Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Friday, April 23, 2021

Filipino Caregivers sa Canada, Maaari Nang Mag-apply ng Permanent Residency





MANILA, Philippines — SIMULA Mayo 6 maaari nang mag-apply ng permanent residency ang mga Filipino caregivers at iba pang essential workers sa Canada na may temporary status.

Magiging daan umano ito para mga Filipino na mabibigyan ng permanent residency na makapag-file ng sponsorship upang madala sa Canada ang kanilang mga kamag-anak o pamilya.

“The announcement… to accelerate processing for caregivers with an application in process recognizes that many caregivers working in Canada are waiting to be reunited with their loved ones while their applications are being processed,” ang naging pahayag ng Canadian Embassy sa Pilipinas sa pamamagitan ng Twitter account nito.


Ads


Sa pahayag ng Canadian government, mahigit sa 90,000 temporary workers at international graduates ang maaaring mag-sumite ng application sa Immigration, Refugees and Citizenship Canada (IRCC) sa ilalim g 3 pathways.

Tatanggap umano ng 20,000 applications ang IIRC para sa temporary workers sa 40 na mga health care occupants; 30,000 applications para sa temporary workers sa 95 na iba pang essential jobs at 40,000 applications para sa international students a gumraduate mula sa Canadian institutions.

Eligible sa programa ang mga essentials workers kung may hindi bababa sa isang taon na work experience ang mga ito sa Canada sa health care profession o sa iba pang inaprobahang essential occupation.

Samantala dapat namang natapos ng mga international graduates ang kanilang Canadian post-secondary program sa nakaraang apat na taon para maging eligible sa programa.


Ads

Sponsored Links



Itinakda sa Nobyembre 5 ang deadline ng application o hanggang sa maubos ang inilaang slots.

Ayon sa Canadian government, bahagi ng 2021 Immigration Plan ng bansa ang programa na may layuning magbigay ng 401,000 na mga bagong permanent residents upang masagot ang "labor shortages and add growth to our workforce."

Sinabi naman ng Canadian Embassy sa Manila na layunin ng programa na mapabilis ang pag-proseso ng permanenent residency application upang makapag-file ng sponsorship ang mga workers para sa kanilang eligible families na makapunta ng Canada.

"Our message to them is simple: your status may be temporary, but your contributions are lasting—and we want you to stay," ang naging pahayag ni Marco Mendicino, Canadian Minister of Immigration, Refugees and Citizenship.

"The pandemic has shone a bright light on the incredible contributions of newcomers. These new policies will help those with a temporary status to plan their future in Canada, play a key role in our economic recovery and help us build back better."

Dagdag pa ng Canadian government na mas malaking sweldo ang naghihintay sa mga immigrants, isang taon matapos maging permanent resident ng bansa.


©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, April 20, 2021

EC Pensioners ng SSS, Tatanggap ng One-Time Assistance na P20,000





MANILA, Philippines — TATANGGAP ng one-time na P20,000 na financial assistance ang mga employees compensation o EC pensioners ng Government Service Insurance System o GSIS at Social Security System o SSS na may partial o permanent disability.

Sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasama sa makakatanggap ng financial assistance ay ang mga survivorship pensioners.

Ang nasabing kautusan ay ayon sa Administrative Order o AO No. 39 na inilabas ng pangulo o Abril 19.



Ads


Aabot naman naman sa 31,000 na mga EC pensioners ng SSS at GSIS ang makaka-benipisyo sa nasabing one-time assistance.

Ang mga survivorship EC pensioners ay yaong mga surviving spouse o minor na mga anak ng EC pensioners.

Ipinasiguro naman ng AO 39 na sumailalim sa actuarial studies ng SSS at GSIS ang pagbibigay ng nasabing benepisyo at kayang pondohan ng Social Insurance Fund o SIF ang nasabing one-time grant na hindi naaapektuhan ang stabilidad ng ahensiya at hindi rin nangangailangan ng dagdag na kontribusyon.


Ads

Sponsored Links



Una rito, inaprobahan ng Employees Compensation Commission ang Board Resolution Nos. 20-07-14 (s. 2020) at 20-08-17 (s. 2020) na nagbibigay ng go signal para sa nasabing grant para makatulong sa mga pensioners na labis na nahihirapan dahil sa pandemya.

Sa pagpirma sa nasabing AO, sinabi ni Duterte na “the adverse effects of the pandemic on the economy, supplementary health necessities for the battle against the virus, and restrictions imposed on our mobility and social interaction, have increased the financial and health burdens experienced by the EC pensioners.”

“The ECC is hereby authorized to grant a one-time financial assistance of PHP20,000 to EC pensioners for permanent partial disability, permanent total disability and survivorship, in the private and public sectors, subject to the availability of funds and pertinent laws, rules, and regulations,” 

Epektibo ang agad ang AO 39 pagkatapos ng publication nito sa Official Gazette o sa mga newspapers sa buong bansa.


©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, April 17, 2021

2021 Update: Listahan ng mga Trabahong 'Di na Maaaring Pasukan ng mga Pinoy sa Saudi Arabia




MANILA, Philippines - ISA ang Saudi Arabia sa mga bansang pinupuntahan ng mga Filipino na gusto mag-trabaho sa abroad dahil sa iba't-ibang oportunidad na maaring pasukan dito.

Ngunit sa ngayon, parami na ng parami ang mga trabaho sa Saudi Arabia na hindi na maaaring pasukan ng mga Filipino maging ng ibang mga expatriate workers dahil sa Saudization.

Kaugnay nito, inanunsyo ng Ministry of Human Resources and Social Development ng Saudi Arabia na ipapatupad na rin nila ang Saudization sa mga accounting profession simula Hunyo ngayong taon at sakop nito ang nasa 19 na accounting profession.

Ads


Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
  • Manager of financial affairs and accounting
  • Manager of account and budget
  • Manager of financial reports department
  • Manager of zakat and taxes department
  • Manager of internal audit department
  • Manager of general audit department
  • Head of internal audit program
  • Financial Controller
  • Internal Auditor
  • Senior Financial Auditor
  • General Accountant
  • Cost Accountant
  • Auditor
  • General accounts technician
  • Auditing technicians
  • Cost account technician
  • Financial audit supervisor
  • Cost Clerk
  • Finance Clek
Kaugnay nito, ipapatupad din ngayon taon ang Saudization sa mga trabahong nasa closed commercial complexes o malls na may layuning maka-gawa ng 51,000 jobs para sa mga Saudi nationals.

Kabilang sa mga nabanggit na trabaho sa mga malls ay ang mga sumusunod:
  • Trabaho sa mall management offices
  • Sales outlet ng mga restaurants at cafes
  • Mga trabaho sa major central supply market
Ads

Sponsored Links



Noong mga nakaraang taon, una nang ipinatupad ng Saudi Arabia ang Saudization sa mga sumusunod na trabaho:

Light-vehicle driver, order taker, safety and security officer, food service employee, telephone operator, data-entry clerk, administrative clerk, secretary, general services supervisor, room service supervisor, maintenance supervisor, sales and marketing supervisor, safety and security supervisor, tourism programs supervisor, front office supervisor, supervisor of telephone operators, overseer, director of security and safety, acting director, maintenance manager, room service manager, customer service manager, administrative manager, sales and marketing representative, director of tourism programs, director of the front office at sector of staff relations.

Itinituring bilang pinaka-bagong nationalization scheme ang Saudization kung saan ang kompanya at negosyo sa private sector ay inaatasanhg kumuha ng mga trabahanteng Saudi nationals.

Matatandaan na noon, mga expatriate workers ang karamihan sa mga nag-tatrabaho sa private sector ng Saudi Arabia. Malaki naman ang epekto ng Saudization sa mga expat workers mula sa India, Pakistan, Pilipinas, Lebanon at Egypt.

©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, April 16, 2021

'Ayuda' Soon? Pag-Aproba sa Bayanihan 3, Minamadali!




MANILA, Philippines - PLANO ngayon ng House of Representative na magsagawa ng special session para sa mabilis na pagpasa ng Bayanihan 3.

Ito'y upang masagot ang tulong na panawagan ng mga Filipino na apektado ng mga pinahabang lockdown lalo na sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Ayon kay House Deputy Speaker Mikee Romero, kasama sa kanilang agenda ang "fast-tracking" ng Bayanihan 3 at planong magsagawang special session upang agad na maipasa ang panukalang batas.


Ads


Dahil dito, inaasahan na sisimulan agad ng House of Representative ang deliberation ng Bayanihan 3 na magbibigay ng panibagong round ng tulong sa mga negosyong nagsara at cash assistance sa mga trabahante at low-income families na naapektuhan ng pandemya.

Inaasahan naman ng mga House leaders na agad na maipasa sa committee level ang panukalang batas at isasalang sa plenary debate sa pagbabalik ng session sa Mayo 17.


Ano ang napapaloob sa Bayanihan 3?

Napapaloob sa Bayanihan 3 o sa isinusulong na Bayanihan to Arise as One Act ang malaking tulong at stimulos bill na may layuning makatulong sa mga Filipino sa gitna ng pandemya.

May anim na panukalang batas na inihain sa House of Representatives ukol sa Bayanihan 3 na iniisa na sa ngayon.

Isa sa mga ito ang version na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco kung saan sa ilalim ng panukalang batas, gagamitin ang P420 billion na pondo bilang tulong sa mga negosyante, mahihirap na pamilya, agriculture workers, mga nawalan ng trabaho, mga guro, estudyante at mga naapektuhan ng bagyo.


Ads

Sponsored Links



Una rito, naantala ang pag-pasa ng nabanggit na panukalang batas dahil na rin sa agam-agam ng mga economic managers ng gobyerno kun saan kukunin ang pera bilang pondo sa nabanggit na mga programa.

Ngunit sa ngayon, nilinaw ni Velasco na bukas na umano ang mga economic managers at pinag-aaralan na ang posibleng funding sources para sa Bayanihan 3.

Sa Senado, dalawang panukalang batas naman ang inihain ukol sa large-scale aid distribution. Kabilang rito ang P485 billion na Bayanihan 3 bill na inihain ni Senator Ralph Recto at P335 billion naman na  "expanded stimulus package" bill ni Senator Manny Pacquiao. 


©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, April 14, 2021

ALAMIN: Mga SSS Transactions na Maaaring Idaan sa SSS Dropbox System!




MANILA, Philippines — PATULOY na hinihiling ngayon ng Social Security System o SSS sa kanilang mga miyembro, mga employers at publiko na makipag-transaction sa kanilang mga brances sa pamamagitan ng drop box system.

Ito'y dahil nasa ilalim pa rin ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Abril 30 ang National Capital Region o NCR at mga karatig-lalawigan.

Dahil dito, hinihiling ng SSS sa mga miyembro, employers at pensioners na gamitin ang online at mobile platforms sa kanilang mga SSS transactions sa pamamagitan ng My.SSS Portal sa SSS website na www.sss.gov.ph, SSS Mobile App, at Text-SSS sa 2600.


Mga SSS transaction na maaaring gawin sa My.SSS at SSS Mobile App!
Ads


Dahil sa tumataas na kaso ng Covid-19, ipina-alam din ng SSS sa publiko na pansamantalang tatanggap ng transaksiyon ang kanilang mga branches sa NCR at mga karatig lugar sa pamamagitan ng "no-contact drop box system" mula alas — 9 ng umaga hanggang alas — 2:30 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Ngunit nilinaw ng SSS na ang drop box system ay para lamang sa mga SSS transactions na hindi available online. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
  • Registration at membership transaction kagaya ng Member o Employer Data Change Request
  • Request para sa Employer Certificate of Registration
  • Pag-sumite ng Employment Report para sa initial, rehired o separated employee
  • Submission ng Authorized Company Representative (ACR) card o L501.
Ads

Sponsored Links



Maaari ding gamitin ng mga miyembro at claimants ang drop boxes para sa benefit claim applications gaya ng mga sumusunod:
  • ACOP compliance
  • Filing ng Employees Compensation, Disability o Death
  • Filing ng maternity benefit reimbursement para sa mga employed member
  • Sickness and maternity claims for self-employed, voluntary, OFW and separated members
  • Funeral claims para sa claimants na walang UMID Card
Maliban dito, maaari ding gamitin ng mga SSS members ang drop boxes sa iba pang request gaya ng mga sumusunod:
  • Verification ng SS number
  • Manual verification o consolidation ng mga contributions
  • Deletion, or correction of entry sa employment history
  • Cancellation ng multiple SS number
  • Cancellation o replacement of check
  • Correction, refund, posting at adjustment ng contribution o loan payments.
Pinasiguro naman ng SSS na patuloy ang kanilang alternative work arrangement para sa mga empleyado upang masiguro na tuloy-tuloy ang serbisyo at malimitahan ang risgo ng publiko at ng kanilang mga empleyado sa Covid-19.


©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, April 12, 2021

Pres. Duterte, Iniutos ang grace period sa pagbabayad ng loans, renta ng mga na-lockdown



MANILA, Philippines — INIUTOS na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grace period sa pagbabayad ng mga loans at renta ng mga nasa ilalim ng quarantine.

Ang nasabing grace period ay tatagal ng 30 araw o hanggang sa matapos ang quarantine, alinman ang mas tatagal.

Napapaloob ang nasabing kautusan sa panibagong Omnibus Guidelines on Implementation of Community Quarantine in the Philippines na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) noong Marso 28.

Inilabas ang nabanggit na kautusan bago pa man inilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna noong noong Marso 29.

Ads


Ano-anong mga loan ang sakop ng grace period?

Ang grace period para sa mga loan ay para sa mga lugar na isinailalim sa ECQ at modified enhanced community quarantine (MECQ).

Una nang inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tatagal sa ilalim ng ECQ ang "NCR Plus" hanggang Abril 30.

Ayon sa IATF, base sa Section 8 ng guidelines, ang mga loan sa mga sumusunod ay sakop ng grace period:
  • Lahat na mga bangko
  • Quari banks
  • Financing companies
  • Lending companies
  • Iba pang financial institutions, pribado man o pampubliko
  • Government Service Insurance System
  • Social Security System
  • Pag-IBIG Fund
"All banks, quasi-banks, financing companies, lending companies, and other financial institutions, public and private, including the Government Service Insurance System, Social Security System, and Pag-IBIG Fund, are directed to implement a minimum of a 30-day grace period from due date or until such time that the ECQ or MECQ is lifted, whichever is later, for the payment of all loans," the IATF said in Section 8 of the guidelines.

Ads

Sponsored Links



Kabilang sa nabanggit na mga loans ay ang mga sumusunod:
  • Salary Loan
  • Personal Loan
  • Housing Loan
  • Motor Vehicle Loan
Credit Card payment na magdu-due sa loob ng panahon na may quaratine
Dahil sa grace period, walang interest, penalties, fees o iba pang charges na dapat ipataw sa loan.

Para naman sa renta:

May grace period din sa renta sa mga lugar sa ilalim ng ECQ, MECQ at general community quarantine (GCQ).

Sa guidelines, mababasa ang mga sumusunod:

"For residential and commercial rents falling due within the duration of the ECQ, MECQ, and GCQ, on residential lessees and micro, small, and medium enterprises (MSMEs) and sectors not permitted to operate during said period, a grace period of 30 days from the last due date or until such time that the community quarantine is lifted," 

Layunin umano ng grace period na maibsan ang hirap ng mga Filipino na lalong naapektuhan ng mga ipinatupad na lockdown sa bansa.

Ayon ito sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act kung saan binibigyan ng kapangyarihan ang pangulo na maglabas ng kautusan ukol sa pagpapatupad ng grace periods.

©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, April 08, 2021

Paano Mag-apply ng Pag-IBIG Calamity Loan sa Gitna ng Banta ng Covid-19?




MANILA, Philippines — ISINAMA na ng Pag-IBIG Fund ang digital processing sa mga loans nito na kinabibilangan ng Calamity Loan sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 o Covid-19.

Marso 17 nang isinailalim ni Pangulong Duterte sa state of calamity ang bansa base sa Proclamation 929 na inilabas nito. Inaasahang tatagal nang anim na buwan ang state of calamity maliban na lamang kung tatapusin ito ng mas maaga o palalawigin ng pangulo.

Dahil marami ang nawalan ng trabaho at mga humintong negosyo, maraming mga Pinoy ngayon ang nangangailangan ng financial assistance.

Ads


Sa kanilang Facebook page, sinabi ng ahensiya na mayroon silang Pag-IBIG Fund Calamity Loan Program na naglalayong magbigay ng agarang tulong-pinansiyal sa mga apektadong miyembro sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Narito ang updated loan application process na inilabas ng Pag-IBIG Fund kung paano makapag-apply ng Calamity Loan sa gitna ng banta ng Covid-19.


Sino ang kwalipikadong mag-apply ng Pag-IBIG Fund Calamity Loan?

Ayon sa website ng Pag-IBIG, dapat may kontribusyon ang miyembro na nakatira sa lugar na isinailalim sa state of calamity.

Dapat may kontribusyon ito na hindi bababa sa 24 na buwan at sapat na proof of income para maging kwalipikado.

Kung may kasalukuyang Pag-IBIG Fund Housing Loan, MPL at o Calamity Loan, importanteng updated ang iyong pagbabayad para maging kwalipikado.



Ads

Sponsored Links



Paano naman mag-apply ng Pag-Ibig Fund Calamity Loan digitally?

Ayon sa updated guide na inilabas sa kanilang Facebook page, dapat punan ng aplikante ang Calamity Loan Form.

Hindi na kailangan pirma sa mga mag-aapply digitally bilang alternatibong proseso sa mga taong walang access sa printers.

Sa mga may printer naman, kailangan pa ring pirmahan ang form, i-scan o kunan ng picture ang napunan na application forms at iba pang requirements.

Sa mga nagpi-fill-out ng form digitally, siguruhing mayroong Adobe Acrobat Reader upang magawa mo ito digitally.


Kung tapos nang napunan ang form, i-save ito bilang PDF at i-send sa Human Resources (HR) department ng inyong kompanya, authorized company representative o Fund Coordinator, kasama ang isang valid ID at picture ng harap at likod ng inyong Loyalty Card Plus, o Landbank, UCPB o DBP cash card.

Ang inyong company HR personnel o sinomang incharge ang siyang magpapadala sa pamamagitan ng email ng application form kasama ang iba pang mga requirements sa Pag-IBIG Fund email address na naka-assign sa inyong lugar.

Ano naman ang mga requirements para sa Calamity Loan application?

• Completely filled-out application form
• Filled-out Employer Confirmation of STL Application with your name 
• 1 valid ID
• Front and back images of your Loyalty Card Plus, or Landbank, UCPB or DBP cash card.

Ipapa-alam naman ng Pag-IBIG Fund sa mga first time borrowers na walang Loyalty Card Plus, Landbank o DBP Cashcard kung paano nila matatanggap ang kanilang loan proceeds.
Magkano ang maaaring ma-utang?

Ayon sa Pag-IBIG Fund, ang mga kwalipikadong aplikante ay maaaring maka-utang nang hanggang sa "80% of their total Pag-IBIG Regular Savings."

"It consists of their monthly contributions, their employer’s contributions, and accumulated dividends earned."

Hanggang kailangan maaaring umutang ang mga qualified applicants?

Ayon sa Pag-IBIG ang mga kwalipikadong miyembro ay maaaring makapag-apply ng loan "within a period of 90 days from the declaration of a state of calamity."

Gaano naman ka tagal ang processing period ng application pagkatapos naisumite ang mga mga dokumento?

Ayon kay Pag-IBIG vice president Kalin Franco-Garcia, target nilang mairelease ang calamity loan proceeds sa loob ng tatlo hanggang pitong araw mula nang matanggap ang application.

"This early, we apologize to our members as our usual processing time takes less than two days. However, in this pandemic that we are currently facing, we would like to assure our members that Pag-IBIG Fund is doing everything it can to release loans as fast as possible,"

Paano babayaran ang loan at magkano ang interest rate?

Ayon sa Pag-IBIG website, "the loan is payable within 24 months and comes with the initial payment due on the 3rd month after the loan release."

Paano ko malalaman na aprobado na ang aking loan?

Ayon sa Pag-IBIG, makakatanggap ng text messages ang mga miyembro na nagkukumperma ng loan approval at naihulog na ito sa Loyalty Card Plus, LandBank o DBP Cashcard.

Saan ko maaaring i-email ang mga requirements?

Here's the list of email addresses assigned based on your office address.
Handa na ba ang Pag-IBIG na tumanggap ng mga aplikasyon lalo na't isinailalim naman sa state of calamity ang buong bansa?

Ayon kay Kalin, tinatanggap nila ang mga Calamity Loan application mula sa mga miyembro sa mga sumusunod na lugar:

a.  National Capital Region
b. Buong Luzon
c.  Mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ kung saan naapektuhan ang mga pangkabuhayan


©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, April 07, 2021

Metrobank Foreclosed Properties (Residential & Agricultural) | Cheapest Price — P100,000




MANILA, Philippines — IKAW ba ay naghahanap ng residential o agricultural lot? Nasubukan mo na bang maghanap sa mga ibenebentang foreclosed properties mula sa mga bangko?

Itinuturing bilang non-performing assets ang mga foreclosed properties. Ito ang dahilan kung bakit may mga pakulo ang mga banko o lending institutions gaya na lamang ng diskwento o auction para maakit ang mga potential homebuyers o investors. Ito din ang dahilan kung bakit ibinebenta ng mas mura ang mga foreclosed properties kung ihahambing sa actual na market value nito.

Sa ngayon, marami na ang bilang ng mga Filipino na tumitingin sa mga foreclosed properties dahil maliban sa mura ang mga ito, maraming investors ang bumibili at 'dinidevelop' upang ibenta ulit sa mas mahal na halaga.

Ads


Kung isa ka sa mga naghahanap ng foreclosed properties, narito ang ilan mula sa Metrobank. Mga agricultural at residential lots ang naka-lista sa halagang P100,000 hanggang P600,000.

Paalala. Ang Jbsolis.com ay hindi konektado sa Metrobank. Ang mga nakalistang propeties sa post na ito kuha sa mismong website ng banko.

Ads

Sponsored Links

































©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, April 06, 2021

ALAMIN: Iba't Ibang Sakit o Kondisyon na Kailangan ng Clearance bago Magpabakuna kontra Covid-19




MANILA, Philippines — TINATAPOS na ng gobyerno ang pamamakuna kontra sa coronavirus disease sa mga frontline health workers sa buong bansa at susunod na sa pila ang mga senior citizens bilang next in line sa prioritization.

Prioridad din sa Covid-19 vaccination ang mga matatanda dahil karamihan sa mga ito ay may mahihinang immune system at may comorbidity o iba pang karamdaman.

Ayon sa Department of Health o DOH, dapat magpabakuna ang publiko laban sa Covid-19 upang mabigyan ng proteksiyon laban sa pagkalat ng nabanggit na nakakahawang sakit lalo na ngayon na may surge o biglaang pagtaas ng kaso.


Ads


Ngunit ayon sa isang infectious disease expert ng UERM Memorial Medical Center na si Dr Minette Claire Rosario sa segment na “Bakuna Muna” sa programang Kabayan sa TeleRadyo, inisa-isa nito ang mga sakit na kailangan munang may clearance mula sa mga doktor bago magpabakuna ang pasyente laban sa Covid-19.

“Sa health assessment checklist, may makikita doon na mga condition na kailangan ng clearance. 'Yan po 'yung sinasabing may ibang medical condition, immunocompromised o nakakapambaba ng panlaban ng ating katawan,” sabi ni Rosario.


“Ang sinasabing mga kondisyon na 'yun, 'yung merong may cancer kasi kailangan natin malaman kung may tinatanggap silang chemotherapy or gamot para doon sa kanilang cancer na kondisyon. May timing po kasi 'yan doon sa pagpapabakuna. Kung tumatanggap siya ng chemotherapy kailangang ipaliwanag na pag masyadong malapit ang pagtanggap ng bakuna doon sa chemotherapy niya, halos mapapawalang-bisa 'yung bakuna." 

"Meron din mga pasyenteng may autoimmune disease, may mga lupus po o 'yung mga transplant patients pati po 'yung pasyenteng may HIV, pwede naman pong tumanggap ng bakuna pero kailangan ng clearance in the sense, kailangan nating malaman ano ba 'yung status ng kanilang karamdaman. Technically, dapat stable.”


Ads
Sponsored Links



Narito ang iba't-ibang sakit o kondisyon na nangangailangan ng clerance mula sa mga doktor bago magpabakuna kontra sa Covid-19.

Mga buntis at nagpapasuso:

“Pwede naman po. Ang requirement po, may guidelines na inilabas ang Philippine Obstetrical and Gynecology Society na 'yung bakuna pwede naman by second term po ng pregnancy. Tapos 'yung nagpapa-breastfeed pwede namang tanggapin 'yung bakuna.”

Dialysis Patients:

“Opo, karaniwang gusto nating i-check sa mga pasyenteng nagda-dialysis kasi nga may mga pag-aaral na 'yung mga may medical condition mas grabe ang epekto ng pagkakaaroon ng COVID sa kanila so gusto nating mabakunahan din sila.”

Mga may Cerebral Palsy:

“Pwede rin po, kailangan lang ng clearance kasi minsan meron din silang mga gamot na tinatanggap o kaya mismong kalagayan nila masyado silang parang frail o nanghihina o 'yung nourishment importante din sa status ng pagtanggap ng bakuna.”


Mga gumagamit ng steroids:

“Yang ang isang kondisyon na nagpapababa kasi ng panlaban ng katawan so gusto natin pinakamababang dose ng steroids na tinatanggap, tapos ulit gaano na ba katagal. Importante sa timing sa pagbakuna.”

May sakit na Alpha Thallasemia:

“Kondisyon siya sa dugo parang genetic change sa mismong DNA o protein sa katawan pero hndi po siya contraindicated, ibig sabihin pwede naman pong tumanggap ang pasyente na may Alpha Thallasemia, ng bakuna.”

Mga dating nagkaroon ng adverse effect sa bakuna:

“Assume natin na tumanggap siya ng bakuna nung bata. Usually naman po allergic reaction 'yan. Pag ganun po ang sinasabi sa tanong, kailangan po ng clearance sa espesyalista sa allergy.”

Mga may rheumatoid arthristis at may gamot na pang-suppress ng immune system para ma-kontrol ang kondisyon:

“Yan po ang isang importante na may clearance kasi nga po 'yung timing nung pagtanggap ng bakuna at 'yung klase ng gamot na tinatanggap niya para doon sa rheumatoid arthritis may kaakibat na panahon kung kailangan niya pwedeng matanggap yung COVID-19.”

Mga may Psoriasis:

“Opo, condition siya sa balat. Ang mga pasyenteng may psoriasis binibigyan din ng gamot tulad ng steroids o mas malakas na klase ng pampababa ng system so kailangang din po 'yan ng clearance. Ang gusto lang natin sa clearance ay malaman kung stable ang disease.”

May sakit na Takayasu Disease at na-stroke na noong sumailalim sa Aortic Bypass:

'Yung mga medical condition niya ito po 'yung sinasabi, lolo na 'yun condition niya sa heart, 'yan po yung isa sa mga condition na recommended na makatanggap ng bakuna. Yes, pwedeng magpabakuna, mas maganda may clearance doon sa vaccination site.”


©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, April 05, 2021

Distribusyon ng tig-P4,000 na tulong sa mga taga - NCR Plus, Simula na!




MANILA, Philippines — SISIMULAN na ngayong linggo ang distribusyon ng pandemic assistance sa 22.9 million katao sa Metro Manila at apat na mga karatig-lalawigan na isinailalim ngayon sa pinaka-mahigpit na lockdown.
Ito ang kinumperma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Noong nakaraang linggo, inaprobahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P22.9 billion na assistance para sa mga low-income earners sa National Capital Region o NCR at mga karatig lalawigan na Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine hanggang Abril 11.

"Maaaring magsimula po iyong pamamahagi ng financial assistance bukas po or April 7, matapos na maibaba ngayon araw ng Bureau of Treasury ang pondo sa mga concerned local governments," ang naging pahayag ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao.
Ads


Iniasa naman ng national government sa local government ang pamimigay ng tulong na maaaring cash o in-kind.

"Kapag ibibigay po ito in cash it should be done within 15 days after the receipt of the notice of the cash allocation, at within 30 days naman po kung ang tulong ay ibibigay in kind," dagdag na pahayag ni Dumlao.

Puwede nang ipamahagi ang ayuda kung may naipasa nang executive order ang LGU at naisapinal na rin ang listahan ng mga benepisyaryo. 

Samantala, nilinaw naman ng Department of Interior and Local Government o DILG na one-time o isang beses lang makatatanggap ng P1,000 halaga ng ayuda ang kada indibidwal, o hanggang P4,000 ayuda kada household. 

"Kulang din talaga kaya lang ito'y additional lang naman na tulong ng gobyerno. Pagpasensiyahan na po natin at 'yun lang ang available na pondo," 



Ads
Sponsored Links



Binatikos naman ni House Deputy Minority Leader Carlos Zarate, ang tulong na hindi umano sapat para sa dalawang linggo.

Inako naman ng Malacanang na hindi sapat ang tulong ngunit makakabili na ito ng pangunahing pangangailangan ng pamilya sa loob ng dalawang linggo.


©2020 THOUGHTSKOTO