Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, March 25, 2009

Sikat sa Labas, Bulok sa Loob

"What good is the acquisition of proficient riches, knowledge, beauty and skills if the person doesn't have the values that will enable him/her to use these things well?"

Ako po ay dating technical engineer ng Asia Pacific environmental company sa Metro Manila nuong 2004 bago ako nagdesisyon na mangibang bansa. Isa sa mga ginagawa ko ay ang bumisita sa mga plantang sinusuplayan namin ng mga industrial chemicals and to check and do some testing.

On the way sa Sta. Rosa, Laguna one time ay napapadaan ako sa isang car manufacturing na planta. May mga nagrarally sa labas ng gate ng kumpanya. Isang pagkahaba-habang banner gawa ng sako at pulang tinta ang nakabalandra sa gilid ng kalsada na nagsasabing 
"(insert name of the brand here), sikat sa labas, bulok sa loob!".

This caught my attention and while driving pondered about the meaning.

Actually, that time the car I am driving was exactly the car brand being mentioned.

Pero along the way, and I have shared this relation many times in my write-ups, my blogs, my speeches, my Sunday talks, and lessons, that along the way, mas malalim ang naging meaning.
Merong mga taong kagaya ng isang Boyet Fajardo, sikat na clothes designer na inalipusta daw ang dalawang employee ng Duty Free.

Meron mga taong sikat, iniidolo ng masa, hinahangaan ng mundo, pero walang values, walang modo, walang puso.

Meron mga taong sobrang yaman, pero gahaman. 
Meron mga taong sobrang talino, pero walang respeto. 
Meron mga taong gwapo at gwapa, pero walang asal na maganda.
Meron mga taong magagaling, pero pabaya sa pamilya.

What good is the acquisition of proficient riches, knowledge, beauty and skills if the person doesn't have the values that will enable him/her to use these things well?

Marami akong naging amo, kakilala at kaibigan na maaring maihalintulad ko sa ganyan.
Mabuti pang maging isang simpleng tao, masaya sa pamilya, marunong makisama sa mga kaibigan, tapat at magalang. Mabuti pa ang maging simpleng tao, di man kagandahan o kagwapuhan, basta't marunong makitawa at mag spend ng little time sa pagtotouch ng puso at isipan. Simple lang, pero "rock"...nyehaha!
:)

©2009 THOUGHTSKOTO - Sikat sa labas, simple sa loob...