Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Saturday, March 14, 2009

HONEST PLEAD - Project HELP TWITCH


Pakiclick po ng photo para sa mas malinaw na larawan at detalye.


Bilang tagapamahala ng Ka-Blogs, tungkulin ko pong magpost ng isang bagay na may hangad na marangal, at makatulong sa kapwa ko. Hindi ko man po ninanais gawin ang bagay na ito pero kung kinakailangan para sa mas mataas at marangal na dahilan, gagawin ko. Husgahan niyo na po ako, at ang aking pamilya, pero ang hangad po nami'y makakatulong sa halos nawawalan ng pag-asang ina na nasa Abroad. Real Life. Real Stories.

Meron pong isang Ka-Blogs na binabagyo ng trials at challenges ngayon…kung palagi po kau sa blog ko kilala niyo po siya. Matindi po ang paki-usap ko sa kanya na  magbloblog ako about this project kasi di ko nap o alam ang way para mareach ang mga network ko at friends ko, although I will also circulate this email. Isa sa mga isinaalang alang ko bago ako humingi ng permission ay baka nahihiya siya pero may mga mas importante at napakahalagang bagay na mas nakakahigit sa hiya for her sa panahon ngayon.

I will go straight sa pinakapoint.

-          Nasa Dubai sia working for nearly a year.

-          Pauwi sia gawa ng global crisis at nawalan ng trabaho

-          Pauwi na sia at naghanap ng way para makadiscount, bumili ng ticket at the next day ang flight ng malaman na peke pala ang ticket niya at ang binilhan niya ng ticket ay hindi na employed sa travel agency na yun

-          Ang mga anak niya (3 kids, 5, 2 and the just turn 1 year old, ituturn-over ng nag-aalaga sa DSWD opt for adoption kapag di sia nakauwi sa takdang date, next week)

-          Airline cost is 1500 Dirhams or Saudi Riyal until March 17, after that  1900 na po.

 

We are asking for your kind help and emotional and financial support and prayers. The Thoughtskoto family ay may sponsored project exclusively para makapagpurchase ang isang Ka-Blogs ng plane ticket, makauwi at makuha ang mga anak niya.

Ito po ang mga Listahan at photo ng mga TV SERIES,

 

meron po kasi kaming original na mga copy ng mga ito, at bibigyan namin kayo ng kopya with subtitle kapag bumili kayo nito at ang lahat ng proceeds mapupunta kay Twitch na account.

For more info pwede niyo pong kontakin at YM si Twitch (pati na rin pagbigay ng code ng Western Union Deposits and donations) or tawagan niyo po ako sa (+966)56-367-7487

or YM niyo rin po ako

Ito po ay isang kawang gawa, public service ng Thoughtskoto sa isang batang ina na walang hangad kundi mabigyan ng maaya ayang kinabukasan ang mga anak, at kabayan na nangangailangan ng tulong. Sana po’y matulungan niyo siya, at ang project na ito sa pamamagitan ng pagpakalat ng copy sa email or sa mga kaibigan.


(Maraming maraming salamat po sa very positive na response ninyo. Hinding hindi po makakalimutan ni Ms. Twitch ang inyong tulong. Today, I am truly proud to be a Filipino Expats/OFW blogger, nagdadamayan kahit saang sulok ng mundo)


Let us leave you a quote that will surely touch your hearts.

"Love is one of the chief characteristics of Deity, and ought to be manifested by those who aspire to be the sons/daughters of God. A man filled with the love of God, is not content with blessing his family alone, but ranges through the 'lives of others'..." 

 ©2009 THOUGHTSKOTO

20 comments:

Kosa said...

sumasaludo ako sayo parekoy!!!

EǝʞsuǝJ said...

ahh..eto pala yung nasagap kong balita..

salamat poh kuya kenji para sa tulong na gingawa mo para kei biiba...
May Papa God bless you and your family!:)

Anonymous said...

I prefer Western Union deposit. Mas madali para sa akin. Kay Ms. Twitch po ba diretso ipapadala o sa inyo, Mr. Thoughtskoto?

NJ Abad said...

Kenj, I'll get in touch with you on your mobile phone later today.

This is what we call "bloggers in action!"

Hope we can beat the deadline!

Ken said...

Anonymous, diritso na po kay Ms. Twitch. You can YM her or email us, kenjishiela at gmail dot com for the info kung sa account nino at contact info, I have link her YM and wo;; try to put on more infos para makeep in touch sia kasi nawala daw ang celpon niya

poging (ilo)CANO said...

nice idea mr. kenj. saludo ako sayo!

salamat po sa tulong niyo para kay bibba.

God Bless..

The Pope said...

Kapuri-puri ang kagandahang loob na iyong ginagawa kaibigang Kenji, at nawa'y tumugon ang nakararami nating mga Pinoy blogger sa panawagan mo sa maagang pagtulong.

Sa mga kaibigang Pinoy-Blogger na nakahandang magbigay ng tulong pinansyal ay ngaun ang tamang panahon upang ipakita ang ating pagdamay. Sama-sama nating idalangin ang maagang pag-uwi ng ating kapatid at mapayapang mabigyan ng solusyon ang kanyang mga suliranin sa Pilipinas.

Nebz said...

Mr Kenji, Natouch ako sa post mo and I'm proud of your efforts. Sige, I'll get in touch with you tomorrow para sa munting tulong ko kay Twitch.

mightydacz said...

okidoki mr kenj no problem email kita

PaJAY said...

ang unang nagkumento ay astig!...lolz...


kay Jen nyo na padala..yun ang alam ko...hehehehehe

Good Job parekoy..

Ken said...

nagpapasalamat kami sa mga mabubuting loob na tumutulong kay Ms. Twitch kay Jethro, Nebz, Pajay, Dacs, James, at sa marami pang iba (nagkausap po kaming lahat a few hours lang ang nakalipas).

Good news po na may isang ka-blogs na magdodonate ng plane ticket from his mileage points. Magkikita-kita pa rin po ang mga taga Eastern Province tomorrow para ma-gather ang mga monetary support for her

Tama po si prof Pajay, you can deposit kay Jen na pinakamalapit sa kay yanah right now, through western union or kay pogi (ilo) cano na pwede ko pong ibigay ang mga contact numbers nila para matawagan or matext niyo ng western union code.

Salamat din kay Kosa na kahit sa canada ay handang tumulong through Prof Pajay at Dee.

Thank you po sa lahat...kami ng misis ko ay halos maluha luha sa maaga at mabilis na respond ng mga bloggers. What a story to tell. What a touching moment. Right Pope and Nebz.

Anonymous said...

Nag-send po ako ng SMS sa number na ibinigay niyo rito pero hindi kayo nakapag-reply. Siguro landline po yan.

Tatawag sana ako, 10:210am ngayon dito, hindi ko alam kung anong eksaktong time dyan ngayon. Huhmn... Malamang sa email niyo nalang po.

Ken said...

Anonymous, got your email and replied. Thank you so much. It's a mobile number pero di ko pa nareceive text niyo. We personally look up to you. Thank you again.

Anonymous said...

hay nakakatauwa naman..... mabuhay ka meyn!

BlogusVox said...

I'm waiting for the bank account number where I can transfer the money. Please email it to me ASAP.

Ken said...

Sir, ed, nagemail na po ako ng account number, sorry for the delay. Thank you po ulit lalo sa sa inyo at kay mighty dacz sa pagrepost nito sa inyong sariling blog... Salamat!

2ngaw said...

Nice Project pre!!!Saludo ako sa inyo!!!

At sana hindi ito ang huling pagtulong sa mga nangangailangan...

Sayo yanah, hangad ko na maging maayos lahat ng pinagdadaanan mo...

AJ said...

si yanah po ba of sharjah ang tinutukoy dito. ?..let me know how could we of help too :D

ps: i was trying to meet her personally pero bigla sya nawala..

rgds

sana magtuloy tuloy ang ganitong bayanihan sa blogosphere..

Ken said...

Atty Cm, thanks for initiating the PRAYER FOR YANAH...overwhelming po.

Josh, yes, Yanah aka Ms. Twitch of Dubai. Salamat. Please get in touch with her. Anything will do! Prayer is the best way.

Aethen said...

I was happy to hear about this good cause to help a fellow Filipino. I thought the spirit of "bayanihan" has no meaning nowadays. Saludo po ako sa inyo!

Padayon!