Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, February 17, 2021

Ano ang Solo Parent ID, Mga Benipisyo at Paano Makakakuha Nito?





MANILA, Philippines — SA buong Pilipinas, mahigit sa 20 million umano ang populasyon ng mga solo parents ayon sa Federation of Solo Parents at tumataas ito kada taon.

Maraming rason kung bakit nagiging solo parent ang isang tao, ngunit ang importante, alam mo ang iyong mga karapatan at benipisyo sa ilalim ng Republic Act 8972 o Solo Parent Welfare Act of 2000.

Kung ikaw ay isang solo o single parent, alamin ang iyong karapatan.
Alam mo ba na may mga benipisyong maaaring ma-claim ang mga solo parents kagaya na lamang ng mga sumusunod:

1. Leave Credits
2. Flexible Work Schedule
3. Educational Assistance sa mga anak ng mga kwalipikadong Solo Parents.


Ads


Maliban dito, may mga benipisyo at prebilihiyo din ang mga Solo Parent kagaya na lamang ng solo parent leave, housing and educational benefit assistance at iba.

Ngunit bago mo ma-enjoy ang nabanggit na mga benipisyo, kailangan mo munang kumuha ng Solo Parent ID bilang patunay na ikaw ay isang kwalipikadong solo parent sa ilalim ng batas.

Ano ang Solo Parent ID?

Ang Solo Parent ID ay isang government-enforced ID para sa mga solo o single parents sa buong Pilipinas. Sa pamamagitan ng nabanggit na ID, maaaring ma-claim ng mga solo parents ang kanilang mga iba't-ibang mga diskwento at benipisyo.

Sino ang Maaaring Mag-Apply ng Solo Parent ID?

Ang sinomang single parent sa Pilipinas ay maaaring mag-apply ng Solo Parent ID. Ayon naman sa Republic Act 8972 o Solo Parents' Welfare Act of 2000, tinutukoy nito ang mga solo parent bilang mga sumusunod:
  • Biyuda o Biyudo
  • Hiwalay sa asawa
  • Napawalang-bisa o annulled ang kasal
  • Inabandona ng asawa o kinakasama
  • Sinumang indibidual na tumatayo bilang magulang ng bata o mga bata
  • Sinumang miyembro ng pamilya na tumatayo bilang head of the family bunga ng pag-abandona, pagkawala o matagal na pagkawalay ng magulang o ng solo parent
  • Biktima ng panggagahasa
  • Asawa ng nakakulong at hinatulang mabilanggo
  • Hindi sapat ang mental na kapasidad

Ads


Sponsored Links



Ano ang mga benepisyong makukuha ng Solo Parent?
  • Pitong araw na dagdag na bakasyon mula sa trabaho
  • Komprehensibong tulong pangkabuhayan para sa solo parent na ang antas ng kabuhayan ay nabibilang sa itinakda ng NEDA na below poverty threshold
  • Tulong sikolohikal
  • Tulong sa pamilyang nangangailangan ng proteksiyon
  • Tulong mula sa ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng DepEd, CHED, at TESDA sa pagpapa-aral sa mga anak.
Ano ang mga requirements para makakuha g Solo Parent ID?

Bago ka mag-apply ng Solo Parent ID sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, siguruhing handa ang mga sumusunod na mga kinakailangang dokumento.
  • Barangay Certificate — Kumuha ng barangay certificate bilang patunay na residente ka ng inyong lugar ng hindi bababa sa anim na buwan. Magdala ng valid government ID bilang patunay sa iyong home address at pera para sa processing fee.

  • Patunay ng financial status — Kung ikaw ay solo parent na may trabaho, kumuha ng kopya ng iyong Income Tax Return o ITR sa pamamagitan ng iyong Human Resource Department o sa BIR. Sa mga work-from-home-parents naman, kailangang mag-presenta ng dokumentong magpapatunay ng inyong income level sa DSWD.

  • Supporting Documents o mga certificates — Maghanda ng mga dokumento o certificates na magpapatunay ng iyong solo parent status. Ito'y maaaring death certificate ng namayapang asawa, declaration of nullity of marriage o mga medical certificates.

  • Birth certificate ng o ng mga anak
Kung kumpleto na ang iyong mga requirements, tumungo lamang sa Local Social Welfare and Development Office ng inyong munisipyo para mag-apply ng solo parent ID.

Ano ang proseso ng pagkuha ng Solo Parent ID?

Kung kompleto na ang iyong mga dokumento, pumunta na sa inyong city o provincial social welfare and development office at isumite ang mga dokumento sa social worker para sa assessment at verification.

Maaaring tatagal ito ng hanggang sa 30 araw bago mo matanggap ang inyong ID. Tandaan na ang pag-a-apply ng Solo Parent ID ay libre o walang bayad.

May validity ba ang Solo Parent ID?

Isang taon ang validity ng Solo Parent ID at maaaring i-renew.

Ano ang benipisyong dala ng Solo Parent ID?

1. Parental Leave

May dagdag na pitong araw na leave ang mga Solo Parents mula kanilang trabaho kada taon. Ang nabanggit na leave ay non-comulative, non convertible to cash at ibinibigay lamang sa mga solo parents na nagtatrabaho ng hindi bababa sa isang taon.

Maaari ding gamitin ng mga solo parent employees ang kanilang parental leave sa ilalim ng iba't-ibang sirkumstansiya:
  • Dumalo sa personal milestones ng kanilang mga anak, halimbawa, birthday at graduation.
  • Mag-leave para sa kanilang parental obligations kagaya na lamang ng enrollment at dumalo sa mga school programs.
  • Dumalo sa medical, social, spiritual, at recreational needs para sa kanilang mga anak.
  • Iba pang kahalintulad na sirkumstansiya.
2. Flexible Work Schedule

Maaaring humiling ng flexible work schedule mula sa kanilang mga employer ang mga solo parents upang magkaroon ng sapat na oras sa kanilang mga anak.
Ang benepisyong ito ay naka-depende naman sa kanilang mga employer.

3. Walang Work Discrimination

“No employer shall discriminate against any solo parent employee with respect to terms and conditions of employment on account of his/her status,” ito ay nakasaad sa Solo Parent Act.

4. Dagdag na support at assistance, kung kinakailangan

Kung ang solo parent ay napabilang sa poverty threshold na itinakda ng National Economic and Development Authority (NEDA), maaari itong maka-avail ng educational, housing, at medical assistance. 

Ang mga solo parents ay maaaring mag-request ng nabanggit na mga assistance mula sa Department of Health (DOH), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at National Housing Authority (NHA).

Sa ngayon, may mga panukalang batas na isinusulong para sa dagdag benipisyo ng mga Solo Parents. Isa na rito ang House Bill 8097 na nagsusulong ng napakaraming benipisyo para sa mga solo parents sa buong bansa.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: