Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Sunday, February 16, 2020

Pagkuha ng lisensya sa Pinas, hihigpitan na; 15 hours of training, kailanganin

Matapos makakuha ng bagong impormasyon tungkol sa dami ng naitalang paglabag sa batas-trapiko, magiging mas mahigpit na raw ang Land Transportation Office (LTO) sa mga nais kumukuha ng lisensya.
Ads

Ayon sa LTO, bago makakuha ng student's permit ang isang aspiring driver ay kakailangan muna nitong magkaroon ng 15 oras ng training mula sa isang accredited driving school. Itong naging plano ng ahensya matapos makita ang recent statistics na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa datos mula sa MMDA, mga 12,000 na tsuper sa Metro Manila ang nagkaroon ng hindi bababa sa tatlong traffic violations. Bukod pa rito, ang pinakamatinding kaso raw na naitala ay ang sa isang bus driver na nakagawa ng lampas 500 violations simula noong 2005.  

Balak ng LTO na ipatupad ang additional requirement para sa mga student driver simula sa darating na Abril.  
Ads




Sponsored Links


Sang-ayon sa planong ito ang mga social media user na naniniwalang masyado nang maraming pinsala ang idinulot at mga buhay na nawala dahil sa mga aksidenteng bunsod ng kapabayaan ng mga nagmamaneho. May mga hindi naman sang-ayon at nagsabi na hindi sapat kung sa student drivers lamang ang pagtutuunan ng pansin.

"I agree," sabi ni Allan C. Dugenio. "Dapat noon pa. Marami nang nasayang na buhay dahil sa kapabayaan ng mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan, lalo na ng mga jeep, bus, at truck. Sana hindi lang ngayon maghigpit kung 'di hanggang sa huling henerasyon."

"Higpitan ang pagkuha ng lisensya, actual at written test. Pati 'yong nag-approve sa kanya ng LTO, at 'yong nanghuhuli ay may pananagutan din. First offense, light violation, multa at seminar ulit. Second offense, six months suspension. Third offense, revocation of drivers license," wika ni Reynaldo Mendiola.

"Dapat kasi gayahin n'yo ang systema sa ibang bansa may points system ang violations. Kapag beating the red light o counterflow, pinakamataas ang points. Kapag lumampas sa limit ang violations ng driver in one year, hindi na mare-renew o automatic cancel ang lisensya. 'Di 'yong mga student permit pag-iinitan nyo," ani Ray Mun.


Other news:

©2019 THOUGHTSKOTO

No comments: