Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label ECQ. Show all posts
Showing posts with label ECQ. Show all posts

Saturday, August 07, 2021

Pamimigay ng tig-P1,000 sa mga na-ECQ sa Metro Manila, Simula na!





MANILA, Philippines — INILABAS na ng Department of Budget and Management o DBM ang P10.89 billion na pondo na ipamimigay sa halos 11 million na mga residente ng Metro Manila na isinasailalim ngayon sa 15 araw na lockdown simula Agosto 6 hanggang Agoso 20.

Ayon sa DBM, makakatanggap ang mga apektadong low-income individual at pamilya ng tig-P1,000 kada tao o maximum na P4,000 kada pamilya upang masiguro na may pambili ng pagkain at pangunahing pangangailangan ang mga ito sa mga panahong ipinatupad ang lockdown.

Nilinaw naman ng DBM na mga local government unit o LGUs na ang magdi-determina sa pinaka-mabilis at pinaka-epektibong pamamaraan sa pamamahagi ng ayuda. Sinabi pa ng DBM na hindi maaaring gamitin ang pondo sa ibang hindi otorisadong programa, proyekto, aktibidad at gastushin.


Ads


Sa halos P11 billion na pondo, ang Quezon City ang makakatanggap ng pinaka-malaking alokasyon na umaabot sa P2.37 billion na sinusundan ng Manila na may P1.49 billion at Caloocan na may P1.34 billion.

Narito pa ang ibang LGUs na nilaanan ng pondo para sa ECQ ayuda:
  • Las Piñas City, P488.02M
  • Makati City, P511.98M
  • Malabon City, P307M
  • Mandaluyong City, P347.65M
  • Marikina City, P365.75M
  • Muntinlupa City, P441.61M
  • Navotas City, P197.71M
  • Parañaque City, P556.15M
  • Pasay City, P356.73M
  • Pasig City, P650.89M
  • Pateros, P52.42M
  • San Juan, P101.79M
  • Taguig City, P723.97M
  • Valenzuela City, P589.31M


Ads
Sponsored Links



Paliwanag naman ni Budget Undersecretary and Officer-in-Charge Tina Canda na hindi na dadaan sa Department of Social Welfare and Development o DSWD ang pondo sa halip diretso na ito sa mga LGUs para sa mabilis na proseso.

Ayon naman kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya agad na sinisimulan na ang pamimigay ng ayuda.

Sa San Juan, noong Sabado, Agosto 7 sinimulan ang pamimigay ng cash aid samantalang Linggo naman, Agosto 8 magsisimula sa pamamahagi ang Pasay City.

©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, May 01, 2020

Batas: Ito ang Gagawin Kapag Pinilit o Pinalayas ka Dahil sa Bayad sa Upa/Renta

Patong patong ang mga bills sa ilaw at tubig, internet at bayaran sa renta dahil sa halos 2 buwang walang trabaho ang mga tao. Ang isang pamilyang nangungupahan, tinanggalan na ng bubong at pintuan ang nirerentahang bahay dahil sa galit na landlady dahil 2 months na hindi nakakabayad.
Isa sa mga kinakaharap na suliranin ng mga kababayan nating Pilipino ngayon ay kung paano makakabayad ng upa sa mga may ari ng bahay. Karamihan sa ating mga kababayan ay nangungupahan lamang lalong lalo na ang mga kababayan nating nakatira sa Metro Manila. Dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine ngayon maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho. 
Ayun pa kay Pangulong Duterte: "Marami na pong report sa akin na yung mga taong ngayon na tumitira sa upahan na mga bahay, they are being pressured to pay. Alam mo, lahat tayo nawalaan ng income so I'd like to ask the owners na kung maaari to suspend yung sa bahay. Huwag mo muna singilin kasi wala talaga. And whatever na ang nasa kamay ng mga tao ngayon, they are saving it for the rainy days to come."

Ads


Sponsored Links



Isa sa mga tugon ng ating gobyerno sa suliraning ito ay ang paglabas nila ng batas na “Bayanihan Act of 11469” nakapaloob sa batas na ito ang mahigpit na ipinagbabawal ang paniningil ng renta ng mga may ari ng bahay.

Paano makakabayad ang ating mga kababayan ?
Ayun sa mga kinauukulan ay maaaring bayaran ng "installment" ang mga utang na hindi nabayaran sa may ari ng bahay sa loob ng anim na buwan. Mayroon din silang tinatawag na "30 days grace period" kung saan ay binibigyan ng palugit na magbayad ng kanilang rental fees sa loob ng 30 days pag katapos ng ECQ.

Ayun pa kay DTI Usec Ruth Castelo: "Meron po tayong Memorandum Circular No. 20-12. This is a concession para matulungan ang mga kababayan natin not only for those in business but also for residential tenancy, yung mga bahay po nila na inuupahan, alam naman natin maraming mga hindi nakapagtrabaho during the ECQ, or the commercial establishments, yung mga umuupa po ng commercial spaces nila, for Micro Small and Medium Enterprises, ito po yung ginawa ng DTI; meron po silang grace period na 30 days, ibig sabihin within 30 days po from the time na matapos yung ECQ, pag nalift na po ang ECQ, hindi pa po sila pwedeng singilin. Pag siningil na po sila pwede po nilang idivide into 6 installment yung mga rental na nagaccumulate during the ECQ period. 

 PAANO KUNG HINDI PUMAYAG ANG MAY ARI NG BAHAY ?

Maaaring ireklamo sa DTI ang mga may ari ng paupahan na pilit paring naniningil sa gitna ng Enhanced Community Quaratine . Maaring sundan ang proseso  na ito:
  1. Kompletong Pangalan, address at numero ng iyong telepono
  2.  Kompletong Pangalan, address at numero ng telepono ng may ari ng bahay
  3. Kompletong address ng paupahan
  4. Due date ng Renta
  5. Tala ng iyong reklamo,pangyayari o kahit anong ebidensya na maaaring gamitin.
Ayon pa sa DTI Usec Ruth Castelo: Kung merong mga gustong maningil o magevict sa kanila, DTI Fair Trade enforcements bureau po ang incharge dito, ireport lang po sa amin sa consumercare@dti.gov.ph or sa consumer hotline # 1384, DTI will take immediate action para hindi sila maevict, hindi sila singilin o bigyan natin ng mas mahabang concession para sa kanila.

©2020 THOUGHTSKOTO