Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label Tag. Show all posts
Showing posts with label Tag. Show all posts

Wednesday, April 22, 2009

TAG ng Thoughtskoto Para Sayo (Pwede Pakalat?)

Pambihira, naunahan ako ni CM! In behalf of the Thoughtskoto Family and the PEBA team! A million thank you!

Parang kelan lang, nearly a year ago, nung naglaunch ako with the support ng wife ko ng project na ito, which later tinawag na Pinoy Expats/OFW Blog Awards or PEBA. By that time, nangangapa pa ako, nakakatakot subukan, ang hirap lalo pa’t limited ang time dahil pinaghahati ko ang aking time. Naiisisingit ko din kahit papaano, at one by one, may mga nagnominate na ng mga blogs. Iba ang criteria before, simple lang, kahit sino pwede magnominate, kahit kaninong blog pwede manominate. Mahigit 30 na blogs ang nanominate pero sa pre-requirements ko, na magdisplay ng banner ng project, 25 lang ang nakapasa. Some of the blogs na nanominate pero di naisama is Lea Salonga’s World of Manang. Nakakatuwa kasi pinagtawanan pa ng isang commenter na Pinoy na tagaUS  nung nagleave ako ng comment dun sa post ni Ms. Lea na kung pwede idisplay ang banner/badge ng project, nagkaroon kami ng palitan ng comment nung commenter sa Multiply, explaining the noble project na ito, tinawag pa akong nakikiride on sa popularity ni Lea Salonga at kung ano-ano pang panlalait. Bakit nga ba ang ibang Pinoy, nakatuntong lang ng tate, parang kung sino na? Hehe.

I have no choice but to drop Lea’s blog from the list of nominees, kung sino man nagnominate, sorry po. Walang kinikilingan eh. Meron pang prominenteng mga tao na nakalista, yung kay Reyna Elena, Kutserong Kuba at yung Kwentong Tambay ni Batjay. Pero nadedma ang nomination nila dahil nga walang display ng banner. I pushed through with the project though.

Marami pa akong comment na nareceive, may tunay na pasasalamat, meron ring ipokrito na nagagalit dahil gusto ko lang daw sumikat, honest suggestions, at meron ring mga tunay na kaibigan na tumutulong para maging maayos. August nagsimula, natapos ng December, at namanaged ko pong kumuha ng mga Judges na established na in the blogging world. Ang result, credible and successful 2008 Top 10 Pinoy Expats-OFW Blog Awards! Sa sampung nanalo, 6 ang expats, 4 ang OFW. Merong galing Australia, Japan, Malaysia, Dubai, Saudi Arabia, Kuwait, America at Canada, ang galing ng pagkadistribute ng awards. I admire them. I admire these wonderful bloggers na in their own way nagserve as a voice and beckon of hope. 

Isa sa mga hinahangaan ko ay ang naging Number 1 sa Middle East na taga Saudi Arabia, si Blogusvox ng THE SANDBOX.

Drawing yan ng THE SANDBOX, at nakasali ako dyan, gwapong gwapo ko diyan kaya pinagmamalaki ko! (lol)

Wala pa kayong natanggap, except the recognition at blog banner pero salamat ng marami sa suporta at tiwala.

This year ang contest is more promising and exciting with the help ng mga tinatap ko na talentadong mga tao. marami akong gustong kunin na partner pero dahil mga blogger sila sa abroad, hinayaan ko na para makasali sila kasi gustong-gusto ko rin na manalo sila sa galing nilang magsulat, tumula, manghula, magdrawing ng mukha, at tumambling at magsplit at kung anu ano pang nakakatawa, nakakainspire at nakakaluhang kwento ng buhay sa ibang bansa. 

Iba ang tema, ibang criteria, pero the same na cause. Sabi nga sa launching entry ng PEBA;  “Any successful endeavor is worth repeating and much more sustained. Especially when it touches and inspires the lives of the people for whom it dedicates its toils, pain, and achievements. Such are the motivations for which the 2009 Top 10 Pinoy Expat/OFW Blog Award (PEBA) is once again being launched online.”

Eexplain ko later sa blog ko na ito at sa tatlo pang blog in tagalog kung paano ka nga ba makakasali at manominate, napaksimple, madali lang actually pero may botohan na mangyayari, at pre-judging tapos ang final judging na at awarding. Wala sa dami ng traffic or sa ganda ng lay-out nasa puso at isipan at sa gawa, teka parang Panatang Makabayan na yan ah. hehe

I implore sa lahat ng mga mahal naming kaibigan sa Kablogs, at sa buong mundo, ito ang aming TAG sa lahat ng nagmamahal sa Thoughtskoto, sa Pilipino, at sa mga Pinoy sa buong mundo, na kopyahin ang

 logo/banner at link dito  ng PEBA at kung pwede pakidisplay sa inyong sidebar, or parepost ng LAUNCHING ENTRY.

Tinatanaw namin na utang na loob ang gagawin niyo. Yay! Sumisigabong na palakpak at pasasalamat sa lahat sa inyo Jee, Jen, James, Ever, Nebz na nagrepost about sa project na ito at sa mga kasama ko sa PEBA Team at sa mga magpapakalat pa nito! Mabuhay po tayong lahat!

  ©2009 THOUGHTSKOTO

Thursday, April 16, 2009

Award Ba ang Pinaguusapan? (Updated 4x)

May Hangover pa ako sa party kagabi. hehehe. Pero salamat sa mga nagbigay ng award samin. Ayan dahil sa hang-over, inayos ni Mrs. Thoughtskoto ang background ko, di ba ang ganda? Ang bait talaga ng mahal ko..!(shhhh, nagpapalakas ako, hehehe) 

The aims of Neno’s Blog Award:

  • As a dedication for those who love blogging activity and love to encourage friendships through blogging.
  • To seek the reasons why we all love blogging!
  • Put the award in one post as soon as you receive it
  • Don’t forget to mention the person who gives you the award.
  • Answer the award’s question by writing the reason why you love blogging.
  • Tag and distribute the award to as many people as you like.
  • Don’t forget to notify the award receivers and put their links in your post. 
Thank you to The Pope,  Ruphael, Sardonyx, Desert Aquaforce and Mommy Ek  sa pagbigay samin ng Neno Award na ito. Bakit ako at kami nagbloblog? Sinagot na po namin yan sa gilid ng sidebar namin pati sa post na entitled, We’re there to Share.

At si LordCM, ang kahanga-hangang nakatira sa blogger, at tinagurian kong Lord of Flame/Fire, nagbigay ng Nagbabagang Blog Award.

Maraming salamat mga Kablogs! Maraming salamat sa papuri at parangal. Ibibigay ko ang mga award na yan sa mga kaibigan ko sa buong mundo.

I got another award! Hehehe and again from NJ of Desert Aquaforce.

NJ is my new recruit partner in the PEBA 2009 Blog Awards. Thank you po for heeding the call!

Thank you also for these awards! The Blogger Awards and the Blogger Award for Friendship.


Share ko ang mga blog award na ito sa mga naging friends ko sa blogosphere

A Grateful Heart sa California***Manilenya sa Canada***Life Moto ng Saudi Arabia***Mommy Ek ng Japan***Miss Korea ng South Korea***Francesca in France ng France***Euroangel Grafitti ng Germany***Rhapsody ng Dubai***A Desert Prince at Pamatay Homesick ng Kuwait***Panunumbalik ng Ulirat ng Dubai*** Japayuki Chronicles of Japan*** Aethen sa UP Diliman***Upside-Down sa Riyadh KSA***2L3B at SunnySideUp ng China***Love Life, LIVE LIFE

Ang gagaling ng mga blog na ito, and I come to their site often, kahit na lurker ako, di minsan nakakapagcomment kasi nakaRSS sa Mobile ko. Oh, di ba, dalawang apat na award pinamimigay ko in one posting! hehe

I also recognize na halos lahat ng mga Kablogs ko at mga frequent Thoughtskommentero ay nabigyan or nakatanggap na nito kaya di ko na kayo isinama para share share ng blessing. Alam niyo naman na mabait kayo, at mabait din kami dito. hehe

Plus, this most exciting thing!!!

Naglipana ang blog award sa blogosphere, anybody can just make an award to impress, to inspire, to gain traffic, to make new and more friends, or to share the wonders of technology. Pero may isang award po para sa mga Expats and OFW’s na pinangungunahan ng Thoughtskoto at ng iilan pang mga taong kahanga-hanga at taos-pusong nagvolunteer.

Ang Pinoy Expats –OFW Blog Awards – Nagiisang site that honors the best and inspiring Filipino blogs and bloggers around the world. Sana po suportahan niyo kami sa nalalapit niyang launching. Sana po sumali kayo sa isang napagandang hangarin na magbigay parangal sa mga blogerong Pinoy na nakabase sa abroad. Kahit sino pwede sumali. May botohan na mangyayari, may magjujudge at de-kalibre. May awarding at sana may prizes din. May mga nominee banner na dapat idisplay. Kung sinong Top 50 by order of posting na magpopost ng launching entry, may premyo. So, wait niyo rito at sa two other blogs namin, ang Kablogs at ang PEBA

See you guys sa PEBA 2009 Project!!!

©2009 THOUGHTSKOTO

Thursday, March 19, 2009

Si NJ, Si Pinky, Si Nebz at Si Legs

Masaya po ang pamilya Thoughtskoto sa araw na ito. 

Maliban sa ito ang araw kung saan sinagot ako ni Mrs. Thoughtskoto na

naging simula ng aming pagmamahalan. 

Medyo naging panatag na rin ang buong blogospheryo dahil nga sa tagumpay ng Project Twitch ay masaya na rin po kami sa progress ng ating Kablogs na si Ms. Twitch.

Salamat sa partner ko sa Korea sa Pinoy Expats/OFW Blog Awards na magstart this April sa pakikisama sa Project Twitch. Pete, thank you sayo!

Palagay ko panahon na para sagutin ang mga tag nila. 

Don't worry di ko na po ipapasa. 

Hehe


Unang una ang kay Engr. NJ, the kind-guy-named Jethro ng Desert Aquaforce. 
Wish ko lang ganito kaganda ang sulat kamay ko. Ako man ay inhenyero, pero di po ako Civil or Architect, ako po'y hamak na malupit at medyo pogi kagaya ng nasabi ko kay Kosa na Chemist. kaya ang aking sulat-kamay ay parang kapit-kamay. Tatalunin pa kahit kahig ng manok!

Dito yata sa Kablogs, ang Pogi ay taga Abu Dhabi, ang Poging pogi, ay yun na nga po, si Kosa ng Canada. Ako po yung taga Saudi na medyo pogi, nyehaha (lol)! As in tulo laway sa tawa! 

Bahala na kayo kung anong gusto niyo para sa inyo, meron pa naman ibang mga adjective dyan. hehe.


Wala naman nagtag saken about sa mga payatot ko na legs, 


Ayan si Pinky, ang aming pusa. Ang sweet at cute niyan, lalo na pag pumupupo at umiihi. (lol)




10 things about myself

1. I don't watch horror or mystery movies. Natatakot ako at naiisip ko, pero pahawakin mo ako ng armalite or RPG sa Mindanao, at raratratin ko ang kalaban ko! Bakit nga ba ganun, may mga taong ang liliit at ang tatapang, pero sa movies, takot?

2. I love the music of Enya. Meron po akong album niya, lahat pati sa pinakabagong Amarantine. It soothes the soul, it lifts the spirit. 

3. Nabububuo po ang mga plano ko sa buhay, pati sa isusulat ko sa blog while driving or riding. call it inspirations, or personal revelation. 

4. Computer addict ako. I am trying. Just can't help it. Hindi po nagseselos ang pinakamamahal ko sa babae, pero sa pc. hehe. Mwah! Mrs. Thoughtskoto-Loveskoto! 

5. Mahilig po akong magbasa ng books. Kung minsan pang gusto kong binabasa ko, kahit naiihi na ako, or oras na ng pagkain, parang ang hirap huminto.

6. Nacoconfused ako pag binigyan ako ng direction na Kaliwa, tapos Kanan. Pwede ba, left and right na lang, mas madali saken.

7. I am craving lagi ng Lapaz Batchoy, or Buko ni Fruitas. 

8. Nahihirapan po ako magpronounce ng Letter R, or anyword na maraming R.

9. Malalim po ako magisip, and higit sa lahat, ang aking mata at puso at isip ay nagsasanib pwersa para maging observant. Dapat sana nagpsychology ako. hehe

10. Can't live a day without Mrs. Thoughtskoto and Babytots. It's true.

Ayan natapos na din, hay...salamat po! Bow!

©2009 THOUGHTSKOTO