Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label healthy. Show all posts
Showing posts with label healthy. Show all posts

Friday, May 02, 2014

Some Positive News About MERS Corona Virus

Coronovirus
Corona Virus from Shutterstock

POSITIVE NEWS No. 1

* 21 Katao na dati rati ay naging positibo sa MERS Corona Virus sa UAE ayon sa Health Authority of Abu Dhabi o HAAD ang dinala sa ospital at nilagay sa isang lugar kung saan binibigyan sila ng karampatang pahinga, maayos na tulog, pinapakain ng prutas na mayayaman sa bitamina C, at ibang minerals, at binigyan ng kaukulang pansin sa tamang hygience at pagiging malinis at sinikap na mapalakas ang immune system AY NGAYON AY NEGATIBO O MAGALING NA at MAKAKALABAS NA SA HOSPITAL NA WALA ng MERS CORONA VIRUS!

POSITIVE NEWS No. 2

Bumaba na ang bilang ng mga naapektuhan at pagkalat ng MERS Corona Virus sa Saudi Arabia. Ayon sa ipinalabas na araw araw na report ng MOH o Ministry of Health ng Saudi Arabia. 

Mula April 26 hanggang May 1, makikitang bumaba ang bilang ng mga naapektuhan at maging ng mga namatay.

Date
Cases
Male
Female
Hospital
Home
Death
April 26
14




5
April 27
16




8
April 28
6
3
3
4
2
3
April 29
16
10
6
14
2
2
April 30
10
5
5
8
2
0
May 1
7
2
5
7
0
0


POSITIVE NEWS No. 3

A Vaccine against MERS soon?

Ayon sa mga team ng scientists, researchers, at pharmaceutical company na Novavax, posibleng magagawa na nila ang vaccine na lalaban sa MERS at iba pang Corona Virus. Maaring ito na ang kasagutan sa nakakabahalang sakit na ito.

"A team from the University of Maryland and biopharmaceutical company Novavax says its vaccine candidate has successfully induced neutralising antibodies that effectively block the virus from infecting cells in mice."




©2014 THOUGHTSKOTO

Saturday, July 04, 2009

Tinamaan Ako

Bandang 6am pa lang ng umaga nakapila na ako sa International Philippine School of Al Khobar or IPSA para magrenew ng aking passport na mageexpire ngayong September. Limang taon na ako sa Saudi Arabia, ang tagal ng panahon magmula ng dumating ako dito, 28 years old pa lang ako.

Pang 211 ako sa mga nakapila, hindi pa kasali ang mga isang libo mahigit na nakapila sa labas. Sinasabing mga nasa 500,000 na OFW's ang nandito sa Eastern Province, ang oil capital ng Saudi Arabia. Along the pila, iba't-ibang kwento ng buhay ang napag-uusapan habang umuusad pagong pupuntang assessment, payment at encoding.

Ito yung pila para sa payment after maassess na okay na ang mga documents mo.

Meron isang kasabay ko na mali ang picture, hindi blue background, DH siya, at wala ng perang pampapicture ulit. Kinausap ko, at binigyan ng 25SR para pambayad sa kanyang picture sa isang room duon sa IPSA. Buti na lang sahod kahapon, kaya galante ako ngayon, hehehe.

Meron isang katabi ko sa upuan, 24 years old pa lang na babae, DH din siya, galing Basilan at ang sahod niya at 700SR or P8,400 pesos. Nalungkot ako sa sahod niya, masyadong mababa para mawalay sa pamilya pero kailangan niyang mapag-aral ang mga kapatid niya, at masaya naman daw siya sa amo niya, isang mutawa at mababait naman daw ang mga anak.

Ito naman ang mahabang pilahan sa loob ng IPSA Gym.

Ang isa ko pang katabi ay 26 years old na binatang lalaki, tig welder daw siya, nagweweld ng mga stainless sa isang malayong bayan dito sa Eastern Province. Dumating siya dito sa pilahan mga alas 2:00 ng madaling araw, mahaba na daw ang pila. Kung bakit nagkasabay kami sa pilahan kahit alas 6:00 na ako dumating gawa ng kasama ko sila Mrs. Thoughtskoto at Babytots kasi magpaparehistro kami sa Comelec para sa OFW voting at dahil may baby kami, pinapasok kami agad. (wais, hehe)

Natapos ako ng pagpaparenew ng passport at pagpaparehistro sa Comelec eksaktong alas 3:00 ng hapon. Sinundo ko sila Mrs. Thoughtskoto at Babytots sa katapat na bahay sa IPSA dahil may kaibigan kami dun at dun ko muna sila pinatambay.

Ito ang voter's registration Booth, kukuhanan ka ng litrato, kukunin ang left and right thumbmark, and digital signature.

Pero napagod ako, at nastress, kaya heto, sakit sa ulo, sipon, lagnat at ubo ang inabot ko. Tinamaan ako ng sakit. Hindi naman H1N1, sakit gawa ng init, alikabok, at pagod. At usual, alaga ako ng mabait kung minamahal kahit hinihila pa ako ng maliit na tsikiting para makipaglaro sa kanyang playhouse.

Ingat po kayo kahit saan man tayo, health is wealth ika nga nila. Nasa bahay lang ako now, kain ng fruits at masasarap na bake at cooking ni Lovefate ko.

Yung mga wala pang entry sa PEBA, sali na po tayo! Kung marami na pong boto ang iba, take note na wala yan sa padamihan ng boto, although merong popular award, 10% lang po iyun sa over-all na criteria. Sali na, habol ka!

©2009 THOUGHTSKOTO

Sunday, April 12, 2009

"Dapat Ikaw ang Pinakahealthy sa Lahat"

Happy Easter po sa lahat! Pansamantala kaming nawala para bigyang kabuluhan ang pagcelebrate ng Holy Week. Ngayon po ay pasko, pasko ng pagkabuhay kaya Merry Christmas! 
Anyway, medyo naging malalim ang naging meaning saken ng sinabi ni lovefate ko, nung isang gabi while nagrereklamo ako na masakit ang likod ko, at si Mrs. Thoughtskoto ay busy sa pagaayos ng design sa blog niya
"Dapat ikaw ang pinakahealthy sa ating lahat. Kasi nakadepende kami ni Babytots sayo".

Naisip niyo po ba kung gaano katotoo ang mga katagang ito? Tayo bilang mga asawa, tatay, o nanay, o kuya o ate na mga OFW at dayuhan sa ibang bansa should take care of ourselves, and be healthy kasi nga naman ang ating mga mahal sa buhay, anak, magulang, mga kapatid, at iba pa ay nakadepende sa atin dito man sila o sa Pilipinas. Ang hirap magkasakit, ang hirap mawalan ng trabaho, ang hirap ng isang inaasahan sa buhay.

Meron akong mga ishashare kung paano nga ba natin mapanatiling healthy ang ating katawan at pamumuhay. Healthy Body, healthy mind, and healthy living.
1. Wag Magkumpara.
Sahod, ganda ng mukha, hubog ng katawan, at dami ng kaalaman, kasama pati ari-arian ang pinakacommon na bagay na malimit ikumpara. Sabi nga " Don't compare yourself to others, cause you will be miserable, for always there will be lesser and greater person than yourself." Ang hirap kasi we think of others as perfect when we see them, tayo naman imperfect if we see ourselves. Kung lagi tayo magcocompare, tatanda tayo agad, magkakawrinkles at magkakauban agad. hehe Joke.
2. Be Positive
Ito ba ay gasgas na! yes, sobrang gasgas na, pero bakit ang tao mahilig magmagnify or magenlarge ng mga negative thoughts, ideas and opinions. Be positive lagi, kasi di ba, kung ikaw ay real winner, you find positive ways to solve a problem, not look for problems in the solutions! Ayun sa mga researches, ang laging nag-iisip ng positibo ay maganda ang daloy ng dugo, nakakahinga ng maluwag, nakakatulog ng mahimbing. Kaya kung ikaw ay nakakaramdam ng cramps, naninikip ang dibdib at may insomnia, think positively, at gagaling ka! hehehe
3. Magpasalamat at Maging Nice
May mga taong mabait sa atin, at meron din na hindi, but we have to say thank you lagi. We say thank you. It's just two words pero ang sarap pakinggan, besides 'I Love You'. Thank you words ay libre, at kahit ilang million mong sabihin and you mean it, laway lang ang mawawala sayo. We thank those people na mabait sa atin. They inspires us, they strengthen us, they make us realize that life and this world is a better place to live. We also say thank you sa mga not-so-good sa atin kasi without them, walang drama at excitement ang buhay, and dahil not-so-good sila at nagpuputok ang butse nila, tatanda sila, kukulubot, at magkakasakit while tayo ay beauty faces, younger looking and healthy beings. hehehe
4. Compliment Others
Kung lagi ka nagthathank you, isama mo na rin ang palaging praise at compliment sa ibang tao. "Ganda ng damit mo!" Wag mo na dagdagan ng "Bakit parang kupas?" "Ang yaman talaga ng mamang ito". Wag na idagdag ang "Pwede pautang, bayaran ko sa katapusan". " Oi, blooming tayo ah, mukhang inlab". Without adding "tadtad ng pimples ang mukha mo eh". When you say it, say it nicely, and most importantly, say it honestly and mean it, really.
5. Say Nice things to your head, I mean, yourself.
According sa research, ang tao daw na mabilis tumanda ay yung mga taong di minamahal ang sarili. Kung sinong nagreasearch at kung saan ko nabasa, wag niyo na lang pong itanong, kasi di ko alam ang sagot. Ang mind is our greatest tool, a wise and great mind and understanding, could be a genius pero kung di natin pinapahalagahan ay nagiging sakit. Nakita mo ba ang taong puro problema at stress, ang bilis tumanda di ba? Compliment yourself, treat yourself from time to time. Somewhere in my December 2005 post, napost ko dito ang isang entry ni OG Mandino,"The God Memorandum" ang ganda and it serves as an inspiration sa buhay ko. 
6. Maging Tunay na Tao Kung Kumain (Be a human being) (Lol)
There is no need for further explanations or clarifications. Sabi nung tatay ni Edward sa Twilight nung kakagatin niya n asana si James “Remember who you are”. Sabi pa nung wife ni Wolverine sa kanya sa nagleak na Xmen movie “you’re not an animal”
7. MagExercise Tayo Tuwing Umaga
Kanta yan ni Yoyoy Villame di ba? Bakit nga ba mahalaga? Actually pinakamahalaga. It makes our blood circulation better, naiiwasan ang sakit, nadidigest ang kinain. Sa umaga at hapon, I spend time walking, 10-15 minutes. Walking is actually one of the simplest way to exercise.
8. Be Honest
Wala akong hangad kundi magkaroon ng mga kaibigan, kakilala, katrabaho, at minamahal sa buhay na may katangiang ganito. I don't care about positions, bank accounts and properties, salary, looks, or religion - pero kung honest ka, I admire and look up to you. Can we be friends?
9. Take Time to Sleep and Rest WITH Peace
Isa sa pinakahealthy and pinakamagandang ways para mapanatiling healthy ang ating kalusugan at isipan is to take time to rest, atleast 8 hours sleep. Isa ako sa tinamaan nito kaya nilagay ko sa number 9. Halos 12 midnight na ako natutulog lagi, gawa ng baby, at gawa ng studies at kung anu ano pang pinagkakaabalahan ko. Lagi ako nasasabon ni Mrs. Thoughtskoto, at siyang dahilan ng lagi niyang pagtatampo kapag late na ako natutulog. Kaya ngayon, 10:30 PM, lights off na kami. Tama naman talaga sleep with peace, medyo nilakihan ko kasi iba naman yung rest IN peace baka mamisunderstand.
10. Smile and Laugh, it is the Secret of Youthfulness.
Kaya lagi ako nagbabasa ng mga Kablogs post na kwela like Sardonyx kasi natatawa ako sa mga hula niya. Nakakawala ng antok at bagot sa buhay. I also learn na magpatawa using stories about me, and tumawa like no one cares pag kami lang ni Lovefate ko, kasama ang entertainer naming baby. Kita mo naman, 30's na ako, pero mukha pang 20, nyehehehe. Sabi ko lang yun, at blog ko toh! Wear your best smile. And laugh like no one is around if no one is really around, hehehe. It burns the calories fast, it takes away wrinkles and it lessens the white hairs pa!
©2009 THOUGHTSKOTO

Friday, October 24, 2008

Some Facts: Crying is Healthy

Did you know that?

There was a study done where a control group of 100
people were  divided into two.
50 people watched very funny, tears-of laughter type
movie.

50 watched a very sad and tears of compassion type movie.

At the end of the sessions researchers collected the
 "happy  tears" and the sad tears" with eye droppers.

They found that "happy tears" are made up of
brine... salt water  and not a great deal else

However the "sad tears" were found to contain
 the very same  chemicals and enzymes that are found in tumors,
ulcers and  other such lumps and bumps and sicknesses through out the body.

 This test concluded that the body, when crying in sadness
 etc is  literally flushing out all of the toxic-chemicals that
accumulate and  are a part of the sadness /heartache experience.

Therefore if one holds back those tears, those
toxic-waters will   find somewhere else to deposit themselves.. .
 and prolonged lack-of-crying- release will guarantee that the body will
 accumulate a  huge amount of internal pollution and toxicity that should
have been  released through the tears.......
 
 is it any wonder that the  eyes sting
so much when we hold back our tears?

 So maybe that's why men die earlier, huh? Women cries while men stick to their pride.

 LESSON FROM THE STUDY: CRY YOUR HEART OUT WHEN YOU ARE
 SAD,  LONELY, ALONE, DEPRESSED, ETC..... IT IS GOOD FOR YOUR
HEALTH!


Thoughtskoto - weblogs about reality and opinions.
Rants and observations and musings about faith, hope as well as life and love.

©2008 THOUGHTSKOTO