Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Monday, February 01, 2021

14-Days Paternity Leave! Kwalipikado Kaba?




MANILA, Philippines — DAHIL sa coronavirus disease o Covid-19 pandemic, marami umano ang nabuntis dahil sa mga community quarantine na ipinatupad lalo na noong 2020.

Sa isang ulat, inihayag ng Population Commission na sa kanilang pagtantya, nasa 50,000 na mga unplanned pregancies ang nabuo dahil sa limitadong family planning supplies at serbisyo maliban pa sa mga enhanced community quarantine na ipinatupad noong nakaraang taon.

At dahil marami ang nabuntis, marami ang inaasahang manganganak ngayong taon. Sa mga magiging ina, halos lahat ay may alam na sa kanilang mga benipisyong makukuha sa ilalim ng 105-Day Expanded Maternity Leave Law pero kagaya ng mga expecting mothers, alam mo ba na may benipisyo din ang mga soon-to-be-fathers?

Importante ang papel ng isang lalaki sakaling mag-buntis ang asawa nito, lalo na kung ito'y manganganak. Lubos na kailangan ng isang babae ang suporta ng mister nito pagkatapos manganak lalo na sa pag-aalaga ng sanggol. Ngunit ang tanong, may paternity leave benefits ba ang mga lalaki kagaya ng mga babae?

Narito ang ilan sa mga katanungan ukol sa paternity benefits na maaaring i-claim ng mga kalalakihan.


Ads


May paternity benefits ba ang mga kalalakihan na maaaring ma-claim?

Alinsunod sa section 2 ng Republic Act 8187 o Paternity Leave of 1996, pitong araw na paternity leave na may buong bayad ang ibinibigay sa lahat ng mga lalaking may asawa, ngunit dapat ay empleyado ito ng public o private sector.

Ang nasabing paternity leave ay maaaring magamit sa unang apat na panganganak ng kanyang legitimate spouse o asawang pinakasalan.

“SEC. 2. Notwithstanding any law, rules and regulations to the contrary, every married male employee in the private and public sectors shall be entitled to a paternity leave of seven (7) days with full pay for the first four (4) deliveries of the legitimate spouse with whom he is cohabiting. The male employee applying for paternity leave shall notify his employer of the pregnancy of his legitimate spouse and the expected date of such delivery.” 

Ano ang Paternity Leave Law?

Sa ilalim ng batas na ito, pinapayagan ang mga private at government male employees sa Pilipinas na magkaroon ng pitong araw na paternity leave na may full pay. Kasama sa bayad ay ang kanyang basic salary, monetary benefits at Cost of Living Allowance (COLA).

Maliban sa panganganak, ang pitong araw na paternity leave ay maaari ding magamit sa pagkakaroon ng abortion o miscarriage ng asawa.

Ads

Sponsored Links



Maaari bang i-convert sa cash ang paternity leave?

Hindi kagaya ng ibang uri ng mga leaves, hindi maaaring i-convert sa pera ang pitong araw na paternity leave.

Maliban dito, hindi mo rin maaaring i-carry over o idadag ang iyong hindi nagamit na paternity leave sa susunod na panganganak ng iyong asawa.

Sino ang eligible para makapag-paternity leave?

Hindi lahat ng soon-to-be-fathers ay eligible para sa paternity leave dahil may criteria itong sinusunod. Maaaring ma-avail ng isang male employee ang paternity leave nito kung ayon sa mga sumusunod na kondisyon:
  • Buntis ang asawa, nanganak o nakunan.
  • May trabaho ka sa private o public sector sa panahon nang panganganak ng inyong asawa.
  • Ang pagbubuntis, pagkalaglag o panganganak ng iyong asawa ay hindi nangyaring nang higit sa apat na beses.
  • Kung ikaw ay nakatira sa isang bubong kasama ang iyong asawa at kung kasal ka sa kanya.
  • Kailangan mong ipa-alam sa iyong employer ang pagbubuntis ng iyong asawa at ang due date nito.
Sino naman ang hindi eligible na mag-file ng paternity leave?
  • Mga soon-to-be-fathers na hindi kasal sa kanilang asawa.
  • Yaong mga tatay na hindi naman nakatira sa ilalim ng isang bubong kasama ang kanilang asawa.
  • Yaong mga may-asawa na higit sa apat na ang pagbubuntis, panganganak o pagkalaglag.
Kailan maaaring i-avail ng mga soon-to-be-fathers ang kanilang paternity leave?

Ayon sa batas, maaaring mag-file ng paternity benefit ang mga male employees bago, habang, at pagkatapos ng panganganak ng kanilang asawa. Ang kabuuang bilang ng paternity leave ay hindi dapat lumagpas sa pitong araw.

Paano mag-file ng paternity leave?

Kung ang maternity leave ay pina-file sa Social Security System, sa employer naman dapat ifile an paternity leave

Kung alam mo na ang mga detalye sa pagbubuntis ng iyong asawa, agad itong ipa-alam sa inyong human resource o HR department.

Bibigyan ka ng paternity notification form na kailangan mong punan at ibabalik sa HR kasama ang mga sumusunod na dokumento;
  • Original at photocopy ng inyong marriage certificate
  • Barangay clearance ninyo ng iyong asawa
  • Kopya ng ultrasounds
  • Medical records bilang patunay ng pagbubuntis
Pagkatapos ng iyong paternity leave, maaaring hingan ka ng iyong employer ng birth certificate ng iyong anak. Sa mga kaso naman ng miscarriage o abortion, medical record o death certificate ang posibleng hingin.

Maaaring magkaiba ang mga proseso sa pag-file ng paternity leave kaya mas mabuting magtanong sa iyong employer.

Maliban sa paternity leave, may iba pang benipisyo ang mga soon-to-fathers?

Hindi natatapos sa pitong araw ang paternity leave ng mga male employees. Ito'y dahil sa ilalim ng Republic Act 11210 o 105-Day Expanded Maternity Leave Law, maaari itong magdagdagan ng pitong araw pa mula sa maternity benefits ng kanilang asawa.

Ayon sa section 6 ng RA 11210, ang sinumang babaeng manggagawa na may karapatan ilipat ang pitong araw ng kanyang 105- maternity leave benefits sa ama ng kanyang anak, kasal man ang mga ito o hindi. 

“Section 6. Allocation of Maternity Leave Credits.– Any female worker entitled to maternity leave benefits as provided for herein may, at her option, allocate up to seven (7) days of said benefits to the child’s father, whether or not the same is married to the female worker: Provided, That in the death, absence, or incapacity of the former, the benefit may be allocated to an alternate caregiver who may be a relative within the fourth degree of consanguinity or the current partner of the female worker sharing the same household, upon the election of the mother taking into account the best interests of the child: Provided, further, That written notice thereof is provided to the employers of the female worker and alternate caregiver: Provided, furthermore, That this benefit is over and above that which is provided under Republic Act No. 8187, or the “Paternity Leave Act of 1996”: Provided, finally, That in the event the beneficiary female worker dies or is permanently incapacitated, the balance of her maternity leave benefits shall accrue to the father of the child or to a qualified caregiver as provided above.” 

Ibig sabihin, ang isang male employee ay maaaring magkaroon ng hanggang 14-days na paternity leave. 

Ang pito sa mga ito ay ayon sa Paternity Leave of 1996 Law at karagdagang pito sa ilalim ng RA 11210 kung ang asawa mo ay isang empleyado at ililipat sa iyo ang pitong araw mula sa kanilang matenity leave.

©2020 THOUGHTSKOTO

1 comment:

Unknown said...

Maam/sir pwede pa po ba aq magfile ng faternity leave nanganak ang asawa q nung jan.2020,employed po aq hndi po aq nakapagfile nun,,,,tapos ngaun 2021 natanggal po aq sa work sa company pwede pa po ba mapahabol file?tnx and respect my comment