Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Sunday, March 29, 2009

Dont Just Trust - Email and Chat

Sa bawat araw na nagbubukas ako ng aking Yahoo at Gmail, merong mga email na  galing sa mga pinsan ng pinsan ng kaibigan ng lolo ko mula South Africa. No, mali po ang iniisip niyo, hindi po sila yung mga pinsan ng pinsan ng pinsan ng kaibigan ko na nakatira sa Manila Zoo. Sila po ay mga totoong tao na magbibigay saken ng mga kung anu ano, pati na ang mga bagay na di ko na mabanggit dahil di na kailangan pang banggitin at dahil marami ang mga mambabasa ko na wala pa sa tamang pag-iisip...I mean, mga mura pang isipan. Naks, isa ka na dun. Yes, ikaw. Magcomment ka nga, bata. hehe

Meron din akong mga emails galing sa aking mga fans na nasa UK, at maging galing ng India at minsan sa Europe at US of A. Ganun pa man, kahit dumarami sila, hindi po ako natutuwa.

Teka ha, sandali po at oopen ko lang ang aking email…

3, 929 po ang kanilang kabuuang bilang sa ngayon, sa kung anong dahilan at pinutakte nila ang aking account ay sadyang di ko pa lubos na naiintindihan. Hindi ko po kayang idetalye ang mga kahindik-hindik na nilalaman ng kanilang mga email messages, pero ibabahagi ko po ang mga iilan na maaring kayo man din po’y nakaranas or nakatanggap din.

Si Jon Standford na nasa South Africa, hinihingi ang aking account number at detailed info’s at ako’y papadalhan ng pera at kanyang ibabahagi ang yaman na namana niya sa kanyang yumaong ama.

Si Samantha Alfred, nagsasabing ako ay nanalo ng lottery sa aking email ay humingi ng aking address at contact details pati account numbers at ng maideposit ang halos di ko mabilang na zero’s of US dollars.

Si Amber Grissham, na HR Officer ng isang Oil company sa Spain pinapasubmit ako ng resume at credentials para maprocess ang aking pagkahire sa position na angkop na angkop daw sa aking propesyon – Forklift Operator Manager. Anong position yun? Hahaha!

Si Allan na manager ng GE, isang matalik kong kaibigan, nasa UK daw at nagsend ng email na humihiram ng 1000 US Dollars at nagkaron ng aberya sa lakad, at babayaran na lang pagbalik. Napatawag tuloy ako kaagad sa kanya, at ayun, natutulog sa bahay nila sa Khobar. “Ah, akala ko kasi na UK ka.”

Marami pa sila, may mga nagpropromise na palalakasin ako, pahahabain ang mga kung ano-ano, tatanggalin ang bun-i, ap-ap, kulugo at kulubot sa mukha. May mga email ng instant pera at yaman, pati instant hair growth. Meron ring libreng laptop, chat at pati viewing ng mga kung sino-sino at kung ano-ano.

Buti na lang nakafilter kayo, lahat kayo napupunta sa Spam Box, masarap sana ang Spam in Can, pero bakit nga ba SPAM ang ipinangalan?

Nitong mga nakalipas na araw, si Kuya Ramil na halos tatay ko na nagsend ng YM message sa akin at minura ako sa English...Di ko nga alam na marunong pala si Kuya ng mga ganong mura sa English. Isang beses pa at si Bambhi na teacher at kaibigan naming mga Thoughtskoto ay nagsend na view ko daw siya ng hubo’t hubad sa webcam niya. Sa sobrang hinhin at pagkaconservative niya, ayun at 33 na wala pa ring asawa, tapos ganun? Si Donna na nasa Hawaii nagsend na pwede ko daw ba siya padalhan ng load ng Smart Roaming, kahit scratch ko na at pin # na lang ibigay ko sa YM. Si Donna, na nag-aaral ng Hawaii, hihingi ng pangload sa akin? Lahat ng sagot ko, SPAMMER, LOKOHIN MONG LELONG MO!

I have a previous entry about this before...here

and

another about chat here

It’s great that we have the wonderful means to communicate and to reach out, but there are some who take advantage of it so be careful with your password. Don’t just trust anyone or any message, especially if it’s from email or chat. 

©2009 THOUGHTSKOTO

11 comments:

Mrs. Thoughtskoto said...

The worst spam na naencounter ko, nag oofer ng job sa isang 3 star hotel sa England. As long as you are motivated and willing to learn ang qualification. They will call you kahit high school graduate lang and will ask you to send money so they can send you the etch documents for processing your visa requirements.

pero may Spam na masarap... ung nasa lata.

yAnaH said...

ive been receiving those kind of mails din everyday, ignore alng ng ignore.. kung minsan nga poh sa kakaignore ko pati pala kakilala ko na nag eemail eh naiignore ko an rin..ahihihi

mightydacz said...

delete ng delete ng delete lang lol spam sarap from bahrain lol

Loida of the 2L3B's said...

OO nga, nakaka-irritate yung mga spams. Hope the people behind could find something better to do than that.. Have a nice day to you and your family.. care, ate loida

2ngaw said...

hehehe :D Ako ung spammer lolzz

ignore ignore lang, automatic naman na ma delete un pag nasa Spam Box mo...

Sardonyx said...

Hay totoo yan di ko na rin nga pinapansin at nirereport ko na lang as "spam" para mafilter na sila kaya medyo nabawasan na rin ang mga emails ko. Mabuti sana kung ang mga spam na yan ay nakakain at naiuulam sa kanin o kaya napapalaman sa tinapay...hay busog na busog na sana tayo hehehe

Dhianz said...

true!... kaya tlgah sometimes we gotta be careful kung ano ang sinesend nateng info sa mudong internet... hayz there was one time... may guy na kamag-anak koh raw 'ung nag-passed away... and really rich daw galing sa ibang country... and he's a lawyer... kelangan koh lang daw sabihin na kamag-anak akoh so para makuha ang mana or somethin'... and meron syang porsyento don... nde sya basta spam email... nag-rerereply sya kamo... hayz... pero nde koh pinatulan noh... yeah right... malay koh bah kung ano 'un.. at wala akong kilala na kamag-anak nah binanggit nyah.. i dunno kung anong game 'un... pero wala akong binigay na any info.... hello... naalala koh lang kaya napakuwento... laterz... Godbless! -di

mommy ek said...

ako din ive been receiving those kind of messages that they will give me money..a lot of money..nung first time ko naka receive nun akala ko totoo e pro narealize ko wla nman kmeng lahing africano! hehe! and then dun sa ym nman, ngsend ng message ung kachat ko n "you look good in this picture" with a link.cnlick ko nman! ayun virus pla! tsk3

ruphael said...

Akala ko ako lang ang may ganung mga e-mails. Araw-araw may message ako galing ng UK Lottery. Pina-follow up nila kung kailan ko daw maipadala ang mga details ko at isi-send na daw nila ang napalunan kung 1,050,300.00 sterling pound. Ang yaman ko na noh? Bali magkano na 'yun sa peso? Mahigit 100M pesos na..hehe

Francesca said...

meron din ako nyan, 30 a day sa yahoo account. Yung iba, i hire daw kong nanny.

When I told them to send me their work contract, I study it, also salary proposal , They buzz off...

Mga lurkers in the net, to swindle people....

I click spam to have them, get lost, haha.

Ken said...

Mrs.Koto. Hahaha! Very true, may spam na masarap at nasa lata.

Haha, yanah, musta dyan sa city of Pines? maginaw ba? Summer na dagsaan na naman ang tao sa summer capital.

Mightydacz, oy, pag may nabibilhan ka niyan, patext naman ng number o, at ng makatikim din after a year. hehe

Ate Loida, ingat po sa paglilipat. Thanks for dropping by.

Lord CM, nakita ko ang post mo about Trust. nagkapareho tayo pero sau about sa baby girl at father niya which is inspiring.

Miss Sardz, what a thoughtsful post about YM audibles, hahaaha, natawa ako, at naisip ko na oo nga para sa mga mag-on at magfriend ang mga audi na yun.

Dhi, thanks again for coming.Vsit ako dun now sa site mo.

Mommy Ek, hows the spring in Japan!? Whew, sarap talaga tumira sa Japan, marami daw lapad diyan?

Ruphael, balato ha, ang laki ng perang napanalunan mo! hehehe, nakapagtataka lang kasi paano tayo nanalo eh di tayo tumataya?!

Ate Frances, musta ang party. Nakakatuwang isipin na galing pa kayo ng party sa Nice France tapos may comment pa kayo sa blog ko na nasa Saudi. hehehe Thank you!