Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Wednesday, October 13, 2021

Land Bank of the Philippines - Properties for Sale | October 2021





MANILA, Philippines — INILABAS na ng Land Bank of the Philippines ang listahan ng mga foreclosed properties for sale para ngayong buwan ng Oktubre. Kaugnay nito, tinatanggap na ng Land Bank ang "first come, first served" basis offers.

Sa post na ito makikita ang iba't-ibang mga properties na available sa regular price at may mga properties na available sa discounted price.

Kabilang sa mga properties na nakalista ay mga agricultural land, residential land at fish pond. Nasa P124,000 ang pinaka-mura sa listahan.

Sa mga interesado sa alinmang properties, maaaring mag-email lamang sa lbppropertiesforsale@gmail.com o pmunit.landbankspad@gmail.com.

Paalala, ang JBsolis.com ay hindi konektado sa Land Bank of the Philippines. Ang mga impormasyon na naka-sulat sa post na ito ay kinuha sa Facebook Page ng Land Bank of the Philippines — Properties for Sale.


Ads




Ads

Sponsored Links





©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, October 12, 2021

Korte Suprema, nagbabala sa mga mapang-abuso, lasinggero at babaerong asawa: 8 taong pagkakakulong at multa





MANILA, Philippines — NAGBABALA ngayon ang Korte Suprema sa mga mapang-abuso, lasinggero, at babaerong mga mister na maaaring makulong ang mga ito ng hanggang sa walong taon at multang hindi bababa sa P100,000.

Ito ang babala ng Korte Suprema matapos nitong pinagtibay ang desisyon ng trial court at Court of Appeals na naghahatol sa isang mister sa kasog paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act under Republic Act No. 9262.

Una rito, binago ng Korte Suprema ang pangalan ng mister, asawa nito at kanilang mga anak sa inilabas na desisyon upang mapangalagaan ang dangal at reputasyon ng mga biktima.

Oktubre 7 nang inilabas ang kopya ng nabanggit na desisyon na isinulat ng nag-retiro na ngayon na si Associate Justice Edgardo L. Delos Santos.


Ads


Maliban sa pagkakakulong at multa, inatasan din ng korte na sumailalim sa mandatory psychological counseling o psychiatric treatment ang mister at i-report ang pagsunod nito sa trial court sa loob ng 15 araw matapos nitong sumailalim sa counseling o pagpapagamot.

Binasura din ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ng mister.

Sa summary ng desisyon na inilabas ng public information office o PIO ng Korte Suprema, nakasaad ang testimonya ng asawa na sa loob ng kanilang 23-taong pagsasama, madalas ang paglalasing at pambabae ng mister nito.

Noong Oktubre 2010, nagkaroon umano sila ng pagtatalo at pinalayas ito kasama ang kanilang mga anak sa kanilang conjugal home. Kinumbinse naman ng nakakatandang kapatid ang tatlo nitong kapatid na babae na bumalik sa kanilang bahay at pinilit ang kanilang ama na suportahan sila, habang nanatili naman sa kanilang ina ang ika-lima nilang kapatid.

Sa pamamagitan ng text messages, ipina-alam ng tatlo sa kanilang ina ang madalas na paglalasing ng kanilang ama at pagdadala nito ng babae sa kanilang bahay. Ipinakilala umano ng petitioner o ng ama sa kanila bilang "tita" ang nabanggit na babae.

Napag-alaman na lamang ng asawa na nakatira na sa kanilang conjugal home ang babae ng mister nito kasama ang kanyang mga anak.

Ads

Sponsored Links



Ayon sa SC PIO:  “The Court ruled that ‘a judicious study of the case reveals that all the elements of the crime charged were duly established.’”

Sa ilalim ng Section ng Section 5(i) ng RA9262, ang mga elemento ng paglabag ay  “the offended party is a woman and/or her child or children; the woman is either the wife or former wife of the offender, or is a woman a woman with whom such offender has a common child, and for the woman’s child or children, they may be legitimate or illegitimate, or living within or without the family abode,”

Maliban dito, nakasaad din ang elements of the crime na “the offender causes on the woman and/or child mental or emotional anguish; and the anguish is caused through acts of public ridicule or humiliation, repeated verbal and emotional abuse, denial of financial support or custody of minor children or access to the children or similar such acts or omissions.”

Ayon sa Korte Suprema, may ebidensiya sa kasong inihain laban sa mister at ang offender party isang babae kung saan mayroon itong limang anak. Isa sa mga nito ang tumestigo din sa pagtataksil ng kanyang ama at sa pagtira ng babae nito kasama nila sa conjugal home ng kanilang mga magulang.

Dagdag pa ng Korte Suprema na may patunay na ang mister ay nakagawa ng psychological violence sa pamamagitan ng marital infidelity at public ridicule o humiliation, na naging dahilan ng mental anguish at emotional suffering sa asawa nito.


Sa ruling ng Korte Suprema nakasaad ang sumusunod:

“WHEREFORE, premises considered, the Petition for Review on Certiorari is DENIED. The Decision dated March 19, 2018 of the Court of Appeals in CA-G.R. CR No. 39690 are hereby AFFIRMED with MODIFICATION: (1) Petitioner XXX is found GUILTY beyond reasonable doubt of violation of Section S(i) of Republic Act No. 9262 and is hereby sentenced to suffer an indeterminate penalty of six (6) months and one (1) day of prision correccional as minimum, to eight (8) years and one (1) day of prision mayor as maximum. (2) Petitioner is ORDERED to PAY a fine in the amount of Pl00,000.00; and (3) Petitioner is DIRECTED to UNDERGO mandatory psychological counseling or psychiatric treatment and to report his compliance therewith to the court of origin within 15 days after the completion of such counseling or treatment. SO ORDERED.”


©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, October 11, 2021

OWWA, handa sa pagdagsa ng mga uuwing OFWs ngayong kapaskuhan






MANILA, Philippines — PINASIGURO ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na handa ito sa pagdagsa ng mga uuwing overseas Filipino workers o OFW ngayong Disyembre.

Ayon kay OWWA chief Hans Cacdac, may sapat na accomodation para sa mga OFWs bago pa man ang Christmas season.

Sa ngayon, nasa 12, 000 hanggang 13,000 OFWs pa ang nananatili sa mga government-sponsored hotel facilities. Sa nabanggit na bilang, mahigit sa 9,000 umano ang nananatili sa 178 hotels sa Metro Manila.

Ads


Sinabi pa nito na may mga panahon na umabot sa 15,000 ang bilang ng mga OFWs na nasa quarantine facilities na maikukunsiderang nasa red alert level.

“Aside from the Ninoy Aquino International Airport (NAIA), the government has already established several international ports of entry, such as the ones in Laoag, Clark, Subic, Cebu, and Davao,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng IATF resolution, ang mga bakunado na biyahero mula sa mga ‘green o yellow list countries’ ay sasailalim pa rin sa quarantine hanggang sa mailabas ang resulta ng kanilang COVID-19 test results.

Ads

Sponsored Links



Dagdag pa ni Cacdac na nasa P15,000 hanggang P20,000 ang gastos ng gobyerno sa kada OFW. 
Dahil dito,  humiling na ng dagdag na P7.5 million ang OWWA bilang pondo para sa repatriation funds ng mga returning OFWs hanggang sa katapusan ng taon.



Samantala, narito ang travel advisory ng Pilipinas sa mga uuwi o pupunta ng Pilipinas galing sa ibang bansa:

©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, October 08, 2021

Listahan ng mga SSS Foreclosed Properties for Sale | October 2021




MANILA, Philippines — MAGANDANG balita para sa mga naghahanap ng foreclosed properties! Muling naglabas ng mga foreclosed properties for sale ang Social Security System o SSS ngayong buwan ng Oktubre.

Para maka-avail, maaaring i-contact ang SSS upang maka-siguro na available pa ang property na nais mo at para sa kaukulang detalye at mga requirements. 

Bago mag-desisyon na bilhin ang isang foreclosed property, huwag kalimutang gawin ang iyong 'homework' gaya na lamang nang pag-inspect sa property, pag-check sa mga dokumento at iba pa. 

Pag-isipan din at piliin ang payment terms upang hindi ka mahirapan sa pagbabayad. Sa payment terms, maaaring bayaran ang isang foreclosed property ng SSS hanggang sa 15 taon sa 9% interest per annum. Laging tandaan na maaaring bumaba ang interest rate kung maikli ang pipiliing payment term.

Ads


Narito ang payment terms ng SSS:

Minimum Downpayment:

For PHP 500,000 and below – Minimum of 5% of purchase price
For above PHP 500,000.00 – Minimum of 10% of purchase price

Interest rates (for installment payment)

6% – 1 to 5 years installment term
7.5% – 6 to 10 years installment term
9% – 11 to 15 years installment term

Discounts:

10% discount on purchase price for cash purchase
10% discount on purchase price for successful eviction of illegal occupant for occupied properties.

Ads

Sponsored Links






















Sa mga interesado, maaaring i-contact lamang ang mga sumusunod:

National Capital Region

Contact Person: Mr. Antonio A. Salamat, Jr. / Ms. Angelica Fullero / Ms. Lualhati A. Zuñiga
Telephone: (02) 920-6401 locals 5123/5125/5430
E-mail Address: salamataa@sss.gov.ph / fulleroa@sss.gov.ph / zunigala@sss.gov.ph
Address: 12th Floor, SSS Building, East Ave., Diliman, Quezon City

Central Luzon

Contact Person: Engr. Mylene Nonette M. Zamora
Telephone: (045)982-3541
E-mail Address: zamoramm@sss.gov.ph
Address: SSS Bldg., Macabulos Drive, San Vicente, Tarlac City

Southern Luzon

Contact Person: Engr. Evangeline B. Rivera
Telephone: (049) 562-0324
E-mail Address: riveraeb@sss.gov.ph
Address: 2F SSS Building, Balagtas Blvd cor. M. Paulino St., San Pablo City

Central Visayas

Contact Person: Mr. Leon C. Gelera Jr.
Telephone: (032) 505-9301 to 10 loc. 250
E-mail Address: geleralc@sss.gov.ph
Address: SSS Bldg., Osmeña Boulevard, Cebu City

Western Visayas 

Contact Person: Engr. Antonio G. Wong Jr.
Telephone: (034) 434-8991
E-mail Address: wongag@sss.gov.ph
Address: 3rd Floor SSS Bldg., 2nd Lacson St., Bacolod City

Northern Mindanao 

Contact Person: Ms. Marianne Jane F. Angeles
Telephone: 0935-051-3346
E-mail Address: fanome@sss.gov.ph
Address: 4th floor, SSS Bldg., Carmen, Cagayan de Oro City

Southern Mindanao 

Contact Person: Mr. Joseph G. Codilla / Mr. Renzo Ben A. Lim
Telephone: (082) 221-34-93 / 221-3575 / 221-3536
E-mail Address: codillajg@sss.gov.ph / limra@sss.gov.ph
Address: SSS Bldg., J.P. Laurel Avenue, Bajada, Davao City

NOTE: Ang Jbsolis.com ay hindi partner ng SSS sa pagbebenta ng mga foreclosed properties na ito. Ang mga impormasyon sa page na ito ay kinuha mula sa website ng SSS.

©2020 THOUGHTSKOTO

Paano bayaran ang SSS Contribution sa pamamagitan ng GCash?



MANILA, Philippines — MAS pinadali at mas pinabilis ngayon ng Social Security System o SSS ang pagbabayad ng contibutions ng mga individual-paying members na kinabibilangan ng mga voluntary members at non-working spouse.

Sa pamamagitan ng GCash, hindi mo na kailangan pang pumunta at pumila sa mga Baya Centers upang magbayad ng iyong contribution. Ito'y dahil maaari nang bayaran ang SSS contribution online sa pamamagitan ng GCash sa SSS Mobile App!

Napaka-simple lamang ang proseso. Makakatipid kana sa pamasahe at oras, siguradong makaka-iwas kapa sa mga matataong lugar at banda ng coronavirus disease o Covid-19.

Ads


Narito ang mga steps na dapat sundin para makapag-bayad ng SSS Contribution gamit ang GCash! sa SSS Mobie App.

Ads

Sponsored Links







©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, October 07, 2021

Bakunado kana ba laban sa Covid-19? Sumali sa Bakunado Panalo Raffle ng DOH at Manalo ng P1M!




MANILA, Philippines — UPANG mahikayat ang karamihan na magpabakuna laban sa coronavirus disease o Covid-19, hindi ngayon nagpahuli ang Department of Health o DOH sa mga pakulo gaya ng ginagawa ng ibang bansa.

Sa post ng DOH sa Facebook page nito, nakalagay na may tsansang manalo ang bakunadong individual mula P100,000 hanggang P1 million na cash sa “Resbakuna Bakunado Panalo” program.

Isang daang winner ang pipilin mula Oktubre hanggang Disyembre habang P1 million naman ang cash prize sa grand draw na gagawin bago matapos ang taon.
Ads


Narito ang guidelines ng nabanggit na raffle:

Ano ang bakunado plano?
  • Ang Bakunado Panalo ay isang raffle na bukas sa mga Pilipinos nagpabakuna kontra-COVID-19.
Sinu-sinu ang pwedeng sumali at manalo?
  • Isa itong nationwide raffle. Lahat nang nabakunahan na 18 na taon pataas ay maaring sumali. Ang mga sumusunod ay hindi maaaring sumali sa raffle:

  • Kamag-anak ng mga tauhang kabilang sa nag-organisa ng raffle;

  • Mga opisyal ng gobyerno, mula nasyonal hanggan sa nibel ng barangay;
Paano sumali? Hanggang kailan pwedeng sumali?
  • Para makasali sa raffle, kailangan niyo munang mag-register. I-text ang RESBAKUNAREG <space> NAME/AGE/ADDRESS to 8933 para mag-register. (Hal. RESBAKUNAREG Juan Dela Cruz/45/Blk 6 Lot 18 Golden Subd. Pasig City)

  • Pagkatapos mag-register, pwede kayong kumuha ng raffle entry sa pamamagitan ng pagtetext ng RESBAKUNA <space> 1st letter ng vax brand/pang-ilang dose/LGU/date ng bakuna to 8933. (Hal. RESBAKUNA M/2/Pasig City/March 5, 2021)

  • Pwedeng sumali mula October 4, 2021 hanggang December 15, 2021. Magpabakuna para dumami ang pagkakataong manalo!
May bayad po ba para sumali sa raffle?
  • Ang bawat entry sa e-raffle ay PHP 1.00 ng cellphone load lamang.
Ilang raffle entry ang matatanggap ko kapag nagpabakuna?
  • Makakatanggap ng 1 raffle entry ang lahat ng may isang dose, at 3 entry kung fully vaccinated na ang isang indibidwal.

  • Para sa seniors, doble ang matatanggap na raffle entry sa kanilang pagpapabakuna.

  • Makakatanggap ng 1 raffle entry ang lahat ng may isang dose, at 3 entry kung fully vaccinated na ang isang indibidwal.

  • Para sa seniors, doble ang matatanggap na raffle entry sa kanilang pagpapabakuna.
Ads

Sponsored Links




Dapat ba nakakumpleto na ng bakuna para makasali? Pwede bang sumali kahit nakaka-isang dole pa lamang ng bakuna?
  • Maaaring sumali kahit isang dose pa lamang ang iyong bakuna. Siguraduhing kumpletuhin mo ang iyong ikalawang dose para mas maraming pagkakataong manalo!
Ilang tao ang pwedeng gumamit ng iisang cellphone number?
  • Isang pangalan lang po ang pwedeng nakarehistro kada-cellphone number o SIM card.
Pwede bang sumali ang mga senior citizen sa raffle?
  • Pwede sumali ang mga senior sa raffle. Ang mga Senior ay makakakuha ng dobleng entry sa kanilang pagsali.
Anu ano ang mga premyo na pwedeng mapanalunan?
  • Para sa buwan ng Oktubre and Nobyembre, mayroong 50 na mananalo ng PHP 5,000.
  • Sa grand draw sa Disyembre:
10 ang mananalo ng PHP 100,000,
1 ang mananalo ng PHP 500,000,
1 ang mananalo ng PHP 1,000,000

Paao pipilian ang mga mananalo?
  • Gagamit ng isang e-raffle system kung saan isasalang ang bawat raffle entry.
Kailan magaganap ang bawat draw sa e-raffle?
  • Ang resulta ng bawat raffle draw ay ilalabas sa katapusan ng bawat buwan.
Paano ko malalaman kung ako ang nanalo?
  • Hintayin ang tawag mula sa 8933 para malaman kung nanalo ka!

  • Maliban sa tawag, ipopost din ang pangalan mo sa DOH website (doh.gov.ph/vaccine) at sa lahat ng DOH platforms.
Paano ko makukuha ang aking premyo?
  • Ang premyo ay ipamimigay sa pamamagitan ng mga e-wallet.
Paano ko mapapatunayan na ako ay bakunado?
  • Kapag mananalo, kayo ay aming tatawagan. Kailangan lamang i-submit ang mga sumusunod:
Valid ID
Vaccination card
SIM card na ginamit sa pag-submit ng raffle entry

Paano iaannounce ang mga mananalo?
  • Maliban sa text, ipopost din ang pangalan mo sa DOH website (doh.gov.ph/vaccine) at sa lahat ng DOH platforms.
Paano ko malalaman kung ilang raffle entry ang meron ako?
  • I-text lamang ang RESBAKUNA<space>CHECK sa 8933.
Paano kung may katanungan pa ako tungkol sa raffle?
  • I-text lamang ang RESBAKUNA<space>HELP sa 8933.



©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, October 06, 2021

'Di masaya sa network provider mo? Libreng magpalit ng telcos na 'di nagpapalit ng number! Alamin ang proseso!






MANILA, Philippines — KINUMPERMA ng mga telecommunication firms sa bansa na binuksan na ng mga ito ang iba't-ibang channel kung saan maaaring makapag-apply ang mga consumers para sa paglilipat ng network na hindi nagbabago ng kanilang mobile numbers.

Pagsunod ito sa Republic Act 11202 o Mobile Number Portability Act na sinimulang ipatupad noong Setyembre 30, 2021.

Naglaan na ng specific mobile number portability (MNP) page ang Globe Telecom kung saan maaaring magtanong ang mga interesadong mag-avail ng nabanggit na serbisyo.

"When implemented, MNP can help promote consumer welfare by fostering the freedom to choose and to respond to quality, price and other relevant considerations without the consumers having to change their mobile numbers whenever they change mobile service providers or subscription plans," pahayag ng Globe Telecom.

Ads


Sa ilalim ng batas maaaring lumipat mula prepaid papuntang postpaid at vice versa sa loob ng iisang network ang isang user at posible din ang paglilipat mula sa isang telco papuntang ibang telco.

Maaaring ipadala ang request sa GlobeOne app habang bukas naman ang Twitter account ng Globe para sa mga katanungan.

"This is the best time to be with Globe. There are so many reasons for our customers to stay and excited for those who will join us in the Globe family," ang naging pahayag ni Globe Chief Commercial Officer Issa Guevarra-Cabreira.

Sa hiwalay na pahayag, kinumperma din ng Smart Communication na activated na ang kanilang MNP capabilities.

"MNP is a game-changer, and Smart is best-positioned to champion this initiative and support the government's call for world-class services for all Filipinos," pahayag ni Alfredo Panlilio, PLDT Inc. at Smart Communications President and CEO.

Sa mga Smart subscribers na nais magpalit ng network, kailangan munang makakuha ng unique subscriber code mula sa originating provider.

Pagkatapos nito, maaaring magpunta sa pinaka-malapit na Smart store dala ang valid IDs at proof of mobile ownership upang maipagpatuloy ang proseso.

Ads

Sponsored Links



Sa ilalim ng batas, mahaharap sa multang P10,000 hanggang P1 million ang mga service providers sakaling mabigo ang mga ito sa pagsunod sa nabanggit na batas.

Samantala, narito ang mga importanteng provision sa ilalim ng MNP Law:
  • Switching providers (porting out and porting in) will be free for users
  • It will only take 48 hours to transfer telcos with about 4 hours downtime before the transfer takes effect
  • Service is available for both prepaid and postpaid subscribers provided that the lock-in period for postpaid users has expired and that all liabilities are settled
  • There is no limit to switching back and forth to and from any telco providers
  • After completing a telco switch, there will be a 60-day period before a subscriber can request another transfer
  • By default, consumers won't be able to tell what telco provider the other party is using 
  • The switching process will start with a text message before a SIM card will be made available for pickup (subject to improvements)
  • Users need an active SIM and the requestor is the assignee of the mobile number to be ported
  • Users should have no existing court prohibitions
  • Users should have no pending transfer of ownership
Sa pangkalahatan, narito ang mga steps na dapat sundin ng mga users na nais mag-switch ng network

  1. I-check ang iyong eligibility. Dapat siguruhin ng user na wala itong outstanding balance at hindi na-blacklist ng network. Hindi din dapat naka-lock ang number nito sa kanyang service provider.

  2. Kumuha ng unique subscriber code o USC mula sa iyong home network.

  3. Mag-fill up ng application form mula sa network na nais mong lipatan. Kailangan din ng subscriber na magpakita ng kopya ng government issued ID at proof of ownership ng mobile number.

  4. Maghintay ng bagong SIM.
Sa mga interesadong lumipat sa Dito network, maaaring bisitahin lamang ng mga subscribers ang alinmang sa mga physical stores nito o i-download ang kanilang app.

Sa mga nais namang lumipat ng network mula sa Globe, maaaring mag-text ang subscribers ng "USC" sa 5050.

Sa mga gusto namang lumipat papunta sa Globe, maaaring i-check muna ng isang user ang eligibility nito sa pamamagitan nitong link — https://new.globe.com.ph/port-number

Sa mga interesado namang lumipat sa Smart, kailangang sagutan ng isang subscriber itong form.

Pinapayagan din ang internal porting sa Globe at Smart at mga affiliate networks nito kagaya na lamang ng paglipat mula sa Globe papuntang TM o paglilipat mula Smart papuntang TNT o Sun.

©2020 THOUGHTSKOTO