Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Wednesday, May 19, 2021

Ano at Magkano ang SSS Funeral o Burial Benefit at Sino Dapat ang Mag-Claim Nito?




MANILA, Philippines —TUMAAS ng 13.6% sa unang tatlong buwan nitong taon ang online funeral benefit claims sa Social Security System o SSS.

Ayon sa SSS, umabot sa 11, 088 online transactions para sa funeral benefit claim ang naitala mula Enero hanggang Marso. Mas mataas ito sa 9, 762 transactions na naiulat noong Hulyo hanggang Disyembre 2020.

Naitala ang nasabing pagtaas kasabay ng pakikipaglaban ng Pilipinas kontra Covid-19 pandemic. 

Ngunit nilinaw ng SSS na ang pagtaas ay dahil sa mandatory online transactions at checkless disbursement na ipinatupad simula noong 2020.

"In line with our campaign ExpreSSS—fast, simple, and easy transactions with SSS—we committed to expanding our online services with the inclusion of funeral benefit applications last July 2020, as part of the available e-services under the My.SSS portal," ang naging pahayag ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio.

Sa ilalim ng mas pinalapad na online services, maaari nang matanggap ng mga claimants ang kanilng benipisyo sa pamamagitan ng checkless disbursement sa pamamagitan ng kanilang unified multipurpose identification (UMID) cards.



Ads


Ngunit ano nga ba ang SSS Funeral Benefit? Magkano at Sino ang dapat makakuha nito?

Ang SSS Funeral Benefit at cash benefit na ibinibigay ng SSS sa sinomang nagbayad ng burian expenses ng namatay na miyembro.


Ano ang mga kondisyon para makakuha ng SSS Funeral Benefit?
  • Para sa mga self-employed, non working spouse o OFW members - dapat nakapag-bayad ng hindi bababa sa isang buwang contribution ang namatay na SSS member upang makatanggap ng funeral benefit ang beneficiaries nito.

  • Para naman sa mga employed members at nahiwalay o tumigil na sa kanilang pagtatrabaho - ang namatay na miyembro ay dapat na naireport para sa coverage ng kanyang employer, kahit walang contribution na nabayaran, upang makatanggap ng funeral benefit ang mga beneficiaries nito.

  • Voluntary member na dating covered ng SSS bilang employed, self employed o OFW at nakapag-bayad ng kahit isang buwan contribution.

  • Employee-member na sakop ng compulsory coverage ngunit hindi naireport para sa coverage ng kanyang employer

Ads
Sponsored Links



Magkano ang makukuha sa SSS Funeral Claim?

Simula Setyembre 1, 2020, ang SSS ay nagbibigay ng funeral grant na P20,000 sa sinomang nagbayad o gumatos sa burial expenses o pagpapalibing sa namatay na miyembro o pensioner.

Ngunit ang funeral benefit ay maaaring umabot ng P40,000 bilang maximum depende sa contribution na naibayad ng miyembro at sa average monthly salary credit nito.


Ano ang proseso sa pag-file ng Funeral Benefit Claim?

Ang application para sa funeral benefit ay maaaring i-file sa alinmang SSS branch o representative office. Maari din  itong gawing online!

Ano ang mga requirements na dapat dalhin sa filing ng Funeral Benefits sa SSS?
©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, May 18, 2021

Buntis? Narito ang Simpleng Guide para sa Online Filing ng Maternity Benefit SSS




MANILA, Philippines — MANDATORY na simula Setyembre 1, 2021 ang online filing ng Maternity Benefit Reimbursement Applications o MBRA para sa mga employers at Maternity Benefit Applications naman para sa mga babaeng miyembro ng Social Security System o SSS. 

Ayon sa SSS, hindi na tatanggapin simula Setyembre 1 ang submission ng MBA at MBRAs sa pamamagitan ng dropbox o over-the-counter o OTC.

Ina-anyayahan din ang mga employers at miyembro na i-rehistro ang kanilang bank account sa pamamagitan Disbursement Account Enrollment Module sa kanilang My.SSS account.

Ads


Sakop ng online filing para sa Maternity Benefit Application sa SSS mga miyembrong babaeng nasa sumusunod na kategorya:
  • Self-employed o SE
  • Voluntary Members o VMs
  • Overseas Filipino Workers o OFWs
  • Non-Working Spouses o NWS
  • Mga miyembrong natigil na sa pagtatrabaho
Samantala, narito naman ang mga kailangan para sa online application
  • Rehistradong My.SSS account sa SSS website
  • Disbursement account na naka-enroll sa Disbursement Account Enrollment Module o DAEM sa My.SSS portal ng SSS website.



Ads

Sa mga buntis at malapit nang manganak, narito ang simpleng guide na maaring sundan, para sa online filing ng maternity benefit sa SSS.

Sponsored Links

Tandaan na ang maternity benefit ay para lamang sa mga babaeng miyembro ng SSS. Para maka-claim ito, kinakailangan na matugunan niya ang sumusunod na mga qualifying conditions:

1. Nakapaghulog ng hindi kukulangin sa tatlong (3) buwang kontribusyon sa loob ng 12 -buwan bago ang semester ng panganganak o pagkakunan. Gayundin, under EMLL upang umayon ay ikokonsidera po ang mga contributions na naisagawa ang pagbabayad prior sa semester of contingency.

2. Nakapag-bigay ng kaukulang notipikasyon ng pagbubuntis sa kanyang employer, kung siya ay nagtatrabaho, o direkta sa SSS, kung siya naman ay Self-employed, Voluntary, o Member Separated from employment.

©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, May 11, 2021

Deadline sa paglilipat sa PESONet-participating banks ng mga SSS pensioners, pinalawig





MANILA, Philippines — SA halip na Marso 31, pinalawig ngayon ng Social Security System o SSS ang deadline para sa mga pensioners nito na lumipat ng bangko sa ilalim ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network o PESONet hanggang Setyembre 30, 2021.

Ayon sa inilabas na abiso ng SSS, umaabot pa sa 104, 955 ang bilang ng mga pensioners na gumagamit pa rin ng bangko na hindi kasama sa listahan ng mga PESONet participating banks.

Ito umano ang dahilan kung bakit nag-desisyon ang ahensiya na palawigin pa ang deadline para sa mga pensioners na lumipat ng bangko.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio na as of April 2021, nasa 104,995 pensioners pa ang hindi naka-comply ng nabanggit na requirement. Sa nabanggit na bilang, 91, 476 ang tumatanggap ng pension sa pamamagitan ng non-PESONet participating banks, habang sa pamamagitan pa rin ng cheke tumatanggap ng kanilang buwanang retirement income ang natitirang 13, 479.

“The six-month extension from the previously announced deadline of March 31, 2021 came after the approval of the Social Security Commission Resolution No. 141-s.2021 dated March 24, 2021,” 




Ads


Matatandaan na Oktubre 2020 pa sinimulan ng SSS ang pagbabago sa pagbibigay ng pension sa pamamagitan ng PESONet participating banks upang masiguro ang mabilis at mas siguradong transaksiyon sa kabila ng mga reklamo na may iilang mga pensioners ang hindi nakatanggap ng kanilang monthly pension.

Layunin din ng paggamit ng PESONet participating banks na itigil na ang pamimigay ng pension sa pamamagitan ng cheke.

“Ignacio said the extended deadline aims to give SSS pensioners more time to comply with this requirement while community quarantine protocols are still being implemented. This will also give accredited rural banks enough time to complete their applications to be included in PESONet,” 

“Pensioners who have yet to comply with the new requirement will continue to receive their monthly pension following the old disbursement procedures and schedule,” paglilinaw ng SSS.


Ads
(Listahan ng mga PESONet Participating Banks)

Sponsored Links



Samantala sa mga lumipat na o nakagawa na ng account sa PESONet participating banks at e-wallets, matatanggap ng mga ito ang kanilang monthly pension ayon sa revised schedule na unang araw ng buwan o kada ika-16 na araw.

“If the credit date falls on a Saturday, Sunday, or holiday, the pension will be credited on the last working day before it,” 

“SSS pensioners who are confined in an institution such as penitentiary or correctional and those whose pensions are handled through the Special Pension System and Special Voucher are exempted from shifting to the new disbursement method,” pahayag ng SSS.



©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, May 10, 2021

SSS, May Paalala sa mga Pensioners at Miyembro Upang 'Di Maloko!




MANILA, Philippines — MULING pina-alalahanan ngayon ng Social Security System o SSS ang kanilang mga miyembro at pensioners na mag-ingat sa mga manloloko, offline man o online.

Ito'y matapos naiulat sa Camarines Sur ang entrapment operation ng mga kapulisan laban sa taong nagpapakilalang abogado at empleyado ng SSS. Nanghihingi umano ito ng pera sa 18 biktima kapalit ng pag-proseso nito ng kanilang mga Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card application at ATM cards. Maliban dito, nag-aalok din ang suspek ng trabaho na maging encoders ng ahensiya.

Nilinaw ngayon ng SSS na suspendido pa ang UMID card application dahil sa coronavirus disease o Covid-19 pandemic. Ayon sa SSS, maglalabas sila ng abiso kung kailan ito babalik.


Ads


Naka-post din umano sa Civil Service Commission o CSC website, sa mga pangunahing newspapers sa SSS official website at social media accounts ang mga announcement ng ahensiya at lahat na vacant plantilla positions.

Ayon sa SSS, inisyuhan ng warrant of arrest ang suspek dahil sa paglabag nito sa Article 315 of the Revised Penal Code.

Kaugnay nito, nagbabala din ang SSS sa mga online fixers o mga taong nag-aalok ng SSS services kagaya na lamang ng paggawa ng SSS online account, pag-file ng loan, pag-check ng contribution at iba pa na may kapalit na bayad.

Ayon sa ahensiya, isang paglabag ito sa Republic Act No. 11032. Babala ng SSS, iwasang makipag-transaksiyon online sa mga hindi lehitimong SSS representatives.



Ads

Sponsored Links



Ito'y dahil maaaring malagay sa kompromiso ang iyong SS number at ma-biktima ka ng phishing o fraud. Paalala ng SSS, huwag na huwag ibibigay ang inyong personal data sa mga hindi otorisadong tao dahil maaaring magamit ang account mo sa hindi otorisadong pag-file ng loan sa ilalim ng iyong account.

Pinag-iingat din ng SSS ang mga pensioners sa mga scammers. Ayon sa ahensiya, hindi totoo na may ipinamimigay na COVID 19 Cash Allowance ang SSS sa mga pensioners nito.

Kapag nakatanggap umano ng ganitong text message, huwag ibigay ang inyong SS number o anumang personal na impormasyon upang ma-protektahan ang inyong mga benepisyo.

Paalala ng SSS sa mga members at pensioners, huwag basta maniwala sa mga text o Facebook messages na nanghihingi ng personal at SSS data.


©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, May 08, 2021

Mandatory Sim Card Registration, Muling Isinusulong sa Kongreso




MANILA, Philippines — DAHIL sa hindi pa rin natitigil at mas lalong dumaraming panloloko gamit ang mobile phone, muling isinusulong ngayon ni Deputy Speaker Wes Gatchalian ang registration ng mga prepaid SIM cards.

Layunin nito na madaling ma-trace ang mga scammers at mga taong sangkot sa panloloko online man o offline gamit ang cellphone.

Si Gatchalian ang isa sa mga pangunahing author ng House Bill 5793 o Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act. 

Muli nitong isinusulong ang sim card registration dahil sa dumaraming online scams at panlolokong transaksiyon na kinasasangkutan ng mga food delivery services.


Ads


Ayon sa deputy speaker, tumataas ang kaso ng panloloko gamit ang cellphone gaya na lamang ng mga pekeng booking sa mga food delivery services.

Ito'y dahil madali umano para sa mga user ng food delivery services na gumawa ng pekeng pangalan at magtago gamit ang kanilang prepaid mobile number at matatapang na gumawa ng panloloko.


"We change SIM cards as fast as we change our soiled shirts. Alarmingly, this seeming boundless stream of supply has become a magnet for nefarious and illegal activities,” Gatchalian said in a statement.

“For example, mobile phone numbers are used to register to food delivery services like GrabFood and Food Panda and because users can create fake names and hide behind the anonymity that a prepaid mobile number can give, they become brazen in committing fraudulent acts,” ang pahayag ni Gatchalian.

Ads

Sponsored Links



Ayon sa mambabatas, suportado ng mga telecommunication companies maging ng mga delivery riders ang panukala. Sakaling maging batas, matitigil nito maging ang mga text scams.

“We want to protect the interest of our hardworking food and package delivery riders who have no choice but absorb the expenses and the penalties incurred when they fall victim to these pranks and scams,” 

“We would easily be able to ascertain the identity of these scammers as everyone purchasing a prepaid SIM card would now be required to provide a valid ID,” dagdag pa ni Gatchalian.

Sa Senado, may kahalintulad din na panukalang batas. Ito ay ang Senate Bill No. 176 o SIM Card Registration Act na kung maging batas, kinakailangang mag-presenta ng valid ID at picture at sinomang bibili ng SIM cards. Kinakailangan din nitong lumagda sa isang control-number registration form na ibibigay ng service provider ng biniling SIM card.


©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, May 07, 2021

'One-time' P20,000 para sa EC pensioners ng SSS at GSIS, ibibigay na!





MANILA, Philippines — KUNG nananatiling bad news ang dala ng pandemya dulot ng coronavirus disease o Covid-19, may good news naman para sa mahigit 32,000 na employee compensation o EC pensioners dahil makukuha na ng mga ito simula ngayong buwan ng Mayo ang kanilang P20,000 na one-time financial assistance.

Ayon kay Employees Compensation Commission o ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis, sisimulan na nila ang pamimigay ng asssistance ngayong Mayo. Matatanggap umano ng mga EC pensioners ang kanilang P20,000 na financial aid kasabay ng kanilang pension.

“We will start releasing the assistance this May. When they receive their pensions, the PHP20,000 financial aid will be included,”

Sakop ng financial aid ang mga EC pensioners para sa permanent partial disability, permanent total disability, at survivorship mula sa mga pribado at public sectors.


Ads


Makakakuha ng P20,000 ang mga employees compensation (EC) pensioner, o ang mga pensioner na maaagang nagretiro sa serbisyo sa gobyerno dahil sa karamdaman, bilang tulong sa mga nahihirapan ngayong pandemya. 

“From the private sector, at least 20,000 EC pensioners will benefit while some 12,000 government workers will also benefit,” dagdag pa ni Banawis.


Ayon sa opisyal target nilang ma-kompleto ang releasing ng cash assistance sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Makukuha ng mga private sector workers ang kanilang one-time financial aid mula sa Social Security System habang sa Government Service Insurance System o GSIS naman ang magbibigay ng nasabing cash assistance sa mga government workers.


Ads
Sponsored Links



Kinumperma naman ni GSIS Executive Vice President Nora Malubay, na isasabay ang pamimigay nito sa mga kukuha ng kanilang buwanang EC pension. 

Maaari aniyang ibigay ito sa pamamagitan ng cheke o UMID card.

 
"Ngayon po ay makakatanggap sila ng fixed amount na P20,000. Sila po kasi ay nagke-claim ng monthly EC pension so lahat yon isasabay ang P20,000 either through checques, yung iba may UMID card. Ngayong Mayo ipapatupad namin 'yan," ani Malubay. 

Alinsunod ang pamimigay ng cash assistance sa Administrative Order No. 39 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril. 


©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, May 05, 2021

P2,000 ‘sana all ayuda’ para sa bawat Filipino sa P405-B na Bayanihan 3 Bill




IBA'T-IBANG financial assistance na ang pinamudmod ng gobyerno sa mga labis na naapektuhan ng coronavirus disease o Covid-19 mula pa noong Marso 2020.

Ngunit sa mga financial assistance na ito, may natanggap kana ba? Hanggang sa ngayon, marami pa rin ang nagsasabing walang natanggap na financial aid mula sa gobyerno, habang may mga nakatanggap naman ng ilang beses.

Ngayon, panibagong financial aid na naman ang isinusulong ng ilang mambabatas na may layuning bigyan ng tig-P2,000 ang bawat isa sa 108 million Filipinos, anuman ang estado ng buhay o edad upang makatulong sa kinakaharap na krisis dala ng coronavirus disease o Covid-19 sa ilalim ng P405.6 billion na Bayanihan 3 bill.

Ads


Ayon sa mga nagsusulong ng nabanggit na panukalang batas, ang “sana all” ayuda o ang tulong ay ipamamahagi ng dalawang beses o P1,000 kada bigay para sa lahat na mga Filipino. Ang nasabing financial aid ay magsisilbi umanong universal basic income.

“The total amount is P405.6 billion, which includes P216 billion for the ayuda for all Filipinos.

 There are different kinds of ayuda. The most basic kind is the “Sana All” ayuda which is 1,000 per head. We’ll be doing this in 2 tranches,” ang naging pahayag ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, isa sa mga nagsusulong ng nabanggit na panukalang batas.

Ayon naman kay Albay Rep. Joey Salceda, mareresolba nito ang disbursement problem na naranasan sa mga nagdaang pamumudmod ng financial aid.

“Kasi wala nga national ID so mas mabilis kung gamitin mo lang yun number of people per barangay as basis for budgeting and mas maiiwasan natin yung adverse developments, adverse events during the SAP,” paliwanag ni Salceda.

Ayon pa kay Quimo na marami sa mga taong pumila sa Social Amelioration Program o SAP ay hindi nakatanggap ng financial assistance dahil wala sa listahan ang kanilang pangalan.

Ads


Sponsored Links



Paliwanag pa nito na kahit pare-pareho ang halaga na makukuha, mas malaki naman umano ang makukuha ng mga mahihirap na pamilya dahil anim ang average na bilang ng mga miyembro ng mahihirap na pamilya na mas maliit kun ikukumpara sa mga nasa middle at upper class na minsan umaabot lamang sa tatlong miyembro.

“So dun na lang alone, makikita natin na the poorest families will certainly get more than the riches families,” pahayag ni Quimbo.

Maliban sa universal basic income, pinaglalaanan din ng Bayanihan 3 ang mga sumusunod:
  • P30 billion para sa emergency assistance sa mga apektadong household
  • P20 billion para sa wage subsidies
  • P25 billion para sa assistance sa mga displaced at disadvantage workers
  • P10 billion para sa national nutrition
  • P30 billion para sa agri-fishery sector
  • P9 billion para sa medical assistance sa mga indigent programs
  • P5 billion para sa relief ng mga local government units
  • P400 million para sa RT-PCR testing ng mga OFWS
  • P54.6 billion para sa pension at gratuity fund
  • P5.6 billion bilang suporta sa basic education para sa mga laptops ng mga guro, mobile at internet allowance, distance learning modalities, radio based instruction infrastructure at N95 mask para sa mga DepEd employees at teachers
Pinasiguro naman ni Salceda bilang chairman ng House Tax Writing Panel na may pagkukunan na ng pondo para sa nasabing mga plano.

©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, May 04, 2021

Land Bank Foreclosed Properties for Sale | Residential Vacant Lot & Agricultural Farm Land




MANILA, Philippines — SA panahon ngayong tumataas ang lahat na bilihin, hindi masamang i-konsidera ang ibang option kung ikaw ay naghahanap ng mabibiling real-estate properties lalo na ng lupa.

Isa sa mga option na dapat ikonsidera ay ang pagbili ng foreclosed properties na binawi ng lenders gaya ng bangko at iba pang financial institutions o maging ng gobyerno.

Nagiging foreclosure ang isang property kapag hindi ito nabayaran ng may-ari sa bangko o sa gobyerno. Sa ngayon, mas attractive sa mga real-estate buyers ang foreclosed properties dahil sa mas murang selling prices.
Ads


Kung ikaw ay naghahanap ng agricultural farm land o residential vacant lot? Narito ang mga foreclosed properties ng Land Bank of the Philippines na ibenebenta sa mas murang halaga kung ikukumpara sa ibang real-estate market!

Nasa P125,000 ang pinaka-murang property na nasa listahan.

Ang mga nakalista sa ibaba ay kinuha lamang sa website ng Land Bank na maaari din ninyong bisitahin kung kayo ay interesado sa mga foreclosed properties na ito.


Ads




Sponsored Links


Metrobank Foreclosed Properties (Residential & Agricultural) | Cheapest Price — P100,000












©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, May 03, 2021

10-araw na paid leave sa mga nag-positibo sa Covid-19 isinusulong!





MANILA, Philippines — ISANG panukalang batas ngayon ang inihain ni Senator Leila de Lima na nagsusulong ng paid leave para sa mga public at private employees na mag-popositibo sa coronavirus disease o Covid-19 at kinakailangang sumailalim sa quarantine.

Napag-alaman na umaabot hanggang 21 araw o mahigit pa ang quarantine ng mga taong nag-positibo sa Covid-19 lalo na't kung naging severe ang kanilang kaso.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2148 na inihain ng naka-detain na si De Lima, mabibigyan ng 10 araw na paid  Covid-19 leave ang mga kwalipikadong empleyado sa kondisyon na makaka-sumite ang mga ito ng mga kinakailangang medical records.


Ads


Sinabi ni De Lima na sa pamamagitan ng bayad na leave, mapapangalagaan nito ang kapakanan ng mga manggagawa at ng kanilang pamilya at masisiguro din ang kaligtasan at maiiwasan ang hawaan sa trabaho.

“Filipinos valiantly choose to work, to provide for their families and to save the economy, despite the danger this pandemic poses,” ani De Lima.

“Thus, it is only right that these employees be provided with the incentive of having paid leaves when they are confirmed to be COVID-19 positive and they need to undergo quarantine or isolation."

“With the colossal and detrimental effects of the pandemic, employees are forced to stay in a job that is low paying despite health hazards due to the virus and consequences of contractualization,” 


Ads

Sponsored Links



“Those who are gainfully employed, while fortunate, struggle to do their jobs by personally reporting to their workplace despite risk of acquiring the virus on the way to and from work and even in the workplace itself,” dagdag pa ng senador.

Sakop din ng House Bill No. 2148 ang mga empleyadong hindi makapag-trabaho sa pamamagitan ng telecommuting o work-from-home arrangement dahil sa Covid-19.


Sa Kongreso naman, inaprobahan na noong Disyembre ng House labor and employment committee ang panukalang batas na magbibigay ng 14-day paid pandemic leave sa mga manggagawa.

Sa ilalim ng House Bill No. 7909 o Paid Pandemic Leave Law of 2020 mabibigyan ng full 14-day paid leave ang isang private sector employee na nag-positibo sa Covid-19.

Sa mga empleyadong mag-aapply ng paid pandemic leave, kinakailangan lamang ng mga ito na mag-sumite ng medical records at proof of eligibility sa kanilang employer para sa immediae action.

Itinakda din ng panukalang batas na hindi dapat lumagpas sa tatlong araw ang processing nito.

Babayaran naman ng gobyerno ang mga employer para sa pandemic leave benefits ng kanilang mga empleyado gamit ang pondo mula sa Department of Labor and Employment o DOLE, Social Security System o SSS at sa naipong savings.

©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, May 01, 2021

Manggagawang nagka-Covid-19, may matatanggap na allowance mula sa Employee's Compensation Commission




MANILA, Philippines — PARA sa isang karaniwang manggagawang Filipino nakapahirap magkasakit ngayong panahon ng pandemya dala ng coronavirus disease o Covid-19. 

Mas mahirap din kung mag-positibo sa Covid-19 na walang sapat na pagkukunan ng panggastos kahit na sagot pa ng gobyerno ang pagpapagamot. Dahil sa ilang araw na quarantine, hindi maiiwasan na apektado ang pamilya at apektado din ang trabaho na pangunahing pinagkukunan ng pera para sa mga pangangailangan.

Dahil dito maituturing na malaking tulong ang matatanggap na compensation ng sinomang Filipino workers na mag-popositibo sa Covid-19.


Ads


Ito'y matapos isinama na ng gobyerno sa listahan ng occupational and work-related disease ang Covid-19. Ibig sabihin, makakatanggap ng tulong ang sinomang trabahante na mag-popositibo sa Covid-19.

Ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE, inaprobahan na ng board ng Employee's Compensation Commission (ECC) na mapabilang ang Covid-19 sa mga listahan ng mga sakit kung saan tatanggap ng compensation ang isang manggagawa.


Una rito, naglabas ang ECC ng Board Resolution No. 21-04-14 noong Abril 6 kung saan inisa-isa ang mga kondisyon para makatanggap ng compensation ang isang manggagawang nag-positibo sa Covid-19.

Ayon naman kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, ang Social Security System o SSS at ang Government Service Insurance System bilang mga administering agencies ng ECC ang magpapatupad ng compensation policies.


Ads
Sponsored Links



“The ECC is continuously working to improve its policies and services to better serve the Filipino workers, especially during this trying time. We will persist to find ways and come up with measures that will mobilize assistance and respond to the crises brought by the CoViD-19 pandemic,” ang naging pahayag ni ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis.

“Meron po silang daily allowance na maki-claim sa employees compensation program. Ang maximum is P480 per day. Meron din pong medical benefit yung nagastos nila sa ospital net of PhilHealth kasi pwedeng i-reimburse a part of the out of pocket expenses sa hospital,” dagdag pa ni Banawis.

Sa ngayon, may 33 mga sakit na nasa List of Occupational and Work-related diseases.


Dagdag pa ng DOLE na nakatakda itong maglabas ng mga terms and condition sa implementation o kung paano ma-claim ang nasabing compensation.

Una nang inaprobahan ni Pangulong Duterte ang P20,000 na allowance para sa mahigit 31,000 na ECC pensioners na may partial o total disabilities o survivors ng mga ito.


©2020 THOUGHTSKOTO