MANILA, Philippines — KINUMPERMA ng Department of Labor and Employment o DOLE na naisumite na ang proposal para sa wage subsidy program sa mga trabahante at establishments na apektado parin ng Coronavirus disease 2019 o Covid-19 pandemic.
Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, kasama sa kanilang isinumeteng proposal sa Department of Budget and Management (DBM) ang tatlong posibleng pagkukunan ng pondo para sa nabanggit na programa.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
- Reprogram o realignment ng pondong hindi nagamit noong 2020.
- Natitirang savings mula sa Bayanihan 2.
- Ang DBM ay maaaring mag-identify ng ibang maaaring pagkukunan ng pondo upang ma-pondohan ang isinusulong na wage subsidy program ng DOLE.
Ads
Una nang inihayag ng DOLE na tinitingnan nilang tulungan ang nasa 1.3 milyong mga manggagawa at 30,000 na establishments partikular na ang mga nasa micro, small at medium enterprises sa ilalim ng wage subsidy program.
Sa datus ng DOLE, nasa 25, 226 ang bilang ng mga indibidual na permanenteng nawalan ng trabaho noong buwan ng Enero dahil pa rin sa Covid-19 pandemic.
Maliban dito, posible naman umanong makabalik sa kani-kanilang trabaho ang nasa 108,000 na mga manggagawa sakaling luwagan na ng tuluyan ang mga quarantine restrictions.
Sa ilalim ng proposal ng DOLE, tatlong buwang subsidy na nagkakahalaga ng P7,000 hanggang P11,000 kada manggagawa ang ibibigay kada buwan.
Sinabi ni Tutay na ibinase nila ang budget ng subsidy program sa average na sahod ng mga manggagawa sa iba't-ibang sektor.
Ang halaga, aniya, ay nasa pagitan ng P7,000 at P11,000 kada buwan sa loob ng tatlong buwan.
Ads
Sponsored Links
Dahil dito, nasa P62 billion hanggang P188 billion ang kailangan para sa nabanggit na programa.
Ayon naman kay Camarines Sur Rep. Luis Ray Villafuerte na maaaring gamitin ang pondo para sa ipinanukalang programang Bangon Pamilyang Pilipino assistance program para sa mga low-income at vulnerable families na may P10,000 cash assistance dahil hindi naman ito nagamit sa ilalim ng national budget.
Importante umano ang nabanggit na budget na magamit para sa mga nawalan ng trabaho sa harap ng tumataas na inflation sa presyo ng pagkain.
Iniulat din ng gobyerno ang nasa P452 billion na pondo na hindi nagamit mula sa 2020 national budget at P204 million na unobligated cash balance.
©2020 THOUGHTSKOTO
2 comments:
talaga? parang proposal ito ni Bong Go ah if am not mistaken sa narinig ko sa news or baka sya ang maglobby nito sa Senate at sa mga agencies na may concern nito...naku, maaga pa para sa politika...
huwag namang gamitin ang pandemya sa pamomolitika para di lalong malugmok ang bansa sa kahirapan.
Post a Comment