Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, June 24, 2020

Umabot na sa 51,563 ang Nadiskubreng Doble-Doble ang Natanggap na Ayuda!

Mas dumami pa ang nadiskubre ng DSWD na nakatanggap ng ayuda na doble-doble sa unang bugso pa lamang ng pamimigay. Ang iba ay nakatanggap na sa DOLE, sa SSS SBWS, sa SAP, maging sa pinapamigay ng DA at LTFRB.
Ads

Sa unang report ng DSWD habang ginagawa ang mga validation para sa pamimigay ng pangalawang tranche, ay nadiskubre kaagad ang 22,000 mahigit na nadoble ang mga natanggap na cash aid. 

Sa pahayag ng DSWD sa kanilang briefing, lumobo pa ang bilang sa mahigit 51,000 na doble-doble ang ayudang natanggap sa gobyerno. Ilan sa mga ito ay nakatanggap na sa isang lalawigan o lungsod, at nakakuha pa ulit sa kabilang bayan o lugar. 
Ads


Sponsored Links

Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aabot na sa 51,563 ang bilang ng mga nadiskubre nitong duplications mula sa mga benepisyaryo ng unang tranche ng SAP.

Sa panayam sa programang Network Briefing, binigyang-diin ni DSWD Secretary Rolando Bautista na kaya mabusisi ang ginagawa nitong post-validation dahil sa natukoy na malaking bilang ng benepisyaryo noong unang tranche ang nakatanggap ng dagdag na ayuda mula sa ibang ahensya ng gobyerno.

Ayon sa kalihim, nais nitong makatiyak na magkakaron ng malinis na listahan para sa second tranche nang mailaan sa mga nararapat na benepisyaryo ang cash assistance ng pamahalaan lalo na sa limang milyong waitlisted.

Kaugnay nito, tuluy-tuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa local government units (LGUs) para sa magiging mekanismo ang distribusyon sa kani-kanilang lokalidad.

Base sa pinakahuling tala ng DSWD, nasa 1.3 million beneficiaries na mula sa 4Ps at waitlisted families mula sa Region 1, CAR, at Region 3 ang naunang nakatanggap ng second tranche ng SAP na nagkakahalaga ng P6.74-billion.

Target naman na isunod rito ng kalihim ang mga benepisyaryo sa Region IV-A sa susunod na linggo.

Samantala ang Department of Social Welfare and Development sa Region 6 (DSWD-6) ay kasalukuyang iniimbestigahan ang mahigit 31,000 na pamilya sa Western Viayas region na pinaniniwalaang tumanggap ng dobleng ayuda sa unang tranche

SAP beneficiaries should only receive once, but we have already found out that there were families who received twice,” Macapobre noted.

For instance, Macapobre said some family beneficiaries knowingly received numerous SAP cash aid by processing in two different municipalities.

There were also those heads of families who received separate cash aid from Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture (DA) or Social Security System (SSS).

SEE ALSO:



©2020 THOUGHTSKOTO

1 comment:

Unknown said...

bakit po dito sa aming lugar san isidro lipa city humihingi ako ng slot sa waitlist ng sap kase wala naman po kami nakukuhang ayuda ang sabi po ay kumakain pa raw kami ng 3x day maghapon, un po ba ay basehan para d ka bigyan ng ayuda galing sa gov.2months halos walng work ang mga anak ko pakain kami ng anak kong may asawa na hiwalay sa akin, unfair po talaga...