Marami ang nababahala sa bagong tuklas na 2019 novel coronavirus - acute respiratory disease (2019-nCoV-ARD), pero ano nga ba ang sakit na ito, saan ito galing at mapipigilan pa ba ang paglaganap nito sa iba't-ibang bahagi ng mundo? Narito ang ilan sa mga tanong at kasagutan ukol sa virus na nagmula sa China.
Ads
1. Ano ang coronavirus at mga sintomas nito?
Nagmula sa malaking pamilya ng mga virus ang coronavirus na madalas umaatake sa respiratory system. Nagmula ang pangalan nito sa Latin word corona, na ang ibig sabihin ay "crown" dahil sa tila koronang nakapalibot sa nasabing mga virus. Kabilang sa pinaka-apektadong mga hayop ng nasabing virus ay ang mga panike, pusa at mga ibon.
Pitong virus lamang mula sa pamilya ng coronavirus ang napatunayang nakakahawa sa mga tawo at kinabibilangan ito ng 2019-nCoV, SARS at MERS.
Ang SARS ay pinaniniwalaang nagmula sa mga panike papunta sa mga civet cats papunta sa tao sa Chinal. Mula naman sa mga paniki papunta sa mga camels papunta sa tao ang sa Middle East ang MERS habang wala pang nakaka-alam kung saan nangggaling ang 2019 nCoV.
Sa ngayon, pinaniniwalaang nagmula ito sa mga hayop sa Wuhan, China ngunit patuloy pa na pinag-aaralan ng mga researchers ang totoong pinagmulan nito.
Ano ang mga sintomas?
Lagnat, ubo, at hirap sa pag-hinga. Ito ang sintomas ng karamihan sa mga pasyenteng nahawa sa 2019-nCoV ayon sa Centers for Disease Control and Prevention.
Ngunit sa mas detalyadong ulat nga The Lancet, pinaka-karaniwang sintomas ng sakit ay lagnat, ubo, pananakit ng mga kalamnan, diarrhea at ubong may plema o dugo ang nakitang sintomas sa unang 41 pasyenteng kumpermadong may 2019 nCoV sa Wuhan.
Nakitaan din ng pneumonia at abnormalidad sa kanilang mga baga ang mga pasyente ayon na rin sa CT scan.
Ngunit sa ngayon, may mga kaso na rin na nakapagtala lamang ng mild symptoms, gaya ng apat na mga kaso sa southern Germany. May mga ebidensiya rin ng asymptomatic cases — kaso na walang sintomas.
Ads
2. Paano kumalat ang mga coronavirus?
Wala pang nakaka-alam at patuloy na pinag-aaralan kung paano talaga kumakalat ang 2019-nCoV, ngunit ayon sa datus kung paano kumakalat ang MERS, SARS at iba pang respiratory viruses mula tao sa tao, madalas sa pamamagitan ito ng droplets mula sa pag-ubo o pagbahing.
Sakaling umubo o bumahing ang isang infected na tao at umabot sa ilong, mata o bibig ng ibang tao ang droplets nito, maari niyang maipasa ang virus ayon kay Jennifer Nuzzo, an infectious disease expert and senior scholar at the Johns Hopkins Center for Health Security.
May bihirang pagkakataon din na nakukuha ang respiratory disease sa pamamagitan ng paghawak sa mga droplets na dumikit sa mga bagay-bagay — at pag-hawak sa bibig, mata at ilong. Ito ang dahilan kung bakit napaka-importante ng hand-washing sa lahat na oras lalo na sa panahon ng outbreak.
Sponsored Links
3. Dapat pa ba akong mag-travel habang may outbreak?
Nagpalabas na ng pinaka-mataas na travel alert sa China ang CDC at US State Department at pinayuhan ang kanilang mga citizen na iwasan ang pagpunta sa nabanggit na bansa sa ngayon.
Maliban sa posibilidad na mahawa sa bagong virus, napakaraming airlines na din ang nag-kansela ng flights papuntang China dahil sa bumabang demand. Hindi rin nakakatuwang ma-stuck sa China at sumailalim sa dagdag na screening sa iyong pag-uwi sa bansang pinanggalingan.
Ngunit ayon kay Isaac Bogoch, professor sa University of Toronto, napaka-baba ng tsansang mahawa sa infection sa labas ng Hubei o labas ng China.
4. Nag-aalala pa rin ako tungkol sa bagong coronavirus. Ano ang dapat kong gawin upang maprotektahan ang sarili? Makakatulong ba ang paggamit ng mask?
Ayon sa mga health experts, walang magandang patunay na sumusuporta sa paggamit ng face mask upang maka-iwas sa sakit sa pangkalahatan.
Makakatulong lamang ang facemask sa mga taong may nararamdaman ng respirartory infection at nais na limitahan ang posibilidad na makahawa ito sa iba. Malaking tulong din ito sa mga nagtatrabaho sa ospital at may mga direktang contact sa mga taong may respiratory illnesses.
Ayon sa CDC's National Center for Immunization and Respiratory Diseases, hindi kumakalat ang virus sa pangkalahatan. Sa kabila nito marami pa rin ang nagtatago ng mga face mask sa maling rason.
Dagdag pa ng CDC na paghugas ng kamay, pagtakip ng bibig kung umuubo at pangangalaga sa sarili pa rin ang pinaka-mabisang paraan upang maka-iwas sa sakit.
5. Paano naman ang mga taong carrier ng virus ngunit huling lumabas ang mga sintomas? Nakakabahala rin ba ito?
Sa Germany naiulat na maaring maipasa ang virus bago pa man lumabas ang sintomas nito. Enero 27 ng ma-identify ang outbreak sa Bavaria kung saan isang German businessman ang na-diagnose. Nagkaroon ito ng meeting sa isang babaeng kasama sa trabaho at kababalik lamang mula sa Shanghai at may dalang virus ngunit hindi niya ito alam.
Lumabas lamang umano ang sintomas sa babae gaya ng lagnat at ubo matapos itong umalis sa Germany at ilang araw matapos ang meeting sa nasabing negosyante. Dahil dito, pinaniniwalaang naipasa ng babae ang virus sa lalaki bago pa man nito nalaman na may sakit na siya. Enero 28, tatlong kasamahan pa sa trabaho ng negosyante ang na-diagnose na may virus.
Dahil dito lumalabas sa pag-aaral na maaring maging source ng 2019 nCoV ang asymptomatic persons ngunit gaya ng mga German patients, napaka-mild lamang umano ng infection na nakuha ng mga ito.
6. Nangangahulugan bang maging isang deadly pandemic ang coronavirus matapos itong ideneklara ng WHO bilang global health emergency?
Hindi nangangahulugang maging isang deadly pandemic o marami ang mamamatay sa buong mundo matapos ideneklara ng WHO ang coronavirus bilang “public health emergency of international concern,” o PHEIC.
Sa halip isang political tool ang PHEIC upang mapigilan ang pandemic dahil binibigyan nito ng kaukulang atensiyon ang isang seryosong sakit na nagbabanta. Sa pamamagitan ng deklarasyon, nabibigyan din ng kaukulang impormasyon ang mga bansa kung paano harapin at mapigilan ang paglaganap ng sakit.
Malinaw ang pahayag ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na mas nababahala ang ahensiya sa pinsalang maaring iwan ng virus sa mga bansang may mahinang health system, dahilan kung bakit ito nananawagan ng tulong sa international community.
7. Kasama ba ang aming lugar sa posibleng magkaroon ng outbreak?
Ayon sa pag-aaral ng mga researchers mula sa University of Oxford, University of Toronto, at London School of Medicine and Tropical Hygiene, ang East Asia at Southeast Asia ang may pinaka-malaking risgo sa sakit. Ito ay ayon sa 2019 data mula sa International Air Transport Association kung saan inalam ang mga lungsod sa China na pinuntahan ng nasa 100,000 airline passengers mula sa Wuhan mula Pebrero hanggang Abril.
Hindi rin umano dapat ikagulat kung may maraming kaso na maiuulat sa Europa o US, ngunit ang East Asia at Southeast Asia ang magiging sentro ng napakaraming bilang ng infections.
Narito ang 15 mga lugar sa top 50 destinations na posibleng magka-outbreak. Sa pamamagitan ng Infectious Disease Vulnerability Index (IDVI), sinusukat ang kakayahan ng isang bansa sa pangangasiwa nito sa mga nakakahawang sakit. (Scores closer to zero mean they’re less prepared.)
8. Kailan ito matatapos?
Maraming paraan na maaring maging dahilan upang matapos ang outbreak. Una ang public health measures kung saan mabilis ang pag-identify sa mga taong infected at agad na ina-isolate. Sa pamamagitan nito, mapipigilan ang pagkalat ng coronavirus. Ito rin ang pumigil sa pagkalat ng SARS noong 2003.
Dahil isang zoonotic disease ang coronavirus, o sakit mula sa mga hayop, makakatulong din ng malaki kung agad na makikita o malalaman ang totoong pinanggalingan ng virus.
Malaking tulong din sakaling may ma-imbento agad na bakuna o anti-viral upang mapigilan ang epidemya ngunit posibleng aabutin ito ng ilang taon.
Sa huli, may posibilidad din na kusang mamamatay lamang ang virus kung wala ng mga taong madaling kapitan ng sakit.
©2019 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment