Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label Social Amelioration Fund. Show all posts
Showing posts with label Social Amelioration Fund. Show all posts

Tuesday, June 16, 2020

Mga Drivers, Tingnan ang Pangalan ng mga Makakatanggap ng SAP


Tinatawagan ng pansin ng DSWD ang mga PUV drivers na ang pangalan ay nakalista dito dahil may matatanggap silang ayuda o SAP.

“Tinatawagan ng pansin ang mga drivers na ang mga pangalan ay nakalista sa link na ito: —- na i-text ang
DSWD<space>LTFRB-BATCH-4<space>First name<space>Middle name<space>Last name<space>Driver’s license<space>Mobile number
Halimbawa: DSWD LTFRB-BATCH-4 Juana Maharlika Bonifacio K01-01-123456 09161234567
at i-send sa 0918-9122813. 
O di kaya’y tumawag sa DSWD hotline number 16545.“
Ads


Samantala, tingnan ang mga drivers na namamalimos dahil sa hindi makabyahe at walang wala na raw po talaga.

Paalala sa mga Public Utility Drivers sa National Capital Region! Tingnan ang inyong pangalan kung kayo ba ay kasali sa mga makakatanggap ng SAP o Social Amelioration Fund. Nasa 32K mahigit ang mga pangalan na nakalista dito. Sundan lamang ang pahayag ng DSWD ukol dito. 


“Tinatawagan ng pansin ang mga drivers na ang mga pangalan ay nakalista sa link na ito: —- na i-text ang
DSWD<space>LTFRB-BATCH-4<space>First name<space>Middle name<space>Last name<space>Driver’s license<space>Mobile number
Halimbawa: DSWD LTFRB-BATCH-4 Juana Maharlika Bonifacio K01-01-123456 09161234567
at i-send sa 0918-9122813. 

O di kaya’y tumawag sa DSWD hotline number 16545.“

LISTAHAN NG MGA PUV DRIVERS NA MAKAKATANGGAP SA DSWD
Ads


Sponsored Links

For questions and inquiries, you can contact DSWD here


Here is the initial list of drivers who will receive cash assistance under the Social Amelioration Program (SAP) for Drivers of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) in partnership with the Department of Transportation (DOTr), LTFRB, and Landbank of the Philippines (LBP).

The SAP for Drivers is a program of DSWD — pursuant to Republic Act No. 11469 or the Bayanihan to Heal as One Act — to provide financial assistance to low-income families who are affected by the Enhanced Community Quarantine (ECQ) implemented to mitigate the impact of the Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) in the country.

Beneficiaries of the program include families of drivers of Public Utility Vehicles (PUVs), such as Public Utility Jeepneys (PUJ), UV Express (UVE), Public Utility Buses (PUB), Point-to-Point Buses (P2P), Taxis, Transport Network Vehicle Services (TNVS), School Transport, and Motorcycle (MC) Taxis.

These families will receive an amount of P5,000 to P8,000 depending on the regional maximum subsidy in their respective regions.
©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, June 15, 2020

DSWD: Tuloy na ang Distribusyon ng Second Tranche ng Social Amelioration Program

Tuloy na ang distribusyon ng second tranche ng Social Amelioration Program.

Ito ang magandang balita na inihayag ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa virtual presser noong ika-11 ng Hunyo, na kung saan nag-umpisa na ang distribusyon sa 1.3 milyon na cash card holders mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Idinagdag pa ng Kalihim na sa susunod na linggo uumpisahan ang distribusyon sa mga lugar na nakapagsagawa na ng balidasyon.
Ads

Narito ang pahayag ng DSWD regarding sa update ng pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP. 
Department of Social Welfare and Development Magandang araw! Hangad naming maibigay sa lalong madaling panahon ang cash assistance mula sa SAP. Patuloy na ipinamamahagi ang ayuda sa mga kwalipikadong miyembro ng 4Ps at hinahanda na rin ang para sa mga waitlisted na mula sa mga lugar na kabilang sa mga nakatalagang makatanggap ng 2nd tranche ng SAP. Antabayanan ang anunsyo ng DSWD para sa mga susunod na pamamahagi.

Samantala, panoorin ang video at pahayag ng DSWD Secretary Rolando Joselito Delizo Bautista

Ads
Sponsored Links
5 milyong karagdagang benepisyaryo ng SAP
Paano ang mga kwalipikadong pamilyang hindi nakasama sa first tranche ng SAP?
- Makakasama sa second tranche ang mga kwalipikadong pamilya na hindi nakasama sa first tranche ng SAP (waitlisted/leftout/additional beneficiaries) base sa isinumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD.


Ano ang basehan sa 5 milyong karagdagang benepisyaryo na makakatanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP?
- Ang karagdagang benepisyaryo ay base sa isusumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD. Matatandaan na nagkaroon ng Appeal System ang DSWD kung saan inatasang magpasa ang lokal na pamahalaan ng listahan ng mga wailisted/leftout o mga kwalipikadong pamilya na hindi nakasama sa mga naunang nabigyan ng SAP sa kanilang mga lugar. Ang listahan na ito ay maaring gamitin para sa pagbibigay ng ayuda para sa karagdagang 5 milyon na pamilya.
Ilang buwan ang matatanggap na ayuda ng 5 milyong karagdagang benepisyaryo sa ilalim ng SAP?
a. Nasa 3.5 milyon ng 5 milyong benepisyaryo ay makatatanggap ng ayuda na katumbas ng dalawang buwan (P5,000 hanggang P8,000 x 2 months). Sila ang mga benepisyaryo na kabilang sa ECQ areas alinsunod sa EO No. 112, S. 2020 dated 01 May 2020 at Memo of Executive Secretary dated 02 May 2020.
b. Ang natitirang 1.5 milyon ay makatatanggap ng ayuda na katumbas ng isang buwan (P5,000 hanggang P8,000).




Image may contain: 1 person, text

Sa virtual presser noong ika-11 ng Hunyo, binanggit ni DSWD Secretary Rolando Bautista ang mga lugar na makakatanggap ng second tranche. Ang mga nabanggit na lugar ay ang mga sumailalim sa Enhanced Community Quarantine noong nakaraang buwan ng Mayo, at base sa Executive Order No. 112 at Memorandum mula sa Executive Secretary noong ika-2 ng Mayo.

NAKAPAGREHISTRO KA NA BA SA RELIEF AGAD?

Ang bawat detalye ay sasailalim din sa masuring pag-review ng LGU/DSWD. Ang pagsisinungaling, pandaraya, at hindi awtorisadong paggamit ng ReliefAgad ay may karampatang parusa sa ilalim ng mga umiiral na batas ng Pilipinas.


Panoorin ang latest video kung paano mabilis na makapag-rerehistro sa DSWD ReliefAgad app para sa mabilis na pagrehistro ng SAC.


More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/05/reliefagad-app.html


Samantala namigay naman ang DSWD ng tulong sa mga locally stranded na mga kababayan ng tag 2K bawat isa.


Kabilang sa mga ipinamigay ay sleeping at hygiene kits 


The Land Bank of the Philippines (LANDBANK), in partnership with the Department of Social Welfare and Development (DSWD), fully disbursed the second round of cash grants worth P6,741,409,650.00 to 1,335,711 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries under the national government’s Social Amelioration Program (SAP) to support families heavily affected by the COVID-19 pandemic.

The payout for the second wave of cash assistance to the LANDBANK Cash Cards of intended beneficiaries was completed on Thursday, June 11, 2020.

The beneficiaries may withdraw from more than 2,000 LANDBANK ATMs available nationwide free of charge, and the more than 20,000 ATMs of BancNet-member banks. They may also use their cash cards for cashless purchases in groceries, supermarkets and drugstores through the Point-of-Sale (POS) machines at the cashier or check-out counters.

“Through the LANDBANK Cash Cards, we already delivered the second wave of cash grants to 1.3 million beneficiaries in an immediate, safe and secure manner. Rest assured that LANDBANK will continuously work with the national government to ensure that future beneficiaries will receive their emergency subsidies quickly, while strictly adhering to the quarantine measures in place,” LANDBANK President and CEO Cecilia C. Borromeo said.

LANDBANK’s distribution of cash grants is in line with the passage of Republic Act No. 11469 or the “Bayanihan to Heal as One” Act and the issuance of DSWD-DOLE-DTI-DA-DOF-DBM Joint Memorandum Circular No. 1, Series of 2020 or the “Special Guidelines on the Provision of Social Amelioration Measures.”

©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, June 10, 2020

Dalawang Paraan Para Matanggap ang 2nd Tranche ng DSWD SAP

Narito ang update galing sa DSWD at ni Secretary Roque hinggil sa Social Amelioration Program ng pamahalaan para sa mga kababayan natin na naghihintay ng pangalawang tranche ng ayuda para sa mga naapektuhan ng pandemic at lockdown.  
Ads


Sa video na ito, sinagot ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Rene Glen Paje ang tanong hinggil sa kung kailan ang pamamahagi ng SAP dahil ayun sa report at pangako ng DSWD ay dapat maumpisahan na ito noong nakaraang linggo. 


"Noong nakaraang linggo ay ipinaliwanag natin ang ating mga hakbang o mga prosesong ating ginagawa para maipatupad ang ikalawang bahagi ng SAP. Katulad ng nauna nating nabanggit, nakahanda ang DSWD na maghahatid ng 2nd tranche sa mga benepisyaryo nito sa lalong madaling panahon. Ganun pa man po ay kinakailangang tapusin ang proseso as to the elegibility at para maiwasan ang duplication at hindi na maulit ang mga naging problema natin noong nakaraang pamamahagi ng ayuda. Napakahalaga ng proseso ng validation sa mga beneficiaries upang matiyak na karapatdapat at kwalipikado ang makakatanggap ng ayuda." pahayag ni USEC Paje. 
Dagdag pa ng USec, 
"Inaasahan po natin na sa linggong ito, ay masisimulan na ang pagbibigay at pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP, sisimulan ito sa mga 1.3M na benepisyaryo ng 4Ps na mga cashcard holders
Ads


Inihahanda na rin diumano ang listahan at pamimigay ng ayuda sa 5 milyon na mga waitlisted. Sila ang prayoridad dahil hindi pa sila nakatanggap ng ayuda mula ng maglockdown. Isusunod ang mga lugar na nakapagsagawa na ng validation process.
Sponsored Links


Samantala sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na may kinalaman sa pamamahagi ng SAP.
Sa tanong na aabutin lamang ng 2 days ang pamahahagi ng 100Bilyong ayuda sa 2nd tranche gamit ang electronic means.
Sabi pa ni Roque, iyan daw po ang pahayag ni DSWD Secretary Bautista, ang pamamahagi raw ay magsisimula na next week, at ang pangunahing paraan ng pamamahagi ay electronic distribution, it will take 2 days, at yung balanse, yung mga walang access sa electronic means ay gagawin manually o pila-pila, pero sa pagkakataong ito, ito ay ipamimigay sa tulong ng Arm Forces of the Philippines. 

Sa kasunod na tanong kung kailan ang target date, ng pamamahagi ng 2nd tranche - ayun kay Secretary Bautista ay next week, sagot ni Spokesperson Roque. Kasama sa mabibigyan ang mga nasa 4Ps, kaya nasa 60% raw ang maipapahagi na next week.

©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, April 30, 2020

Nasaan ang Pera? Halos 9Milyon Pa Lang ang Nabigyan sa Dapat 18Milyong Makakatanggap

Kung hindi raw matatapos sa huling araw ng Abril ang pamamahagi ng unang bahagi ng Social Amelioration Subsidy, hindi masisimulan ang pamamahagi naman ikalawang trance nito sa unang linggo ng Mayo. Binalaan ng pananagutin ang lokal na officials na hindi makakasunod sa deadline pero ngayon pa lang, may mga mayors nang nagsasabing malabong magawa yan. Kagaya na lang sa balita sa Paranaque na napabalitang isang araw bago magtapos ang Abril, P200M pa lang ang naipamahaging pera sa P600M na ayuda nito.


Ngayong Huwebes na dapat ang deadline ng pamamahagi ng unang tranche ng cash assistance mula sa pamahalaan, pero humihirit ang ilang alkalde sa Metro Manila na i-extend ito hanggang Mayo 15. 
Ads

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang panlimang talumpati sa mensahe niya sa bansa pagkatapos dumalo sa meeting ng IATF: "Yung hindi pa nakatanggap, let us know by radio, magreklamo kayo sa mga radio stations ninyo dyan or doon sa mayors ninyo, barangay captains then the mayor. Magreport kayo dyan, using cellphone kung sino pang hindi nabigyan."
Ads


Sponsored Links

Ayon pa kay DILG undersecretary Martin Dino, noong April 3 pa hawak ng mga LGU mula sa DSWD kaya dapat daw may sapat silang panahon para magawa ito.
 
Pero hanggang ngayon marami ang hindi pa tapos sa pamamahagi nito. Ang hindi makakasunod sa deadline papanagutin daw ng DILG. Pero ang ibang mayor, kagaya ni Navotas Mayor Toby Tiangco, ngayon pa lang nagsasabing hindi nila kakayanin ang April 30 deadline. 

Ayon naman sa spokeperson ng DILG na si Usec Jonathan Malaya sa interview sa Unang Balita, "Of course may accountability ang public officials, may MOA (memorandum of agreement) nga sila. But of course we will take this on a case to case basis kasi kailangan muna nating malaman kung ano ang dahilan ng pagkaantala. Baka naman beyond their control at pagganon, we have to give them due process. Pero pag may lumalabas na kapabayaan, hindi talaga nila inasikaso ng maayos, posible talaga silang maharap sa mga administratibo at kriminal na kaso."

Ang ibang qualified naman na pamilya na hindi nakasali sa listahan sa unang batch ay makakatanggap sa pangalawang batch.

Ayon pa kay DILG USec Malaya: "Yes po, may malaking announcement ang IATF sa Malacañang, at antabayanan po natin ito dahil nga po sa pangako ng Pangulo na 'yung mga left-out families, 'yung mga di naisama sa listahan ng DSWD ay matutulungan din ng pamahalaan especially na naextend ang ECQ... Hinahanapan na po ng pondo 'yan."

Samantala, sa pinakahuling ulat ng DSWD as of April 28, 2020, 8.8M pa lamang ang nabigyan sa unang batch, sa target nitong 18M na pamilya, pagkatapos ang halos isang buwang pamimigay ng ayuda.  

Sa ulat naman ni Pangulong Duterte nitong April 27, 2020, nasa 6M pa lang ang nakakatanggap na mga low income households. 
Image courtesy of GMA News
Samantala nagpalabas ng mga numerong tatawagan ang DSWD para sa mga reklamo na may kinalaman sa SAP o Social Amelioration Program.

Narito ang pinaka-latest na datos mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Batay sa datos kahapon, ika-Abril 28, umaabot na sa PhP46 bilyon ang nailabas ng DSWD para sa mahigit 8.8 milyong pamilyang benepisyaryo ng SAP.
©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, April 02, 2020

Cash na Matatanggap ang P5K to P8K at DSWD na ang Mamimigay

Cash na matatanggap ang P5K to P8K at DSWD na ang mamimigay, hindi na ito dadaan sa Kapitan o Mayor o LGU ang tulong o ayuda ng gobyerno para sa 18milyong Pilipino na sakop ng social amelioration fund. 
  
Ads

Ayun kay Secretary Karlo Nograles ng IATF, "Ang mga Tulong na ito ay ibibigay na cash ng ating DSWD. Tutulong po ang ating mga LGU pero ang DSWD ang magmamando at maglilista kung sino ang dapat na mabibigyan. Ang mga PNP ay aalalay sa distribusyon para walang magiging gulo. 
Ads


Sponsored Links

No photo description available.

No photo description available.

No photo description available.

No photo description available.

Image may contain: text that says 'DSWD Sakop pa rin ba ng mga programa sa Social Amelioration ang mga sambahayang 4Ps? Oo, susuportahan silá ng pamahalaan sa pamamagitan ng dagdag na halaga upang umabot sa itinakda na regional subsidy na 5,000 piso hanggang 8,000 piso. PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM MAPAGKALINGANG SERBISYO www.dswd.gov.ph dswdserves'

No photo description available.

No photo description available.

No photo description available.




Ilan sa mga parte ng sinabi ni Pres. Duterte ay nasa ilalim ang caption.
"Ngayon tinanggal ko sa pulitiko kasi maraming reklamo. Tinanggal ko sa pulitiko yung distribution ng pera pati ang bigas na pagkain. Binigay ko kay Sec. Bautista lahat na yan kasi itong DSWD may sariling distribution network na yan. Yung ‘pangtawid’ so meron idagdag nalang nila doon sa matatanggap doon sa recipient ng ‘pantawid’ idagdag mo na lang (ang) pera na yan doon sa kanila kasi sa kanila yan. Yung pera na yan, inyo yan. Kaya lang hindi ko man maibigay lahat unevenly, ako na, kami na sa gobyerno ang magdistribute pati to determine how much. Wag kayong, wag kayong, do not entertain doubts about dishonesty and corruption. Hindi panahon na yan ngayon. Not this time. Ako mismo ang nagsasabi. Kasi yung iba nagdidistribute kina-cutting. Instead of seven, gawain ninyong five doon sa itaas sa repacking.
Kaya ngayon DSWD na at yung pera DSWD pati si Sec. Galvez. Naintindihan nyo na yan? Wala na kayong pakiaalam. Tinanggal ko na ang pulitiko. Puro na ito sa gobyerno. Mga millitary ito pero retired, civilian na yan. Ah yung mga goods, bigas kung ano pang ibigay ng gobyerno, bilisan ninyo at pagkain yan. Ay meron tayo sabi ko, meron tayong ginawang mga hakbang na to sustain us but only if ‘THERE’S AN ORDER IN THE SOCIETY’ kasi kapag magulo walang ‘ORDER’ walang distribution na mangyari. Kasi inaagaw, inaambush kaya mapipilitan ako na sabihin WAG NA WAG NINYONG GAWIN yan. Kasi I iwill not hesitate to order to shoot you. Ah, yung namang mga repacking well anyway I’ts (now) the DSWD but everybody else connected with the ah exercise of preparing the food and money, wag ninyong kaltasan, wag ninyong kunan. I will not, hindi ko kayo, huhulihin ko kayo and I will detain you, makalabas lang kayo pagkatapos ng COVID kung dadating. Kung walang magdating na pangkontra ng COVID then hanggang matapos itong mundong ito, diyan ka sa kulungan. Yan ang gusto mo, nag warning na ako, gagawin mo pa rin edi gusto mo. Hiningi mo yan e. Hiningi mo yan. Ang pera dadating. Ang pagkain dadating wag lang kayong magulo para smooth, sa bisaya pahapsay.
Ayaw ug hadluka ang gobyerno. Do not intimidate Government. Do not challengegovernment, matatalo kayo sigurado. Magtiis na lang siguro kayo ng delayed delivery pero dadating yan at hindi ka magugutom. Hindi ka mamatay sa gutom.
Ah ito namang isa, mga trabahante, mga doctor, mga nurse, healthworkers, attendants and all eh hindi makauwi ng bahay. Tinatapunan ninyo ng kung ano anong mga chemicals na nakakasira ng katawan. Mas una silang mamatay kesa sa pasyente dun sa COVID. Yung mga taong gumagawa nung ganoon I am ordering the police to go around, wag kayong mag istambay diyan sa istasyon. Maglakad kayo tandem at maghanap kayo ng mga taong bastos at kung mahuli mo kung ano yung binubuhos nya dun sa healthworker o sa doctor, ibuhos mo din sa kanya para table. E bakit ikaw lang ba marunong? Edi tikman mo din yung ginagawa mo and see if it could make you happy. Ulitin ko, do not. Yung mga doctor p****g ina pagpunta mo dun sa hospital yun yung doktor na binuhusan mo yun yung gagamot sayo sa loob ng hospital.
Yung mga frontliners wag kayong mag alala ah I will support and defend you. Ulitin ko, ngayon DSWD na kasi sanay na sila sa distribution ng pera, ah pati bigas. Sec. Galvez will help in the distribution of the money or he can handle the distribution of the money while ah leaving Sec Bautista to attend to all the matters. Yan ang anohin ko sa inyo ah, yung distribution wag ninyong idelay, wag ninyong, sabi ko.
Meron akong ipinakulong kung makinig kayo sa radio at yung sa TV baka magkamali ako, baka lang magkamali ako. This is the caveat, baka magkamali ako. May nakita akong traffic enforcer na lumapit sya doon sa tricycle na puno ng goodies at pinilit nyang kinuha yung isang balot at lumakad sya. I don’t know if it’s a joke or it is really intended for him, inuna lang nya pero kung pinilit nyang kinuha ala nakaw. Ah nakita ko sa ABS CBN naretrieve ko yung footage, ipakulong ko sya. Kasali rin sya doon sa. Kaya kayong mga KADAMAY, wala ng awa awa diyan na kayo. Ang nahuli wala, I will not tolerate diyan sabihin mo na bitawan mga pulitiko bitawan. Do not play HERO at this time because you would ah, abet or is it the word, to encourage people to violate the law.
Now is the time to set an example to everybody. Hindi kasi ako sanay na takut takutin. Not me. So let this be a warning to all. Follow government at this time because it is really critical that we have order. And do not harm the health workers, the doctors, and everything because that is a serious crime. Sabi ko sa police, siguro bawal man yan pero ako na ang sasagot, ibuhos mo uli doon sa nagbuhos sa mga doctor pati mga nurses. Kung kayo mo ipainom mo lahat para matapos na problema natin. Maraming salamat po."
©2020 THOUGHTSKOTO