Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label DSWD SAP Recipient List. Show all posts
Showing posts with label DSWD SAP Recipient List. Show all posts

Monday, June 15, 2020

DSWD: Tuloy na ang Distribusyon ng Second Tranche ng Social Amelioration Program

Tuloy na ang distribusyon ng second tranche ng Social Amelioration Program.

Ito ang magandang balita na inihayag ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa virtual presser noong ika-11 ng Hunyo, na kung saan nag-umpisa na ang distribusyon sa 1.3 milyon na cash card holders mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Idinagdag pa ng Kalihim na sa susunod na linggo uumpisahan ang distribusyon sa mga lugar na nakapagsagawa na ng balidasyon.
Ads

Narito ang pahayag ng DSWD regarding sa update ng pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP. 
Department of Social Welfare and Development Magandang araw! Hangad naming maibigay sa lalong madaling panahon ang cash assistance mula sa SAP. Patuloy na ipinamamahagi ang ayuda sa mga kwalipikadong miyembro ng 4Ps at hinahanda na rin ang para sa mga waitlisted na mula sa mga lugar na kabilang sa mga nakatalagang makatanggap ng 2nd tranche ng SAP. Antabayanan ang anunsyo ng DSWD para sa mga susunod na pamamahagi.

Samantala, panoorin ang video at pahayag ng DSWD Secretary Rolando Joselito Delizo Bautista

Ads
Sponsored Links
5 milyong karagdagang benepisyaryo ng SAP
Paano ang mga kwalipikadong pamilyang hindi nakasama sa first tranche ng SAP?
- Makakasama sa second tranche ang mga kwalipikadong pamilya na hindi nakasama sa first tranche ng SAP (waitlisted/leftout/additional beneficiaries) base sa isinumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD.


Ano ang basehan sa 5 milyong karagdagang benepisyaryo na makakatanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP?
- Ang karagdagang benepisyaryo ay base sa isusumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD. Matatandaan na nagkaroon ng Appeal System ang DSWD kung saan inatasang magpasa ang lokal na pamahalaan ng listahan ng mga wailisted/leftout o mga kwalipikadong pamilya na hindi nakasama sa mga naunang nabigyan ng SAP sa kanilang mga lugar. Ang listahan na ito ay maaring gamitin para sa pagbibigay ng ayuda para sa karagdagang 5 milyon na pamilya.
Ilang buwan ang matatanggap na ayuda ng 5 milyong karagdagang benepisyaryo sa ilalim ng SAP?
a. Nasa 3.5 milyon ng 5 milyong benepisyaryo ay makatatanggap ng ayuda na katumbas ng dalawang buwan (P5,000 hanggang P8,000 x 2 months). Sila ang mga benepisyaryo na kabilang sa ECQ areas alinsunod sa EO No. 112, S. 2020 dated 01 May 2020 at Memo of Executive Secretary dated 02 May 2020.
b. Ang natitirang 1.5 milyon ay makatatanggap ng ayuda na katumbas ng isang buwan (P5,000 hanggang P8,000).




Image may contain: 1 person, text

Sa virtual presser noong ika-11 ng Hunyo, binanggit ni DSWD Secretary Rolando Bautista ang mga lugar na makakatanggap ng second tranche. Ang mga nabanggit na lugar ay ang mga sumailalim sa Enhanced Community Quarantine noong nakaraang buwan ng Mayo, at base sa Executive Order No. 112 at Memorandum mula sa Executive Secretary noong ika-2 ng Mayo.

NAKAPAGREHISTRO KA NA BA SA RELIEF AGAD?

Ang bawat detalye ay sasailalim din sa masuring pag-review ng LGU/DSWD. Ang pagsisinungaling, pandaraya, at hindi awtorisadong paggamit ng ReliefAgad ay may karampatang parusa sa ilalim ng mga umiiral na batas ng Pilipinas.


Panoorin ang latest video kung paano mabilis na makapag-rerehistro sa DSWD ReliefAgad app para sa mabilis na pagrehistro ng SAC.


More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/05/reliefagad-app.html


Samantala namigay naman ang DSWD ng tulong sa mga locally stranded na mga kababayan ng tag 2K bawat isa.


Kabilang sa mga ipinamigay ay sleeping at hygiene kits 


The Land Bank of the Philippines (LANDBANK), in partnership with the Department of Social Welfare and Development (DSWD), fully disbursed the second round of cash grants worth P6,741,409,650.00 to 1,335,711 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries under the national government’s Social Amelioration Program (SAP) to support families heavily affected by the COVID-19 pandemic.

The payout for the second wave of cash assistance to the LANDBANK Cash Cards of intended beneficiaries was completed on Thursday, June 11, 2020.

The beneficiaries may withdraw from more than 2,000 LANDBANK ATMs available nationwide free of charge, and the more than 20,000 ATMs of BancNet-member banks. They may also use their cash cards for cashless purchases in groceries, supermarkets and drugstores through the Point-of-Sale (POS) machines at the cashier or check-out counters.

“Through the LANDBANK Cash Cards, we already delivered the second wave of cash grants to 1.3 million beneficiaries in an immediate, safe and secure manner. Rest assured that LANDBANK will continuously work with the national government to ensure that future beneficiaries will receive their emergency subsidies quickly, while strictly adhering to the quarantine measures in place,” LANDBANK President and CEO Cecilia C. Borromeo said.

LANDBANK’s distribution of cash grants is in line with the passage of Republic Act No. 11469 or the “Bayanihan to Heal as One” Act and the issuance of DSWD-DOLE-DTI-DA-DOF-DBM Joint Memorandum Circular No. 1, Series of 2020 or the “Special Guidelines on the Provision of Social Amelioration Measures.”

©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, June 10, 2020

Dalawang Paraan Para Matanggap ang 2nd Tranche ng DSWD SAP

Narito ang update galing sa DSWD at ni Secretary Roque hinggil sa Social Amelioration Program ng pamahalaan para sa mga kababayan natin na naghihintay ng pangalawang tranche ng ayuda para sa mga naapektuhan ng pandemic at lockdown.  
Ads


Sa video na ito, sinagot ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Rene Glen Paje ang tanong hinggil sa kung kailan ang pamamahagi ng SAP dahil ayun sa report at pangako ng DSWD ay dapat maumpisahan na ito noong nakaraang linggo. 


"Noong nakaraang linggo ay ipinaliwanag natin ang ating mga hakbang o mga prosesong ating ginagawa para maipatupad ang ikalawang bahagi ng SAP. Katulad ng nauna nating nabanggit, nakahanda ang DSWD na maghahatid ng 2nd tranche sa mga benepisyaryo nito sa lalong madaling panahon. Ganun pa man po ay kinakailangang tapusin ang proseso as to the elegibility at para maiwasan ang duplication at hindi na maulit ang mga naging problema natin noong nakaraang pamamahagi ng ayuda. Napakahalaga ng proseso ng validation sa mga beneficiaries upang matiyak na karapatdapat at kwalipikado ang makakatanggap ng ayuda." pahayag ni USEC Paje. 
Dagdag pa ng USec, 
"Inaasahan po natin na sa linggong ito, ay masisimulan na ang pagbibigay at pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP, sisimulan ito sa mga 1.3M na benepisyaryo ng 4Ps na mga cashcard holders
Ads


Inihahanda na rin diumano ang listahan at pamimigay ng ayuda sa 5 milyon na mga waitlisted. Sila ang prayoridad dahil hindi pa sila nakatanggap ng ayuda mula ng maglockdown. Isusunod ang mga lugar na nakapagsagawa na ng validation process.
Sponsored Links


Samantala sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na may kinalaman sa pamamahagi ng SAP.
Sa tanong na aabutin lamang ng 2 days ang pamahahagi ng 100Bilyong ayuda sa 2nd tranche gamit ang electronic means.
Sabi pa ni Roque, iyan daw po ang pahayag ni DSWD Secretary Bautista, ang pamamahagi raw ay magsisimula na next week, at ang pangunahing paraan ng pamamahagi ay electronic distribution, it will take 2 days, at yung balanse, yung mga walang access sa electronic means ay gagawin manually o pila-pila, pero sa pagkakataong ito, ito ay ipamimigay sa tulong ng Arm Forces of the Philippines. 

Sa kasunod na tanong kung kailan ang target date, ng pamamahagi ng 2nd tranche - ayun kay Secretary Bautista ay next week, sagot ni Spokesperson Roque. Kasama sa mabibigyan ang mga nasa 4Ps, kaya nasa 60% raw ang maipapahagi na next week.

©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, June 03, 2020

Nasa 505 na Opisyal ng Gobyerno at iba pa at 104 na Barangay Kapitan Iniimbistigahan Dahil sa SAP

 Nasa 505 katao na opisyales ng lokal na gobyerno at ibang pribadong individual kasama na ang 104 na mga kapitan ng barangay ang kasalukuyang iniimbistigahan sa kasong korapsyon dahil sa pamamahagi ng SAP cash subsidy.
Ads

301 Barangay Officials, nahaharap sa kaso dahil sa illegal na pamamahagi ng SAP
Inutusan na ni Interior Secretary Eduardo Ano ang PNP o pulisya na kasuhan ang mga opisyal na nanamantala. 
Ads
Sponsored Links
Sa 17.58 milyong benepisyaryo na nakatanggap ng ayudang cash sa gobyerno, halos 4.22 milyon ang nakalista sa 4Ps o pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ang mas maraming nakinabang ay ang 13.29 milyon na hindi mga 4Ps recipients, at may 62,028 na mga transport workers sa Metro Manila ang nakatanggap ng cash assistance. Nagtalaga naman ng P101.42 bilyong pondo at sa kasalukuyan ay nakapamahagi na ng P100.68 bilyon.

Nasa 505 na Opisyal ng Gobyerno at iba pa at 104 na Barangay Kapitan Iniimbistigahan Dahil sa SAP

Read:
Sa gitna ng nagaganap na COVID-19 crisis sa bansa, 134 barangay officials ang kinasuhan kamakailan dahil sa pagkakasangkot sa mga anomalya na may kinalaman sa pamimigay ng ayuda mula sa pamahalaan sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).    Ads    Sa website ng Department of the Interior and Local Government (DILG), inanunsyo ng ahensya na parami na nang parami ang mga mamamayang lumalapit sa kanila upang ireklamo ang mga barangay official sa kanilang lugar dahil umano sa katiwaliang may kinalaman sa SAP. Ang nasabing tala, nangangahulugan daw ng 320 percent increase sa mga bilang ng barangay officials na humaharap na ngayon ng criminal charges, na 42 lamang ang kabuuan noong Mayo 20.    “Hindi ninyo matatakasan ang mga panlolokong ginawa ninyo sa pamimigay ng ayuda. Sinira ninyo ang tiwala ng gobyerno at ng inyong mga kabarangay kaya sa kalaunan, sa kulungan ang bagsak ninyo,” dismayadong wika ni DILG Secretary Eduardo M. Año.    'Marami pang kakasuhan'    Aniya, may siyam na kaso pang isasampa ang Philippine National Police-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) sa mga susunod na araw at kasalukuyan din nitong minamadali ang case build-up ng 86 na kaso. Pinasalamatan ng DILG Chief ang PNP-CIDG dahil sa mabilis na aksyon nito sa mga reklamo mula sa publiko.  Ads          Sponsored Links       Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat si DILG Spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya sa Department of Justice at sa Prosecutor General sa pagbibigay order sa lahat ng provincial at city prosecutors na unahin ang preliminary investigation ng mga kaso laban sa mga barangay official na dawit sa SAP anomalies.    “We are grateful to the DOJ and the Prosecutor General for prioritizing these cases. We need to send a strong message to corrupt barangay officials that their criminal activities will not be tolerated,” aniya.    Ilan sa mga kaso    Sa Boac, Marinduque, isang barangay chairman, dalawang barangay kagawad, at SK chairperson ang kinasuhan dahil sa ilegal na pangongolekta ng P50 processing fee mula sa mga SAP beneficiary. May naiulat din na ganitong insidente sa in Binmaley, Pangasinan, kung saan ang kapitan at ang isang tauhan nito ay naireklamo sa pagsingil ng P1,000 mula sa isang residenteng tumanggap ng SAP assistance.    Sa Sta. Maria, Ilocos Sur naman, isinuplong ng mga residente ang isang punong barangay dahil sa pagkaltas ng tig-P2,000 mula sa 132 SAP recipients.    Mayroon din mga kinasuhan dahil sa paglalagay ng pangalan ng kani-kanilang mga kamag-anak sa listahan nga SAP beneficiaries kahit hindi naman sila kabilang sa mga "poorest of the poor" at mga nawalan ng pagkakakitaan sa gitna ng lockdown.

Ang Criminal Investigation and Detection Group  o CIDG ay nakatanggap na ng mga reklamo sa mahigit 380 katao simula April 1 hanggang June 1 tungkol sa kanilang lokal na mga opisyal na diumano ay nananamantala sa programa ng gobyernong pamimigay ng tulong pinansyal. Maliban sa mga barangay kapitan, ayun pa kay
CIDG deputy director for administration Brig. Gen. Rhoderick Armamento na kasama sa mga iniimbistigahan ay ang 70 barangay councilors, 35 treasurers at 23 health workers.

Ayun pa kay Gen. Armamento, dalawa na ang inaresto na sila  Marcialo Mendoza, 41, executive officer ng Barangay New Cabalan in Olongapo City, at Ivor John Casinas, secretary at project coordination ng Barangay Poblacion 2 in Bansalan, Davao del Sur. Inakusahan ang mga suspek ng pamimigay ng ayuda sa kanilang mga kamag-anak at hindi qualipikadong beneficiaries at hinati-hati ang pera sa mga mahihirap na pamilyang hindi kasali sa listahan.

Halos nasa 108 kaso na ang naisampa ng CIDG sa korte kasama na ang paglabag ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act. 
DILG: 301 barangay officials nahaharap ngayon sa kasong kriminal para sa iba
June 3, 2020

Inihayag ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 301 barangay officials ang nahaharap ngayon sa mga kasong kriminal matapos makumpleto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang pag-iimbestiga/case-build up sa mga naiulat na umanoy anomalya sa pamamahagi ng unang tranche ng Social Amelioration Program.

“Hindi po hihinto ang DILG at ang PNP sa paghabol sa mga kurakot na barangay, LGU officials, at personnel na ito. Inatasan mismo ni Secretary Año ang PNP na siguraduhing makakasuhan ang mga ito para maparusahan sila sapagkat talaga namang nakakagalit na sa panahon ng krisis kung kailan kailangang-kailangan ng ating mga kababayan ng tulong ay nagagawa pa nilang manloko ng mga kabarangay nila,” sabi ni DILG Underscretary and Spokesperson Jonathan E. Malaya.

Sinabi niya na ang mga 301 na bilang ng mga barangay officials na haharap sa kasong kriminal ay hanggang Hunyo 2 pa lamang, kaya dapat asahan ng mga tao ang pagsampa ng higit pang mga kasong kriminal sa mga darating na araw habang 76 pa ang iniimbestigahan pa lamang.

Sa kabuuan, 381 na ang nagreklamo at dumulog sa PNP-CIDG at sa mga kanilang regional field units para magbigay ng pahayag tungkol sa mga tiwaling gawain ng kanilang mga barangay officials sa pamamahagi ng SAP, aniya.

Batay sa pinakahuling ulat ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), ang 57 punong barangay at 57 barangay kagawad ang bumubuo sa malaking bahagi ng mga kasalukuyang nahaharap sa mga kasong kriminal.

Ang mga barangay secretaries, health workers, treasurer, SK chairman, pati na ang mga opisyal at mga kawani ng LGUs ay nasampahan na din ng mga kasong kriminal. Samantala, 125 namang civilian co-conspirators ang sangkot din kasong kriminal.

Sinabi niya na lumabag sa Republic Act (RA) 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices, RA 11469 na kilala bilang Bayanihan to Heal as One Act, at RA 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases ang 301 na opisyal.

Sinabi ni Malaya na dahil nakatakda nang ipamahagi ang 2nd tranche ng SAP financial assistance sa mga mahihirap na pamilya, patuloy na tatanggap ang DILG at PNP ng mga reklamo at iimbestigahan ang mga ulat. “Patuloy po ang pagtanggap namin ng mga sumbong and we encourage our kababayans na ireport ang mga ganitong uri ng kalokohan.”

Pinuri din ni Malaya ang mga residenteng nag-ulat ng mga kasong ito at sinabing “isang malaking bahagi ng tagumpay na ito ay dahil sa lakas ng loob at katapangan ng ating mga kababayan na nagreport ng mga tiwaling opisyal at kawani na ito. Salamat po.”

Mga naiulat na kaso ng katiwalian sa mga barangay

Si Punong Barangay Ariel Hiquina ng Barangay San Vicente, San Jacinto, Pangasinan kasama ang kanyang mga kasabwat na Barangay Health Worker na si Elizabeth Oligan at ang municipal health worker na si Nancy Bombarda ay kasama sa mga nasampahan ng kasong kriminal dahil sa umano’y paghati sa tulong ng SAP na inilaan para sa isang sambahayan lamang.

Ayon kay Malaya, naiulat na noong huling linggo ng Abril 2020, ang mga nagrekklamo ay binigyan ng mga Social Amelioration Card (SAC) Forms upang punan, at sinabi ni Oligan na ang isang SAC form ay hahatiin sa dalawa, na nangangahulugang paghahatian ng dalawang tao ang P5,500 na tulong pinansyal.

“Ang mga opisyal na ito ay hindi nagpapatakbo ng mag-iisa kaya itong si Oligan kalaunan ay nakilala na sinasabing kumilos diumano na may basbas ng kapitan at isang tao ng munisipyo kaya sila ngayong tatlo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3(e) ng RA 3019 at Section (a) naman ng RA 11469,” sabi ni Malaya.

Nagkakahalagang P1,600 ang naiulat na binawas mula sa nakatanggap ng SAP financial aid na humantong sa mga kasong kriminal na isinampa laban kay Punong Barangay Edison Franco kasama ang kanyang mga kasabwat na mga opisyal din ng Barangay Balite, Villaba, Leyte. Ayon sa mga ulat, si Franco, sa pakikipagsabwatan sa kanyang barangay treasurer, health worker, at Day Care teacher, diumano'y gumawa ng paraan para magbawas ng P1,600.00 para ibigay umano sa mga residenteng hindi napasama sa listahan ng mga benepisyaryo.

“Mga ganitong kaso ang ipinapakiusap naming iulat ng mga residente kaya patuloy ang paghikayat namin na kanila na maglakas-loob at isumbong ang mga walang pusong ito at sisiguraduhin namin na ito ay maaksyunan,” sabi ni Malaya

source and here
©2020 THOUGHTSKOTO

TAGALOG: Mga Tanong at Kasagutan Tungkol sa DSWD SAP 2nd Tranche

Narito ang mga kasagutan at kung sino-sino ang maaring makatatanggap ng pangalawang bahagi ng ayuda (2nd tranche) sa ilalim ng SAP na ipinatutupad ng DSWD. 
Mabibigyan sa second tranche ng SAP ang mga waitlisted, nasa ilalim man sila ng ECQ o GCQ.
Ads

Narito ang kabuuang Frequently Asked Questions (FAQs) tungkol sa pangalawang bahagi o second tranche ng Social Amelioration Program.
Panoorin ang panayam kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao
Ads


Sponsored Links


FAQs
PANGALAWANG BAHAGI NG SAP (SECOND TRANCHE)
1. Sino-sino ang maaring makatatanggap ng pangalawang bahagi ng ayuda (2nd tranche) sa ilalim ng SAP na ipinatutupad ng DSWD?
Maari lamang makatanggap ng pangalawang bahagi ayuda kung:
a. Kabilang sa nabigyan ng ayuda sa unang bahagi ng programa at


● Base sa balidasyon na ginawa ng DSWD, ikaw ay (i) kabilang sa mga kwalipikadong pamilya sa programa, at (ii) walang duplikasyon sa pagbibigay ng ayuda mula sa iba pang ibang ahensya ng pamahalaan (MC 9 Series of 2020, Section VIIIB6), at


● Ang iyong lugar ay kabilang sa naitalagang bibigyan ng pangalawang bahagi ng ayuda base sa kasulatan galing sa tanggapan ng pangulo.
b. Kabilang sa karagdagang 5 milyong benepisyaryo ng SAP (waitlisted o leftout) base sa isusumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD at alinsunod sa magiging alituntunin patungkol sa nasabing karagdagang benepisyaryo.

2. Anu-ano ang mga lugar na kasama sa makatatanggap ng pangalawang bahagi ng ayuda (2nd tranche)?
a. Mga lugar na kabilang sa nabigyan sa unang bahagi ng ayuda kabilang ang mga sumusunod:


• NCR; Region III (except Aurora); Region IV-A; Benguet; Pangasinan; Iloilo; Cebu Province; Bacolod City; at Davao City (base sa ECQ Areas per EO No. 112, S. 2020 dated 01 May 2020)


• Albay Province; at Zamboanga City (base sa ECQ Areas per Memo of Executive Secretary dated 02 May 2020)
b. Mga lugar o rehiyon na nagsumite ng karagdangang listahan may kwalipikadong benebisyaryo na kabilang sa karagdagang 5 Milyong benepisyaryo ng SAP (waitlisted o leftout)
3. Ilang pamilya ang inaasahang makatatanggap ng pangalawang bahagi ng pamimigay ayuda (2nd tranche)?
Tinatayang nasa 13.5 milyong pamilya ang makatatanggap sa second tranche kabilang ang mga sumusunod:


a. 8.5 milyong pamilya na kabilang sa 18 milyon na naunang nabigyan ng ayuda; at


b. 5 milyong pamilya na kabilang sa karagdagang benepisyaryo mula sa lahat ng rehiyon.
4. Kailan magsisimula ang SAP second tranche?
Inaasahang magsisimula ang pamimigay ng second tranche sa Hunyo pagkatapos maisagawa ang mga sumusunod:
a. Pagsusumite ng lokal na pamahalaan ng listahan ng mga nakatanggap ng ayuda sa first tranche at listahan ng mga karagdagang kwalipikadong pamilya ng benepisyaryo; at
b. Pagsasagawa ng balidasyon ng DSWD kung ang mga nakatanggap ng ayuda at karagdagang maaring tumanggap ng ayuda ay karapat dapat base sa itinalagang alintuntunin at hindi tumanggap ng iba pang ayuda mula sa ibang ahensya ng pamahalaan.
5. Sa lugar lamang ba na nasa ilalim ng ECQ ang mabibigyan ng ikalawang bugso ng ayuda?
Base sa “Bayanihan to Heal as One Act” at sa mga umiirial na panuntunan, ang pagbibigay ng ayuda ay para sa mga kwalipikadong pamilya na nasa ilalim ng ECQ. (Republic Act No. 11469; MC 9, Series of 2020).
Inanunsyo rin ng tagapagsalita ng Pangulo na ang mga kwalipikadong pamilya lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ ang mabibigyan ng ikalawang bugso o bahagi ng SAP. Inaantabayanan lamang ng DSWD ang opisyal na kasulatan patungkol dito (May virtual presser).
6. Anong ahensya ng pamahalan ang mamahagi ng pangalawang bugso ng ayuda sa ilalim ng SAP?
Ang DSWD katuwang ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mamamahagi ng pangalawang bugso ng ayuda sa ilalim ng SAP alinsunod sa kutusan ng Pangulo.
7. Saan gagamitin ang ayuda na isinauli mula sa mga hindi kwalipikadong pamilya na nakatanggap ng first tranche?
Ang mga isinauling pera ay gagamitin o ipapamahagi para sa mga kwalipikadong pamilya sa second tranche.
8. Ang sabi ng LGU, sa DSWD daw nanggaling ang listahan ng mga beneficiaries kaya madami ang hindi nakasama. Totoo ba ito?
Hindi, ang LGUs ang gumagawa ng listahan ng mga benepisyaryo base sa kanilang assessment ng mga pamilyang kwalipikado sa programa. Bagamat nagbibigay ang DSWD ng listahan ng mga mahihirap hango sa listahan ng mga Tahanang Nangangailangan o Listahanan database ng ahensya, ito ay batayan lamang ng mga posibleng benepisyaryo na isasailalim pa din sa hiwalay na pagsusuri ng LGUs (MC 7, Series of 2020, Section C at MC 8, Series of 2020).
9. Awtomatiko bang makatatanggap sa second tranche ng ayuda kung kasama na sa naisumiteng listahan ng lokal na pahalaan sa DSWD Field Office?
Hindi, magkakaroon pa muna ng balidasyon kung kwalipikado ang mga nasa listahan na naisumite ng lokal na pamahalaan.
10. Paano malalaman na hindi kwalipikado sa ayuda ang mga naisumiteng pangalan ng pamahalaang lokal para sa wailisted/left-out/additional na benepisyaryo?
Maglalathala ang barangay ng listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng SAP (MC 9 Series of 2020, Section X). Maari ding lumapit at magtanong sa Provincial/City/Municipal Social Welfare Development Office (P/C/MSWDO) na silang nagsumite ng listahan sa DSWD para sa wailisted/lestout/additional na benepisyaryo.
11. Kung nakabalik na sa kanilang bayan o lugar ang mga dating na stranded, makakakuha pa din ba sila ng ayuda?
Maaaring mapabilang sa bibigyan ng ayuda para sa second tranche kung mapatunayan na kasama ang pamilya nito sa kwalipikadong pamilya sa ilalim ng programa na hindi napabilang (left-out o waitlisted) sa unang bugso ng ayuda. Ang assessment ng kwalipikasyon sa SAP ay per pamilya at hindi indibidwal.
12. Requirement po ba ang SAC sa 2nd tranche? Paano kung kinuha ng barangay ang kopya ko?
Kailangan po ang SAC upang makapagrehistro sa ReliefAgad app na isa sa mga pamamaraan upang makakuha ng second tranche para sa mga kwalipikadong pamilya. Mangyaring makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan para sa kopya ng inyong SAC form
5 MILYONG KARAGDAGANG BENEPISYARYO NG SAP
13. Paano ang mga kwalipikadong pamilyang hindi nakama sa first trache ng SAP?
Makakasama sa second tranche ang mga kwalipikadong pamilya na hindi nakasama sa first tranche ng SAP (waitlisted/leftout/additional beneficiaries) base sa isinumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD.
14. Ano ang basehan sa 5 milyong karagdagang benepisyaryo na makatatanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP?
Ang karagdagang benepisyaryo ay base sa isusumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD. Matatandaan na nagkaroon ng Appeal System ang DSWD kung saan inatasang magpasa ang lokal na pamahalaan ng listahan ng mga wailisted/lleft out o mga kwalipikadong pamilya na hindi nakasama sa mga naunang nabigyan ng SAP sa kanilang mga lugar. Ang listahan na ito ay maaring gamitinpara sa pagbibigay ng ayuda para sa karagdagang 5 milyon na pamilya.
15. Ilang buwan ang matatanggap na ayuda ng 5 milyong karagdagang benepisyaryo sa ilalim ng SAP?
a. Nasa 3.5 milyon sa 5 milyong benepisyaryo ay makatanggap ng ayuda na katumbas ng dalawang buwan (P5,000 – 8,000 x 2 months). Sila ang mga benepisyaryo na kabilang sa ECQ areas alinsunod sa EO No. 112, S. 2020 dated 01 May 2020 at Memo of Executive Secretary dated 02 May 2020.
b. Ang natitirang 1.5 milyon ay makatatanggap ng ayuda na katumbas ng isang buwan (P5,000 – P8,000).
BALIDASYON NG BENEPISYARYO NG SAP
16. Hindi ba mag-re-resulta sa pagka-antala ng pag-release ng 2nd tranche ang ginagawang proseso ng validation?
Hindi. Ang kasalukuyang ginagawang alituntunin ang DSWD at ang paggamit ng teknolohiya sa pamamagitan ng ReliefAgad app ay naglalayon na mapabilis ang ginagawang validation upang hindi makaantala sa pagmimigay ng ikalawang bugso ng ayuda.
17. Ano ang sinusuri sa balidasyon na isinasagawa ng DSWD sa mga nakatanggap ng ayuda sa first tranche?
Ang balidasyon na ginagawa ay upang suriin (i) kung karapat-dapat ang benepisyaryo at (ii) kung walang duplikasyon o hindi hihigit sa isang beses tumanggap ng tulong ang pamilya mula sa DSWD at sa ibang pang ahensya na inatasang magpatupad ng hiwalay na tulong sa ilalim ng SAP (MC 9 Series of 2020, Section VIII-B).
18. Paano gagawin ang balidasyon sa mga nakatangap ng ayuda kung sila ay kwalipikado sa programa (validation as to elegibility)?
Ang balidasyon ay gagawin sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod na pamamaraan:


a. Physical validation o pagpunta sa bahay bahay ng mga nakatanggap ng ayuda;


b. Remote validation o pagsasagawa ng balidasyon sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone, pag-email, o iba pang pamamaraan na hindi kailangang magpunta sa bahay bahay;

c. Computer algorithm o gamit ang computer program ay susurin ang mga binigay na impormasyon ng benepisyaryo sa SAC form; o
d. Iba pang mabilis at mabisang pamamaraan ng balidasyon.
19. Paano ang gagawing balidasyon upang masuri kung hindi higit sa isang beses tumanggap ng tulong ang pamilya mula sa DSWD at sa ibang pang ahensya (validation as to duplication of subsidy received)?
Mabibigay sa DSWD ang listahan ng nakatangap ng ayuda mula sa SSS, DOLE, DA, LTRFB at iba pang ahensya at ang listahan mula sa mga lokal na mapahalaan. Magkakaroon ng matching ng mga pangalan upang masuri kung nakataggap ng ayuda mula higit na isang ahenysa.
Ang mga benepisyaryong nakitang nakatanggap ng ayuda sa higit na isang ahensya ay hindi na muling makakatangap ng second tranche ng ayuda kung sakaling ang kanilang lugar ay kabilang sa naitalagang bibigyan ng pangalawang bahagi ng ayuda alinsunod sa opisyal na kasulatan na ilalabas ng Pangulo.
20. Paano ang gagawin sa mga benepisyaryo na nadiskubre na higit sa isang beses ang natanggap na ayuda?
Kailangang ibalik ang ayuda sa kanilang pamahalaang lokal. Posible din na mabigyan ng demand letter ang mga benepisyaryo na nagsasaad na kailangan nilang ibalik ang nakuhang ayuda (May 21, DSWD Virtual Presser).
21. Paano kung ang mga 4Ps beneficiaries ay nakatanggap din ng SAP?
Ang mga benepisyaryo ng 4Ps na muling nakatanggap ng SAP ay magkakaroon ng adjustment sa kanilang buwanang cash grant mula sa regular na implementasyon ng 4Ps. Ang mga 4Ps beneficiaries ay kasama sa mga benepisyaryo ng emergency cash subsidy sa ilalim ng SAP. Nakatanggap na sila ng ayuda na nagkaka-halaga ng P3,650 to P6,650 na karagdagang halaga sa tinatanggap na buwanang cash grant.
IMPLEMENTASYON NG SAP NG IBA’T IBANG AHENSYA NG PAMAHALAAN
22. Maari bang makasama sa mabibigyan ng DSWD SAP ang mga empleyado na na-disqualify sa DOLE CAMP?
Hindi. Ayon sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, ang emergency cash subsidy sa ilalim ng DSWD-SAP ay para sa 18 milyong mahihirap na pamilyang pinaka-naapektuhan ng ECQ na kabilang sa impormal na sektor at nawalan ng pagkakakitaan dahil sa ECQ. Base sa eligibility requirements na ito, hindi kwalipikado ang mga pamilya ng mga formal sector workers sa SAP.
23. Kailangan ba ibalik ang ayuda kung nakatanggap ang benepisyaryo sa SSS matapos naibigay ang naunang ayuda sa ilalim ng DSWD-SAP?
Kailangang ibalik ang ayuda sa kanilang pamahalaang lokal. Humingi lamang ng acknowledgement receipt bilang patunay ng pagbabalik ng ayuda. Ayon sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, ang emergency cash subsidy sa ilalim ng DSWD-SAP ay para sa mahihirap na pamilyang pinaka-naapektuhan ng ECQ na kabilang sa impormal na sektor. Base sa eligibility requirements na ito, hindi kwalipikado ang mga pamilya ng mga formal sector workers sa SAP.
Magpapalabas ang mga concerned agencies ng demand letter kung mapag-alaman na ang isang pamilya ay tumanggap ng doble at hindi sinauli ang ibang ayudang natanggap (May 21, DSWD Virtual Presser).
24. Ano po ba ang mangyayari kung nakatanggap ng SAP at nakatanggap pa rin sa DOLE?
Kailangang ibalik ang ayuda sa kanilang pamahalaang lokal. Humingi lamang ng acknowledgement receipt bilang patunay ng pagbabalik ng ayuda. Hindi maaring magkaroon ng duplikasyon sa pagbibigay ng ayuda. Ang DSWD ay magsasagawa ng balidasyon upang tukuyin ang eligibility ng mga benepisyaryo at ang pag-uulit o duplikasyon ng naibigay na benepisyo.
Kasama sa mga pamilya na hindi kabilang sa mga tatanggap ng SAP cash subsidy ang may mga miyembro na empleyado sa pribadong sektor, o silang mga nasa pormal na ekonomiya. Ang DOLE ay nagpapatupad ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) para sa empleyadong ito na apektado ng krisis. Kaya naman, hindi na sila kabilang sa SAP (April 28, DSWD Virtual Presser).
25. Maari bang ang ayuda mula sa ibang ahensya ang ibabalik imbis na ang natanggap na ayuda mula sa DSWD?
Hindi. Kailangang ang ayuda mula sa DSWD ang ibalik. Ang pagtanggap ng ayuda mula sa ibang ahensya katulad ng SSS o DOLE ay nagpapatunay lamang na nasa pormal na sektor ang nakatanggap kung kaya naman hindi sya kabilang sa eligible na makatanggap ng ayuda mula sa DSWD.
Ayon sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, ang emergency cash subsidy sa ilalim ng DSWD-SAP ay para sa mahihirap na pamilyang pinaka-naapektuhan ng ECQ na kabilang sa impormal na sektor. Base sa eligibility requirements na ito, hindi kwalipikado ang mga pamilya ng mga formal sector workers sa SAP.
IBANG KATANUNGAN O HINAING PATUNGKOL SA SAP
26. Ano ang ginagawa ng DSWD sa mga reports ng iregularidad sa pag-identify ng mga benepisyaryo ng SAP?
Ang DSWD ay titiyaking may angkop na pagsangguni at pag-uulat sa kinauukulang opisina katulad ng DILG para sa balidasyon at/o imbestigasyon ng mga kaso ng iregularidad sa pag-identify ng mga benepisyaryo. Alinsunod ito sa Grievance Redress System na binuo tugon sa iab’t ibang uri ng reklamo.
27. Maaari bang imbestigahan ng DSWD ang mga anomalya sa pamimigay ng SP involving local social welfare and development officers at mga local officials na pinili ang mabibigyan ng ayuda base sa kanilang “kakilala” at sa “padrino system”?
Hindi. Walang awtoridad ang DSWD sa mga local social welfare and development officers at iba pang lokal officials na mga empleyado ng lokal na pamahalaan.
Magkagayunman, anumang reklamo patungkol sa mga LGU officials at employees ay ipapahatid ng DSWD sa DILG para sa karampatang aksyon.



©2020 THOUGHTSKOTO

SAP Beneficiaries? Kailangan Mong MagRehistro sa Relief App ng Gobyerno

Ang mga Nabanggit na lugar ay maaari na pong mag Register sa RELIEFAGAD app.
 NCR, Region 3 (except Aurora Province), Region IV-A, Benguet Province, Pangasinan, Iloilo Province, Cebu Province, Bacolod City, Davao City, Albay Province, and Zamboanga City and as well as the left out families nationwide.
Ads

DSWD’s Relief Agad registers 2M beneficiaries, targets 11.5M more. 
Since the launch of ReliefAgad app in a virtual presser last May 14, the platform has accumulated over 2 million registrations from all 17 regions nationwide. Despite conducting pilot runs in NCR, regions nationwide facilitated encoding of SAC forms through ReliefAgad app. Region IV-A – CALABARZON with 1,094,332 registrations recorded the highest, followed by NCR with 789,719 and Region III – Central Luzon with 103,413.
Despite reaching 2M registrations, the challenge lies in reaching the rest of the second tranche beneficiaries coming from 11 identified areas: NCR, Region 3 (except Aurora Province), Region IV-A, Benguet Province, Pangasinan, Iloilo Province, Cebu Province, Bacolod City, Davao City, Albay Province, and Zamboanga City and as well as the left out families nationwide.
Ads


Sponsored Links

Para sa step by step na proseso ng pagrehistro, sundan lamang dito


Simula THIS WEEK - Maibibigay ang SAP 2nd Tranche Ayun sa Pahayag ng DSWD

In the virtual presser of DSWD Secretary Rolando Bautista last May 28, he stated that “DSWD will lead the distribution of aid during the second tranche. We are coordinating with the Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), and Department of Interior and Local Government (DILG) for the additional workforce for the second tranche. At the same time, we are also closely working with banks and service providers to achieve our objective in expediting distribution of aid with the use of digital payments.”
To further breakdown the composition of the 13.5M beneficiaries, they are targeted to come from (1) 8.5 million out of the 18 million families who received the first tranche from the identified 11 areas stated above, and (2) the 5 million families who are waitlisted or left out.
The 3.5 million of the 5 million waitlisted or left out from the identified 11 areas will receive a subsidy equivalent to two months (P5,000 – 8,000 x 2 months).
DSWD’s partners such as Developers Connect Philippines (DEVCON) who developed ReliefAgad and the United States Agency for International Aid (USAID), are continuously providing technical support to drive more beneficiaries to register through ReliefAgad.
“We are happy to assist the DSWD in this momentous task. Through ReliefAgad, beneficiaries don’t have to leave their homes to register and to receive their aid. Frontliners also don’t need to go house to house,” Developers Connect Philippines (DEVCON) Founder and Talino Venture Labs Chief Executive Officer Winston Damarillo shared.

Here are five (5) important tips and reminders on how SAP beneficiaries can register through the ReliefAgad app as national government agencies continue preparations in implementing the second tranche payouts.
1. Use ReliefAgad to skip long lines and risk community transmission during payouts.
ReliefAgad enables SAP beneficiaries to encode their SAC form information digitally, safely at home using your mobile phones or laptops. It is an alternative to handing out physical cash. It allows you to receive aid through online or mobile transfer to your chosen PESONet-participating banks or partner e-wallets.
Each SAP beneficiary is assigned a unique barcode. Beneficiaries have to scan this unique barcode on the lower right-hand corner of the SAC forms, with vital security features in place to avoid duplicates or photocopied SAC forms from being scanned.
Although the DSWD conducted pilot runs of ReliefAgad in NCR, regions nationwide have also facilitated data collection and encoding through ReliefAgad.
2. Follow these simple steps in encoding SAC information using ReliefAgad:
If you have your own smartphone and internet access:
Step 1: Go to www.reliefagad.ph using a smartphone.

Step 2: Scan the barcode at the lower right-hand corner of the SAC form.
Note: If you are unable to scan the barcode, manually encode the serial number on the barcode.
Step 3: Encode your personal information on the app.
Step 4: Enter the information on the members of your family.
Step 5: Select your preferred payment method where you will be able to directly receive the cash assistance.
TIP: ReliefAgad has a cash option as well. However, if you are able to use your GCash, PayMaya, 58 PESONet-participating bank account/s, you can receive the cash assistance directly through your account upon validation of DSWD.
Step 6: Enter the One-Time-PIN (OTP) which you will receive through SMS.
Step 7: Press Submit.
After completing the steps, you will need to wait for DSWD’s confirmation and announcement as they conduct validations to the submitted registrations.
Alternatively, if you do not have a smartphone, you may use your child’s or any of your family member’s smartphone to register through ReliefAgad.
3. Secure your personal information to prevent online hacks or scams.
During the first week of the ReliefAgad app launch, many people excitedly shared screenshots of their successful registrations online in comment sections of DSWD Facebook page posts. SAP beneficiaries are reminded to keep personal information private to avoid getting hacked or scammed online.
More importantly, regularly fact checks the information you receive by referring only to official government or media channels, websites, and social media pages. There are people who will take advantage of this crisis and it is important to be on full alert at all times.
There are security measures in place on the platform to ensure that the information goes straight to DSWD’s servers. You will be able to receive announcements and reminders from DSWD using the mobile numbers used to register in the ReliefAgad.
4. Open online e-wallets or bank accounts if you haven’t or use your inactive accounts to receive cash assistance.
SAP beneficiaries are encouraged to shift to using digital payments to prevent community transmissions or risking exposure to COVID-19 through person-to-person transactions as the country eases restrictions and adjusts to the new normal.
We urge other SAP beneficiaries to start opening accounts online or start using your inactive accounts as this is the long-term solution doing transactions such as sending money to your loved ones, paying your bills, doing online purchases, and registering using the ReliefAgad to receive cash assistance from the government.
Follow the simple guides and prepare the minimal identification requirements of the banks or electronic payment providers to open an account easily, safely, and conveniently while staying safe at home. In the case of an existing but inactive account, you may check if the account is still accessible. If the account is still working or has not been closed by your bank or service provider, you may enroll your account.
5. Hotline numbers you can contact for assistance.
If you need more information or if ever you are encountering errors or issues which will require technical assistance in using ReliefAgad, feel free to contact the landline or mobile hotlines:
Landline: (02) 8424 2828
Globe: 0977 656 1191 or 0977 656 1192
Smart: 0961 750 7287 or 0961 750 7288
Sun: 0932 092 9442 or 0931 092 9443

You may also visit www.dswd.gov.ph to see the full version of Memorandum Circular 9, Series of 2020 on the Omnibus Guidelines in the Implementation of the Emergency Subsidy Program of the DSWD or the DSWD Facebook for up-to-date announcements and the Frequently Asked Questions (FAQs) on SAP and ReliefAgad. ###
Follow the DSWD Relief Agad Facebook page here. Video instructions for using #ReliefAgad can be found here.
Developers Connect Philippines (DEVCON) is a non-profit organization which aims to promote the Filipino IT talent by providing a unique venue for IT students, educators, professionals, and enthusiasts to sync, support, and succeed. In response to the COVID-19 pandemic, DEVCON convened DEVCON Community of Technology Partners (DCTX), a community of over 1,000 Filipino software developer-volunteers around the world, to come up with technology solutions. They developed the RapidPass system which provided authorized individuals to pass through checkpoints using a QR code. The same organizations developed ReliefAgad.
United States Agency for International Development (USAID) / E-PESO Project. USAID/E-PESO is a project funded by the USAID that aims to assist the Philippine government transition the economy from cash/checks to electronic payments for broader-based economic growth and financial inclusion. USAID/E-PESO is currently providing technical assistance to DSWD to integrate financial inclusion in the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) by transitioning its cash cards to transaction accounts and developing a comprehensive financial literacy program. USAID/ E-PESO develops digital instructional and training materials for the rollout and provides electronic payments expertise, quality assurance, technical and system support to operate ReliefAgad

©2020 THOUGHTSKOTO