Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, January 12, 2021

50% Discount sa Remittance Fees ng mga OFWs, aprobado na!





MANILA, Philippines — APROBADO na sa third and final reading ang panukalang batas na may layuning mabigyan ng 50% discount ang remittance fees na ipinapataw sa mga overseas Filipino workers.

Sa botong 224-0, unanimous na inaprobahan ng mga mambabatas ang House Bill 7951. Sa ilalim ng panukalang batas, inuutusan nito ang mga bank at non-bank financial institution na bawasan ng kalahati ang bayad ng mga OFWs sa perang ipinapadala ng mga ito sa kanilang pamilya.

Sa ilalim ng panukalang batas, maaaring makakakuha ng tax deductions ang nasabing mga financial institution base sa discount na ibinibigay ng mga ito sa OFWs.



Ads


Nakasaad sa panukalang batas na:

"The total deduction from the gross income of establishments providing discounts should not exceed P24,000 per OFW every taxable year," 

Pinagbabawalan din ng panukalang batas ang lahat na mga establishments na nabibigay ng remittace services na magpataas ng kanilang kasalukuyang remittance fees na walang consultation sa Department of Finance, Bangko Sentral ng Pilipinas, at Philippine Overseas Employment Administration.

Maliban dito, inaatasan din ng batas ang DOF, BSP, POEA at iba pang ahensiya na magbigay ng financial education program sa mga OFWs at kanilang pamilya. 


Ads

Sponsored Links



Layunin umano nito na mabigyan ng kaalaman ang mga OFW at pamilya ng mga ito kung paano pangangasiwaan ang kanilang kita.

Ayon kay Pampanga Representative Aurelio Gonzales Jr., principal author ng House Bill 7951, na sakaling maging batas ito, " it would save OFWs billions in remittance fees that their families could use as additional funds during this time of pandemic."

Sa ngayon, nasa Senado na ang counterpart ng nabanggit na panukalang batas na inihain ni Senator Manny Pacquiao.



©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: