MANILA, Philippines — BUKAS na ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga gustong mag-apply para sa Covid-19 Adjustment Measures Program 3 o CAMP3.
Ito ay safety net program ng DOLE na magbibigay ng one-time na tulong pinansyal sa mga manggagawa sa pormal na sektor na naapektuhan ang trabaho dahil sa Covid-19 pandemic at pagpapairal ng Alert Level 3 pataas sa iba't-ibang bahagi ng bansa.
Umaabot sa P1 billion ang budget ng ahensiya sa implementasyon ng CAMP 3.
Ads
Magkano ang financial support sa ilali ng CAMP 3?
P5,000 na one-time financial assistance ang matatanggap ng mga affected workers at individuals sa private sector.
Sino sino ang sakop ng CAMP 3?
Sakop ng CAMP 3 ang mga manggagawa at individual na naapektuhan ang trabaho sa pagpapatupad ng Alert Level 3 pataas dahil sa Covid-19 pandemic mula Enero 2022 pataas.
Sino naman ang hindi sakop ng CAMP 3?
HIndi kasama sa CAMP 3 ang mga government employees, foreign nationals, maliban na lamang sa mga Persons of Concern at beneficiaries ng DOLE-DOT CAMP Odette.
Ads
Sponsored Links
Paano ang application process ng CAMP 3?
Application
I-sumite ang application sa reports.dole.gov.ph/camp3
Para sa mga apketadong establishments, mag-sumite ng report of Retrenchment, Temporary Closure o Permanent Closure kasama ang kumpletong listahan ng apektadong empleyado sa reports.dole.gov.ph/camp3 bago mag-sumit ng application sa nasabing portal.
Processing
Ang DOLE Regional o Field Offices ang tatanggap o susuri sa mga application na may kumpletong requirements. Makakatanggap ng email o text messages ang aplikante kung naaprubahan ang kanyang application o hindi.
Release of Financial Assistance
Matatanggap ang benepisyong P5,000 sa loob ng dalawang linggo matapos aprobahan ang aplikasyon sa pamamagitan ng money remittance o bank transfer direkta sa apektadong manggagawa.
Makakatanggap ng text mula sa money remittance center o bangko kung maaari na at kung paano i claim ang benepisyo.
Ano ang mga requirements sa pag-apply sa CAMP 3?
Para sa mga establishments, narito ang mga requirements na dapat i-comply:
- Report of Retrenchment, Temporary Closure o Permanent Closure habang napapasailalim sa Alert Level 3 pataas ang lugar at aktibong account sa DOLE Establishments Reporting System
- Latest payroll, not earlier than November 2021 na may kumpletong listahan ng mga apektadog empleyado o alinman sa mga sumusunod:
- Proof of payment of wages via logbook or ledger
- Employment contract
- Cash voucher o petty cash voucher
- Authority to debit account sent by employer to bank for the wages of employees
- SSS, Philhealth, at Pag-IBIG Alphalist ot list of remittances
- List of employees with 13th month pay
Para sa mga individuals, narito ang mga requirements na dapat i-comply:
- Malinaw na litrato ng aplikante na may hawak na valid government issued ID
- Notaryadong katibayan ng unemployment halimbawa, Certificate of Employment; Affidavit of Termination of Employment o Notice of Temporary o Notice of Temporary Layoff na may petsang pasok sa panahon Alert Level 3 o pataas ang lugar.
Sa ngayon, inanunsyo ng DOLE na nasa 58,000 application na ang kanilang natanggap para sa CAMP at posibleng masimulan na ang payout ngayong Pebrero.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment