Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Thursday, September 03, 2020

Kukuha ng Driver's License? Narito ang kompletong Listahan ng mga LTO-Accredited Driving Schools sa Buong Bansa!







Dahil sa dumaraming bilang ng mga aksidente, hinigpitan na ng Land Transportation Office o LTO ang proseso sa pagkuha ng mga driver's license sa buong bansa.

Kasama na sa qualification sa ngayon ang hindi bababa sa 15-oras ng theoretical driving lessons mula sa alinmang LTO-accredited driving schools.

Isa itong mandatory course na napapaloob sa Memorandum Circular No. 2019-21763 at bahagi ng layunin ng LTO na mapataas ang kaalaman ng isang driver at tanging mga aplikante lamang na may kapasidad sa pagmamaneho ang mabibigyan ng lisensiya.



Ads


Sa mga wala namang kakayahang magbayad ng driving lessons mula sa mga pribadong driving schools, maari naman itong ma-avail mula mismo sa LTO sa pamamagitan ng classroom instruction.

Kabilang sa mga itinuturo sa teoritical driving lessons ay ang mga sumusunod; 
  • Basic organization and functions ng LTO
  • Traffic Rules and Regulation, kasama na ang traffic signs at signals
  • Road Crash Reduction
  • Parking Techniques
  • Fuel Conversion
  • Road Courtesy
  • Discipline
  • Defensive Driving

Sa pagtatapos sa kursong ito, kinakailangang kumuha at pumasa ang isang aplikante sa automated exam bago makapag-apply ng driver's license. Ang nasabing exam ay ibibigay sa English, Filipino at pinaka-karaniwang dialect sa mga rehiyon upang makapili ang aplikante ng lengguahe kung san ito komportable at para mas madali niyang maintindihan.

Ads

Sponsored Links

Para sa mga kukuha ng driver's license at naghahanap ng mga LTO-accredited schools para sa kanilang 15-oras na theoretical driving lessons, narito ang kumpletong listahan ng mga driving schools na nagbibigay ng nasabing kurso mula Region 1 hanggang ARMM.




©2020 THOUGHTSKOTO

Pre-registration process ng National ID, sisimulan na sa Oktubre





Dalawang taon matapos naging batas, target ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na masimulan ang pre-registration process ng National ID System sa susunod na buwan bilang paghahanda sa mass registration.

Una ng sinimulan ng PSA ang door-to-door na pre-registration process para sa Philippine Identification System (PhilSys) noong Hulyo na may layuning mapa-ikli ang oras sa mga registration centers.

Sa ilalim ng sistema, kinukuha ang pangalan, edad at iba pang demographic information mula sa mga tahanan habang ang biometrics information naman gaya ng fingerprints, iris scans at front-facing photographs ay kukunin sa apointment date sa mga registration centers.


Ads


Ayon kay acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, simula Oktubre, sisimulan na ang house-to-house pre-registration.

Magkakaroon naman ng appointment systems sa pagpunta sa mga registration centers para sa biometrics. Ito'y upang masunod pa rin ang social distancing requirements at malimitahan ang bilang ng mga taong pipila sa mga registration centers.


Layunin ng National ID system na magkaroon ng valid na proof of identity ang lahat na mga citizens at resident aliens sa bansa sa pamamagitan ng pagkuha ng kani-kanilang mga basic personal information at biometric data.

Suporta umano ito sa layunin ng gobyerno na palakasin ang social protection at financial inclusions. Sa pamamagitan ng formal indentification, matutulungan ang mga low-income families na makapag-bukas ng account sa bangko. Magiging madali at simple din umano ang mga gagawing transaksiyon sa gobyerno.


Ads
Sponsored Links



Target ng PSA na marehistro ang nasa limang milyong household heads ngayong taon habang 40 million katao naman sa susunod na taon.
Posible din umano itong mapadali depende sa quarantine status ng isang lugar.

Una nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na madaliin ang implementasyon ng national ID system na makakatulong sa mabilis na distribution ng emergency cash transfer sa mga low-income at vulnerable household kasabay ng kinakaharap na pandemya.




©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, September 02, 2020

ALAMIN: Mga Dokumentong Kailangan Mo Kung Ikaw Ay Sasakay ng Eroplano sa Ilalim ng 'New Normal'



Kahit limitado, may biyahe na ang mga eroplano sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas o domestic flights at meron na ring mga international flights sa kabila ng coronavirus disease o Covid-19 pandemic.

Sa ngayon tanging mga essential travels o importanteng biyahe pa rin ang pinapayagan sa bansa at ipinagbabawal pa rin ang non-essential o leisure travels. 

Kabilang sa mga pinapayagang makabiyahe ay ang mga stranded individuals, repatriated overseas Filipino workers at mga taong nagtatrabaho sa authorized sectors.

Ads


Kung isa ka sa mga bibyahe ngayong may panahon nga pandemya, dapat alam mo ang mga dokumento o requirements na dapat dalhin upang hindi ma-offload sa eroplano.

Ayon sa Cebu Pacific at Philippine Airlines, may mga pasahero na silang hindi pinahintulutang sumakay ng eroplano dahil sa kakulangan ng mga dokumento na hinihingi ng mga local governments bilang hakbang laban sa Covid-19.

Sinabi naman ni PAL Spokesperson Cielo Villalune, kailangang mag-presenta ng medical certificate at travel pass ang mga pasaherong na-stranded dahil sa lockdown.


Ads

Narito ang ilang dokumentong kinakailangan para sa essential travel:

Locally Stranded Individual (LSI)
  • Identification card (ID)
  • Travel Authority / Pass mula sa Joint Task Force COVID Shield (JTF-CV) ng Philippine National Police o PNP
Mga requirement sa pagkuha ng Travel Authority o Travel Pass:
  • Medical Certificate from DOH-accredited hospital o City or Municipal Health Office
  • Barangay Certification na nagpapatunay na walang Covid-19 symptoms sa loob ng 14 na araw ang pasahero bago ang biyahe nito.
Business Traveler (Authorized Person Outside Residence)
  • Company ID o
  • Anumang official document mula sa kompanya na nagpapaliwanag sa rason ng biyahe nito
Overseas Filipino Worker (OFW)
  • Travel Authority / Pass
  • Negative RT-PCR result
  • Quarantine Certification mula sa DOJ-Bureau of Quarantine
  • Proof of Residence
  • Valid Passport





Sponsored Links

Mariin naman pina-alalahanan ng mga airlines ang mga pasahero na alamin sa local government unit o LGU na pinagmulan  at pupuntahan kung mayroong mga dagdag na requirements o pagbabago.

Maliban pa rito, bawal pa ring bumiyahe ang mga sumusunod, maliban na lamang sa pinahihintulutang sirkumstansiya.

  • Leisure travelers
  • Persons below 21 years old
  • Persons 60 years old and above
  • Pregnant women

Mahigpit na ring pinatutupad sa mga airport sa buong Pilipinas ang mandatory na pagsusuot ng face mask at face shield gayundin sa loob ng eroplano.

Maaring i-check sa mga link sa ibaba ang dagdag na impormasyon ukol sa mga requirements na kinakailangan para sa inyong flights.

Cebu Pacific (Travel Documents Requirement's Tab)

Para sa mga pasahero ng Philippine Airlines o PAL, maaaring i-access ang PAL Passenger Profile and Health Declaration (PPHD) online form sa pamamagitan ng link https://bit.ly/PALDomPPHD

Maaring magpa-rehistro, tatlong araw bago ang biyahe at i-save ang confirmation email na may QR Code na kailangang i-presenta sa pag-check-in kasama na ang iba pang health and travel documents.


©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, September 01, 2020

Pres. Duterte: Mga anak ng mga OFW na nasa kolehiyo, makakatanggap ng tig-P30,000





ISA ang sektor ng mga Overseas Filipino Workers o OFW na labis na naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 o Covid-19. Dahil sa nasabing pandemic, maraming mga OFWs ang nawalan ng trabaho, na-stranded, may mga napa-uwi at may mga namatay.

Dahil dito, inanunsiyo ng Malacañang na magbibigay ang gobyerno ng one-time grant na P30,000 bilang educational assistance sa mga kolehiyong anak ng mga OFWs.


Ads


Mismo si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-nunsyo ng nasabing tulong sa isang televised briefing mula sa Malacañang.

Ngunit nilinaw ng pangulo na ang nasabing tulong ay para lamang sa mga college students na anak ng mga OFWs na na-dispaced, hindi nakabalik sa abroad, napa-uwi o namatay dahil sa coronavirus pandemic.

Ang nasabing subsidy ay ibibigay sa mga qualified beneficiaries na naka-enroll o magpapa-enroll sa state o local university o kolehiyo gayundin sa iba pang mga private higher education institutions na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED) para sa school year 2020-2021.




Ads

Maglalaan ang gobyerno ng P1 billion para sa nasabing programa at tinatayang nasa 33,000 college student ang makaka-benipisyo.

"Ang tulong po sa edukasyon sa mga anak niyo nito is a one-time grant of P30,000. The project will be allotted with the amount of P1 billion which will benefit about 33,000 students from OFW families,” ayon sa pangulo.

Ang nasabing subsidy ay proyekto sa ilalim ng CHED at United Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) sa pakikipag-tulungan ng Department of Labor and Employment.

Para sa pahayag ng pangulo ukol sa financial assistance sa mga college students na mga anak ng mga OFW, panoorin ang video na nasa ibaba o maaring i-skip sa bandang hulihan.


Sponsored Links



Noong Mayo, una nang umapela si Pangulong Duterte sa mga paaralan na bigyan ng installment payment option ang mga anak ng mga OFWs.

Napag-alam na higit sa 124,000 na ang bilang ng mga OFWs na napauwi ng Department of Foreign Affairs o DFA dahil sa coronavirus pandemic.

Inatasan din nito ang Land Bank of the Philippines na magbigay ng "study-now-pay-later" loan para sa tuition at iba pang mga bayarin ng mga karapat-dapat na mga estudyante.

“For those who have really nothing to come up to sa bayaran (in paying tuition), we have the Land Bank and kindly listen to rules kasi itong Land Bank, bubuksan namin and you can borrow money to finance the education of your children,” dagdag pa ng pangulo.

Sa ngayon, nag-aalok na ang Land Bank ng "study-now-play-later" loan para sa tuition at iba pang enrollment-related fees ng mga karapat-dapat na mag-aaral.


©2020 THOUGHTSKOTO

10 - Year Driver's License ng LTO, ilalabas na; Qualified Ka Ba?



MULA sa limang taong validity ng driver's license, inihayag ngayon ng Land Transporation Office (LTO) na ilalabas nila simula Oktubre sa susunod na taon ang mga driver's license na may 10-taong validity.

Ads


Ngunit nilinaw ni LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante na hindi ito para sa lahat sa halip, para lamang sa mga drivers na may "good standing" o walang record ng anumang uri ng paglabag sa Republic Act 10930 o Land Transportation and Traffic Code o sa iba pang traffic laws, rules and regulations.

Nilinaw din ng ahensiya na ang lisensiyang may 10-taong validity ay para lamang sa mga renewing licenses at hindi para sa mga bagong non-professional at proffesional driver's license na mananatiling may limang taong validity.

Ayon sa LTO, bawat paglabag ng isang driver sa Land Transportation and Traffic Code o sa iba pang traffic laws, rules and regulation ay kabawan sa kanyang tsansang magkaroon ng lisensiyang may 10 taong bisa.
"Yung pagpapalawig ng ating lisensya hanggang 10 years, mangyayari ito starting October 2021 pero hindi lahat ng drivers license possessor ay makaka-enjoy nitong 10-year validity ng license lalo na kung mayroon siyang demerit point" ayon kay Galvante.

Ads

Sponsored Links



Ang Demerit System ay ipinatupad ng LTO simula noong 2019 bilang bahagi ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 10930 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 na nagpapalawig sa validity ng driver's license.

Sa ilalim ng sistema, may classification ang mga violation ng isang driver, depende sa bigat nito; 
light — one demerit point
less grave — three demerit point
grave — five demerit point

Sa ilalim ng IRR,  itinuturing na grave violation ang pagmamaneho ng sasakyan para sa isang krimen, pagmamaneho sa isang colurom na sasakyan, pagmamanehong naka-droga o naka-inum at iba pa.

Less grave violation naman ang mga pangalawang paglabag (second offense) sa mga driving laws, parking and obstruction violations at mga paglabag sa mga local ordinances.

Light violations naman ang mga first-time offenses sa mga driving regulations and minor traffic offenses.

Dagdag pa ni Galvante na makikita sa system ng ahensiya kung ilan ang demerit points ng isang driver sakaling magre-renew na ito ng lisensiya.
Sinabi pa ng opisyal na magsisilbing insentibo sa mga drivers na striktong sumusunod sa mga traffic laws and regulation ang "premium" driver's license na may 10 - taong validity o mula 2021 hanggang Oktubre 2031.

Umaasa din ang LTO na makakatulong ito upang maiwasan ang mga road crashers at mga traffic accidents na nagiging sanhi ng pagkasugat o pagkamatay ng mga tao.

©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, August 17, 2020

ALAMIN: Bagong Strain ng Coronavirus na Nakita sa Bansa, Mas Nakahahawa Nga Ba?

Isang bagong strain ng coronavirus ang nakita kamakailan sa Pilipinas at pinaniniwalaang mas nakahahawa ito kaysa sa unang klase ng virus na nakapasok sa bansa. 

Ads

Ayon sa unang SARS-CoV-2 bulletin na inilabas kamakailan ng Philippine Genome Center (PGC), ang presensya ng D614G o ng “G” variant--na itinuturing na “globally dominant form of SARS-CoV-2”--ay nakita kamakailan sa isang small sample ng positive cases mula sa Quezon City.

“Together with the observation that G614 is now the dominant viral state, the authors claim that the said mutation can increase the viral rate of transmission,” saad ng PGC.
Ads

Sponsored Links


Wika ng infectious diseases expert na si Dr. Edsel Salvana, ang pagtaas ng bilang ng apektado ng virus noong nakaraang Hulyo ay maaaring bunsod na rin kahit papaano ng G variant; bagama't hindi pa ito namamataan sa anumang sample na nasa bansa.

“The D614G mutation makes the virus more infectious....It can spread faster and overwhelm our healthcare system if we don't double our control efforts and so it can lead to a higher number of overall deaths,” aniya.

Naobserbahan din kamakailan ng mga researcher sa Scripps Research, United States na ang G variant ang dahilan ng "increased number of spikes that characterize SARS-CoV-2".

Gayunman, masyado pa raw maaga para sabihin na mas madaling nakahahawa ang bagong strain na ito.

“However, there is still no definitive evidence showing that carriers of the G614 variant are actually more transmissible… and the mutation does not appear to substantially affect clinical outcomes as well,” paliwanag ng grupo ng eksperto. “Nevertheless, considering the presently wide geographic spread of G614, continuous monitoring of the said mutation… must be done in order to better understand the evolutionary trajectory of SARS-CoV-2 to inform containment, diagnostic, and therapeutic strategies."

Sunday, August 16, 2020

GOOD NEWS! Free Annual Medical Checkup Act, Aprubado na sa Kamara

Sa gitna ng patuloy na paglala ng pandemya sa loob at labas ng bansa, inaprubahan sa House Committee on Health ang isang panukalang batas na may kinalaman sa kalusugan: ang substitute House Bill 4093 na naglalayong bigyan ng libreng taunang medical checkup ang mga Pilipino.

Ads

Sa isang virtual hearing na ginanap kamakailan, inaprubahan na ng komite ang ang Free Annual Medical Checkup Act na iniakda ni Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor.

"The recently-passed Universal Health Care Law highlights the importance of primary healthcare in promoting the health and wellness of the Filipino people," saad ni Defensor tungkol sa kanyang isinusulong na panukala, ayon sa ulat ng GMA News. "One of the aspects of primary healthcare is preventive care under which medical checkups fall and includes physical examinations and diagnostic tests."
Ads

Sponsored Links


Sa unang version ng nasabing panukala, iminungkahi ang free annual medical checkup ang diagnostic and laboratory tests para sa complete blood count, urinalysis, stool analysis, chest x-ray, at kumpletong physical exam.

Gayunman, pagkatapos ng deliberasyon ng technical working group, napagdesisyunan na limitahan lamang ang libreng checkup sa pagsusuri sa blood sugar at total cholesterol level. Ani Defensor, puwede pa naman itong mas palawakin pa sa kalaunan--depende sa kapasidad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). 

Paliwanag niya, "We look at the expense of these two tests per person to be covered to be less than P500 which can be expanded depending on the capability of the agency in the future," paliwanag niya.


Ayon sa mambabatas, naniniwala siya na malaki ang maitutulong ng ganitong klase ng pagsusuri sa kalusugan para mabawasan ang mga pumapanaw sa sakit, gayundin ang gastos sa pagpapagamot sapagkat sa una pa lang ay maaagapan na ang pagkakaroon ng karamdaman.

"In the long run, our small initial investment in giving free annual testing for blood sugar and cholesterol levels would mean less expenses for the government in the future," dagdag pa niya.

Pagkatapos aprubahan, dadalhin sa plenaryo ang panukala para muling talakayin at aprubahan. Inaasahan na maaprubahan din ang katulad na bersiyon nito sa Senado, bago ganap na maging batas.

Monday, August 10, 2020

SOLUSYON SA WAKAS? DFA, Positibo sa Alok ng Russia na Mag-supply ng Coronavirus Vaccines sa Pilipinas

Matapos ianunsyo ang kanilang "safe" at "effective" antidote, inialok ng Russia sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine nito--at positibo naman ang tugon ng nahuli sa mungkahing ito. 

Ads



Sa isang press briefing kamakailan, sinabi ni Russian Ambassador Igor Khovaev na layunin nilang magsagawa ng clinical trials at magtayo ng vaccine production hub sa Pilipinas kung aaprubahan ito ng gobyerno.

"We are ready to combine our efforts, we are ready to make the necessary investments with our Filipino partners and we are ready to share our technologies simply because we want to build a robust partnership between our two nations," ani Khovaev.

Pagpapatuloy niya, hindi sila nangangako, kung 'di nagbibigay ng mungkahi base sa kung ano ang alam nila at kung ano na ang kanilang nagawa. 

Ads

Sponsored Links
Wika ng opisyal, sa kasalukuyan ay maganda ang itinatakbo ng series of trials na isinasagawa ng grupo ng volunteers sa Russia.

"We don't make promises. We make suggestions based on what we already know and what we have done," aniya. "We already have the vaccine so all necessary bureaucratic procedures in order to get an official administrative approval might be completed until mid-August. The vaccine is effective and safe."

Positibo naman ang tugon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing proposal.

“The DFA conveys its appreciation for Russia’s willingness to assist the Philippines in its fight against COVID-19, as well as its offer to supply the SARS-COV-2 vaccine developed by N.F. Gamaleya of the Ministry of Health of the Russian Federation,” saad nito sa isang statement.

Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa bakuna na idine-develop ngayon ng Russia:
©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, August 08, 2020

'Para sa SSS, PhilHealth, atbp': Mga Paraan Upang Mapalitan ang Nawala o Nasirang Lisensya, Government IDs

Madalas isama sa bilang ng requirements ang lisensya at iba pang government identification (ID) cards katulad ng Social Security System (SSS) ID at Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) card kung kaya dapat lamang na ingatan ito ng mga nagmamay-ari nito. Gayunman, paano kung sa kabila ng labis na pag-iingat ay mawala pa rin ito o hindi kaya ay masira?

Alamin kung ano-ano ang mga hakbang na dapat gawin upang makakuha muli ng mga ito matapos mawala o masira.

Ads

Driver’s Licenses Replacement
Para mga nangangailangan ng kapalit ng kanilang nasira o nawalang lisensya (Student Permit, Professional Driver’s License, Non-Professional Driver’s License, o Conductor License), kailangan nilang magtungo sa Land Transportation Office dala ang kanilang Application for Driver’s License, Proof of Identity, at Affidavit of Loss.

Una, kailangan nilang pumunta sa Customer Service Counter para makakuha ng checklist of requirements at ng Driver’s License Application Form. Dito rin nila kukunin ang kanilang numero at hihintayin na matawag ito.

Kapag natawag na ang kanilang numero, maaari na silang pumunta sa evaluator counter upang ipasa ang mga dokumentong kailangan. Kasunod nito ay ang pagtungo nila sa Photo Taking/Signature Area. Pagkatapos nito ay kailangan nilang pumunta sa cashier upang magbaya at makuha ang kanilang Official Receipt.

Panghuli, kailangan nilang dumiretso sa  Releasing Counter at iprisinta ang Official Receipt na hawak nila at kuhanin ang kanilang Card Type License. 
Ads

Sponsored Links

SSS ID Replacement
Sa SSS ID naman, kailangan ang apat na kopya ng SSS Form E-6, Affidavit of Loss, dalawang Valid ID’s, SSS Form R-6, at P200 para sa replacement fee.

Una, kailangang sagutan ang Application for Social Security ID E-6 form. Pagkatapos nito, maaari nang kumuha ng transaction number at hintayin na mag-flash ito sa screen kasama ang numero ng counter na dapat puntahan.

Sa nasabing counter ipiprisinta ang mga dokumentong kailangang ipasa. Kasunod nito ay ang pagpunta sa payment window para bayaran ang replacement fee.

Pagkatapos magbayad, magpakuha ng litrato sa ID capture room; kung saan iva-validate din ng opisyal ng ahensya ang ang mga impormasyong ibinigay mo. 

Pagkalipas ng dalawa hanggang tatlong buwan, ipadadala ang iyong SSS ID sa address na inilagay mo.

PhilHealth Card Replacement
Para naman sa mga nawalan o nasira ang PhilHealth Card, kailangang pumunta sa kanilang PhilHealth Regional Office dala ang isang valid ID.

Kailangan lamang niyang mag-request ng replacement sa PhilHealth officer na naroroon upang ma-process ang iyong application. MAghintay lamang ng 15 to 30 minutes para makuha ang inyong PhillHealth Card

Thursday, August 06, 2020

SOLUSYON SA COVID? Avigan Tablets Mula sa Japan Dumating na sa Pilipinas

Bilang bahagi ng emergency grant aid nito sa mga bansang malaki ang problemang kinahaharap ngayon bunsod ng pandemya, nagpadala ang Japan ng Avigan tablets para sa 100 COVID-19 patients sa Pilipinas.
Ads

Ayon statement mula sa  Japanese Embassy sa Manila, nakarating na sa Department of Health (DOH) ang Japan-made anti-flu drug na Avigan; kamakailan lamang ay nakapukaw ng interes ng maraming bansa dahil sa potensyal nito na pumigil ng viral replication, kahit pa ang bisa nito kontra sa COVID-19 ay kasalukuyan pang tinitingnan.

“The Government of Japan delivered Avigan tablets for 100 patients to the Philippine Department of Health on August 6, 2020 as part of its emergency grant aid to countries severely affected by COVID-19,” saad ng embahada.
 
Ads

Sponsored Links
“Japan-made anti-flu drug Avigan has drawn interest from many countries for its potential to prevent viral replication, even as its effectiveness against the novel coronavirus is yet to be established," pagpapatuloy nito.

Avigan: Clinical Research

Bilang tugon sa mga request ng mula sa international community, nakipag-ugnayan ang Japan sa iba't ibang bansa--kabilang na ang Pilipinas--upang mas mapalawak pa ang pananaliksik nito na may kinalaman sa paggamit ng Avigan bilang lunas sa mga nakahahawang sakit.
“In response to the requests received from the international community, Japan has formed close cooperation with several countries, including the Philippines, to expand clinical research on Avigan as treatment for this infectious disease,” saad ng statement.

“Each recipient government has acknowledged of Avigan’s proper usage and prescription in view of its known adverse side effects,” dagdag pa nito.

Umaasa raw ang Japan na makatutulong ang pakikipag-isa nito sa Pilipinas sa layuning makatuklas ng paraan upang mapahinto na ang COVID-19 pandemic.

“Japan hopes that this ongoing cooperation with the Philippines would further contribute to the advancement of clinical research to contain the COVID-19 pandemic,” wika nito.