Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng overseas Filipino woprkers na nagtatrabaho sa saudi Arabia na maging alerto kasunod ng pag-atake sa isang malaking pasilidad ng langis doon.
“The overall situation in the aforementioned areas and other parts of the Kingdom is normal; hence, the Filipino community is advised to remain calm but vigilant,”pahayag ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia.
Gayunpaman patuloy na pinag-iingat ang mga Pilipino doon sa anumang posibleng maging sitwasyon.
“Sa ating mga kababayan sa Kingdom Saudi Arabia, ibayong pag-iingat at pagmamatyag ang kinakailangan,” ani DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Arriola.
Ads
Sponsored Links
Inako ng grupong Houthi Militia ng Yemen ang naganap na pag-atake.
Inaasahang malaking epekto ang idudulot nito sa kalakalan ng langis sa buong mundo.
Tinatayang may nasa 2.3 milyong OFW ang kasalukuyang nagtatrabaho sa ibat-ibang panig ng Saudi Arabia.
©2019 THOUGHTSKOTO