"Yes, there has been a cry... ...and the deafening 'whispers' of help have rapidly filled the blogosphere! This is a very remarkable act in the Filipino blogging community, worldwide!" - RJ of Australia
Siya po ang nangungulit kay Ms. Twitch na iblog and humingi ng tulong sa mga kababayan, pero nahindian po ni Ms Twitch kasi nahihiya siya. Sa katitibag ni Doc RJ ng wall na bato ni Ms Twitch, at sa marami pang kagaya ni Jen na siyang nagtatake care kay Ms. Twitch sa kasalukuyan at nagsisilbing "call center" at Poging (ilo)Cano na siyang katuwang ni Jen ngayon sa pagmamake sure na okay ang lahat at kay KosaPogi na kahit nasa Canada ay nakikipagcommunicate kay Ms. Twitch para wag bumitaw at maghold on sa halos patong patong na challenges.
Si Prof. Pajay na nag-iinit ang celpon sa katatawag nina Jen at Yanah, at nakikipagcoordinate sa mga nagpapadala sa classroom niya.
It took for me a day and a night to convince Twitch payagan ako magpost ng project na ito
"Don't keep us from doing something that will make a difference"
A few hours after I posted,
I received countless of calls, some honestly pledged help, some monetary and some through blog repost and prayers and wishes.
There are so many people worth to be mentioned but they prefer not to.
"angels in the form of friends..... ang nakakatuwa pa dito.. hindi sila basta mga kaibigan... hindi mo aakalain na matutulungan ka nila... malayo sila sayo... hindi kayo talaga magkakilala and yet... bukal sa loob nilang tumulong... sino ka man.. saan ka man at kung ano man ang kinalalagyan mo ngaun. and for that, isang bonggang-bonggang ROUND OF APPLAUSE para sa inyo fifol! hindi ko ugaling magmention ng names ng mga taong buong pusong tumutulong sakin... dahil alam na naman nila kung sino sila.... i am so thankful... sobrang touch na touch ako sa mga efforts their exerting... goin out of their way to help me in every possible way they can.. kaya super THANK YOU talaga sa inyo..."
- Yanah a.k.a Ms. Twitch
Taken care na po ang flight niya and we are trying to accumulate money para pocket money para kahit papaano makapgsimula sila kasama ang mga anak niya.
Maraming salamat NJ of Desert Aquaforce.
Maraming maraming salamat sa inyo lahat. One by one memention ko po dito sa bahay ko as I update this blog.
©2009 THOUGHTSKOTO
15 comments:
May kaunting paliwanag lang ako tungkol sa unang talata:
Nai-share sa akin ni Ms. Twitch ang kanyang dinadala (naisip ko kaagad na mas mapadaling malutas ang kanyang suliranin kung subukang 'isigaw' ito sa blog), ngunit humiling siyang huwag ko na itong ilabas pa sa ibang mga blogero. Hindi ko na siya kinulit pa, dahil iginalang ko ang kanyang ninanais.
Ako'y natuwa na nakumbinsi niyo po siyang gawin ito rito sa mundo ng pagba-blog Mr. Thoughtskoto. Kahanga-hanga kayo, at ang inyong pamilya. U
Hi Kenji, Thanks for initiating this Blog-Yanah-an (to borrow RJ's new word) drive. Helping in our own little way is the least that we can do.
I give glory to God who made everything possible!
Sure it was a full show of Pinoy Blogger's force especially from the Ka-Blogs family!
Kunin ko po ung logo nyo ng KaBlogs, isa rin akong OFW dito sa Palau...add na rin kita sa BlogRoll ko...
At may tag po pala ako sa inyo :D ... para sana kay Yanah...nasa pahina ko...
tnx for following my blog. :)
God has His own way of touching people.
Kenji/Shiela and Tots: Nice meeting you last night. First time kong makakita ng blogger (in real person). Hehe.
One day let's have a get together lunch or dinner.
mr. thoughtskoto- pasensiya na huli yata ako sa balita, at medyo wala pa po akong masyadong kakilala sa mundo ng blogosphere o blogspot at di ko maintindihan at paano ako mag-uumpisa hehehe, ang hirap magtrace ng mga blogs eh. Ano po ba ngayon ang maitutulong ko kay Yanah sorry di ko pa yata napuntahan ang blog niya o kung napuntahan ko man ay di pa siguro ako nakapagkomento sa blog niya. Ganun pa man, sa ngayon ang maitutulong ko ay panalangin na sana ay nasa mabuti na siyang kalagayan at nawa'y makauwi siya ng maluwalhati. Kung ano pa ang maitutulong ko ay huwag po kayong mahiyang ipagbigay alam sa akin. Salamat sa kusa mong pagtulong at pagblog sa kanya. Iba talaga ang pinoy, may pagkakaisa.
Maraming salamat Doc RJ. Got your message early morning today re Twitch...
Engr. Jethro, the ever Generous NJ, Thank you sau. I know you don't want it to be mentioned pero thank you so much for taking care of Yanah's flight...
Atty Lord CM, kasama po kau sa Thoughtsmoto KABLOGS, and maraming salamat sa pagdisplay ng banner, at paglink sa Project Twitch. Maraming salamat din sa paginitiate ng Prayer for Yanah na kumakalat ngayon sa KABLOGS at sa blogosphere.
Reena, always welcome!
Nebz, I know I've told you this already,but I like your thoughts and blog. What a wonderful man you are. Thank you for your so much for the Project TWITCH!
Ms Sardonyx, a prayer, a blog repost or any kind of help Okay na okay po. Western union pabaon kay Twitch, sobrang okay! hehe
Simpleng Systems Analyst lang ako, malabong mangyari na maging ATTY :D ...
mafih mushqila sadiq.
kulo kwayes!kwayes!kwayes!!!
shokran
you did a very good job mr.kenj..
God Bless you and your family...
galing galing poh kuya Kenji...
maraming salamat poh sa tulong..may Papa God bless you and your family always...:D
Lord CM, ang buong akala ko po kayo ay isang attorney. I stand corrected. Mabuhay po ang taga Palau na mga OFW's!
Mighty Dacz, Mr. Lacoste, maraming salamat. Nakuha ko po ang sobre na iniwan ninyo sa Al Bahar. Magkikita po tayo sa aming munting tahanan isang araw.
Pogi, at di kumukupas na kapogian tinatawagan kita isang araw pero mukhang busy ka. Nag YM na din po ako sa inyo. Salamat po sa info na binigay niyo.
Jen, anong iniisip mo sa profile pic mo at mukhang malayo ang tingin? ah, si Yanah makakauwi na, wala ka ng kasama? tsk tsk, wawa naman.
Salamat po sa inyong lahat mga Kablogs!
ang hirap talaga pag laging nasa site ngayon ang trabaho.. di ako updated sa nangyari...
simula ito ng malawak na unawaan sa blog world...ito ang dahilan kaya tayo nandito para magblog..
ang magpasaya!,mag-pakita ng kakayahang tumulong sa simpleng bagay katumbas ng panalangin at pagbibigay sa suporta...ito ang KABLOGS!...
di man kakilala,pero kinikilala na kaibigan ng lahat...salamat kenji at sa iyong pamilya..humahanga ako sa ganitong pagkakataon.
-----------------------------
to yanah,
alam kong mas lalakas ka ngayon at di naman binibigay satin ang pagsubok kung hindi natin makakaya..lahat may purpose diba,gaya ng pagkakataon nato na marami parin ang may magandang kalooban at maasahan kahit sa simpleng pakikinig at pagdarasal.
Wala na akong masabi. Nasabi na nila lahat sa itaas na "comments". And akin lang ay maka-uwi ng matiwasay at makapiling ang mga mahal sa buhay ng kinaukulan.
very, very nice.
Post a Comment