11235 — also called the Motorcycle Crime Prevention Act — o Doble Plaka Law
Ang RA 11235 o tinatawag na Motorcycle Crime Prevention Law o mas kilala sa tawag na Doble Plaka Law ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong March 2019.
Sa ilalim ng “Doble Plaka Law”, lahat ng mga motorsiklo, maliit man o malaki ay kinakailangang magkaroon ng plaka sa harap at likod ng kanilang motor, at maaring magmulta ng P50K hanggang P100K at pagkakulong ang sinumang lumabag sa batas na ito.
Ads
Samantala, ayun kay Land Transportation Office (LTO) Executive Director Romeo Vera Cruz ang “Doble Plaka” law na makakaapekto sa milyong motorista ay hindi kaagad maipapatupad “Hindi pa po natin ito ma-implement kasi hindi pa po available ang mga plaka,” ayun pa kay Cruz, na idinagdag na wala pang rider na mahuhuli sa ngayon dahil sa kakulangan ng plaka.
Ads
Sponsored Links
Para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) for the Republic Act 11235 Motorcycle Crime Prevention Law na pinalabas ng Land Transportation Office ay makikita dito.
Narito ang mga katanungan at kasagutan na inipon ng Motorcycle Rights Organization (MRO)
TANONG: Nabili ko ang motor ko bago pa ito pirmahan ng presidente. Sakop pa din ba ako nito?
SAGOT: Oo. Lahat ng motor ay sakop nitong batas.
TANONG: Kailan kami mag-aapply ng bagong plaka?
SAGOT: Sundin ang inyong registration schedule. Dun kayo ma-iisyuhan ng panibagong plaka. Sa ngayon, status-quo muna tayo sa temporary plate.
TANONG: Kailangan ko ba mag lagay ng temporary plate sa harap habang hinihintay ko ang aking bagong plaka?
SAGOT: Hindi.
MGA KATANUNGAN HINGGIL SA PAGMAMAY-ARI
TANONG: Kailangan ba naming magpapalit ng ownership sa rehistro?
SAGOT: Oo. Ayun sa batas na RA11235. Ang sinumang may-ari na hindi makakapagrehistro ng kanilang motorsiklo sa loob ng limang araw na nabili ito ay magbabayad ng P20K hanggang P50K. Posible din silang makukulong.
TANONG: Kailan ito magiging epektibo?
SAGOT: Dahil sa ECQ at MECQ, hangga't hindi pa nagbubukas ang LTO sa lugar ninyo, hindi pa ito nag-aapply sa inyo. Pero sa GCQ, maaring asikasuhin na ito upang 'di na kayo magka-aberya sa kalsada. Tandaan, 5 days pagkatapos ma issue ang sales invoice at 3 days after ma-notaryo ang Deed of Sale (DOS) ang palugit para mailipat ito sa pangalan ninyo.
UPDATE: Ayun kay Land Transportation Office (LTO) Executive Director Romeo Vera Cruz ang “Doble Plaka” law na makakaapekto sa milyong motorista ay hindi kaagad maipapatupad “Hindi pa po natin ito ma-implement kasi hindi pa po available ang mga plaka,” ayun pa kay Cruz, na idinagdag na wala pang rider na mahuhuli sa ngayon dahil sa kakulangan ng plaka.
TANONG: Pwede ba gamitin ang Deed of Sale o DOS billing patina ng pag-mamay-ari kapag nasita sa mga checkpoints?
SAGOT: Hindi. Ang DOS ay hindi attachment sa rehistro upang magamit ang sasakyan nyo. Kasangkapan lang ito para sa paglipat ng ownership ng isang bagay sa iyo.
TANONG: Nakapanagalan sa aking kamag-anak (magulang, kapatid, anak, kamaganak, kaibigan) ang motorsiklo. Kailangan ko ba itong ilipat sa pangalan ko?
SAGOT: Walang sinabi sa batas na hindi ka pwede gumamit ng motor na hindi iyo, subalit kailangang mapatunayan mong kamag-anak mo sila. Walang problema ito kung may relasyon ka sa may ari, pero kung previous owner ito, may pananagutan ka na.
TANONG: Nakapangalan sa opisina ang motorsiklo, kailangan ko ba ilipat ito sa pangalan ko?
SAGOT: Hindi. Humingi ka ng Authorization Letter o Motorpool Pass na sayo naka-intrega ang motorsiklo mo at dalin mo ito palagi.
TANONG: Repo o Repossessed ang motor ko na nakapangalan pa sa original owner. Paano po ito?
SAGOT: Kausapin nyo ang kasa. Ayon sa batas, hindi pwede manatili sa pangalan ng previous owner ang inyong motorsiklo. Hindi nila pwede i-hostage ang pangalan sa rehistro para magbayad kayo dahil may kontrata naman yan. Pag ayaw nila pumayag, isumbong nyo sa LTO.
TANONG: Sarado pa ang LTO sa mga ECQ at MECQ na lugar, pano po ako mag papa change ownership?
SAGOT: Wala kang pananagutan habang sarado ang LTO sa inyong lugar. Oras na mag bukas ito, saka ka lang pumunta para gawin ito.
TANONG: Hindi na mahanap, nasa ibang bansa o patay na ang original owner. Pano ako makakapag pa transfer?
SAGOT: Kausapin nyo ang Notaryo (NOTARY PUBLIC) para sa ganitong sitwasyon. Sila ang nakaka-alam ng mga kailangang papeles para dito. Pwera sa nasa ibang bansa pero nakakausap ninyo, pwede kayo humingi ng DEED OF SALE (DOS) na ipapadala via SNAIL MAIL at kayo na mag papa notary dito sa bansa.
TANONG: Ano ang kailangan para sa change ownership?
SAGOT: PNP-HPG clearance ng sasakyan, Deed of sale, Photocopy ng ID ng previous owner na hindi pa paso at application sa LTO.
TANONG: Magkano aabutin sa gastos ng pagpapalipat?
SAGOT: Sa huling ulat, nasa PhP200+ sa change ownership, PhP300+ sa PNP clearance ng sasakyan ang magagastos.
TANONG: Pano kung wala kaming pambayad pa dahil nawalan kami ng trabaho at wala pang pangastos?
SAGOT: Pumunta pa din kayo sa LTO upang mag palista at sabihin na babalik agad kayo pag kaya niyo na itonog bayaran. Patunay ito na hindi kayo nagpapabaya at may intensyon kayong sumunod sa sinasabi ng batas.
TANONG: Pati ba sa kotse o apat na gulong itong RA11235?
SAGOT: Ayon sa original na batas, sa pag bili mo ng sasakyan, dapat mo ito ilipat sa pangalan mo. Pero sa batas na ito, motorsiklo lang ang may penalty na 20k-50k, may posibilidad pang abut sa P100K o kulong o pareho. Sa bagong labas na IRR; ang isang motorsiklo na may hindi mabasang plaka o walang plaka sa harap o sa likod, ay magbabayad ng P50K sa unang violation, at P100K sa pangalawang violation. Ang motorsiklo ay maiimpound rin. Tanong:Paano kung ninakaw ang aking plaka? Sagot: Kailangan itong maireport sa loob ng 24 oras. Ang sinumang lumabag nito ay posibleng magmumulta ng P20K to P50K.
Sa gitna ng nagaganap na COVID-19 crisis sa bansa, 134 barangay officials ang kinasuhan kamakailan dahil sa pagkakasangkot sa mga anomalya na may kinalaman sa pamimigay ng ayuda mula sa pamahalaan sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Ads
Sa website ng Department of the Interior and Local Government (DILG), inanunsyo ng ahensya na parami na nang parami ang mga mamamayang lumalapit sa kanila upang ireklamo ang mga barangay official sa kanilang lugar dahil umano sa katiwaliang may kinalaman sa SAP. Ang nasabing tala, nangangahulugan daw ng 320 percent increase sa mga bilang ng barangay officials na humaharap na ngayon ng criminal charges, na 42 lamang ang kabuuan noong Mayo 20.
“Hindi ninyo matatakasan ang mga panlolokong ginawa ninyo sa pamimigay ng ayuda. Sinira ninyo ang tiwala ng gobyerno at ng inyong mga kabarangay kaya sa kalaunan, sa kulungan ang bagsak ninyo,” dismayadong wika ni DILG Secretary Eduardo M. Año.
'Marami pang kakasuhan'
Aniya, may siyam na kaso pang isasampa ang Philippine National Police-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) sa mga susunod na araw at kasalukuyan din nitong minamadali ang case build-up ng 86 na kaso. Pinasalamatan ng DILG Chief ang PNP-CIDG dahil sa mabilis na aksyon nito sa mga reklamo mula sa publiko.
Ads
Sponsored Links
Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat si DILG Spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya sa Department of Justice at sa Prosecutor General sa pagbibigay order sa lahat ng provincial at city prosecutors na unahin ang preliminary investigation ng mga kaso laban sa mga barangay official na dawit sa SAP anomalies.
“We are grateful to the DOJ and the Prosecutor General for prioritizing these cases. We need to send a strong message to corrupt barangay officials that their criminal activities will not be tolerated,” aniya.
Ilan sa mga kaso
Sa Boac, Marinduque, isang barangay chairman, dalawang barangay kagawad, at SK chairperson ang kinasuhan dahil sa ilegal na pangongolekta ng P50 processing fee mula sa mga SAP beneficiary. May naiulat din na ganitong insidente sa in Binmaley, Pangasinan, kung saan ang kapitan at ang isang tauhan nito ay naireklamo sa pagsingil ng P1,000 mula sa isang residenteng tumanggap ng SAP assistance.
Sa Sta. Maria, Ilocos Sur naman, isinuplong ng mga residente ang isang punong barangay dahil sa pagkaltas ng tig-P2,000 mula sa 132 SAP recipients.
Mayroon din mga kinasuhan dahil sa paglalagay ng pangalan ng kani-kanilang mga kamag-anak sa listahan nga SAP beneficiaries kahit hindi naman sila kabilang sa mga "poorest of the poor" at mga nawalan ng pagkakakitaan sa gitna ng lockdown.
Kabilang ang pambayad sa kuryente sa mga pangunahing nagiging suliranin ng napakaraming Pilipino na kulang pa ang kinikita sa pangunahing pangangailangan katulad ng pagkain. At ngayong marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa isinasagawang lockdown sa iba't ibang panig ng bansa, lalong naging problema ng karamihan ang mga dapat nilang bayaran pagkatapos nito--kabilang na ang electric bill.
Dahil dito, minabuti ng Department of Energy (DOE) na humanap ng paraan para makatulong na mapababa ang singil sa kuryente. Isa sa mga tinitingnan nito ay ang nuclear energy.
Ads
Sa isang Joint Congressional Energy Commission hearing, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na bagama't napababa ng kasalukuyang situwasyong dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang demand sa electricity at nagresulta na rin sa reduced rates, layunin pa rin ng DOE na mas maging abot-kaya ang halaga nito ngayong mayroong global pandemic na nakaaapekto sa bansa.
"Una po, sa nararanasan nating problema, isinusulong po namin 'yong nuclear. DOE is exploring all the possibilities so makakaasa po kayo na tinitingnan po natin lahat 'yan," tugon ni Cusi matapos tangunin ni Senador Risa Hontiveros kung ano ang ginagawa ng ahensya para tiyakin na hindi magiging dagdag na pasakit sa mga mamamayan ang electril bill na kakailanganin nilang bayaran.
Noon pa man ay iminumungkahi na ng DOE chief na baka panahon na upang maging bukas ang bansa sa paggamit ng nuclear energy.
Ads
Sponsored Links
"Our minds have been conditioned in the past that nuclear power plant is not good. Ang sinasabi lang natin, I think it's about time na maging open tayo," ani Cusi.
At nitong Marso, ipinakita niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nuclear energy program.
Ngunit ito na nga ba talaga ang tamang panahon? Panahon na upang mas maunawaan mo pa ang usaping ito!
Isa ka ba sa mga nai-stress na sa bahay dahil hindi makalabas ngayong may lockdown? Nakararanas ka na rin ba ng COVID anxiety at nangangamba araw-araw sa maaaring idulot ng pandemic?
Bakit hindi mo subukang libangin ang iyong sarili habang nahahasa ang isipan at nag-iipon ng mga bagong kaalaman na maaari mong magamit kapag bumalik na sa normal ang lahat? Hindi iyan imposible kahit nasa bahay ka lang! Kilalanin ang 28-year-old na si Paula Mendoza na nakatapos na ng 20 courses online.
COMPLETED 20 ONLINE IVY LEAGUE AND GLOBAL UNIVERSITY COURSES!- PAULA
Ads
Super duper tinodo ko na pagiging productive this quarantine season kaya nagpakalango na lang ako sa pag-aaral. Laking advantage sa career growth and development!
Encouraging everyone kasi super nakakaadik mag gain ng new knowledge and skills. Andami mo talagang matututunang effective strategies and techniques - panlaban sa adulting period at para handa sa better opportunities. Higit sa lahat, dagdag credentials din syempre.
Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Mendoza, ang blogger sa likod ng Balikbayang Liwaliw, kung paano niya ginagawang makabuluhan ang kanyang pananatili sa tahanan ngayong may isasagawang community quarantine laban sa banta ng COVID-19.
Kabilang daw sa mga ito ang pagkuha ng mga online course mula sa mga hindi basta-bastang unibersidad sa iba't ibang bansa; katulad ng University of Pennsylvania, University of Washington, The State University of New York, at marami pang iba.
SALAMAT SA KABAYO NG NANAY KO! <3
⚜️UNIVERSITY OF PENNSYLVANIA
- Achieving Personal and Professional Success
⚜️UNIVERSITY OF COLORADO
- Social Media Advertising
⚜️UNIVERSITY OF WASHINGTON
- Dynamic Public Speaking
⚜️THE STATE UNIVERSITY OF NEW YORK
- Strategic Self Marketing and Personal Branding
⚜️UNIVERSITY OF CALIFORNIA
- Work Smarter, Not Harder: Time Management for Personal & Professional Productivity
- Effective Problem Solving and Decision Making
- Initiating and Planning Projects
⚜️RUTGERS UNIVERSITY OF NEW JERSEY
- Strategic Sourcing
⚜️HEC PARIS
- Building Your Leadership Skills
⚜️MCMASTER UNIVERSITY
- Finance For Everyone: Value
⚜️MACQUARIE UNIVERSITY
- Marketing analytics: Know your customers
- Strategic management: Be competitive
⚜️UNIVERSITY OF MARYLAND
- Developing Innovative Ideas for New Companies: The First Step in Entrepreneurship
⚜️NORTHWESTERN UNIVERSITY
- Leadership Through Social Influence
- Content Strategy for Professionals: Engaging Audiences
- Connecting with Sales Prospects
⚜️IE BUSINESS SCHOOL
- Brand Identity and Strategy
- From Brand to Image: Creating High Impact Campaigns That Tell Brand Stories
⚜️NATIONAL UNIVERSITY OF SINGAPORE
- Strengthening Your Widening Network
⚜️TECHNION - ISRAEL INSTITUTE OF TECHNOLOGY
- Cracking the Creativity Code: Discovering Ideas
Ads
Sponsored Links
"COMPLETED 20 ONLINE IVY LEAGUE AND GLOBAL UNIVERSITY COURSES!" masayang pagbabahagi niya sa kanyang post.
"Super duper tinodo ko na ang pagiging productive this quarantine season kaya nagpakalango na lang ako sa pag-aaral. Laking advantage nito sa career growth and development!" pagpapatuloy niya.
Hinimok din ni Mendoza ang kanyang mga kapwa Pilipino na mag-aral ng mga libreng online courses habang marami pang panahon para gawin ang mga ito. Aniya, "Encouraging everyone kasi super nakakaadik mag-gain ng new knowledge and skills. Ang dami mo talagang matututunang effective strategies and techniques--panlaban sa adulting period at para handa sa better opportunities. Higit sa lahat, dagdag credentials din, siyempre."
Sa mga nais kumuha rin ng free courses online, narito ang website na naging daan para makakuha si Mendoza ng mga karagdagang kaalaman:
Ikaw, bakit hindi mo rin subukan? Malay mo, nasa isa sa mga online courses na ito ang suwerte mo? Malay mo, narito ang kaalamang magagamit mo sa hinaharap para umasenso?